Chapter 9: Childish Heartbreaker

"Start being yourself again. And I'll start being yours now."

Jun's POV

"Let's break up." I said

"What?!" sigaw niya

"You've heard me. I sa--"

"No! Jun?!"

"Don't yell at me Hanna! Get out!" I shouted and she started to cry.

Do I care? No.

"But why?" she asked while crying

"Get out." I've just said

"Ju--"

"I said get out! Do you want me to push you outside that damn door?!" tumakbo nalang siya palabas ng condo unit ko. Why did I do that? Simply because I just get bored.

Inilibot ko ang paningin ko sa unit ko.

"Another boredome." I said.

What sould I do? I grabs my phone and dials his number

"Jeonghan hyung!"

"Oh? Junhui!"

"Where are you?"

"I'm the one who should ask you. Where are you? We're at Shane's house. She threw a party for Piri."

"Piri? Her parrot?"

"Mm. It's Piri's birthday." grabe pati parrot may pa-birthday party

"Ok. I'm on my way."

"Take care, drive safely."

"I will."

―--―--―--―

"Happy birthday Piri." I just laughed after I greeted Shane's parrot.

"Hey! Why are you laughing?" bigla namang sumulpot si Shane.

"Nothing. I just find it awesome. Celebrating a parrots birthday huh? Hahaha."

"Hmmph! Tara na nga sa salas! I've prepare some drinks." mabilis pa sa alas kwatro akong pumunta sa salas. Kumpleto ang barkada maging ang mga girlfriend nila.

"Oh? Jun? Nasaan yung girlfriend mo?" -Dk

"Ex-girlfriend."

"Hanep! Ex ulet!" -Dino

"Wala namang tumatagal sa kanya." -Shane

"Merong tumagal sa kanya." napalingon kaming lahat kay Dk dahil sa sinabi niyang yun. Ano pinagsasabi niya? Wala pa naman akong sineseryosong babae.

"Ano?" -Joshua

"Kalandian sa katawan niya. Stay strong andyan padin." -Dk

Napatawa nalang ako ng bahagya.

"On a serious note Junhui, Bakit hindi ka pa nagseseryoso?" -Coups hyung

"I still want to enjoy." sagot ko saka tinungga ang laman ng canned beer.

"You can still enjoy kahit may girlfriend ka na ah. Just like us." -Mingyu

"I can't stay from one relationship. It's kinda boring."

"Ang sabihin mo, hindi ka talaga makuntento." -Ciarra

"Alam mo sayang ka. Maraming nagkakagusto sayo kaso pinapaiyak mo lang." -Mylene

"It's just a play. No need to be serious."

"Play? Ano tingin mo saming mga babae? Stuff toy?" -Belle

"Hey! Bakit kayo nagagalit sa akin? Kasama ba kayo sa mga umiyak na babae dahil sa akin?" tanong ko habang natatawa-tawa. Masyado silang seryoso.

"Hindi." -Belle

"Hindi din." -Ciarra

"But you know? I have a crush on you once. Before I met Wonwoo." -Shane

"Si Jasmine din diba? Nagkagusto sayo." -Seungkwan

"Sino ba namang hindi?" I confidently said.

"Ako din kilala na kita noon. Ikaw yung madalas na tinitilian ng mga babae sa classroom namin." -Faith.

"But still, sa amin parin kayo napunta." -Wonwoo

"Chill Wonu, it's just a crush ok?"

"Hell you are! You also got a crush on Shane." natawa naman ako dahil don.

"Really?! Why didn't you said? Ikaw sana ang boyf--"

"Shut up." lumakas ang tawanan dahil sa inasta ni Wonwoo.

"I find it cute when you're jealous." -Shane

"Hindi makarelate si Mylene, Si Jeonghan hyung naging crush niya eh. Hahahaha--aray hyung. Joke lang." reklamo ni Dk pagkatapos siyang batukan ni Jeonghan hyung. Kahit hindi niya naikwento, halatang nagkagusto rin siya kay Mylene.

"Kelan ka ba magtitino ha Junhui?" -Coups hyung

"I don't think mangyayari yun hyung."

"Aha! Nangyari na to! Wonu diba?! Yung sinabi mo na never kang magiging kagaya nina Woozi na patay na patay sa mga jowa nila? Pero hola!! Ayan patay na patay kay Shane!"

"Shut Up Ciarra." - Wonwoo

"Mangyayari rin yan sayo Jun! Pag nakakakita ka na ng sing ganda ko!"

"Hindi mo naman sing ganda si Shane." -Wonwoo

"At marami na akong naging girlfriend na MAS maganda sayo." biro ko

"Luh. Walang personalan. Woozi oh." pero tinawanan lang siya ni Woozi.

Napaisip naman ako. Kapag nga nagsalita si Ciarra ay madalas na nagkakatotoo. Pero paniniwalaan ko pa ba siya?

I hate serious relationships but at the same time, naiingit ako tuwing nakikita ang mga kaibigan ko kasama ang mga girlfriend nila. Well then, nagkakagirlfriend din naman ako. Iba-iba pa.

―--―--―--―

"Ayan na siya!! Jun! Take this present, this is for you!!" nagkukumahog na binigay sa akin ng isang babae ang isang box. Marami pa siyang kasamang mga students. Kalalabas ko lang sa classroom ko at eto nga ang sumalubong sa akin. Hayy, ang hussle maging gwapo.

"Thanks." sabi ko nalang saka kinuha yun at nagsimula nang maglakad pero sinusundan parin nila ako. Alam na siguro nila na wala na kami ni Hanna kaya nagsimula na naman silang magpapansin.

"Ano ba--dun ka nga! Cheap!!" hindi ko sana papansinin yun pero bigla nalang may naitulak na babae sa harap ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.

"What the hell." reklamo ko at agad naman siyang tumayo. Nag-aalangan pa siyang ibigay sakin ang hawak niyang notebook.

"P-para s-sayo." utal-utal niyang sabi. Tinanggap ko nalang ito para umalis na siya. Pero agad ko siyang hinawakan sa braso para pigilan. Nakita ko kasi kung paano tumulo ang dugo mula sa tuhod niya resulta ng pagkakadapa niya.

"You're bleeding."

"A-aah..... h-hindi. O-okay lang ako." hindi ko nalang inintindi ang sagot niya at umupo na patalikod sa harap niya.

"Hop in." utos ko para sumakay siya sa likod ko

"H-ha?"

"I sai--kung ayaw mo edi wa--" akmang tatayo na ako nang maramdaman ko ang braso niya na kumapit sa leeg ko.

"Sasakay din naman pala." bulong ko.

"Aaarrhgghhhhh!! Dapat ako nalang yung tinulak niyo eh!!" rinig kong reklamo ng isa sa mga babaeng sumusunod sa akin.

―--―--―--―

Nakatayo lang ako sa tabi ng pintuan habang pinagmamasdan kung paano gamutin ng nurse ang tuhod ng nakasama kong babae. Dito ko siya tahimik na pinagmasdan.

Hindi siya kagaya ng ibang mga babae dito sa school kung manamit. Above the knee na palda ang suot niya na makalumang disenyo pa. Blouse na minsan ay makikita mo lang sa mga nagsisimba naman ang pang-itaas niya. In other words, baduy siya manamit. Not like other girls especially my Ex'es. Wala rin siyang kamake-up make up sa mukha at may malaki pang salamin na suot. In short, she's a nerd. Nerd na nagkakagusto sa akin.

Nang matapos ang pag-gamot sa sugat niya ay nilapitan ko siya.

"Feel better?" tanong ko

Nahihiya naman siyang tumango.

"Can you walk?" tanong ko ulit. Damn! Hindi ba siya magsasalita?

"A-aahh.... o-oo kaya ko na."

"Mabuti kung ganon." sabi ko saka binitbit ang bag niya na nasa gilid ng kama. Damn it! Ba't ang bigat?!

"A-ahmm. Mabigat yata."

"No." sabi ko at hindi nagpahalatang nabibigatan sa bag niya. Ano bang laman nito? Hallow blocks? Saka ba't ko ba ginagawa to?

Naloko na.

"Do you still have classes?" tumango naman siya.

"Ihahatid na kita." sabi ko

"H-ha? H-hind--"

"I insist." hindi nalang siya sumagot at sinabayan nalang ako sa paglakad.

"Who's she?" rinig kong bulong ng isa sa mga nadaanan naming estudyante.

"Oh my god. Why is she....." hindi ko nalang pinansin ang mga bulungan ng mga schoolmates namin. Mas lalo ko pa silang inasar nang akbayan ko ang kasama ko. Ramdam ko ang gulat niya pero hindi ko na ito inintindi.

Nang makarating kami sa tapat ng room niya ay saka ko lang tinanggal ang pagkakaakbay ko sa kanya.

"S-salamat." mahinang sabi niya

"Mind if I know your name?"

"Ahm.... K-kiane.. I'm Kiane."

"Kiane. Nice meeting you."

"N-nice being with you. M-matagal na rin akong nakasunod sayo eh." sagot niya pero hindi siya nakatingin sa akin.

I lifted her chin and look into her eyes. Pero agad rin akong napabitaw at napaiwas ng tingin. From that moment I looked into her eyes, I feel something...... weird.

"Ahh.. I'm going. See you around." sabi ko saka tumalikod nalang sa kanya.

―--―--―--―

"Another victim?"

"Whaa! Jeonghan hyung?!" nagulat ako nang hindi pa nga ako nakakarating ng tuluyan sa rooftop ay bumungad na sa akin si Jeonghan hyung.

"Tss." sabi nalang niya saka tinalikuran ako.

Problema niya?

"Where are the others?" tanong ko.

"Nasa klase nila. You're 10 minutes late na rin sa klase mo. Masyado ka yatang nag-enjoy sa bagong kasama mo." napatingin naman ako sa relo ko.

"Oh? I think I gotta go hy--"

"Kailan ka ba titigil sa ginagawa mo Junhui?"

"Jeonghan hyung....."

"You keep on hurting woman's feelings."

"I'm not hurting the--"

"Yes you are. At ngayon naman, an innocent girl? Really Junhui? Yes, maybe she's a nerd. Clearly not your type! And clearly seen that you're just playing around as if they're just a toy and just having FUN in a playground!"

"You've said hyung. Just for FUN. And yes she's not my type! Wala naman sa plano kong isama siya sa mga babaeng gusto kong pagtripan eh. I just helped her. But you've just gave me idea. So bye for now hyung. See you around, with my new GIRL." Sabi ko saka patakbo nang bumaba. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko nalang pinansin.

Jeonghan hyung is just concern. I know. And I'm not having a hard feeling for that. I just want to enjoy. And he can't do anything about it. I'm just living my life.

―--―--―--―

"Hi."

"Ay kalabaw!" I just laugh

"Ang gwapo ko namang kalabaw." biro ko.

"A-anong..... ginagawa mo dito?" hindi ko nalang siya sinagot at kinuha nalang ang mga librong hawak niya.

"Mind if I ask you for a date?"

"D-date?"

"Yah? Is there a problem?"

"W-wala. Ahh kailan ba? Para makapag-prepare ako." nag-isip ka ako kung anong isasagot ko nang matanaw sa hindi kalayuan si Jeonghan hyung.

Inakbayan ko si Kiane at kitang-kita ko ang naasar na mukha ni hyung. Alam kong nasa isip niya na wala talaga akong balak na makinig sa mga sinasabi niya which is totoo naman.

"Maybe tonight? Give me your address then I'll pick you up." halata sa kanya ang pagkakilig bagay na ikinatutuwa ko. Ramdam na ramdam ko ang kagwapuhan ko.

Kiane's POV

"Ano nga kasing magandang isuot?! Tulungan mo na ako!" sigaw ko sa kapatid ko.

"Ate naman! Wala akong alam sa fashion fashion na yan! Gusto mo yung varsity shirt ko sa basketball yun isuot mo!"

"Kevin naman eh!!"

"Eh ako tinatanong mo eh! Kahit ano nalang kasi dyan! Ang O. A naman kasi. Kailangan ba talaga maganda yung isuot?"

"Syempre naman! Sobrang gwapo nung kadate ko tapos ako mukhang basahan?! Pwede ba yun!"

"Hayy ate. Sinasabi ko sayo! Pinagtitripan ka lang ng lalaking yan." napaupo naman ako sa kama nang sabihin ng kapatid ko yon.

"Alam ko..... pero gustong-gusto ko kasi siya eh. Alam mo yun, yung kahit na alam mong imposible, aasa ka parin na sana magustuhan niya rin ako."

"Imposible talaga ate." hinampas ko naman siya ng unan.

"Kasi naman eh! Tulungan mo nalang kasi ako!"

"Ah ate alam ko na! Maganda kamo diba?"

"Oo."

"Yung hindi ka mag mumukhang basahan?"

"Oo."

"May alam ako."

"Ano?"

"Wedding gown ni Mama."

"Kevin naman eh!!"

―--―--―--―

Nasa labas na ako ng bahay ngayon. Nakatanaw sa bintana si Kevin habang hinihintay namin pareho si Jun. Wala na akong choice kundi isuot ang pinaka-matino kong blouse at pantalon. Hindi naman kasi ako mahilig magpabili sa parents ko ng mga damit.

Maya-maya pa nga ay dumating na ang hinihintay ko. Sakay siya ng isang magarang sasakyan. Parang huminto pa nga ang mundo ko nang bumaba siya sa kotse niya. Ang gwapo talaga niya!

"You look pretty." bungad niya. Kahit na alam kong literal na pambobola yun dahil hindi naman ako maganda ay kinilig parin ako. Syempre kay Jun na nanggaling eh!

"S-salamat."

"Shall we go?" tumango naman ako. Pasimple ko pang sinulyapan si Kevin at kita sa kanya ang pag-aalala. Alam kong tama siya ng hinala. Pero gusto kong pagbigyan ang sarili ko. Gusto ko kahit papaano ay maranasan ko ang mga oras na masaya ako at si Jun ang kasama ko. Kahit sandali lang. Kahit peke lang lahat.

―--―--―--―

Jun's POV

"Arcade? Seryoso? Gabi na ah." sabi niya

"Oh? Bakit? Bawal ba? Kaya nga kahit gabi, bukas ang arcade, ibig sabihin pwede pa mag-arcade! Hahaha!" sagot ko

"Ikaw bahala." sabi niya saka sumunod nalang sa akin.

Alam kong iniisip niya at nag-eexpect siya na sa romantic places ko siya dadalhin. Sa totoo lang ganon naman ang mga ginagawa ko sa mga naging girlfriend ko eh. Ewan ko nga kung bakit dito ko siya dinala. Siguro, hindi lang talaga siya bagay sa mga romantic stuffs. O sadyang gusto ko lang maglaro kaya wala siyang magagawa.

"Ikaw naman! Maglaro ka rin! Masaya kaya!" yaya ko sa kanya na maglaro sa pagshoot ng bola.

"Ha? H-hindi ko marunong."

"Sus! Wala ka naman sa tournament! Maglalaro ka lang. Dali na!" sabi ko saka nagbigay sa kanya ng isang bola. Hindi niya yun tinanggap kaya ako na mismo ang humawak sa kamay niya para mahawakan niya yung bola. Pumwesto ako sa likod niya at ishinoot ang bola.

"See? Masaya diba?" sabi ko. Hindi naman siya agad nakasagot. Kinikilig pa yata.

Hinila ko nalang siya sa may claw machine.

"Anong gusto mo dyan?" tanong ko sa kanya. Saglit niya pang tinitigan ang mga stufftoys saka itinuro yung strawberry stufftoy.

Sinubukan kong kunin yun pero laging nalalaglag. Mahina namang tumatawa yung kasama ko. Sumimangot naman ako saka padabog nang pinipindot yung button.

"Ako nga." sabi niya habang natatawa tawa pa.

Pinagmasdan ko siya habang inaayos ang pwesto ng claw. Unang subok palang ay nakuha niya na agad yung stufftoy.

"Nagalaw ko na kasi kaya nakuha mo agad." sabi ko. Napangiti nalang siya. Nang makita ang ngiting iyon ay tila kusang ngumiti rin ang labi ko.

Ahuh? What's this feeling? Again?

―--―--―--―

Naulit pa nga ang mga paglabas-labas naming dalawa ni Kiane. Hindi ko pa nai-open up ang tungkol sa relasyon namin sa isa't-isa. No labels until now. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit pero pakiramdam ko may mali. Hindi ko lang alam kung ano.

Nandito ako ngayon sa labas ng ladies room sa mall. Nag-cr kasi si Kiane kaya hinihintay ko siya.

"Bakla look! Papa!" rinig kong sabi ng isang bakla na halos katapat ko lang. Hindi naman sa pagyayabang pero alam ko na agad na ako ang tinutukoy nila.

"Oo nga bakla. Wafu. Panglafang. Hahahahaha!!" hindi ko nalang sila pinansin. Hindi ko rin naman sila maintindihan.

"Matagal ba? Pasensya na ah." nabaling nalang ang atensyon ko sa kalalabas lang na si Kiane.

"No it's okay."

"Ay? Jowa? Chaka." rinig kong muli na usapan ng dalawa.

"Gaga, hindi naman. Maganda si ate girl. Konting ayos lang yan. Mas mukha pa yang tao sayo pag naayusan yan."

"Gaga baka ikaw. Mukha kang lupa." hindi ko na pinansin pa ang iba pa nilang sinabi at napatingin nalang kay Kiane. Tinitigan ko siyang mabuti.

"Tar--oh? Ba't ganyan ka makatingin?" hindi ko nalang siya sinagot at hinila nalang kung saan.

"Oy--teka. Saan tayo pupunta."

"Basta. Tara." sabi ko nalang.

―--―--―--―

"Jun? Bakit ba talaga tayo nandito? Bakit mo ko papaayusan?" tanong niya habang nakaupo sa upuan rito sa salon na pinasukan namin at inaayusan ang buhok niya.

"Just trust them ok?" sagot ko nalang.

"Make sure you'll do your job. Make her on her best." baling ko sa nag-aayos sa kanya

"Yes sir."

"Labas lang ako."

"S-sige." sagot niya

Sandali pa akong nagmuni-muni sa labas ng salon hanggang sa may matanaw akong pamilyar na taong papalapit sa akin

"Jeonghan hyung." banggit ko sa pangalan niya. Nakasabit sa leeg niya ang polaroid niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Wala lang. Ikaw?" tanong niya at napasilip sa loob ng salon.

"Talagang pinaayusan mo siya ah. Para ano? Pag maganda na siya, gagawin mo na siyang girlfriend mo? Tapos paiiyakin mo rin?"

"Hyung naman."

"Wake up Junhui. Life is not all about enjoying. Sometimes, you need to be serious. Sa kakaganyan mo, baka hindi mo namamalayan, nasaktan mo na rin pala yung taong karapat-dapat sayo."

"That's what I don't like when being serious hyung, nakakatakot yung mga topic." sabi ko at bahagya pang tumawa.

"Yet, it's true."

"Hayy! Tara nga muna hyung! Magkape muna tayo! My treat." sabi ko saka inakbayan nalang siya. Alam ko naman na hindi siya galit sa akin. Nagsasabi lang at nagpapayo. Pero alam kong kilala niya ako. Hindi ako marunong makinig.

―--―--―--―

"Samahan mo na ko pabalik ng salon." sabi ko sa kanya

"Sasama talaga ako. Titingnan ko kung gaano na kaganda yung babaeng isusunod mo sa listahan mo."

"Hyung naman." hindi nalang siya sumagot at siniringan nalang ako. Sabay kaming naglakad pabalik sa salon. Pagkapasok namin ay agad kong hinanap si Kiane.

"Excuse me, where is she?" tanong ko sa kanina lang ay nag-aayos kay Kiane.

"Ay sir, nasa dressing room pa po siya, pinipilian po ng magandang damit." sagot nito. Tumango lang ako at hinintay nalang ang paglabas niya.

"Ahmm. J-jun." tawag sa akin ng isa--

"Kiane?" banggit ko sa pangalan niya. Pinasadahan ko siya ng tingin. Siya nga! Halos hindi ko siya nakilala. Nakasuot siya ng light yellow dress at wala rin siyang salamin na suot. Rebonded ang buhok niya na umabot na sa beywang niya ang haba. Nakamake-up rin siya pero hindi sobrang kapal.

She's Goddamn Georgeous!!

"W-woah." tanging nasabi ko. Hindi naman siya nakaimik. Bakas sa kanya ang pagkahiya

"H-hindi ba makapal masyado yung make-up?"

"No... hindi. Y-you're beautiful." sabi ko. Napangiti naman siya.

And again..... that feeling.

―--―--―--―

"Yes. Here at the rooftop. Ok. See you." ibinaba ko na ang phone ko matapos kausapin si Kiane. Pinapapunta ko siya rito sa rooftop. Yayayain ko na siya na maging girlfriend ko.

"Here, take this..... arrgghh! Masyado namang cool. Parang walang emosyon." bulong ko habang nagpapractice ng linyang sasabihin ko mamaya kay Kiane. Hawak ko ang isang bouquet ng bulaklak na balak kong ibigay sa kanya.

"This is for you. Will you be my girlfriend?.......... Ay ewan!" reklamo ko. Bahala na nga lang kung anong masabi ko.

Narinig ko naman na may papaakyat na kaya naghanda na ako.

"Jeonghan hyung!? Akala ko pa naman si Kiane na." reklamo ko.

"Asking her to be you girlfriend huh? Bakit? Kasi maganda na siya?"

"Eto na naman tayo hyung."

"Why? Totoo naman ah. Pinagtitripan mo lang siya nung nerd pa siya. At ngayon na gumanda na siya, gagawin mo ng girlfriend. At kapag ano? Kapag nasawa ka na. Naboring ka, iiwan mo siya. Makikipagbreak ka, paiiyakin mo siya. Gaya ng ginawa mo sa iba."

"Maybe you're right hyung. But I know she already knew about it. Alam kong alam niya nang I wouldn't be serious and I would never be. She taked the risk. If she would be hurt, she herself made it. I enjoyed tho. She also. All she need to think is that we're just playing. Para hindi siya masaktan. Besides, yes, she's already beautiful. And it gaves me reason for me to make her my girlfriend."

Napalingon kami pareho ni Jeonghan hyung nang may marinig kaming yabag pababa ng hagdan. Patakbo kong tiningnan kung sino yun at namukhaan ko ang likod na patakbong bumababa ng hagdan.

"Kiane." bulong ko.

Kiane's POV

"Sabi ko naman sayo ate eh! Niloloko ka lang ng lalaking yun! Kunwari desente kasi nakakotse. Yung ugali naman, sing dumi ng lupang ginugulungan ng kotse niya." hindi ko nalang sinasagot ang kapatid ko at mahina paring umiiyak habang nakadapa sa kama ko.

"Tahan na ate. Marami pa namang ibang lalaki jan na pwede mong magustuhan."

"Pero siya ang gusto ko!" reklamo ko saka siya hinarap.

"Pero hindi lang naman siya ang nag-iisang lalaki sa mundo ate. Tingnan mo, ang ganda mo na! Sigurado maraming lalaking magkakagusto sayo. Baka sila pa ang maghabol!"

"Talaga?"

"Oo ate! Pero akalain mo yun ate noh? May igaganda ka pa pala?"

"Wala kang kwentang kapatid!"

"Joke lang ate. Labyu." sabi niya saka yumakap sa akin.

Pinunasan ko nalang ang mga luhang kumalat sa mukha ko. Tama si Kevin. Hindi lang siya ang nag-iisang lalaki sa mundo. Gagawin niya akong girlfriend dahil maganda na ako? Pwes! Ito yung gagamitin kong paraan para makalimutan ko siya! Maraming pwedeng maging boyfriend dyan! Hindi lang siya!!

PERO SIYA TALAGA YUNG GUSTO KO!!

―--―--―--―

"Sigurado ka ba dito?" tanong ko kay Sharah. Pinsan ko.

"Oo naman noh! Dito nababagay ang beauty mo! Kaloka! Akala ko talaga hindi ka na gaganda! Pero ayan! Kinabog mo ang beauty ko!" sabi niya

"P-pero.... bar to. Hindi ako sanay." sabi ko

"Ano ka ba. Masasanay ka din. Tara dali!!" hindi nalang ako naka-angal nang hilain niya na ako.

"Hi Boys!" sabi niya dun sa grupo ng mga lalaki na pinuntahan namin.

"Sharah! Uyy! Sinong kasama mo? Ganda ah!"

"Siya ba? Pinsan ko! Kiane! Pero mas maganda parin ako noh!" sagot niya. Limang lalaki ang nasa table na iyon. Lahat sila nakatingin sa akin. Naiilang ako pero hindi ko nalang pinansin.

"Sharah, uuwi na ko."

"Ha? Kararating lang natin, uuwi ka na? Hilo ka?"

"Eehh.... ayoko sa gantong lugar eh."

"Ayaw ayaw. Magugustuhan mo din ano ka ba!"

"Pe--"

"First time?" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita yung isang lalaking kasama namin.

"Ay bongga! Ayan Rico! Ikaw na ang bahala sa pinsan ko ah! Wag ka mag-alala insan, gentleman yan si Rico hindi ka pababayaan niyan."

"Uy teka san ka pupunta?"

"Sa dance floor, sasayaw. Gusto mo sumama?"

"H-hindi na." sagot ko saka umupo nalang. Nagsisunuran na din kay Sharah yung ibang mga kasama namin kaya naman ako at yung Rico nalang ang natira

"A-ahmm.... labas lang ako." paalam ko sa kanya

"Ha? Teka. Samahan na kita."

"A-ahh.... hindi na. Ok lang ako."

"No. I insist. Maraming loko-loko sa labas." sabi niya saka hinawakan ang braso ko. Naiiwas ko rin naman agad iyon. Hindi ko nalang siya pinansin at mabilis nalang na naglakad palabas. Pero nagkamali pa yata ako ng desisyon.

Mas madilim dito sa labas kumpara sa loob.

"Teka! ANO BA?! Bitiwan mo ko!!"

Jun's POV

"Cheersss!!!" -Dk

"Ingay." -Wonwoo

"May nagchecheers bang tahimik?!"-Dk

"Bunganga mo maingay." -Wonwoo

"Jeonghan hyung oh." -Dk

Hindi nalang siya pinansin ni Jeonghan hyung.

"Ano? Apektado ka? Himala."

"Lakas mo mang asar hyung." sabi ko sa kanya.

"Junhui, yan yung sinasabi ko sayo eh. Kaka-enjoy mo, hindi mo namamalayan, nasasaktan mo na pala yung babaeng para sayo."

"Sino? Si Kiane?"

"Hindi ba?" napaisip naman ako.

"Sabihin mo sa akin. Ni minsan ba, hindi ka nakaramdam ng kakaiba sa t'wing kasama mo si Kiane? Yung pakiramdam na hindi mo naman naramdaman sa ibang mga naging girlfriend mo?"

Napaisip naman ako.

Those weird feeling.... when I first saw her eyes. And everytime she smiles.

Napailing naman ako.

"Magpapahangin lang ako sa labas." sabi ko saka naglakad na palabas ng bar na kinaroroonan namin.

"Teka, ANO BA?! Bitiwan mo ko!!" rinig kong sigaw sa kung saan.

Teka? Boses ni Kiane yun ah?

Patakbo kong tiningan kung saan nanggaling ang tinig na yon.

Agad kong sinalubong ng suntok ang lalaking nagpupumilit na mahalikan si Kiane. Nagulat pa siya pero hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na magsalita pa at muli siyang sinuntok. Napahiga siya pero hindi ko parin siya tinantanan. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit na nararamdaman ko pero isa lang ang alam ko.

Wala siyang karapatang hawakan si Kiane.

Pinagtatadyakan ko siya at wala siyang nagagawa. Pinigilan lang ako ni Kiane kaya huminto ako sa pagtadyak sa kanya. Habol hininga ko siyang tiningnan.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?!" nagulat naman siya sa pagsigaw ko. Hindi ko nalang hinintay ang sagot niya at hinila nalang siya papunta sa kotse ko.

Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Hindi ko na rin hinintay pa ang pagkakataon na magsalita siya at pagbaba nga niya ng kotse ay iniliko ko na agad ito. Pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap sa kanya.

―--―--―--―

Pagkarating ko sa unit ko ay hinayaan ko lang ang sarili ko na humilata sa kama at tumitig sa kisame. Napatayo lang ako nang maramdaman ko ang vibrate sa pantalon ko.

*phone rings*

"Hello! Junhui! Pambihira! Iniwan mo naman kami eh! Asan ka na?"

"Ah.. pasensya na hyung. Nasa unit na ko."

"Hala siya. Anong nangyari sayo?"

"Nakita ko kasi si Kiane. Nandyan din siya sa bar. Naabutan kong binabastos ng isang lalaki. Kaya hinatid ko pauwi."

"Oh? Anong nangyari dun sa lalaki?"

"Ewan ko. Uuwi yatang walang mukha yun."

"Ngayon mo sabihing wala para sayo si Kiane?" naisingit niya pa yun? Hindi nalang ako umimik at napadako nalang ang tingin sa isang bagay sa ibabaw ng drawer ko.

"Sige hyung. Ibaba ko muna to." sabi ko at ibinaba na nga ang phone ko. Lumapit ako sa drawer ko saka dinampot ang isang notebook. Ito yung notebook na bigay ni Kiane sa akin nung unang beses kaming nagkita. Kulay rose quartz ito at may mga munting design na nagpaganda rito. Nakaramdam ako ng tuwa. Hindi ito sing gara ng mga natatanggap ko sa ibang mga fangirls ko pero bukod tanging dito lang nakaramdam ng galak ang puso ko.

Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang sarili kong mga litrato. Lahat ito ay mga stolen shots. Kinuha ng palihim at halata ngang sinusundan niya ako lagi. Napangiti ako. Isinara ko ang notebook at napaupo sa kama ko.

Am I really falling for her?

I grabs my phone and dials his number.

"Jeonghan hyung."

―--―--―--―

Kiane's POV

"Ate nakakahilo ka!" reklamo ni Kevin. Kanina pa kasi ako pabalik-balik sa paglakad dito sa sala.

"Nakakainis kasi eh! Kahapon niligtas niya ako sa bastos na lalaking yun. Tapos hinatid niya ako dito pero hindi naman na siya nagsalita! Hindi ko alam kung anong iniisip niya!"

"Bakit kasi kailangan mong alamin yung iniisip niya? Manghuhula ka ba?"

"Kevin naman eh! Hindi ka nakakatulong!"

*tok tok tok*

Sabay kaming napalingon ni Kevin sa pinto.

"Ako na." sabi ko saka pumunta na sa tapat ng pinto. Pagkabukas ko ay wala namang tao. Pero pumukaw sa atensyon ko ang notebook na nasa lapag. Pinulot ko ito saka pinagmasdan. Binalot ng lungkot ang mukha ko. Ito yung notebook na ibinigay ko sa kanya. Ibinalik na niya sakin. Isa lang ang ibig sabihin nito.

Gusto niya akong kalimutan.....

Binuksan ko ito pero laking gulat ko nang makitang iba ang mga litratong nandito.

Litrato naming dalawa....... na magkasama. Inilipat ko sa mga susunod na pahina ang notebook at lahat ng litratong nandito ay mga pagkakataon na magkasama kami. Sinong kumuha ng litrato na to? Kuha ito malayo sa amin. Parang sinusundan kami kahit saan kami magpunta.

"Pictures from Jeonghan hyung." nagulat ako nang may biglang magsalita sa harap ko.

"J-jun?"

Jun's POV

"Pictures from Jeonghan hyung." halata sa mukha niya ang pagkagulat nang magsalita ako.

"J-jun?" bahagya akong napatawa. Iniabot ko sa kanya ang bulaklak na hawak ko. Tinanggap naman niya ito.

"Kaya pala lagi akong pinagsasabihan ni Hyung tungkol sa ugali ko. Kaya pala lagi ko siyang nakikita sa t'wing magkasama tayo. Yan pala yung ginagawa niya. Pinipicture-an tayo."

"Those are pictures..... to tell what's my feelings for you." dagdag ko.

Kinuha ko ang salamin sa bulsa ko at isinuot yun sa mga mata niya.

"Mas bagay parin sayo ang may salamin." sabi ko. Hindi naman siya nakapagsalita. Halatang hindi niya alam ang nangyayari.

"Start being yourself again, and I'll start being yours now."

"Junhui......"

"Let me treat you......... as my sweetest thing Kiane. Only you." hindi niya ako sinagot at mahigpit nalang niya akong niyakap. Napapikit ako sa sandaling maramdaman ko ang yakap niya.

Eto pala yung nararamdaman nina Woozi. Having your love with your only sweetest thing.

~End~