Chapter 8
Nang makakain ng hapunan ay nagpaalam na rin ang mga magulang nito na uuwi na, inihatid
ito ni Tyger hanggang baba ngunit lumipas na ang ilang oras ay hindi pa rin ito bumabalik. Hindi
na naman siguro ito matutulog dito. Minsan gusto kong sundan ito kapag umaalis sa gabi, sa
isang linggo halos dalawang beses lang ito magpalipas dito ng gabi, mas madalas na wala ito.
Malapit na kaming mag isang buwan bilang mag asawa, at hindi ko pa rin ito lubos na kilala.
Ang mansion nito na malaki pero malungkot at masyadong madilim. Maging dito man sa
kanyang condo ay ganoon din, dark ang paligid lalo na sa kanyang silid. Pero ano nga bang
karapatan ko na panghimasukan ang mundo nito?
Katulad ng nakagawian ko ay hindi ko na ito hinintay pa at natulog na ako sa aking higaan, sa
sofa.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho, masaya ako at kahit papaano ay nalilibang
ako kaysa mainip lang sa condo maghapon. Abala ako sa pagpupunas ng mga libro ng
mahagip ng aking mga mata ang isang pamilyar na pigura malapit sa isang sikat na restaurant
na kaharap lang ng bookstore. Parang si Tyger, pero baka nagkakamali lang ako. At ganoon na
lang ang gulat ko ng tuluyan na itong lumabas ng restaurant, malaki ang pagkakangiti nito at
may kinakausap sa likuran nito. Hindi ako kumukurap at tinitigan itong mabuti hanggang sandali
itong tumigil at maya maya pa ay isang matangkad at magandang babae ang lumapit dito at
humawak sa braso ni Tyger.
" Hoy, sinong sinisilip mo dyan? " nagulat pa ako sa biglang pagkalabit sa akin ni Wendell.
" Sshhh, wag kang maingay " saway ko dito at muli kong ibinalik ang aking atensyon kay Tyger
na ngayon ay palabas na ng mall.
" Tinitingnan mo yung magsyota? Inggit ka noh? Madalas yan dyan sila, feeling ko mag asawa
yan sila " mahinang wika ni Wendell sa akin. Umayos na ako ng tayo ng mawala na ang mga ito
sa aking paningin.
" Paano mo naman nasabi na magasawa yan sila?" Curios kong tanong dito.
" May kaibigan ako dyan sa kabila at mag asawa nga daw yan. Grabe nga daw yung lalaki,
mahal na mahal yung babae eh. " kwento nito sa akin. Napatigil ako sa aking pagpupunas ng
marinig ang sinabi nito. Mag asawa? Pero ang alam ko kami ang totoong mag asawa. Sino ba
talaga si Tyger? Kung may asawa na pala ito, bakit kailangan pa nitong magpakasal sa akin?
" Natulala ka na dyan. Ang lalim ng iniisip mo ah " pukaw ni wendell sa akin. Napatingin ako dito
at bahagyang napangiti.
" May naalala lang ako . Trabaho na ulit tayo " yaya ko dito at bumalik na kami sa kanya kanya
naming pwesto.
Sandaling nawala sa isip ko ang tungkol kay Tyger dahil sa dami ng customer maghapon. Hindi
ko namalayan na uwian na naman.
Nagulat pa ako ng pagbukas ko ng condo ay nadatnan kong nakaupo sa sofa sa living room si
Tyger at busy sa pinapanood nito. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa suot kong relo, alas
sais pa lamang.
" Dito ka ba kakain, magluluto muna ako." Pukaw ko sa atensyon nito." No need, we were going outside later. " hindi lumilingon na wika nito sa akin. Tumango ako
dito kahit hindi naman ako nito nakikita. Lalagpasan ko na sana ito ng tawagin ako nito at iabot
ang isang black na paper bag na katamtaman lamang ang laki.
" Ano yan?" Curios kong tanong dito.
" Wear it, we will attend a party. Prepare yourself, we will go out at Six thirty." Seryoso pa ding
wika nito sa akin. Napamulagat pa ako ng aking mata ng makita kong fifteen minutes na lang at
aalis na kami. Kaya pala bihis na bihis ito. Mabilis akong tumalikod dito at dumiretso sa silid
nito. Mabilis akong naligo at agad na nagbihis. Ngunit napakunot noo ako ng mailabas ko sa
paper bag ang damit na isusuot ko. Black spaghetti dress ito na back less at napakahaba ng slit
sa gilid. Jusko, ano ba namang damit ito. Nagdadalawang isip man sa damit ay wala naman
akong choice kundi isuot ito, nagulat pa ako ng makita ko ang itsura ko sa malaking salamin.
Nakakailang, masyadong sexy ang damit na ito, kaunting pagkakamali ko ay siguradong
makikita na ang lahat sa akin. Hinalungkat ko ang mga gamit ko at nakita ko doon ang aking
lipgloss. Wala naman akong make up kaya ok na siguro ito. Bahala na. Huli kong inilabas sa
paper bag ay ang black sandals na three inch yata ang taas. Pinagtitripan ba ako ni Tyger, ni
hindi ko alam kung anong klaseng party ang pupuntahan namin at kailangan na ganito ang suot
ko. Muli kong tiningnan ang sarili ko sa malaking salamin at ng makuntento na ay lumabas na
ako ng kwarto. Naabutan kong nanonood pa rin si Tyger ng movie at ni hindi nag abalang
lumingon sa akin.
" Tyger " tawag ko dito. Tumayo ito at pinatay ang tv bago nagsalita.
" Let's go. Ang tagal mo naman yata makatapos mag - " naputol ang sasabihin nito ng lumingon
sa akin. Bahagyang umawang ang labi nito at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang
paa at mula ulo pabalik sa aking mukha.
" Tyger… " tawag ko dito, hindi ito kumukurap na nakatingin lang sa akin. "Tyger, tara na " muli
kong yaya dito. Saka pa lamang ito gumalaw.
" Kaninong damit yan ? " nakakunot ang noo na tanong nito sa akin.
" Ha? Diba ikaw ang nagbigay sa akin ng paper bag? Nakakailang nga eh, hindi ako sanay sa
ganito. Anong klaseng party ba ang pupuntahan natin?" Tanong ko dito habang inaayos ayos ko
ang aking mahabang buhok. Maya maya pa ay narinig ko na lamang itong may kausap na sa
kanyang cellphone.
" Hello Tricia. Yes, but I told you a simple black dress is okay, not… not like this." Sabi nito sa
kausap sa cellphone nito. Muli ako nitong tiningnan. Hindi siguro bagay sa akin. Napanguso pa
ako sa naisip ko "Tsk.. ok, ok. Bye." Paalam nito sa kausap nito at nauna ng maglakad palabas
sa pinto. " Let's Go ". Agad akong sumunod dito, hindi man lang ako hinintay. Hindi ako sanay
magsuot ng high heels kung kaya para akong tanga na nakasunod dito.
Wala kaming imikan habang sakay ng kanyang sasakyan, gusto ko sanang itanong kung anong
party ang pupuntahan namin pero nahihiya naman ako at baka hindi rin ako nito sagutin. Nang
pumarada ang sasakyan nito sa isang sikat na hotel ay bigla akong kinabahan na hindi ko
maintindihan. Napalingon pa sa akin si Tyger ng hindi ako gumagalaw sa aking pagkakaupo.
" Let's go, baka nagsisimula na ang party " yaya nito sa akin.
Lumingon ako dito " ah - kinakabahan ako. Ano bang meron dyan sa loob?" Inosente kong
tanong dito. Bahagyang kumunot ang noo nito.
" Birthday Party ng May ari ng MS Mall." Sagot nito sa akin." MS Mall? Ibig sabihin mayayaman lahat ang andyan sa loob? Nakakahiya naman" mas lalo
akong kinabahan sa nalaman. Paano kung magkamali ako sa loob. Jusko, ano ba naman itong
pinasok ko na ito.
" Don't be, Im your husband. " sabi nito bago ito bumaba ng sasakyan. Ay wow, lakas din talaga
ng bilib ng matandang to sa kanyang sarili. Ano naman kung asawa ko sya, joke lang naman
yun. Nagulat pa ako ng pagbuksan ako nito ng pintuan at alalayan sa pagbaba. " We are
husband and wife here, act naturally " bilin nito sa akin bago ako nito hinawakan sa aking
kamay papasok sa hotel.