CHAPTER 22: WILL YOU MARRY ME?
Lorrain P. O. V
HINDI KO ALAM KUNG saan ako dadalhin ni Jordan. Gusto kung hintayin si Darius dun sa bahay nalang kaya lang ang kulit ng baklang toh at sinabihan pa akong sumunod nalang sa kaniya kung ayaw ko raw mahulog sa bangin.
Nakatakip lang naman ang mata ko ng isang panyo. At gusto ko naman ang amoy kasi kaamoy nito si Darius. Basta ang alam ko lang ay naglalakad ako habang nakahawak siya sa braso ko para alalayan.
Hanggang sa maramdaman kuna ang simoy ng hangin kaya napahinto muna kami at niyakap ko ang sarili ko sa ginaw. Ngunit naramdaman ko nalang na wala na si Jordan. Kinapa ko siya kahit saan. Ngunit wala akong makapa. Hanggang sa may narinig akong yapak nag iingay ito dahil sa tuyo na sanga at dahon.
Ibig ba sabihin nun? Ay? Nasa mapuno na lugar kami?
"J-jordan? I mean J-jelly? I-ikaw ba yan? Wag mo naman akong takutin o wag mo rin akong iwan rito" sabi ko.
At akmang tatanggalin ko ang panyong nakatali rito sa may bandang mata ko ay may humawak sa pulsuhan ko at pinababa ito ramdam ko ang isang mainit na leather jacket sa may balikat ko kasabay nun ang pagtanggal ng blindfold.
Kumurap pa ako para makita ko ng maayos ang lugar. Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa gulat at kasabay nun ang rinig kung malamyong musika. Napapikit ako at pinakinggan iyon.
Ngunit pag mulat ko ng mata kasabay nun ang pagbukas ng mga iba't ibang kulay.
"Will you marry m-me?" basa ko rito.
Napatingin ako sa gilid ko kasabay nun ang pamumuo ng luha sa mata ko ng makita ko siyang nakaluhod ngayon sa harapan ko habang hawak ang isang magandang singsing.
"Mahal na mahal kita! Mapaglaro si Kupido dahil nung sinabi ko sa kaniya na ayaw ko sa mga manunulat heto siya at binigay ka niya sakin para isampal ang salita na wag sisihin ang mga manunulat dahil sa una palang may nakalagay na ng Warning: Work of fiction pero heto ako at sinisisi kayo sa katangahan ko. Nagbulag ako dahil mahal ko noon si Nica. Nagpapasalamat rin ako kay Kupido dahil pinana niya ang tama at magandang babae para sa akin. Hannah Lorrain Algoso can you be my wife? Will you allow me to marry you?" napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang paglabas ng hikbi roon ngunit hindi kuna mapigilan.
Nag alalang nakatingin ito sakin saka tumayo at agad pinahiran ang luha ko. Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya ng mahigpit.
"I-im sorry! N-nabigla atah kita"
"Yes" sagot ko sa kaniya
"N-nabigla kita?" tanong nito sakin.
"Yes! I will marry you!" sigaw ko sa tuwa at napayakap sa kaniya.
Gulat pa ang mukha nito pero sa kalaunay napangiti ito saka sinuot ang singsing sa daliri ko bago niya ako niyakap at hinalikan.
"I love you"
"I love you too" ganting sabi ko.
KANINA KO PA tinatawagan itong si Darius ayaw niyang sumagot. Hmp!. Ilang linggo narin simula ng mag propose siya. Masaya naman ako kaya lang naiinis talaga ako sa kaniya kasi gusto kung bumili ng peanut butter kaya lang wala siya rito.
"Jelly sige na please!" pakikiusap ko kay Jordan.
Pumunta kasi siya rito kasi may naiwan siya. Gusto ko na talagang makatikim ng Peanut Butter.
"Aalis na ako! Tumigil ka dyan baklita ka at baka inudnod kita dyan sige ka!" pagbabanta nito sakin.
Umirap nalang ako sa kawalan ng bigla nalang siyang umalis rito sa bahay. Tinawagan ko muli si Darius ngunit nakailang tawag ulit ako ng wala talagang sumagot. Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumayo at lumabas ng bahay.
Agad sumalubong sakin ang lamig ng hangin at ingay ng gabi. Naglalakad lang ako dahil ayaw ko naman mag kotse ewan ko basta ayaw ko lang. Hanggang sa narating kuna ang isang lugar na sobrang tahimik na hindi ko alam kung nasaan ako.
Oo nga pala hindi ko pa masyadong kabisado ang New York dahil hindi naman ako nandito para lang magbakasyon kundi para lumayo layo sa mga taong nanakit sa akin. Ganyan ako pag sobrang nasaktan na talaga ako ang ginagawa ko lang ay tumakbo at magtago sa mga taong nanakit sa akin.
At heto ako papakasalan pa ang isang taong nagdurog ng puso ko. Ngunit nalaman ko naman ang totoong nangyari. Pinagsisihan ko talaga dahil hindi ko siya ginising nun at ng masampal.
Ngunit masaya rin kalaunay kasi na realise ko na kahit sobrang layo niyo pa sa isa't isa pag kayo talaga ang itinadhana ay magtatagpo at magtatagpo talaga ang landas niyo.
Ng matahak kuna ulit ang daan papunta sa may grocery ay naghanap na kaagad ako ng Peanut Butter na nasa loob ng Jar. Habang naglalakad ako pauwi ay kain kain ko ang dala kung peanut butter.
Ngunit habang naglalakad ako ay may humintong isang van sa harap ko. At may lumabas na isang taong naka mask. Wala namang virus pero bakit naka mask siya?
"Ikaw ba si Lorrain?"
"Opo ako po iyon" magalang na sagot ko sa kaniya "Pero hindi lang naman ako ang nag iisang Lorrain sa mundo"
"Ngunit ikaw ang fiancee ni Mr. Sanchez?"
Tumango naman ako ngunit bigla niyang binuksan ang Van at sinabing pumasok ako. Ngunit doon na gumana nag utak ko at narealise kung sino ba talaga sila.
"H-huy!" sigaw ko at akmang tatakbo ng bigla niyang hilahin ang buhok ko "Arghhhhhhh!" sigaw ko sa sakit.
Saka niya ako tinulak papasok sa loob sinubukan ko pang magwala at buksan ang pinto ngunit rinig ko ang pag lock nito.
Paglingon ko sa lalaking ito bago ko pa makita ang mukha niyang walang mask ay ng may pinaamoy na siya sa akin na ikinawala ng malay ko.
Sana iligtas ako ni Darius. Sino ba kasi ang mga ito? Bakit nila ako kinuha? Anong pakay nila sa akin?
Ngayon ko palang nakuha ang sariling Happily Ever After tas ito pa ang mangyayari. Sa kasamaang palad pa ay hindi ko pa ito naranasang maisulat sa nobelang gawa ko kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko at eh rereact.