Chapter 4: Recipe of Love
"I'm always here, loving you, caring for you, all just for you."
Mingyu's POV
"So now let's proceed to your activity. Activity by partners. Boys, you're the one who will pick your partners. Once I called your name, please proceed here to the front." nagsimula na ngang magtawag ng pangalan ang prof namin.
"Mingyu." tumayo ako at pumunta sa harapan nang ako na ang tawagin.
"Belle Sta. Maria." mahinang basa ko sa pangalan sa loob ng papel na nabunot ko. Agad na kumunot ang noo ko. Sinong Belle Sta. Maria?
Nakakatawa mang isipin pero hindi ko siya kilala. Kung sabagay. Kaunti lang naman talaga ang kakilala ko sa room na to. Madalas naman kasi na ang barkada ang kasama ko eh.
"Your activity is to think of one dish that you believe that you can do it more better and delicious. Something that you could bring it into a next level. I know na iba sa inyo ay ngayon lang makakasama sa isang gawain ang mga partners niyo ngayon. It is a help to enhance your communication with your classmates. Alam kong Culinary ang class na ito at hindi social related course but I want my students to be able to interact with new buddies just like in cooking that you're able to seek new ingredients and recipe. I hope na magiging maganda ang magiging resulta ng activity na ito. Class dismiss." halos sabay sabay na nagsitayuan ang mga kaklase ko nang lumabas na ang prof. Pero ako ay nanatiling nakaupo at nakatitig sa papel na hawak ko.
Paano ako makakapag-interact kung hindi ko siya kilala. Inilibot ko ang paningin ko sa buong classroom. Umaasang may isang naghahanap ng kapareha niya at baka sakaling siya nga si Belle Sta. Maria.
"Mingyu! Bakit hindi ka pa lumalabas?" nabaling ang atensyon ko kay Louie.
"Ah. Wala. Bro, kilala mo ba si Belle Sta. Maria? Siya kasi yung nabunot ko eh. Hindi kasi ako pamilyar sa kanya." tanong ko
"Ah si Belle. Oo! Siya yung laging wala dito sa class. Lagi siyang absent saka siya yung madalas na nasasabon ni Prof. Lagi kasing bagsak sa actual activities." sandali akong napaisip. Oo nga. Palagi ngang may napag-iinitan si Prof tuwing may actual activities kami. Pero hindi parin ako pamilyar sa kanya.
Nakarating ako ng rooftop na malalim ang iniisip. Natauhan lang ako nang may naramdam akong mahinang suntok sa braso ko.
"Lalim ng iniisip ah. Ano yan babae?" natatawang tanong ni Jun hyung.
"Oo babae hyung."
"Woah! Binata na ang baby gyu namin!" sigaw niya
"Huwag mo ko igaya sayo hyung. Ibang isip yang sayo." pambabara ko sa kanya.
"Have you seen Seungkwan?" napalingon kami kay Vernon na kadarating lang nang itanong niya yun. Nilingon ko rin ang paligid at napansin ko ngang wala si Seungkwan.
"Nasa clinic." sagot ni Dk
"Clinic? What happened?" -Vernon
"Chill lang. Napadaan kasi kami kanina sa field. May mga highschooler na naglalaro ng volleyball. Tapos yung isang babaeng highschooler natamaan ng bola sa ulo. Nagpresinta si Seungkwan na dalhin sa clinic." paliwanag ni Dk
Napatango naman kami. Hindi na rin kami nagtaka kung bakit nagawa ni Seungkwan yun. Likas na sa kanya ang tumulong.
"Speaking of. Ayan na siya." agad akong napatingin sa gawing itinuro ni Dk.
"Oh? Kamusta na yung babae?" agad na tanong ni Dk.
"Ok naman. Nagkamalay na siya." sagot nito.
"Tapos?" -Dk
"Anong tapos?"-Seungkwan
"Wala man lang ibang nangyari? Ano nagkakilala man lang ba kayo? Nagkakwentuhan?"-Dk
"Hindi na. Ba't naman mangyayari yun. Tumulong lang naman ako."-Seungkwan
"Aba ewan ko sayo! Ikaw tong nagsabing cute siya diba? Kaya nga tayo napatigil sa Field eh kasi na--" hindi na natuloy ni Dk ang sinasabi niya nang tukuran na siya ni Seungkwan ng plastic bottle sa leeg. Napatawa nalang kami sa kanila.
Mukhang may panibagong lovelife na naman ang madadagdag sa barkada ah.
Pinasadahan ko ang mga lovebirds na nandito ngayon. Si Hoshi at Mylene, nagsusubuan ng snacks. Habang si Woozi naman ay nagigitara sa harap ni Ciarra na siya namang busy sa pagrereview.
Wala sa sariling napatingin ako sa papel na kanina ko pa hindi mabitaw-bitawan.
"Belle Sta. Maria." muli kong basa rito.
―--―--―--―
"Any questions class?" agad akong nagtaas ng kamay nang itanong yun ng prof.
"Miss. About po sa partner ko. I don't think makakagawa po kami ng maayos nito. Hindi ko po siya nakausap kahapon in regards to our activity plus, I don't have any idea about her. I mean, I don't know her. So if possible Miss, I want to change my partner." sabi ko
"Ok Mr. Mingyu? May I know who is your partner?"
"Belle Sta. Maria."
"Oh, she's here. Ms. Belle? Kindly stand up." napalingon ako sa likod kung saan tumingin ang prof.
Doon ko nakita ang isang babae na tila ba nahihiyang tumayo.
"Your absent again yesterday."
"I'm s-sorry Miss." nahihiyang sagot niya
"Anyways, so your the partner of Mingyu for another activity. But unfortunately he wan--"
"No Miss." agad napalingon ang prof namin nang bigla kong sabihin yun
"I think I can give her a chance. We could still talk about our activity." sabi ko. Bigla kasi akong nakaramdam ng guilt. Baka pagalitan pa siya dahil sa akin.
"Ok? But! Ms. Belle. Please be more responsible. Now you've given a chance. Don't waste it. Mr. Mingyu is the one of the best student here in my class. You're lucky for having him as your partner. Please grab this oppurtunity for you to be able to get rid of cooking. I know na dun ka lang nahihirapan. Magaling ka naman pagdating ss written activities eh. I'm counting on you this time. Mr. Mingyu. Please help Ms. Belle while you're her partner ok?"
"Sure Miss."
"You may now take your break." unti-unti na ring naglabasan ang mga kaklase namin at kaming dalawa na nga lang ni Belle ang natira.
"I'm sorry. Napagsabihan ka pa tuloy dahil sa akin." pagbabasag ko sa katahimikan.
"It's okay. Sanay naman ako. Sorry rin. Nagka emergency kasi kahapon eh." sagot niya. Tanging ngiti at tango nalang ang naisagot ko sa kanya.
"Saan mo nga pala gustong mag-usap?" tanong niya.
"Hmm. Saan ka ba komportable?" tanong ko
"Ikaw nalang mag-isip Haha." napako naman ang tingin ko sa kanya nang bahagya siyang tumawa. Naalala ko na nga siya. Siya yung palaging pinagsasabihan ni Miss kapag nay mga actual na activities kami na pagluluto. Kung hindi kasi walang lasa yung mga gawa niya, sobra-sobra naman sa seasonings. Pero isa naman siya sa mga nag-e-excel sa written works or reports. Sadyang hirap lang yata siya sa pagkuha ng tamang mga timpla.
"Ahmm.... Mingyu?" bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses niya.
"Aahh A-ano sa.... ano kaya? Sa rooftop. Sa tambayan nalang namin. Ok lang ba sayo?" natatarantang tanong ko.
"Ok lang." sagot niya sabay ngiti. Napangiti rin ako nang makita ang ngiti niya.
―--―--―--―
"Sinong kasama mo dito?" tanong niya habang iniikot ng tingin ang bahay namin. Matapos naming mapag-usapan ang gagawin ay nagset na ako ng schedule para mapaghandaan namin ang gagawing activity sa school the day after tomorrow.
"Mom ko saka kapatid ko. Yung Dad ko kasi nasa ibang bansa for business matters." sagot ko.
"Ahh. Nasaan yung Mom mo saka kapatid?"
"Yung kapatid ko nasa school pa. Then si Mom, baka nasa tita ko. Madalas kasi siya mabored dito kaya umaalis-alis siya."
"Tara, dito tayo sa kusina." sumunod naman siya sakin.
Tahimik lang kami pareho habang nagpeprepare ng mga gagamitin namin.
"P-pwedeng magtanong?" pag-umpisa ko ng usapan.
"Hmm? Ano yun?"
"B-bakit nga pala lagi kang absent?" tanong ko habang naghihiwa ng bawang at sibuyas.
"A-aahh. Emergency kasi yun. Yung Mama ko kasi, nasa ospital. Chemotherapy niya. Tuwing may chemo siya, umaabsent talaga ako para masamahan siya. O kaya minsan, kapag nagrerequest siya na gusto niya akong makasama, umaabsent talaga ako para mapagbigyan siya." napatitig ako sa kanya dahil don. Kahit sa simpleng bagay na iyon ay parang agad na humanga ako sa kanya.
"Bakit ganyan ka makat--oh? Ok ka lang?"
"Ahh. O-ok la--"
"Nasaan yung first aid kit niyo dito?" nag-aalala niyang tanong.
"Sa C. R dyan sa may kaliwa." sagot ko habang hawak ang dulo ng daliri ko na aksidenteng nahagip ng kutsilyo.
Mabilis rin siya nakabalik bitbit ang first aid kit. Pinaupo niya ako saka siya nang naglinis ng sugat ko.
"Akala ko ba magaling kang magluto? Eh ba't nahiwa ka?" nang-aasar niyang tanong.
"Nadaplis lang, hindi ko kasi napansin eh. Sayo kasi ako n-nakatingin." nag-aalangang sagot ko.
"Wag mo kasi ako tingnan. Napaghahalataang nagagandahan ka sa akin. Hahaha."
"Wow. Iba ka din noh?" pang-aasar ko.
"Bakit? Sabihin mong hindi ako maganda"
"Hindi ka maganda." diretsong sabi ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Oh? Sabi mo diba sabihin ko? Hahahha." wala rin siyang nagawa kundi ang makitawa sa akin. Unti-unti ay nasasanay na ako sa presensya niya.
Nasundan pa nga ang mga pagkakataon na magkasama kami ni Belle kahit na natapos na ang activity namin. Madalas na rin namin siyang nakakasama ng barkada.
"Ayoko na! Bakit ba kasi kailangan pa ng thesis thesis na to eh!!" rinig naming reklamo ni Ciarra.
"Don't pressure yourself. I told you, you don't need to study, I can asure that I can give you better life in the future." sagot naman sa kanya ni Woozi hyung.
"Tigilan mo ko langgam ah. Stress ako." sumimangot naman si Woozi hyung nang marinig ulit kay Ciarra ang pagtawag sa kanya ng langgam.
"Bakit? Ano bang problema?" napalingon ako kay Belle nang itanong niya yun.
"Ang hirap kasi maghanap ng related literature." nakasimangot na sagot ni Ciarra.
"Sa article ka maghanap. Madali ka lang makakapagparaphrase dun kasi mostly sa article, nakaparaphrase na o kaya direct to the point na." sagot niya.
Agad na sinubukan ni Ciarra ang mga sinabi ni Belle. Parang nagkabuhay bigla ang itsura ni Ciarra nang tumingin sa gawi ni Belle.
"Oo nga! Hahaha salamat Belle!!" nginitian naman siya ni Belle.
"Culinary student pero parang Journalist? Hahaha anyare?" -Dk
"Major mo ba ang Writing Belle?" -Jeonghan hyung.
"Ah, oo." nahihiyang sagot niya.
"Bakit ka nagculinary?" -Mylene
"Ah dahil sa mama ko. Wala naman kasi talaga akong hilig sa pagluluto. Ni minsan nga hindi ko hinangad na matuto sa pagluluto. Satisfied na kasi ako sa luto ni Mama. Siya na yung laging naghahanda ng masasarap na pagkain na ipapakain niya sa akin. Kaso lang nagkasakit siya. Hindi niya na kayang magluto para sa akin. Then it turns out to be my inspiration na matuto sa pagluluto. Gusto ko, ako naman yung maghain kay mama ng masarap na pagkain. Gusto ko, luto ko naman ang maipagmalaki naming dalawa. Kare-kare. Yun yung specialty niya na gustong gusto kong matutunan. Kaso hindi na yata ako matututong magluto Hahah. Hirap na hirap talaga ako. Parang lagi kong kaaway yung kusina Hahahah." kwento niya. Kaya pala kahit na nasasabon at lagi siya napapahiya sa klase, tinutuloy niya parin na matuto sa klase. Para pala sa Mama niya. Muli ay nakaramdam ako ng matinding paghanga.
"Ahh. Pero adyan si Mingyu oh! Best cook yan! Magpaturo ka!" -Ciarra
Napatingin naman siya sa akin saka ngumiti. Bigla ay naramdaman ko ang mabilis na pagpintig puso ko nang makita ang ngiting iyon.
I always feel the same way lately. Sa tuwing kasama ko siya, halos palagi ko iyong nararamdaman. At hindi ako tanga at manhid. Alam kong unti-unti ay nagugustuhan ko siya. And I don't need to pressure myself from this feelings. I can asure that I like her. And she deserves this.
―--―--―--―
"Santiago."
"Present Miss."
"Sta. Maria." agad na dumako ang paningin ko ss isang silyang walang nakaupo.
"Absent? Again?" napailing nalang dahil dito ang prof namin.
Pagkatapos ng klase ay agad akong nagpaalam sa barkada. Gusto ko sanang puntahan si Belle. Nabanggit niya sa akin kung saang ospital nakaadmit ang mama niya. At ospital rin ito na pagmamay-ari ng pamilya ni Wonwoo.
"Good afternoon sir." bati sa akin ng nurse sa lobby.
"Good afternoon. Belinda Sta. Maria?"
"Room 17 po sir." nginitian ko lang siya saka nagtungo na sa sinabing kwarto.
"Good afternoon sir." bati sa akin ng nurse na kalalabas lang ng kwarto kung nasaan ang mama ni Belle. Nginitian ko nalang ito at pumasok na sa loob.
"Sino sila?" bungad sa akin ng ginang na nakahiga sa hospital bed. Siya marahil ang mama ni Belle.
"Good afternoon Ma'am. Ako po si Mingyu. Kaibigan po ni Belle." doon ay napadako ang paningin ko kay Belle na mahimbing na natutulog sa isang maliit na sofa sa kwarto ring iyon.
"Ganoon ba? Maupo ka ijo." umupo ako sa isang monoblock na katabi lang ng kama niya.
"Masaya akong makilala ka ijo. Nabanggit nga sa akin ng Belle na may mga bago siyang kaibigan." kwento niya saka ngumiti.
"Masaya rin po ako na nakilala ko kayo. Naisipan ko pong pumunta rito dahil umabsent si Belle sa klase namin kanina."
"Hayy. Sinabi ko naman kasi sa batang yan na wag nang lumiban sa klase. Kaya ko naman na. Pero ayan nandito padin."
"Mahal na mahal niya po talaga kayo." nakangiting sagot ko
"Bagay na ipinagpapasalamat ko. Masuwerte ako at anak ko siya. Pero alam mo ba? Kahit na hindi niya sabihin, alam ko na nahihirapan na siya. Alam kong nalulungkot siya dahil sa kalagayan ko. Kaya nga natatakot ako sa sandaling mawala ako. Baka hindi niya kayanin."
"Kaya nga po lumaban kayo para sa kanya. Madalas niya po kayong maikwento sa akin. Sa mga kwento niya na yon, kitang kita ko sa kanya ang pagmamahal niya sa inyo. Kaya sana hindi po dumating yung araw na iiwan niyo siyang malungkot." pagkasabi ko non ay nginitian niya ako.
"Masaya ako na may mga napagsasabihan siya ng mga ganyang bagay ijo. Nagiging palagay ako na ikaw ang makakasama ng anak ko sa sandaling mawala ako."
"Wag niyo pong sabihin yan. Naniniwala po si Belle na gagaling kayo, kaya sana maniwala rin po kayo na makakaya niyong lagpasan yan."
"Hindi ko naman hawak ang buhay ko ijo. Ano mang oras, pwedeng mawalan ng ina ang anak ko, pwede akong mawala sa tabi niya. Ano mang sandali, pwede kong siyang maiwan, pwede ko siyang masaktan. Nakakalungkot lang na hindi ko na siya makakasama sa kusina para maipaghain siya ng masarap na pagkain. Alam mo ba na sinabi niyang, kaya siya kumuha ng kursong Culinary ay para siya naman raw ang magluto at maghain sa akin ng masasarap na pagkain?"
"Naikwento niya nga po sa akin. Kaya nga po kailangan niyong lumaban, para matikman niyo pa po yung mga iluluto niya para sa inyo."
"Mingyu?" sabay kaming napalingon nang marinig ang boses na iyon.
"Belle, pasensya na, hindi ako nakapagsabi." sabi ko
"A-ayos lang. Ano palang ginagawa mo dito?" tanong niya
"Anak. Sige na, umuwi ka na at magpahinga, sa daan na kayo mag-usap ng kaibigan mo."
"S-sige po Ma. Magpagaling po kayo. I love you po." paalam niya saka humalik sa noo ng mama niya. Napangiti ako. Lalo lang lumalalim ang pagtingin ko sa kanya.
"Mauna na po kami." pagpapaalam ko
Pagkalabas ng ospital ay saka na ako inulan ng tanong.
"Anong ginagawa mo dun? Ano yung mga sinabi ni mama sayo? Ano ung mga kinuwento mo sa kanya?" sunod-sunod niyang tanong
"Teka. Dahan-dahan lang. Una, nagpunta ako kasi hindi ka pumasok kanina, naisipan ko lang na puntahan ka dito para na rin makilala ko yung mama mo. Wala naman kaming ibang napagkwentuhan." sagot ko
"Sigurado ka?" tumango naman ako bilang tugon.
Nanaig ang katahimikan sa pagitan namin. Naglalakad lang kami hanggang sa abangan ng taxi.
"Last 2 years nadiagnose si mama na may stage 3 Lukemia." umpisa niya sa pagkwento. Hindi ko iyon inaasahan kaya nakinig nalang ako.
"Napagdesisyunan namin na sumailalim siya sa chemo therapy para maagapan yung sakit niya. Nauna nang namatay ang papa ko. Kaya hindi ko kakayanin kung pati si Mama, mawala rin. Kaya kahit na alam kong mahirap para sa kanya, pinili namin na ipachemo siya." nanatili akong tahimik. Hindi ko rin naman alam ang isasagot ko
"K-kaso lang, last month, sinabihan ako ng doktor niya. Malabo na daw na masurvive ni mama yung sakit niya." napatingin ako sa kanya nang marinig ko ang mahina niyang paghikbi.
"D-dalawang b-buwan. Dalawang buwan nalang daw ang itatagal ni Mama." tuluyan ko na nga siyang niyakap nang bumuhos na ang mga luha niya.
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya, pero pinili kong huwag nang ipaalam. Alam ko naman na hindi magkakatotoo yung taning na sinasabi ng doktor. Kasi alam kong makakaya ni Mama. Gagaling siya."
"Gagaling siya. Maniwala ka lang." mahinang sabi ko habang yakap-yakap siya.
Nang makarating kami sa bahay nila ay hindi na ako nagdalawang isip pa na hilahin siya sa kusina.
"U-uy teka, hindi ka pa ba uuwi?" nagtatakang tanong niya.
"Hindi pa. Tuturuan muna kita." bakas naman sa mukha ang lalong pagtataka.
Nginitian ko nalang siya saka nagsimula nang maglabas ng mga rekado na kakailanganin para sa lulutuin namin.
"Hindi ba sabi mo, gusto mong matutunang lutuin ang kare-kare? Tuturuan kita!" magiliw na sabi ko. Mula sa nagtatakang mukha ay tila lumiwanag ito. Dali-dali niyang kinuha ang apron at isinuot ito.
"Ako na." pagpresinta ko na magtali nito sa likod niya. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay yumakap na ako sa kanya para maibuhol sa likod niya ang tali nito.
"S-salamat."
"Start na tayo." sabi ko. Nagsimula na nga kaming kumilos sa kusina. Inisa-isa kong ituro sa kanya ang maliliit na detalye na kailangan sa pagluluto ng kare-kare o kahit sa ibang putahe.
"Pero alam mo kung anong pinaka matibay at masarap na recipe?" tanong ko.
"Ano?"
"Recipe...... of love." sagot ko. Hinintay ko ang reaksyon niya pero binigyan niya lang ako ng nang-aasar na tingin.
"Corny mo." sabi niya saka mahinang tumawa.
"Totoo naman ah! Pinakamasarap na recipe sa lahat ang pagmamahal. Recipe of love."
"Oo na oo na. Pano ba yang recipe of love na yan ha? Ano bang recipe of love yan?"
"Ako."
"Ha?"
"Ako yung recipe of love." pero sa halip na kiligin ay binigyan niya ako ng nagtatakang tingin.
Ang slow niya.
Kinabig ko ang bewang niya saka marahang inilapat ang labi ko sa labi niya. Ramdam ko ang pagkabigla niya. Tumagal ng ilang segundo ang halik na iyon bago ko siya tuluyang binitawan
"Ngayon alam mo na kung bakit ako yung recipe of love?"
"Oo. Speed ka noh? Daig mo pa si Fast and Furious." napabagsak ako ng balikat dahil sa tinuran niya. Ni hindi manlang ba siya kinilig?
"Yun na yung reaksyon mo? Hindi ka manlang ba kinilig?"
"Anong gusto mong gawin ko? Halikan ka pabalik?"
"Hi--" hindi ko na natapos ang dapat sana'y sasabihin ko nang ikawit siya sa batok ko ang dalawa niyang braso saka inabot ako para halikan sa labi. Bahagya pa akong nagulat pero iniyakap ko nalang ang mga braso ko sa kanya saka sinuklian ang mga halik niya.
*Splash*
Agad kaming napahiwalay sa isa't-isa ng umapaw ang sabaw ng niluluto namin. Hininaan ko agad ito saka nakasimangot na tumingin sa kasama kong tawa na ng tawa dahil sa naging reaksyon ko.
―--―--―--―
Belle's POV
"Ok Belle! Kaya mo to!" sigaw ko habang nakaharap sa mga rekados na nakahanda sa lamesa. Balak kong magluto ng kare-kare. Kahit papaano naman ay may natutunan ako sa mga itinuro sa akin ni Mingyu. Kahit na may nangyaring ano..... basta ano. Alam niyo na yun.
Nahirapan man sa una ay pinili kong ituloy ang ginagawa ko. Kung sakali naman na hindi masarap to ay sanay na ako. Hindi naman kasi ito ang unang beses na sumubok akong magluto nito.
Habang nagluluto ay nalala ko si Mingyu. Napapangiti ako mag-isa dahil naalala ko ang mga nangyari sa amin habang nagluluto dito. Yung sinabi niyang siya Recipe of Love. Tapos biglang..... ayun. Yun pala yun.
Wala sa sariling tinikman ko ang luto ko. Ganoon nalang ang pagtatatalon ko nang malasahang katulad na katulad ito ng luto ni Mama at Mingyu.
Agad kong tinext si Mingyu para papuntahin dito. Gusto kong ipatikim sa kanya ito nang sa gayon ay sabay namin itong dalhin kay mama sa ospital.
Masaya akong naglalagay ng kare-kare sa tupperware nang may matanggap akong tawag. Sinagot ko ito nang may ngiti sa labi.
"Hello?" masayang sagot ko.
"Miss Belle Sta. Maria? Ang mama niyo po." agad napawi ang ngiti ko nang marinig iyon. Dali-dali kong binitbit ang bag ko at saka nagmamadaling umalis.
"Mama."
―--―--―--―
"Clear! Clear!!"
"MAAAAA!! MAMAAAA!!" dalawang nurse na ang pumipigil sa akin at nagpapakalma. Kitang-kita ko kung paano irevive si Mama. Kita mula rito sa labas ng I. C. U ang matinding paghihirap ng katawan ni Mama.
Mama please. Lumaban ka.
"MAMAAAA!!" iyak lang ako ng iyak hanggang sa wala na akong narinig na ingay mula sa loob. Nang muli ko itong tingnan any halos manlumo ako nang takluban na ng kumot ng isang nurse ang mama ko.
"H-hindi. Mama! MAMA!!" lumabas ang doktor na may nanlulumong hitsura.
"I'm sorry. She didn't make it." wari nito.
"H-hindi!! Mama!!" agad kong tinakbo ang loob ng I. C. U. Hinayaan lang ako ng ibang nurse na lapitan ang mama ko.
"Mama. Mama gising ka na. Mama wag m-mo ko i-iiwan p-please." sabi ko habang yakap-yakap ang katawan niya.
"Mama, nagawa ko. Nakapagluto ako ng kare-kare. Diba paborito natin yun? Mama nagdala ako. Titikman mo pa yun mama d-diba?"
Patuloy lang akong umiyak nang umiyak habang yakap-yakap siya. Umaasang yayakapin niya rin ako pabalik.
―--―--―--―
Nakasalampak lang ako sa malamig na sahig ng ospital. Sa labas ng morgue kung saan dinala si mama. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na wala na siya.
*kring kring*
"H-hello?" matamlay kong sagot rito.
"Hello? Belle! Nasaan ka? Andito ako sa bahay niyo. Sabi mo ipapatikim mo sa akin yung Kare-kare na niluto mo?"
"M-mingyu..."
"Belle... teka bakit ganyan yung boses mo? Anong nangyari? Nasaan ka ba?"
"M-mingyu...... w-wala na si mama." sagot ko saka muling umiyak.
"A-ano? S-sandali.... papunta na ako. Hintayin mo ako ok?"
Mingyu's POV
Dali-dali akong nagpunta sa ospital nina Wonwoo. Doon ko naabutang nakaupo sa sahig si Belle. Maging ako ay napaluha nang makita ang kalagayan niya.
"B-belle." nanluluno siyang tumingin sa akin. Umupo ako kapantay sa kanya at doon ay yumakap siya sa akin. Umiyak lang siya nang umiyak sa balikat ko.
"W-wala na si Mama Gyu. Iniwan niya na ako." sabi niya sa gitna ng kanyang pag-iyak. Inaalo ko na lamang siya para kahit papaano ay kumalma siya
"I know she's already happy right now. Wala na siyang nararamdamang sakit. So be happy for her." sabi ko.
"I can't."
"Yes you could. I'm here. I'll help you." pagkatapos kong sabihin yun ay hinalikan ko siya sa noo.
―--―--―--―
Dumating na nga ang araw ng libing ni tita Belinda. Narito kami ngayon sa tapat ng puntod niya.
"Ang daya mo mama. Hindi mo manlang tinikman yung luto ko. Pinaghirapan ko pa man din yun." na kay Belle lang ang paningin ko habang sinasabi niya ang mga yun. Nakangiti siya pero alam kong pinipilit niya lang ang mga ngiting iyon.
"Sana mama, masaya ka na diyan kasama si Papa. Ang daya niyo pareho kayo iniwan niyo ako. Pero salamat kasi nagpadala kayo ng makakasama ko." pagtapos niyang sabihin yon ay tumingin siya sa akin. Nginitian ko naman siya.
"Don't worry Tita, tito, I'll take care of your princess." sabi ko saka inakbayan siya.
Hinarap ko siya saka hinawi ang ilang buhok na humarang sa maamo niyang mukha.
"I'm always here, loving you, caring for you, all just for you." Sabi ko saka hinalikan siya sa noo.
"Thank you and I love you."
"You're welcome. And I love you too always. My sweetest thing."
~End~