Chapter 38
Dumiretsyo na ako sa headquarters at nagbihis at muli ko na namang sinuot ang aking mask pag ako si Devil Princess, pagkatapos pumunta na ako kung nasaan nila dinala ang pinapakuha ko. Payback time, ngayon na ang panahon kaya naman humanda na sila.
“Where is she?” tanong ko sa dalawa.
“Nasa totur room na, Kai!” Ani Keys, tumango ako at lumakad na papuntang basement nakita ko Ang isang babae na mahimbing na natutulog Kaya lumapit ako at sinaksak ang braso nito nang dala kong kutsilyo. Napangisi ako ng sumigaw ito sa sakit. Nasisiyahan tuloy ako dahil nakikita ko siyang nasasaktan.
“Sino kayo?” tanong nito sa amin at pinipilit na kumawala sa pagkakatali.
“Woah, really? Hindi mo kami kilala?” mataray na tanong ni Keys. A. K. A, Black Tiger. Si Dave naman ay Black Lion. Sila ang mga maasahan kong mga kaibigan. Malalakas rin sila, pero minsan tanga rin.
“Hindi ko kayo kilala! Anong kasalanan ko sa inyo? Bakit niyo ako kinuha?” sunod sunod na tanong nito. Tch, ang daldal.
“Are you sure, wala kang kasalan sa amin? Alalahanin muna baka kase may ginawa kang masama…” tanong ni Dave.
Ngumisi ako sa babae, at lumapit rito.
“Alalahanin mo lahat nang ginawa mo! Sagot?” sigaw ko at sinaksak ng kutsilyo ang braso nito. Napahiyaw muli ito sa sakit. Ngumisi lang ako rito at mas diniin ang kutsilyo sa pagkakasaksak. Nang makuntento na ako, binunot ko rin ang kutsilyo ng biglaan. Kaya napasigaw ito sa sakit. Wala pa akong balak patayin ang babaeng ito, pahihirapan ko lang.
“Tama na, please!” umiiyak na ani nito. Napa ‘tss'na lang ako at sumenyas sa mga kasama ko na dalhin ang babae at sumunod sa akin.
Dinala ko ito sa isang gun firing, naisipan ko lang para may thrill. Na-eexcite tuloy ako na makita ang katulad niya na nagmamakaawa.
“Itali niyo siya nang maayos sa shooting board. Kapag nakawala ‘yan, kayong dalawa papatayin ko…” ani ko sa dalawa ginawa naman nila at pagkatapos bumalik na sila sa pwesto namin.
“Wow, im so excited! Ano ba gagawin na’tin?” tanong ni Dave. Napangisi naman ako rito.
“Anong gagawin na'tin?” tanong ni Keys. Kaya naman pinaliwanag ko ang gagawin nila.
“Easy mechanic, nakikita n'yo ang ulo niya? Saka ang bilog na line malapit sa ulo niya? Simple, kailangan matamaan niyo ‘yun may apat na chance lang kayo para matamaan ang target.”
“Tsk , easy lang pala eh!” ani ng dalawa kaya ngumisi ako.
“Oh, wait. I’m not done yet, kailangan naka-piring kayo!” ani ko at ngumisi sa dalawa na akala mo gulat na gulat. Alam kong mahina sila sa ganito, kaya perfect sila sa ganitong laro.
“What? Are you f******g crazy, Kairhara?” gulat na gulat na tanong ng dalawa.
“Gagawin niyo o, kayo ang ilalagay ko ro’n at babarilin ko kayo?” pananakot ko sa dalawa, pero kapag tumanggi sila gagawin ko talaga ang sinabi ko.
“Ito naman, syempre gagawin namin. ‘Di ba nga, Dave?” ani Keys.
“Yeah,” sagot ni Dave at kinuha naman ni Keys ang baril at tinignan muna nito ang paligid ng target, bago siya piniringan ni Dave.
“Ready--
“Wait, iikot mo muna ng sampung beses, para may thrill!” ani ko.
“Ano? Ayos ka lang ba talaga ha? Nababaliw ka na ba, baka mapatay ko ‘yan…” angal ni Keys.
“Ayaw mo? Madali lang naman ako kausap, Dave ipalit mo siya d’on at ako ang babaril. Sorry na lang, kapag pinaglalamayan ka mamaya…” ani ko na may pagbabanta.
“Ito na nga, sige iikot muna ako para matapos na…” sinimulan naman ikutin ni Dave si Keys, ako naman ang nagbilang.
Pagkatapos ng sampung beses na pag-ikot. Napangisi ako ng marinig ko ang putok ng baril. And sad to say wala siyang natamaan.
“F*ck you! Sino ba kayo! Pakawalan niyo ako rito, ayoko pa mamatay!” sigaw ng babae.
“Ano may natamaan ba?”
“Sad to say, wala pero may tatlong chance ka pa. Galingan mo kase…”
“Paano kase, wala akong makita. Baka kase mapatay ko siya…” ani Keys, takot na takot sabagay bihira lang siya pumatay kapag may atraso lang sa kaniya. Usually ako o si Dave ang pumapatay sa mga target namin.
Muling umasinta si Keys, na akala mo may nakikita. Pagkatapos ipinutok muli nito ang baril sa pangalawang pagkakataon. Napangisi ako ng sumigaw ang babae
“Aray! Tama na pakawalan niyo ako rito! Tama na, please!” umiiyak na palahaw nito. Parang daplis lang eh. Ang arti, kung ako babaril diyan ulo talaga ang pupuntiryahin ko. Para patay.
“Sayang konti na lang, ulo na sana…” ani Dave.
“Gago ka talaga!” ani Keys at muling ipinutok ang baril, natatawa na lang ako nang bahagya habang pinapanod sila at umiiyak naman sa takot ang babaeng target. Sa pangatlong pagkakataon muling nadaplisan sa tenga ang babae.
“Tama na, please! I’m scared na!” maarteng ani ng babae. Tch, pasalamat na lang ang babaeng ito mga tanga bumabaril sa kaniya. Kung ako ‘to, baka patay na siya kanina pa. Malapit na akong mainip sa mga napapanood ko.
“Last one chance, Black tiger…” ani ko at ngumisi. Ipintok muli nito ang baril at this time wala siyang natamaan.
“Hay, ano ba ‘yan walang tumama sa target…” ani Keys ng alisin nito ang piring.
“And your next, black lion…” ani ko, ginawa naman nila ang proseso bago bumaril si Dave. Tulad ng inaasahan ko, wala siyang natamaan.
“Wala kang natamaan, galingan mo naman…” pang-aasar ni Keys.
“Tsk, ang yabang mo!” ani Dave at muling bumaril. Halos matawa naman ako ng umiyak sa sakit ang babae ng madaplisan ito sa braso.
Sa pangatlong pagkakataon, walang natamaan si Dave. Ang tanga talaga nila.
“Tch, last one…” ani ko. Pagkatapos ito iputok ang baril, muling napahiyaw ang babae. Natamaan kass ito binti.
“Nakakainis naman…”
“Tch, more practice pa. Para maging magaling kayo…”
Ako naman ang nagsuot ng piring at Kinuha ang ang baril ko, at napaikot ng sampung beses bago ko sunod sunod na binitawan ang apat na bala. Ganito ako ka-confident na hindi ko matatamaan ang babaeng naroon.
“Woah! Ang galing mo talaga, wal ka talagang kupas!” manghang ani Dave.
“Ang galing mo talaga, kaya bilib na bilib ako sa’yo e!”
Napa ‘Tch…’ na lang ako sa kanila at tinago ang baril at pinuntahan ang babae at sinuntok ito sa sikmura. Tch, wala trip ko lang na suntukin siya.
“Ahhh… please pakawalan muna ako…” ngumisi lang ako rito at sinampal siya. Anong akala niya, maaawa ako sa kaniya. In her dream.
Keys pov
Grabe talaga si Kair, wala pa ring kupas. Dala dala namin ang babaeng ‘to, habang nakasunod kay Kair. huminto kami sa dalawang aquarium isang puro yelo at ang isa puro alcohol. Ewan ko ba, ang brutal talaga ni Kair, kapag may sinisingil eh. Ano kaya kasalanan ng babaeng ito kay Kair? Good luck na lang talaga sa babaeng ito, kung makalabas pa siya ng buhay.
“Ilagay niyo na ang babaeng ‘yan sa loob. Kayo na bahala, siguraduhin niyong, makikita ‘yan nila Mondragon…”aniya at ngumisi at parang demonya na bigla na lang tumawa.
“Okey, sige!”sagot naming dalawa.
“I have to go, may mga dapat pa akong gawin…” aniya at iniwan na kami. Napailing na lang ako habang papalayo ito, ibang klase talaga siya.
Pinagtulungan namin na ilublub ang babaeng ‘to sa aquarium, binabad namin s'ya nang 30mins then nilublub naman namin ito sa alcohol. Pumalahaw naman ito sa hapdi, med'yo naaawa na nga ako eh, pero sorry siya dahil ang princess namin ang kinalaban niya.