Chapter 71

Aviena's POV

“I said I want mango!” reklamo ko sa kaniya.

“That’s mango?” patanong na saad niya.

“Paanong naging mangga ‘yang gayong mukhang baba?” tanong ko na nginiwian pa siya. Napaawang naman ang labi niya bago napatingin dito.

“Huh? Why do you think so? That’s how mango supposed to look like?” mahinahon niya pang tanong kaya hindi ko mapigilan ang samaan siya ng tingin. Nagagawa pa talagang sumagot! Hindi ko maiwasan ang iritasiyon na nararamdaman habang nakatingin sa kaniya kaya unti-unti lang siyang napanguso.

“Nakikipagtalo ka ba?” tanong ko na pinagtaasan pa siya ng kilay kaya unti-unti lang siyang umiling sa akin at bahagyang nataranta.

“I’m not… I just can’t find a perfect circle mango that you want…” aniya. Hindi ko mapigilan ang mapasimangot dahil lahat ng mangga binibigay niya’y panay may baba.

Napangiwi na lang ako at iritado siyang tinalikuran.

“Don’t be mad, Wife… I’ll still look for some…” aniya pa sa akin.

“Huwag na! Ang sabihin mo, ayaw mo naman talagang maghanap! Napipilitan ka lang naman talaga!” inis kong saad na hindi pa maiwasan ang mapairap sa kaniya dahil do’n.

Hindi ko alam kung bakit sobrang iritado ko rin nitong mga nakaraang buwan. Hindi naman aki ganito noong pinagbubuntis ko si Camillia, siguro dahil na rin wala akong magawang pagsungitan sa mga ganitong sitwasiyon noon but now I have him. Hindi ko na naman mapigilan ang maging emosiyonal. Napabuntonghininga na lang ako bago napapikit.

“Huwag mo nang hanapin, I’ll just eat whatever in the table,” ani ko na hindi na napigilan pa ang maiyak. Narinig ko ang mahihinang mura niya kaya mas lalo pa akong naiyak.

“Don’t even curse to me! I won’t forgive you,” seryoso kong saad na masamng tingin ang ibinigay sa kaniya.

“I’m not cursing you, Wife… I’ll find a perfect circle mango you want… Huwag ka nang umiyak,” aniya na sinubukan pang punasan ang luha mula sa aking mga mata. Mas lalo lang tuloy akong napahagulgol ng iyak dahil sa ginawa nito.

“It’s fine. I’ll just eat wha—” Bago pa ako matapos sa sasabihin ay agad na akong nabuhayan ng loob nang marinig ang boses ni Camillia na agad winewelcome ang kaniyang Ninong Tom, kasama nito ang kaniyang nobyo na si Hendry.

“Omg! Did you buy me food?” tanong ko kay Tom. Agad siyang napatango sa akin at pinakita ang hawak-hawak na crispy donut. Kulang na lang ay magtatalon ako sa tuwa. Hindi ko alam subalit madalas talagang gustong-gusto ko ang mga pinamimiling pagkain ni Tom at Hendry.

“Say hi to Tita and Tita’s baby, Evan,” aniya sa anak nila ni Hendry. They finally decided to adopt.

“Salamat!” Malapad ang ngiti mula sa mga labi ko roon habang ang katabi ko namang si River ay nakasimangot habang nasa akin pa rin ang mga kamay. Hindi ko maiwasan ang mairita sa kaniyang presensiya.

“Why are you frowning. Don’t I deserve to eat? Ayaw mo akong tumaba lalo dahil hindi mo na ako magagawang ipagmalaki?” tanong ko na agad ding sumama ang loob sa kaniya. Agad namang napaawang ang labi niya roon.

“What? No, Wife…” aniya na malambing pa ang tinig at marahan ang tingin sa akin. Hindi niya rin alam kung paano ako susuyuin.

“I’m not frowning at all.” Plastik pa siyang ngumiti sa akin kaya hindi maiwasan ni Tom na matawa sa aking asawa. Masamang tingin tuloy ang ibinigay ni River at parang ang sama pa ng loob niya. Panay ang ngiti niya sa akin subalit masamang tingin ang ibinibigay kay Tom na siyang naiiling na lang din.

“Thank you, Tom!” Malapad ang ngiti ko nang magsimula nang kumain kasama si Camillia na nalilibang din na buntis ako dahil sarap na sarap din sa mga pagkaing ibinibigay sa akin ng mga kaibigan at syempre ni River na halos ipadala ang lahat. ‘Yon nga lang, hindi ko alam kung bakit madalas akong masuya kapag galing sa kaniya. Hindi ko alam kung dahil ba sobrang dami kung magpahanda siya ng pagkain o sadyang hindi ko lang gusto na galing sa kaniya ‘yon.

Napatingin naman sa akin si River na siyang nanatili lang din ang mga mata sa amin nina Tom ngayon.

Tom randomly visit here, wala rin namang magawa si River dahil kaming mag-ina ang may gusto niyon.

Ang tagal din bago natuloy ang hang out together namin dahil ang daming gustong mangyari ni River. Hindi ko alam kung sinasadya niya na kapag tutungo kami sa bahay nina Tom, may biglaang lakad kaming pamilya or what. But that’s always the case.

Nailing na lang ako dahil masama pa rin ang tingin niya sa kanila kahit na alam niya namang may nobyo na si Tom. At kahit wala pa’y siya pa rin ang pipiliin at pipiliin ko. Hindi ko maiwasan ang mapairap sa kaniya kaya napanguso na lang siya bago nanlambing.

“Is there anything you want pa?” malambing niyang tanong sa akin.

“No matter what I like, hindi mo pa rin naman maibibigay. Sama lang ng loob ang makukuha ko sa ‘yo kaya huwag na lang,” ani ko na inirapan pa siya kaya kita ko ang pagnguso niya.

“I’m sorry if you think that way, Wife… That’s not really what I mean… I’m sorry…” mahinahon niya pang saad kahit nakikita ang pagkainis sa mukha ko.

“Just stay in your office for a while. I don’t want to see you at all,” ani ko kaya kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mukha.

“I don’t want to—” Isang masamang tingin lang ang ibinigay ko. Halos hindi na nga pumapasok ang isang ‘yan sa kaniyang opisina dahil lagi na lang ding narito.

Bumulong naman si Pride Sandoval na nakikikape rito sa amin. Kasama ang kaniyang asawa na si Veron. Kanina pa sila natutuwang pinapanood kami ni River dito. They always like to watch us bickering with each other. Si Pride ang pinaka-nag-eenjoy doon.

“Huh! Talagang umalis nga!” Hindi ko maiwasan ang iritasiyon sa akin nang nasa sofa na kami at talagang nagtungo sa opisina si River. Bukod sa pinaalis ko, may tumawag din sa kaniya.

“Girl, correction, pinaalis mo,” ani Tom sa akin na natatawa habang hawak-hawak si Evren na nakikipagkwentuhan din kay Camillia. Camillia was actually lending her toys to Evan. Naiiling na lang ako nang subukan pang agawin ni Klein ‘yon.

“Why are you lending him our toys? I told you that it’s only ours!” reklamo ni Klein kay Camillia na napasimangot sa kaniya.

“Because Evan is our friends too,” ani Camillia. Mahinang kinotongan ni Veron ang anak.

“Huwag kang madamot, Klein,” ani Veron sa kaniya.

“He’s only getting mad when it’s Camillia’s lending things to others. I think he’s obsess with Camillia’s attention,” ani Calvin kaya naman agad na napangiwi sa kaniya si Klein.

“I’m not!” malakas na sigaw ni Klein at nagbardagulan na nga silang dalawa. Wala pang gustong huminto hanggang hindi sila nabibigyan ng mother’s hit. Hindi ko na lang maiwasan ang mangiti sa mga ito ngunit unti-unti lang ding nawala ang ngiti sa aking mga labi nang maalala si River na siyang iniwan ako rito.

Hindi ko tuloy mapigilan ang pagiging emosiyonal kaya kahit na nakaalis na amg mga kaibigan. Medyo masama pa rin ang pakiramdam ko.

“Mama, where are you going po?” tanong ni Camillia sa akin nang palabas na ako ng kwarto matapos naming mapagpasiyahan nang matulog. Nagtatakang nakatingin sa akin si Camillia kaya isang tipid na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya.

“I’ll go to Papa’s workplace. Let’s go to Papa’s workplace,” nakangiti kong saad sa anak na napatingin sa akin. Noong una’y mukhang nag-aalinlangan pa siya subalit bandang huli’y agad ding napatango.

“Yes po, Mama. Let’s go na!” Malapad ang ngiti sa kaniyang mga labi nang hawaka ako sa kamay. Siya pa ang nagbukas ng pinto. Pinaninindigan na naman ang usapan nila ng kaniyang ama na kapag wala ang ama niya’y siya ang magiging body guard ko. Hindi ko maiwasan ang matawa roon bago ginulo ang buhok nito. Napangiti na lang din si Camillia sa akin.

Napangiwi naman ako nang nasa sasakyan na at nag-tetext na naman si River. Tinatanong kung ayos lang ba ako, kung anong gusto kong kainin at miss na raw ako. Miss pala! Miss pero hindi pa niya magawang umuwi! Magaling din talaga! Nakaka-badtrip talaga!

“Why are you getting mad again with your phone, Mama?” tanong sa akin ni Camillia na may inosenteng mga mata. Hindi ko naman maiwasan ang ngitian siya bago ko ginulo ang kaniyang buhok.

“Mama’s not mad at all,” sambit ko kaya nilingon niya ako tila naniningkit pa ang mga mata. Mahina na lang akong natawa bago ko ginulo ang buhok niya.

Nag-aalinlangan pa ang ilang body guard ni River kung dadalhin ba ako sa opisina. Matalim ang mga mata ko habang humalukipkip.

“Bakit? May tinatago ba ang asawa ko kaya ayaw niyo akong dalhin doon?” tanong no habang nakataas ang kilay sa kanila. Agad silang natakot dahil sa tingin at agad-agad ding umiling.

“Ay, nako, wala po, Ma’am! Baka lang po mapano kayo, kami po malalagot kay Sir…” anila na medyo nataranta pa.

“Huwag kayong mag-aalala, malalagot din sa akin ang isang ‘yon. Ayaw palang mapano ako pero umalis pa ng bahay!” Hindi ko mapigilan ang reklamo ko kaya napatingin sa akin si Camillia kaya agad akong kumalma. Si Camillia talaga ang pangpakalma ko nitong mga nakaraang buwan. My daughter is too sweet. I can’t afford not to think about her at all.

Mayamaya lang ay nakarating na rin kami sa opisina ni River. Hawak-hawak lang ni Camillia ang kamay ko. Nagawa pang sumunod ng ilang guards. I don’t mind it at all dahil gusto ko pa rin naman ang kaligtasan ng baby ko.

“Good evening, may I ask where’s River?” tanong ko sa ilang empleyado ni River na halos umiwas sa akin ng daan kahit mukhang namamangha na napapatingin sa akin.

Agad nilang tinawag ang secretary ni River na siyang narito sa baba at maraming dalang pagkain.

“Ma’am, nandito po pala kayo! Nasa taas po si Sir,” aniya na iginiya kami roon ni Camillia.

“Daddy really have a big company, ‘no, Mama?” tanong ni Camillia sa akin kaya napatango ako at ngumiti na lang din. Papasok na kami sa kaniyang opisina nang maningkit ang mga mata ko matapos makitang may kausap siyang babae. Huh! Kaya pala nagtungo pa rito, huh?

“Excuse me lang, Miss, kokotongan mo lang ang asawa ko,” iritado kong saad sa isang babaeng nasa tapat ni River.

“Right, that’s Mama’s husband,” ani Camillia na naka halukipkip din sa gilid ko.

Napangiwi ako nang makita ang isang sexy’ng babae na may malaking hinaharap. Hindi ko mapigilan ang pagsimangot sa akin nang maalala na ganiyan nga pala ang tipo ni River. ‘Yong may malaking boobs na malakas ang sexual appeal.

“Po?” Nagulat ang babae dahil sa inasta ko.

“Wife? What are you doing here? Why did you go out? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Are you okay?” tanong niya na agad pa akong hinawakan subalit agad ko lang ding iwinasiwas ang kaniyang kamay.

“Do you think I would be fine to see you flirting with other girl?” tanong ko na masamang tingin ang ibinigay mah

“I’m not flirting with anyone, Wife… She’s just asking if would you like to be in the maternal shoot. She’s just discussing it… I’m sorry… I just felt like I want to forever take all of the memories while you’re pregnant…” aniya na sinubukan pa akong ngitian. Isang masamang tingin lang ang ibinigay ko sa kaniya bago siya inirapan.

Nauna na rin agad akong lumabas hawak-hawak si Camillia na siyang tinatantiya pa kung galit ako. I felt relief when he said that pero naiinis pa rin ako sa kaniya. Hindi ko na rin alam kung sa ano bang dahilan.

Agad naman siyang sumunod sa akin nang pasakay na kami sa elevator. Ang mga tao sanang sasabay, walang choice kung hindi ang umatras na lang din. Mas lalo lang sumama ang timpla ko habang nakatingin kay River.

Hanggang sa makauwi ay dire-diretso lang ako sa loob.

“Mama, I’ll just go with Nanny Ladies for now,” ani Camillia dahil binulungan siya ng ama. Tumango lang ako at ngumiti sa kaniya. Nanny Ladies already came here in Philippines after a months of staying in Amsterdam. Hindi rin natiis ang pangungulit sa kaniya ni Camillia.

Nasa kwarto na ako nang hawakan ni River.

“Wife, it’s not what you think—"

“Shut up! Don’t you even dare to touch me when you fucking touch that filthy woman. Don’t even talk with me!” Hindi ko na mapigilan ang sarili nang sigawan siya. Imbes na makinig ay mas lalo lang siyang lumapit sa akin at niyakap ako nang marahan. Ang kaninang galit na nararamdaman ay tila unti-unting humupa. Hindi ko rin mapigilan ang sariling maiyak na lang dahil sa pagiging moody ko ngayong nagbubuntis ako.

“You don’t like me anymore? Of course… I’m not sexy now. I still have a big boobs but you can’t even touch it know. You fucking disgusted at me, don’t you?” emosiyonal kong saad kaya mas lalo lang niyang sinubsob sa aking leeg ang kaniyang mukha habang hindi pa rin binibitawan ang pagkakayakap sa akin.

“Believe me, that’s not the case at all, Mahal ko… I know I just can’t control myself… I’m scared that I’m going to hurt you once I taste you… Fuck… I don’t even know how long I’ll last…” Napamura pa siya nang harapin ko siya para halikan.

“Damn it…”

“Don’t tease me like this…” aniya na hindi rin naman magawang tanggian ang mga labi ko.

“Damn… I love you so much…” bulong niya na para bang nanghihina na ngayon.

“If the multiverse is real, I hope every River Savellano will always have their own Aviena Savellano… ”

“At kung may susunod mang habambuhay, it will always you who I want to build my own family with… Mahal kita, Mahal ko. Araw-araw…”