Chapter42

Sumakay na ako sa kotse ko. Nasa bandang likod ako, mayroon pa na nasa unahan na kotse, Nagiintay na lang ako ng signal, nagsalita pa nang kung ano ano ang emcee tsk daming daldal 100m ang bubunuin namin para makarating sa finish line.

"Participant's, start you're engine!" sigaw ng emcee, kaya naman in-start ko na ang kotse ko.

"Get, ready!"

3

2

1

"Go!"

Pagkasabi ng 'Go' agad ko nang pina-andar ang kotse ko. Pinabilis ko ang takbo ng kotse ko, hanggang maging pang-apat na ako. Kaya mas binilisan ko pa, para maunahan ang nasa pinakaunahan. May nagbalak pa sanang bangain ako mula sa likod, pero mas binilisan ko pa ang kotse ko. Binangga ko ang pangatlo sa kotse na nauuna sa'kin at tumalsik ito kaya naging pangatlo ako pinabilis ko pa ang kotse ko. Hangang high speed na ang takbo ng kotse ko, nang makapantay ko ang panglawang kotse ginigitgit ko ito, hanggang sa tumaob na ang kotse nitong minamaneho. Wala silang magagawa, dahil ganito ang kalakaran sa drug race na ito.

Medyo malayo na ang pang-una, pero hindi ako papatalo. Pinaandar ko pa ng high speed ang kotse ko.

Nang maabutan ko na ang nasa unahan, agad akong lumapit rito para gitgitin. Pero hindi ko pa nagigitgit ang kotse, nakakalyo na ito. Ang bilis niya, shit! Pinabilis ko pa ang kotse ko, hindi ako papayag na hindi siya maabutan. Malapit na sana ako sa kotse niya, nang banggain niya ako kaya med'yo nahuli na naman ako. Hinabol ko ito, nang malapit na naman ako sa kanya binangga na naman nito ang kotse ko. Kaya nauuna na naman s'ya sa akin. Nang makalapit na'ko sa kanya nang tuluyan. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon at binangga ko na ang kotse nito. Kaya tumalsik ito, pero hindi tumaob ang kotse n'ya kaya nakahabol pa ito sa'kin. Nang malapit na kami sa finish line, binangga ko na ang kotse na ang kotse nito. Kaya naman napunta ito sa gilid, nagkaroon naman ako nang pagkakataon para maging unahan. Hanggang sa marating ko ang finish line, hindi na nakahabol ang kaninang binangga ko. Tch, basic. Nang bumaba na ako sa kotse lumakas, ang sigawan sa paligid. Arrg ang ingay nila.

"Ang nanalo ay ang number 4! Congratulations!" sigaw ng emcee. Kinausap lang ako saglit ng coordinator. Pagkatapos ay umalis na ako. Sila naman na raw ang bahala maglagay nman sa account ko ng 10 millon na pera na panalo ko. At saka ang car na Bugatti ipapadala na lang nila sa mansion. My new collection na naman ako tsk.

Pumunta na ako sa isang bar para uminom saglit. Bakit ako nakapasok tch basic lang kase ang may ari nito ay ang Lolo ko, babaero kase ang matandang 'yon. Ang problema, naubusan raw ng vacant na vip. Kaya naman nagtyatyaga ako ngayon rito sa maingay na paligid. Bahala na. Habang umiinom ako ay may biglang lumapit sa akin at inaya akong sumayaw.

"Hi, puwede ka bang maisayaw?"

"Mukha ba akong marunong sumayaw?" seryosong tanong ko, tch mga istorbo.

"Ang sungit mo naman..." aniya at umalis na. Maya maya lang may isang lalaki na naman ang pumunta sa puwesto ko.

"Hey, nag-iisa ka? Wala ka bang kasama?"

"May nakikita ka ba?" tanong ko, common sense na lang 'di ba? Kailangan pa itanong tch.

"Ikaw talaga, I'm Keib! How about you?" tanong nito.

"Hindi ko basta basta binibigay ang pangalan ko... " ani ko at lumaklak ng alak.

"Hahaha, gano'n ba? Parang ang sama naman tingin mo sa akin?"

"Tch..."

"Puwede bang sumama ka sa akin?"

"Hindi..." ani ko. Maya maya lang ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Bakit kaya bigla akong nahilo? Hindi naman ako ganito dati. Nakita ko naman na nakangisi ang lalaki sa akin, kahit med'yo nahihilo na ako. Nagpabaya pala ako hay, tiyak akong nilagyan ng lalaking 'yon ng kung ano ang inumin ko.

"Ngayon akin ka na..." bulong nito at nakita ko pang tumayo ito at nilapitan ako. Maya maya lang ay bigla na lang tumumba ang lalaki. Pero ako ay sobrang nahihilo pa rin.

Patulog na sana ako nang maramdaman kong parang tumaas ako at parang may bumuhat sa akin. Hinayaan ko na lang ito, dahil sobra talaga ang antok ko.

"Tch, ang babaeng ito. Gabing gabi na kase pumupunta pa sa bar..." rinig kong bulong ng lalaki, parang pamilyar ang boses nito at ang amoy. Para bang kilala ko na siya.

"Pasaway ka talaga!" med'yo inis na aniya, med'yo natatawa na lang ako kase kahit inaantok ako. Malinaw kong naririnig ang mga sinasabi niya.

Maya maya lang naramdaman kong binaba na ako nang kung sino mang bumuhat sa akin. Pipikit pa lang ako ng parang umikot ang sikmura ko.

"Para akong nasusuka..." bulong ko.

"Sh*t, huwag ka diyan sumuka!" sigaw ng lalaki.

"Eh... nasusuka na ako..." ani ko.

"Do'n ka sa labas! Kotse ko 'yan, ano ba Konaide!"sigaw nito at bigla na lang ako binuhat palabas at itayo at sakto naman na napasuka na ako. Nag-ubo ubo ako at nagising na sa pagkakalasing. Kaya malinaw ko na ngayon na nakikita, kung sino ang lalaking kasama ko.

"Ano, maayos ka na? Ito tubig, para mahimasmasan ka..." aniya at inabot ang tubig, agad ko itong nilagok.

"Anong ginagawa ko rito?" tanong ko kay Shadow.

"Hay, ihahatid na kita sa bahay niyo. Pasalamat ka na lang at dumating ako, kun' di baka napagsamantalahan ka na ng lalaking 'yon. Tch, bakit kase gabi na nasa bar ka pa..."

"Senesermunan mo ba ako?" tanong ko.

"Oo, kase ang pasaway mo. Tara na ihahatid na kita!"

"Hindi na, kaya ko na..." bulong ko. Maya maya lang napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit.

Muntikan na sana akong matumba ng saluhin ako ni Shadow. Bakit ba palagi siyang nasa tabi ko, kapag kailangan ko ng tulong. Binuhat ako nito at sinakay sa kotse niya. Wala na akong nagawa, kun'di magpahatid sa kaniya. Nang makaramdam ako ng antok agad na akong nagpalamon dahil hindi ko na kaya ang antok ko. Ano ba kaseng nilagay ng lalaking 'yon sa inumin ko. Pagnagkita ulit kami, sisiguraduhin kong hindi na siya sisikatan ng araw tch.