Chapter 8: Mirror of Memories

"I know that you're the reason why I get hurt. But I still want you to be the reason for me to smile again."

Seungkwan's POV

"Bakit tayo huminto?" hindi ko nalang pinansin si Dk at pinagmasdan nalang ang mga highschooler na naglalaro ng volleyball. Naalala ko noon na ito yung madalas na laruin namin ng mga ate ko.

Habang nanonood ay napansin ko ang isang babae. May kaliitan ang mukha niya at maliit rin ang height niya. Magkasing tangkad lang siguro sila ni Woozi.

"Look at her. She's cute right?" baling ko kay Dk

"Sino dyan?"

"Ayun yung sasalo ng--holy crap!" agad akong napatakbo sa kinaroroonan nila. Binuhat ko siya saka idineretso na siya sa Clinic.

Nang magising ay ako agad ang nakita niya.

"Sino ka?" tanong niya

"I'm Seungkwan. Dinala kita dito nung matamaan ka ng bola." saglit siyang napaisip saka bahagyang tumawa.

"Ahh salamat...... po?" napatingin naman ako sa sarili ko. Alam niya siguro na College na ako

"Ahhaha wag mo na akong i-po. Seungkwan na nalang." sabi ko saka ngumiti

"Seungkwan. I'm Jasmine."

―--―--―--―

"Psst. Jasmine!" mahina kong tawag sa kanya. Nasa tapat ako ngayon ng room nila. Nasa pinakadulo siyang upuan sa tabi ng pinto kaya narinig niya agad ako.

"Anong ginagawa mo dito."

"Labas ka na dali. Takas ka na." sabi ko kaya naman nanlaki ang mata niya.

"A-ano? Baliw ka na ba?" hindi ko na siya sinagot pa at inabot ko na ang kamay niya para dahan-dahan siya makalabas.

"Hahahahahah!!" sabay naming tawa nang makalayo kami sa room nila.

"Nakakainis ka! Ngayon ko lang ginawa yun!" sabi niya saka hinampas ang kaliwang braso ko

"Hayaan mo siya. Lagi nalang siyang nag-oovertime. Konting oras nalang tuloy tayo nagkakasama pag breaktime niyo." sabi ko saka nagpout

"Ang cute naman ng boyfriend koooo." nanggigigil niyang kinurot ang pisngi ko.

"J-jah! Masakit!" reklamo ko pero tinawanan niya lang ako.

"Ang sarap kasi pisilin ng pisngi mo Kwannie!" kinuha ko nalang mula sa mukha ko ang kamay niya saka hinawakan ito ng mabuti. Masaya kaming naglakad papunta sa garden ng school. Hindi ko pa siya nadadala sa rooftop dahil sa limitado nga nilang breaktime. Mas malapit kasi ang room nila sa Garden.

Napatingin ako sa kaniya habang naglalakad. Sinulyapan ko rin ang magkahawak naming kamay.

"I love you." biglang sabi ko kaya napalingon siya. Ngumiti rin naman siya agad.

"I love you too." sagot niya

―--―--―--―

"Kwannie!!" napalingon ako sa sumigaw. Dali-dali siyang humalik sa pisngi ko at kumawit sa braso ko.

"Ang saya mo yata?" pagpuna ko sa kanya

"Mmm! Alam mo kasi, nakausap ko na yung kapatid ko! Yung kambal ko!"

"May kambal ka?" manghang tanong ko

"Oo. Justine ang pangalan niya.  Magkahiwalay kaming lumaki, kasama siya ng mama ko habang ako naman sa papa ko. Ngayon lang kami nagkausap ulit." bakas sa kanya ang saya habang nagkukuwento. Kitang-kita rin sa kanya ang pagkasabik sa kapatid.

―--―--――――

"Jah. Ba't ba ayaw mo kong kausapin? Prank ba 'to?" tanong ko sa kanya habang nasa tabi niya dito sa classroom nila

"Pwede ba Seungkwan, wag mo na muna akong kausapin." parang dinudurog ang puso ko sa tuwing ganon ang lumalabas mula sa bibig niya.

"Bakit ba kasi. May kasalanan ba ako? Sabihin mo sakin para naman alam ko."

"Umalis ka muna Seungkwan."

"Jah."

"Alis na. Kung hindi sisigaw ako." seryoso ang bawat tono ng pananalita niya kaya iiling-iling nalang akong lumabas. Kahit anong isip ko sa pwedeng maging kasalanan ko ay wala akong maisip. Hindi naman kami nagkaroon ng malalang away o tampuhan. Pero kung kumilos siya para bang ang laki-laki ng kasalan ko sa kanya. Hindi niya naman sinasabi.

―--―--―--―

"My God Jasmine! Thank God sinagot mo rin."

"Diba sabi ko wag ka nang tatawag?"

"Jah naman. Natapos na lahat yung school year ganyan parin yung pakikipag-usap mo sakin. I missed you Jah. Magkita naman tayo oh."

"No."

"Jah. Please."

"Seungkwan, can you just........ stop calling me again?"

"Why would I?"

"I-i'm....... b-breaking up with you." halos mabingi ako sa narinig ko. Hindi agad ako nakasagot pero agad akong tumawa.

"Hahahahaha I knew it! It's a prank right? Jah naman. Masyado kang nahuhumaling sa mga vlog na yan. Pati sa akin naaapply mo na. Ok I get it. Nag-effort ka talaga ah. Almost 3 months mo kong hindi pinansin?" maluha luha kong sabi. Hindi dahil sa tawa kundi dahil salungat ang emosyong nararamdaman ko sa mga sinasabi ko. Hindi ramdam ng puso ko na prank lang ang mga sinabi ni Jasmine.

"No, It's not a prank. I'm breaking up with you." doon na nga tuluyang tumulo ang mga luha ko

"Then w-why?"

"Just don't ask me anyway, and please...... don't go near me again. Seungkwan, I'm begging you. Please forget me."

"No..... Tell me. Ano bang naging kasalanan ko. Baka pwede pa nating ayusin. Ano bang problema? Magagawan naman natin ng paraan diba?"

"P-please. Just don't ask. Leave and then love someone again. Forget about me." pagkatapos nga non ay binabaan niya na ako ng telepono.

"No! Jasmine!" dali-dali kong idinial ang number ni Minghao.

"Seungkwan-ah.--"

"Minghao! I need your help. Can you give me Jasmine's address? From her papers in your school?"

"Seungkwan-ah. You've been telling this to me again. Aren't you remember that we already went to Jasmine's address that's indicated in her papers? And there's no Jasmine in that address." napaluhod nalang ako. Hindi ko na alam ang mga ginagawa ko dahil sa sobrang bigat ng nasa dibdib ko.

"Seungkwan-ah? Are you okay?" hindi na ako nakasagot sa kanya. Walang ibang ume-echo sa isip ko kundi ang mga salitang binitawan niya na gusto niyang kalimutan ko na siya.

Pero hindi ko yun magagawa.

Nakatulala lang ako habang kaharap ang mga bote ng alak at isang picture frame kung saan nakalagay ang litrato naming dalawa ni Jasmine. Kung saan pareho pa kaming masaya. Pero ngayon ay bigla nalang nawala.

"Seungkwan-ah!" napalingon ako sa gawing pinto.

"Jeonghan hyung. Join me." sabi ko saka pilit na ngumiti.

Inagaw naman niya sa akin ang boteng hawak hawak ko.

"Hyun--"

"Enough." umakto nalang akong sumuko. Hindi ko kayang makipagtalo sa kanya.

"Why are you doing this to yourself?" tanong niya

"Jasmine make me do it."

"Kung nandito si Jasmine, hindi niya magugustuhan to."

"Pero wala siya hyung. Kasi iniwan niya ako. Hindi ko manlang alam yung dahilan." muli ay nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko.

Lumapit lang sakin si Jeonghan hyung saka ako niyakap. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa naramdaman kong parang bumigat ang mata ko.

"Sleep tight. Seungkwan. Andito lang si Jeonghan hyung."

―--―--―--―

"Good morning Seungkwaaaaaaannnnn!!!" pupungay-pungay akong napatayo