Chapter 9

Nagkikislapang mga ilaw mula sa camera ang sumalubong sa amin ni Tyger pagbukas ng

malaking pinto ng venue. Wala akong makita at pakiramdam ko ay matutumba ako ano mang

oras. Napahawak ako ng mahigpit sa damit ni Tyger. Ilang sandali pa ay naramdaman ko

nalang ang paghapit nito sa aking baywang. Ramdam ko ang kamay nito na dumampi sa aking

hubad na likod.

" Relax, ngumiti ka lang. " bulong nito sa aking kanang taynga. At mas lalong nagkislapan ang

mga camera sa harap namin sa pagbulong nito sa akin.

" Here comes Mr. Dela Vega, together with her beautiful and sexy wife. " narinig kong anunsyo

ng emcee. Ang lakas ng tibok ng puso ko ng makita kong ang lahat ng mga mata ay sa amin

nakatingin ni Tyger. Napahigpit ako ng hawak sa braso nito. Maganda ang ngiti nito ng lumingon

ito sa akin at bahagya pa nitong inamoy ang aking buhok. Pwedeng pwede na itong maging

artista, ang galing umarte.

" Mr. Dela Vega, nice to see you here. Hindi ko alam na nag asawa ka na pala." Wika ng

lalaking kalbo na ay malaki pa ang tiyan. Nakangisi itong tumingin sa akin mula ulo hanggang

paa. Bahagya akong sumiksik kay Tyger ng magtagal ang tingin nito sa aking dibdib. Manyakis.

" I thought hindi ka makaka attend Mr. Montero?" Seryosong sagot dito ni Tyger. " How was your

case, balita ko bankrupt na ang kumpanya mo?" Nang aasar na tanong nito sa kaharap. Agad

na nagbago ang mukha ng kausap nito, galit at pagkapahiya. Walang salitang tumalikod ito sa

amin at pumunta sa karamihan. Napatingala ako kay Tyger, seryoso pa din ang mukha nito.

Nakakatakot naman.

Naging maayos naman ang lahat at kahit papaano ay nabawasan na ang nararamdaman kong

hiya. Nakaupo lang ako sa table na naka assign sa amin ni Tyger, at ito, kanina pa umalis at

hindi ko alam kung nasaan na. Kanina lamang ay natatanaw ko pa ito, pero ngayon ay kahit

anino nito ay hindi ko na makita.

" Paano natiis ni Mr. Dela Vega ang maganda niyang asawa na iwanan dito mag isa.?"

Napalingon ako sa nagsalita sa gilid ko. Gwapo ito at sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad

kay Tyger. " Russel " wika pa nito at iniabot sa akin ang kanyang kanang kamay.

Nagdadalawang isip pa ako kung makikipag usap ako dito, mukha naman itong mabait, at isa

pa, kanina pa ako dito nakaupo at walang makausap. Pinabayaan na talaga ako dito ni Tyger.

" Pia " inabot ko ang kamay ko dito at nakipag kilala.

" Where's your husband? " curios na tanong nito sa akin.

" Hindi ko alam, baka may mga kausap na kaibigan. " pormal kong sagot dito. Saglit akong

uminum ng tubig." Akala ko fake news lang yung nabalitaan ko na kasal ni Tyger, totoo pala." Nakangiting

pakikipag usap nito sa akin. Ginantihan ko din lamang ito ng ngiti.

" Do you need some dessert? Or wine?" Tanong muli nito sa akin.

" Busog na ako, hindi rin ako sanay uminum." Tanggi ko dito.

" Really? Nagbago na pala ang taste ni Tyger sa mga babae. " tumatango tango pa na wika

nito. Hindi na ako nagtanong pa kung anong ibig sabihin nito.

" Magkaibigan din ba kayo ni Tyger?" Ako naman ang nagtanong dito. Mukha naman itong

mabait kaya ok lang siguro na makipag usap ako dito.

" Yes… and No " napakunot noo ako sa sagot nito sa akin.

" Bakit yes at no?" Curios kong tanong. Hindi ako nito sinagot at nagkibit lamang ng kanyang

balikat.

" Do you want to know where your husband is?" Maya maya ay seryosong tanong nito sa akin.

Napakunot ako ng aking noo sa tanong nito.

" Saan?" Wala sa sariling tanong ko din dito.

" Kung gagamit ka ng CR mamaya, look at your left bago ka bumaba ng hagdan. " nakangisi

nang saad nito sa akin. Alam pala nito kung nasaan si Tyger, bakit nagtanong pa ito kanina sa

akin. Tsk. Hindi naman ito nagtagal pa at umalis na rin. Muli akong naiwan mag isa at hindi

mawala sa isip ko ang sinabi nito kung nasaan si Tyger.

Dahil nacurios ako kung nasaan ba talaga si Tyger, at naiinip na rin ako dahil may dalawang

oras na yata itong hindi bumabalik, naisipan kong gumamit ng banyo. Lumapit muna ako sa

isang waiter at nagtanong dito. Tama nga ang sinabi ng kausap ko kanina, nasa baba ang

banyo. Ayos ah. Habang naglalakad ako papalapit sa may hagdan pababa ay hindi ko

maiwasang kabahan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Totoo kayang

makikita ko dito si Tyger. Ano naman ang gagawin nya dito?

Ilang hakbang na lamang at nakikita ko na ang hagdanan ng kinakabahan akong lumingon sa

aking kaliwa. Madilim ang lugar na iyon ngunit alam kong may tao doon. At nang tumama doon

ang kaunting liwanag ay halos lumabas ang mga mata ko ng makita ko doon si Tyger na

nakaupo at nakikipaghalikan sa babaeng nakaupo sa kandungan nito paharap sa kanya.

Napakurap kurap ako at hindi alam ang gagawin. Jusko, totoo nga. Andoon ang kanyang

asawa, may kasamang iba. Napahawak ako sa aking dibdib dahil pakiramdam ko ay bigla itong

nanikip. At bago pa nito ako makita ay muli akong pumihit pabalik sa loob at nagdesisyong

umuwi na lamang.

" Oppss, sorry." Narinig kong wika ng lalaking nakabangga sa akin. " Pia, right?" Napatingin ako

sa mukha nito at ito pala yung kausap ko kanina.

" I- ikaw pala Russel." Nauutal kong sagot dito.

" Where are you going? Nasaan ang asawa mo ?" Tanong nito.

" Hindi ko alam. Inaantok na kasi ako, baka busy si Tyger kaya mauuna na lang ako" dahilan ko

dito. Sana ay hindi na ito magtanong pa.

" Let me give you a ride, tamang tama pauwi na rin naman ako. " nakangiti nitong alok sa akin.

" Naku wag na, nakakahiya naman." Mariin kong tanggi dito. Hindi ko ito masyadong kilala,

baka kung saan pa ako dalhin nito.

" Don't worry, hindi ako masamang tao. Ihahatid lang talaga kita, on the way din kasi ako. So…,

let's go?" Muling yaya nito sa akin. Napatango na lamang ako dito, hindi naman siguro masamang tao ito. At isa pa, baka

mahirapan din akong magantay ng taxi lalo pa ganito ang suot ko. Baka mas lalo akong

mapahamak.

Nauna na itong maglakad at sumunod lang ako sa likod nito. Nakita kong saglit na may

tinawagan ito sa kanyang cellphone. Paglabas namin ng hotel ay may nakatigil ng itim na

sasakyan doon.

" Let's go " yaya nito sa akin at pinagbuksan pa ako ng pintuan nito sa harap.

" Thank you " tipid kong sagot dito.

Nang makaupo na ito ay nagmaneho na ito ng kanyang sasakyan at ako ay ibinaling na lang

ang tingin sa labas.

" You can sleep for a while, alam ko naman kung saan ang condo ni Tyger. Gigisingin na

lamang kita kapag nakarating na tayo. " narinig kong wika sa akin ni Russel. Bahagya itong

lumingon sa akin at ngumiti.

Wala naman sigurong masama kung saglit kong ipipikit ang mga mata ko. Hindi naman ako

matutulog.

" Pia… Pia. " naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang bahagyang pagtapik ng kung sino

man sa aking pisngi. " we're here " napadiretso ako ng upo ng marealized na nasa sasakyan

nga pala ako ni Russel pauwi.

" Nasaan na tayo ?" Tanong ko dito.

" Andito na tayo, hindi na kita ihahatid sa loob. I still have to go somewhere else. " sabi pa nito

sa akin. Nakakahiya at nakatulog na pala ako.

" Thank you hah, pasensya na at nakaidlip pala ako. Ingat ka " nang ngumiti ito ay lumabas na

ako ng sasakyan nito at kumaway na lamang ako bago diretso ng pumasok sa loob ng condo

building. Naalala ko bigla si Tyger, nasaan na kaya ito.