Chapter 70
Aviena’s POV
“Ano? What happened?” tanong sa akin ni Veron nang sumilip siya sa banyo. Nag-shh sign lang ako sa kaniya habang tinitignan ang pregnancy test na siyang nasa lababo.
“Positive!” Impit na tili ko. Hindi naman na napigilan pa ni Veron ang mapatili rin dahil do’n. Halos ihagis ko sa kaniya ang pregnancy test na hawak dahil sa ingay niya. Hindi niya na rin napigilan pa ang sariling yakapin ako.
“Finally! Lalaki kaya? Sana lalaki, papabuntis na ulit ako kay Pride para naman totohanin kong peperahan ko ang pamilya niyo,” aniya pa sa akin kaya hindi ko mapigilan ang mailing sa kaniya.
“Ano? Sa walong pregnancy test, lahat positive?” tanong niya. Napatango naman ako roon kaya malapad siyang napangisi.
“Gagi, tuwang-tuwa niyan asawa mo panigurado! Nakita kong ginagawa ang prayer ritual ni Pride nitong nakaraang araw. Akala ko nga’y nasisiraa na nang bait dahil may kandila ba naman silang nakapalibot sa hide out,” aniya sa akin kaya hindi ko maiwasan ang matawa bago maipiling na lang.
It’s been year since the incident happened. The Dark Society tried to have partnership with the bachelor by giving a big set of weapons. They admitted their mistake. Nagtataka si Ate roon at maski ang iba pang miyembro ng Bachelor dahil hindi naman madalas na ganoon ang ganap sa Dark Society. They said that if someone wants to have a fight with them, hinding-hindi sila magdadalawang isip na ipagtanggol ang bawat miyembro nila. But up until now, maayos naman ang lahat. Walang kahit anong gulong naganap. Ate is still in rehab. Those people who did that to her are now rotting in jail.
We are not leaving in fear anymore. Nagagawa ring palakasin pa ng bachelor ang pwersa nila. Maybe because of having someone who they really want to protect now.
Ayos naman kaming lahat. I’m happy with my life right now. I’m happy living with Camillia and River. Idagdag mo pa ang pamilya ng bachelor na tila naging pamilya ko na rin dahil sa dalas ng pagsasama naming lahat.
Ikinasal rin ulit kami ni River sa pang-apat na pagkakataon pero hindi pa rin namin nasundan si Camillia. I just want to let Camillia enjoy having a Dad and Mom just by herself kahit na pa pareho na silang mag-ama na patuloy na nangungulit sa akin.
And now, we will finally have a little child now. Hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman ko ngayon. Bukod sa alam kong magiging masaya si River at Camillia, I was just so happy that I’ll finally have my little one now. Hindi ko rin maitago sa sarili ang kaba at saya na nararamdaman ko ngayon.
“Are you going to tell him now?” tanong niya sa kaniya.
“Beh, huwag muna! Isahan mo pa muna,” bulong niya pa sa akin bago sinabi ang mga kahalayan niya sa buhay. Hindi ko mapigilan ang mapailing at halos kotongan siya dahil sa mga pinagsasabi. Humalakhak lang siya nang mapansin ang pamumula ng mukha ko.
“Ewan ko sa ‘yo! Tigilan mo nga ako, Beh!” ani ko na nailing na lang sa kaniya. Tumawa lang naman siya sa akin bago napakibit ng balikat.
“Ikaw rin,” aniya na may malapad pang ngisi sa mga labi.
“What are you two talking about?” tanong ni Matilda na pumasok sa loob ng banyo. Agad na nanlaki ang mga mata niya nang makita ang lahat ng pregnancy test na positive ang nakasulat. Nagmadali siyang nanakbo patungo sa labas kaya nanlaki ang mata namin ni Veron. She’ll going to write a news about this again. Hindi ko mapigilan ang harangin siya. Mabuti na lang din ay may lahing runner ‘tong si Veron.
“Hoy, siraulo ka! Hindi pa nga nababanggit niyang si Aviena sa kaniyang asawa na buntis siya!” reklamo ni Veron sa kaniya.
“Banggitin mo na!” aniya pa sa akin. Desisyon din talaga ang mga asawa ng mga ito kahit kailan. Palibhasa’y sila ang laging nagdedesisyon sa ganap ng kani-kanilang asawa. Natawa na lang ako roon.
“Fine! Just tell me when you already tell him! Ako dapat ang una mong sasabihan!” reklamo niya pa sa akin kaya napailing na lang ako at wala ring nagawa sa kaniya kung hindi ang tumango.
“You’re going to tell someone what?” tanong nina River na umakyat sa taas. Kasama niya ang dalawa. Si Demon at Pride. Hindi ko nga alam kung paano nila natatagalan si Pride na sobrang daming sinasabi at daming gusto sa buhay. Napailing na lang ako habang nakatingin sa mga ‘to.
Siniko ko naman sina Matilda at Veron dahil nakataas ang kilay ng mga asawa namin.
“Hehe, wala! Bakit ba ang chismoso niyo? Hindi niyo ba alam ang girl’s talk ngayon?” tanong ni Veron na nakataas ang kilay sa kanila. Or should I say sa asawa na medyo nagtaka pa. Wala ring nagawa kung hindi ang mapakamot ang ulo dahil sa masamang tingin na ibinibigay ni Veron sa kaniya.
“Oo nga, bakit ba ang dami mong tanong, Rivs?” tanong niya pa kay River na siyang napangiwi lang sa kaniya dahil sa biglaang panlalaglag niya. Hindi ko maiwasan ang matawa at mapailing na lang din sa mga ito. Dire-diretso na rin naman kami sa pagbaba.
Nandito kami ngayon sa bahay nina Veron. Ewan ko ba sa anak niya. Mahilig talaga sa social gathering. Nangungulit daw si Klein na mag-imbita ng bisita. Balak pang butasin ang brief ng ama para lang pumayag ito. Walang choice ang mag-asawa kung hindi ang pagbigyan na lang din siya.
“I told you that that’s not what I want! Why are you so kulit? I told you that I like chocolage better!” tanong ni Klein kay Camillia nang inaabutan siya nito ng mint na candy.
“Just gave it to Calvin, Camillia, he likes mint,” ani Serenity na nasa libro pa rin ang mga mata. Agad naman napatalon sa tuwa si Camillia at iaabot na sana kay Calvin ang candy. Pasubo na sana ni Calvin ‘yon nang agad na inagaw ni Klein at mabilis na inilagay sa bibig.
Napaawang naman ang labi ko nang agad na sinuntok ni Camillia si Klein sa noo.
“You said you don’t like mint!” malakas na sigaw ni Camillia rito kaya nangingilid ang luha ni Klein. Agad naman akong lumapit sa kanila. Pagsasabihan ko na sana si Camillia when he just sit on front of Klein who just frickle her forehead.
“I said I don’t like it but you can’t just give it to anyone! I’ll still take it if it’s from you!” inis na saad ni Klein.
“Say sorry, Camillia. I told you that violence can’t do anything right. I told you that I won’t tolerate you for that, right?” sambit ko na masama ang tingin sa anak na siyang napanguso lang.
“I’m sorry, Mama…” aniya na napayuko pa.
“Did you hit me? Why are you saying sorry to me. You hit Klein,” ani ko kaya unti-unti itong napatingin kay Klein na agad hinarang ang katawan sa anak ko.
“Don’t be mad at her, Tit—” Bago niya pa matapos ang sasabihin ay mahina na siyang nakotongan ng ina na siyang masama rin ang tingin sa kaniya.
“Anong ibig sabihin nito, Klein Sandoval? Aba! Bagsak ka! Lumapit ka rito at makogongan ka pa,” ani Veron na may hawak-hawak na papel. Agad naman napatakbo si Klein na siyang humahagikhik pa.
“Grade doesn’t define who you are, Mama! Papa said that it doesn’t matter at all. Hindi nga raw po siya nag-aaral niyon. 75 kahit half day lang, paano pa raw po kaya kung whole day siyang pumapasok!” sigaw ni Klein habang hinahabol siya ni Veron na siyang wala ring kapaguran. No wonder she really run so fast. Nahinto lang siya dahil sa sinabi ng anak. Napatingin pa siya kay Pride na agad na napaawang ang labi dahil sa panlalaglag sa kaniya ng anak.
Agad na napatakbo si Pride Sandoval sa likod ng Bachelor pero tila humawi rin ‘yon nang dumaan si Veron na masama ang tingin. Napatawa na lang ako nang hawakan ni Veron sa tainga ang asawa habang hinihila palabas. Hindi ko maiwasan anv mailing dahil ang CEO na nirerespeto ng mga tao’y under naman talaga sa asawa.
Halos maghabulan pa sila roon kung hindi lang nagbanta sa kaniya si Veron na siyang galit na galit din talaga.
After the gathering, napagpasiyahan na rin naming umuwi nina River at Camillia. Nasa byahe kami nang random na nagtanong ang anak ko. Ito na naman ang pangungulit niya na magkaroon ng kapatid. I wonder how both of them will react when they realize that I’m pregnant.
“Ma, Tita Veron said that they will make a baby later at night. How about you and Papa? When will you create one? I can’t wait already,” she said kaya hindi ko rin maiwasan ang mapailing at matawa na lang doon.
“That’s right, Camillia. Convince your Mommy,” natatawang saad niya sa anak kaya hindi ko na lang maiwasan ang mapailing doon.
I didn’t say anything yet. I want to make it special. I know na hindi natuloy-tuloy ang plano ko noon ang now I would like things to happened. Hindi ko maiwasan ang ngiti sa aking mga labi the next day dahil gustuhin ko mang magtungo sa Ob-gyn, gusto ko na sa pagkakataong ‘to si River na ang kasama ko. That’s why instead of going there, I ended up in the mall just to buy a box to wrap my pregnancy test.
Kinagabihan, balak ko nang ibigay ‘yon kay River subalit nanatili ang panghaharot niya. We’re already in bed at hindi niya ako hinahayaang magsalita.
“I told you that I have something to tell you,” seryoso kong sambit kaya napataas lang siya ng kilay.
“Hmm, later…” aniya na hindi tinitigilan ang paghalik sa leeg ko.
“Camillia has been asking if she have a little sibling now. I need to work harder,” ani River sa akin bago natawa. Napatikhim naman ako roon at sinamaan siya ng tingin. He just laugh while he was on my neck.
“Do you want to give her now? Hindi mo pa rin ba kami pagbibigyan?” tanong niya pa kaya napailing na lang ako sa kaniya.
Napailing na lang ako at balak na sanang kunin ang box na naglalamang buntis ako subalit napatingin kami sa phone nang may tawag galing kay Demon.
Napanguso na lang ako dahil baka tungkol na naman sa trabaho ang usapan nila subalit tuluyang tumulis ang nguso ko nang batiin ni Demon si River.
“Congrats,” anito kaya nanlaki ang mga mata ko. Mate was probably the one who said things again with her husband. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang chismisan nang chismisan ang kaniyang asawa.
“What was that congrats for?” tanong ni River nang patayin ko ang tawag. Napalingon naman sa akin si River nang makita niya akong naglakad patungo sa gamit ko bago kinuha ang isang box. Hindi ko nagawang ibigay sa kaniya ‘yon dati but this time I have another one.
“I’m pregnant…” nakangiti kong saad sa kaniya kaya tuluyan siyang nahinto. Para siyang nabato-balani sa kaniyang kinauupuan bago ako nilapitan.
“We’re pregnant…” mahinang bulong niya bago hinawakan ang tiyan ko. Napaawang ang labi ko nang makitang namumula ang mga mata nito. How can he be that emotionless guy crying again because of his baby. Hindi ko mapigilan ang unti-unting pagngiti habang nakatingin sa kaniya.
“Papa will take care of you… And Mama this time, Mahal ko…” malambing niyang saad habang kinakausap ang tiyan ko. Hindi ko maiwasan ang mapangiti na lang doon. Hinalikan niya pa nang maraming beses ‘yon bago ako hinarap. Hindi ko maiwasan ang mapanguso nang siilin niya ako nang halik. Palalim na nang palalim subalit agad din siyang huminto kaya napakunot ang noo ko sa kaniya.
“What is it?” tanong ko na nagtataka rito.
“Should we stop now? I don’t want our bab—”
“The doctor said is fine…” ani ko kaya napailing pa rin siya.
“I don’t think it’s fine. I can’t be gentle knowing that I can finally take care of you and our baby now… I won’t be able to control myself, Wife,” aniya kaya hindi ko mapigilan ang mapailing bago siya tinulak.
“I love you…” bulong niya pa bago isang beses muli akong siniil ng halik.