Chapter 41 Kairhara Pov
7pm may pupuntahan ako, nagsuot lang ako ng red na jacket na may hood at maskara na ang bibig lang ang kita. Dumaan ako na lang ako sa bintana, dahil baka isumbong pa ako pagnakita ako ni Butler. Isumbong pa ako no'n kay tanda, may sisingilin lang ako. Pumunta ako sa parking lot at kinuha ang motor ko pinaandar ko na ito. Tinakot ko pa ang guard namin para palabasin ako, magsumbong s'ya papatayin ko talaga siya. Hininto ko ang kotse ko sa madilim na parti ng isang bar nilagyan ko na ng silencer ang baril ko at bumaba na ako sa kotse. Umakyat ako sa pader ng bar, dahil hindi ako puwedeng dumaan sa main. Pagbaba ko may isang taga bantay na nakakita sa'kin. Agad ko itong tinutukan ng baril.
"Sino k---" hindi na nito naituloy sasabihin nang nang hampasin ko ito sa ulo ng baril tsk.
Pumasok ako sa fire exit ng bar. May nagbabantay do'n, pero agad ko rin na pinapatulog. Pagpasok ko sa loob nagtago ako sa madilim na parti ng bar at inasinnta ang target ko tsk. Napaka landi nman nito pero sulitin na niya ang huling gabi niya sa mundo. Agad kong pinutok ang baril ng maasinta ko na ang ulo nito.
Pagkatapos umalis na ako sa pwesto ko ng masiguro ko na patay na ang target ko. Lumabas rin ako sa fire exit para walang makakita sa'kin. Paglabas ko tumalon ulit ako sa bakod sumakay na ako sa kotse ko at dumeretyo sa Drug race field. Gusto ko lang mag-celebrate dahil may isa na naman akong nasingil. Habang naglalakad ako papasok sa Drug race field may mga taong nakatingin sa akin. Maya maya lang may lalaking lumapit sa akin.
"Miss saan ka pupunta?"
"Tsk, use you're common sense..." inis na ani ko.
"Miss, sure ka dito ang punta mo? Baka naligaw ka lang hahaha!" ani pa ng lalaking 'to mukang racer din siya. Hindi ko na s'ya pinansin. Ang daldal eh, ang sakit sa tenga.
"Lalaban ka talaga, kung ako sa'yo huwag na haha! Baka umiyak ka lang!" ani pa ng lalaki na ito na may pang-aasar. Kaya nag tawanan din ang mga racer dito na kasama namin. Ang dami nilang daldal, tignan na'tin mamaya sa race kung makadaldal pa kayo tch.
"Tsk..." sagot ko nal ang at nag-ayos na. Sinuot ko na ang helmet kase delekado ang race na 'to iligal ito. Nalaman ko lang sa mga demonyita kong kaibagan tsk first time kong lalaban dito sa pilipinas pero 'di na bago sa'kin iyon. Dahil noon pa lang sa Japan lagi na akong nagtatop 1 sa race, mapaligal or illigal.
"Sigurado ka na ba talaga, Miss?" tanong pa ng lalaki na kanina pa daldal nang daldal.
"Hoy pre, tama na baka 'di pa nag-uumpisa umiyak na 'yan!" ani naman ng lalaki, ewan ko kung sino. Napansin ko rin, kaya pala nila ako pinagtawanan dahil ako lang ang babaeng lalaban rito. Ngumisi na lang ako sa lalaki, akala nila baka sila ang umiyak mamaya.
"Firstime na may lumaban rito na babae ah?" tanong pa ng isang racer.
"Huwag lang sana siya, madepres pagnatalo siya! Haha!" ani pa ng lalaki na kanina pa ako niyayabangan. "Huwag kang iiyak ha? Good luck baka, last day muna sa mundo!" sabi pa nito, nginisihan ko naman na lang ito, masiyadong confident sa sarili tch. Lumabas na ito, kaya naman lumabas na rin ako para maghanda na.