CHAPTER 11: I’M SORRY, MY LOVE

Lorrain P. O. V

TALAGA NGANG naiinis siya sakin kasi dumaan ang apat na araw na hindi niya man lang ako pinuntahan rito. Nakakainis siya. Pero naiinis rin ako sa sarili ko dahil inaway ko siya sa mababaw na dahilan.

Gumawa ako ng bagay na ikakasira namin at ito na ngayon. Ako ang nagdurusa.

Halos ma badtrip ako. Hindi niya ako pinuntahan rito.

May kumatok sa may pinto at dali dali akong tumakbo papunta roon para buksan ang pinto ngunit tulad nung nakaraang araw yung mga kaibigan ko yung nandito at naiinis ako. Nabbwesit kaya niya talaga akong tiisin? Akala ko ba mahal niya ako?

"Face reveal daw" nagsalita si Daph at umupo sa may sofa.

"Ayaw ko!" pagtanggi ko sa kanila.

"Hindi ka naman mapapahiya kasi maganda ka naman" sabi pa ni Jaycee.

"Ayaw ni Darius sa mga writer" mahinang sabi ko.

"Ano?!" sabay na sigaw nila.

"Dahil lang dun? Ayaw mo ng ipakita ang mukha mo sa buong mundo?"

"Bes' minsan kanang mabaliw dun sa gagong ex mo tas ngayon gosh! Nag iisip ka pa ba?"

"Mabait si Kuya DJ pero alam ko ang tungkol dyan sa galit siya sa mga writer" mahinang sabi ni Daph.

"Bakit nga ba? Writer rin ba ang ex niya? Ano? Sagutin moko?"

"Mahal muna siya?" pag iiba ni Daph sa usapan.

"Daph! Sagutin mo muna ang tanong ko"

"Sasagutin ko ang tanong mo kung sasagutin mo muna ang tanong ko"

"Oo! Mahal ko siya! Mahal kuna siya!" sigaw na sagot ko sa kaniya.

"Oo kaibigan ni Kuya Wyeth i mean lahat ng Kuya ko kaibigan si Kuya DJ pero kahit ganun hindi ko siya kukunsintihin pag sinaktan ka niya... Walang mali kung mahalin mo si Kuya. Mabait siya at sweet."

"Yung tanong ko sagutin mo" pagmamakaawa ko.

"Mas mabuting si Kuya DJ nalang ang sumagot niyan"

Laglag panga akong nakatingin sa kaniya. Ganun lang yun? Pinaamin niya ako tas si Darius lang pala ang tatanungin ko.

Darius P. O. V

Kahit hindi ko sabihin sa GB na may nakakaalam na isa akong Agent ay alam kung alam na nila iyon. Talaga nga bang hindi ako magaling magtago ng emosyon? Nanghihina lang naman ako pag siya ang kausap ko ha!

Tumunog ang wrist watch ko kaya kaagad kung pinindot ang green button at nakita ko kaagad ang mukha ni Thomp na seryoso.

"Pumunta ka ngayon din sa GB"

GB——Golden Bullet yan ang organisasyon na pinagtatrabahuan ko. Lahat kami na nagtatrabaho sa GB ay mga Agent lahat, mga Secret Agent.

Wala na akong nagawa kundi ang pumunta sa GB at baka kaladkarin pa ako ng mga tauhan ni Thomp. Sumakay na ako sa kotse ko at huminto ako sa may bakal na gate na nandito sa harapan ko. Iniscan nito muna ang kotse ko bago bumukas ang gate saka ko pinaharorot papasok ang kotse ko.

Abot abot ang kaba ko pero kailangan kung gawin ito. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako nag iingat.

Pagkapasok ko palang sa loob ay suntok agad ang sumalubong sakin. Halos lahat ng Agent ay nandito lalo na ang mga Kuya ko pati na rin si Kuya Dan na alam kung pinauwi rin ito.

"Pano nangyari iyon?" tanong ni Thomp at inawat niya si Port.

Ngunit hindi ko siya sinagot. Ayaw kung mapahamak si Lorrain ng dahil sakin.

"Paparating na si Wicked"

Parang nanginig ang buong katawan ko ng dahil sa narinig ko.

"The fuck!"

"Damn!"

"Shit!"

Si Wicked ang General Agent namin. Babae siya ngunit hindi namin siya kilala. Magaling siya. Demonyo rin.

Ilang minuto ang hinintay namin ng bumukas ang pinto. Nakaupo na ngayon lahat ng Agent habang ako ay nakatayo sa may unahan at katapat ko ngayon ang malamig na titig ni Wicked sakin. Naka masquette siya ngunit kahit ganun hindi parin nito natatabunan ang magandang itsura ng dalaga.

Maganda nag hubog ng katawan nito. Lalo na ang maliit nitong mukha at kulay lila na may ginto nitong suot na masquette. Maliit nitong labi at maputi nitong balat at mabalahibo. Maganda siya pero demonyo. Mabait siya pero mukhang siya pa ang lider ni Santanas pag siya ginalit namin.

"Alam mo yung rule natin diba?" malamig pa sa yelong tanong nito.

Tumango naman ako bilang sagot. Dahil mukhang nanunuyo na ang lalamunin ko kaya nag iwas nalang ako kaagad ng tingin.

"Love! Love! Love! Tsk! Tsk! Tsk!" umiiling pa ito habang sinasabi ang salitang love.

"Mahal ko siya"

"Ang tanong mahal kaba niya?" pabarang tanong niya sakin.

At doon na ako natahimik. Ramdam kung mahal niya ako pero mas maniniwala ako pag sa bibig niya mismo iyon lumabas.

"Kaya ako natatakot na magmahal kayo Agents!" biglang sigaw niya "Dahil yan ang magiging kahinayaan niyo pag nagkataon"

"At yan rin ang dahilan kaya pwede kaming maging malakas" matapang na sabi ko sa kaniya.

"Love can make people crazy!"

"Nasasabi mo lang iyan dahil hindi mo pa naranasan magmahal. Kasi pag ikaw nagmahal baka matutunaw yang malamig mong puso. Pag ikaw ang pinana ni Kupido"

"Kalukuhan!" sigaw niya at nabaril niya ako sa may braso.

Kita ko ang gulat rin sa mukha niya pero agad rin itong napalitan ng malamig na titig. Okay! Kalma Darius hindi niya sinasadya.

"B-babaliwin ka ng pagmamahal na iyan! Oo magiging malakas tayo ng dahil sa kanila pero mas magiging mahina tayo pag sila na ang nasa pahamak" naging malambot ang itsura nito. At sa unang pagkakataon may nakita kaming emosyon sa magaganda niyang mata "Naranasan kuna lahat ng iyan. Nagmahal ako. Naging malakas. At naging mahina. Lalong lalo na naging duwag! Para akong na estatwa ng araw na nasa harapan kuna siya. Isa ako sa pinakamalakas na Agent ngunit ng nasa harapan kuna ang taong mahal ko ang taong mahalaga sakin para akong naging isang mahinang sanggol na parang hindi kayang galawin ang buong katawan ko sa panginginig. Nag alala lang ako sa inyo. Ayaw kung matulad kayo sakin. Kaya be careful. Hindi ko kayo pinagbawalan na magmahal. Pero mag ingat kayo sa mga hakbang niyo sa buhay. Sundin niyo rin minsan ang isip niyo pag sa palagay niyo siya ang tama"

Naging tahimik ang buong kwarto ng dahil sa kinikwento niya. Ngayon lang siya nagbukas ng topic samin. Tungkol sa buhay niya.

"Hindi dahil nag kwento ako sa inyo ay magkaibigan na tayo" bumalik na naman ang pagiging malamig niya "Punta ka ngayon sa opisina ko Agent Speedy"

Tumango lang ako habang nakahawak parin sa braso kung humahapdi. At patuloy lang sa pagdurugo.

Lorrain P. O. V

MAG IISANG LINGGO na ngunit wala parin siya. Hindi siya nagpakita. Nabbwesit na ako sa kaniya. Napatingin ako sa may pinto ng may kumatok roon. Mangungumbinsi na naman yang mga kaibigan ko tungkol sa face reveal daw.

Pagbukas ko ng pinto halos manlaki ang mata ko ng makita ko ngayon si Darius sa harap ko. Puno ng bandage ang mukha nito at nakahawak sa braso niya pero may ngiting nakaukit sa labi nito kahit na may sugat rin yun.

Agad ko siyang hinila papasok sa loob at pinaupo sa sofa kukuha sana ako ng gamot para gamutin siya kaya lang pinigilan niya ako at sinabi niya saking kakalabas niya lang ng hospital.

Niyakap niya lang ako ng mahigpit na para bang ayaw niya akong mawala pa sa paningin niya. Kaya wala narin akong nagawa kundi ang yumakap sa kaniya pabalik. Ramdam ko ang mabibigat niyang paghinga kaya masasabi kung nakatulog na ito.

Inayos ko siya ng higa sa may sofa. Kumuha ako ng isang unan para ayusin ang braso niya dahil halatang nasasaktan ito roon.

Napatigil ako at napatingin sa may pinto ng may kumatok. Pagkabukas ko ay nakita ko roon si Davy at Rio lalo na ang isang lalaki pa.

"Nandito ba si Darius?" malamig na tanong ng lalaking ito.

Tumango ako at pinapasok sila. Halata sa mukha nila ang pag alala hinaplos ng lalaking iyon ang pisnge ni Darius na may sugat.

"Ikaw si Lorrain? Ako si Danello call me Dan nakakatandang kapatid ni Darius" tango lang ang sinagot ko dahil nakakatakot talaga ang aura ng lalaking ito.

Umupo siya sa katapat na sofa. Napalingon ako kay Darius ng gumalaw ito na parang may hinahanap kaya agad akong umupo sa uluhan niya umangat ang ulo nito at humiga sa may hita ko bago nilubog ni Darius ang mukha niya sa tyan ko. Napatingin ulit ako kay Dan ng makita kung nakamasid lang ito samin.

"He love you so much! Na kahit napahamak na siya ay ito parin siya" mahinang sabi nito "Alam mo bang lahat ng natamo niyang sugat ay dahil sayo?"

Para akong binuhusan ng malanig na tubig sa sinabi niya. Pano naging dahil sakin? Napatingin ako sa dalawa. Gusto nilang magsalita ngunit takot atah sila kay Dan.

"Sa GB bawal ang may makaalam na Agent kami kasi may parusa. At ng malaman mo na Agent siya pinarusahan siya ng General Agent namin matapos siyang maparusahan ay nahimatay siya bigla dahil sa panghihina. Unang beses niya kasing matanggap ng mga ganito. Oo matagal na kaming Agent pero sa aming lahat si Darius ang hindi pa nakakatikim ng tama ng bala ng bugbog o kaya ng pagsabog kaya nga siya si Agent Speedy. Kaya hindi niya atah nakaya yun at nahimatay siya. Dinala namin siya sa hospital at nalaman naming marami palang dugo ang nawala sa kaniya kaya agad kaming nag donate. Limang araw siyang nakahinga sa kama habang walang malay. Ng magising siya ay sinabi niya saming pupuntahan ka niya... Kaya lang pinigilan namin siya. Nawala lang kami saglit nawala narin siya sa hospital. Yeah speedy nga diba?" sarkastikong sabi bi Dan habang nag kkwento.

Nakaramdma tuloy ako ng guilt. Ng dahil sakin kaya siya nagkaganito. At may pag emote emote pa ako rito sa loob ng bahay ko habang si Darius pala ay naghihirap sa hospital.

Lalo na sobrang hirap at sakit ang natamo niya sa kamay ng lider nila.

Im sorry, my love.

At dahil diyan may premyo kang matatanggap mula sakin.