Chapter 3: Piece of Past

"I don't need to find another girl, 'cause it's still you."

Ciarra's POV

"LET ME HEAR YOU SAY! HEAR YOU SAY!!"

"Hoy!!" dali-dali kong pinatay ang speaker ko nang may biglang pumasok sa kwarto ko.

"Ano ba yan Maddie panira ka eh! Nagsa-soundtrip ako dito eh!" reklamo ko.

"Ikaw eh! Ang aga-aga ang ingay ingay mo. Pwede namang magsoundtrip na hindi sobrang lakas na ultimo sa kabilang bahay rinig na rinig yang speaker mo!" hindi ko nalang siya pinansin at nagsuklay nalang ng buhok ko.

"Nagbagong taon na lahat lahat hindi ka pa rin nagbabago. Hindi mo parin natututunang gumamit ng earphones kesa speaker." sumbat niya ulit.

"Ikaw rin eh! Nagbago na lahat ang taon, kontrabida ka parin!" baling ko sa kanya.

"Che! Umalis ka na nga! Unang araw ng pasukan ngayong taon wag ka malate!"

"Oo na po. Eto na po paalis na po. Hoy! Umalis ka sa kwarto ko may sarili kang kwarto! Boarding house nga diba?!"

"Tumahimik ka na! Kasing lakas ng speaker mo yang bunganga mo!" hindi nalang ako sumagot pa at nagmadali nang lumabas ng bahay. Nilalakad ko lang naman ang papuntang school dahil malapit lang ang boarding house na tinutuluyan ko sa school namin. Sanay naman akong naglalakad lang. May kasama naman ako eh.

"Good morning Langgam! Happy new year sayo! Kamusta? Tumalon ka ba nung new year? Nakakapagpatangkad yun!"

"Stop. Calling. Me. Langgam." sungit na naman.

Kinurot ko nalang ang pisngi niya, bagay na alam kong ayaw niya pero wala siyang magagawa.

"Wala bang happy new year mula sa boyfriend ko?" nagpaparinig na sabi ko.

"Happy new year. And please, start your new year with a piece of silence."

"Piece of silence ka dyan? Hindi ka ba nagsasawa sa katahimikan ng mundo mo? Kandila at bulaklak nalang yata pwede ka nang iburol eh. Bagong taon na Woozi! Sabi nga ng mga mayayamang tulad niyo, start something new!"

"And you, start something new. Try to lower your voice."

"Hindi ako pwedeng tumahimik, kasi nga ako ang magpapaingay ng tahimik mong mundo! Bilang girlfriend mo, bubuhayin ko yang tahimik na mundong malapit mo nang iburol!" pagkasabi ko non ay ngumiti siya.

"Then keep it up. Be my noise, be my world." alam niyo minsan magulo siya. Papatahimikin ka niya tapos kapag may nasabi kang maganda, biglang ok na. Ganun yata siya kiligin. May change of mind.

Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami. Bagay na ayokong matapos. Ito yung mga oras na pinakagusto kong tumatagal. Mga oras na hawak niya yung kamay ko.

Malapit na kami sa school nang bigla siyang huminto sa paglakad. Maging ako ay napatigil at nagtaka.

"Woozi? May problema?" hindi niya ako sinagot bagkus ay bigla niyang binitawan ang kamay ko saka tumakbo at hinabol ang isang babae.

Binitawan niya ang kamay ko.

"Astrid?!" tawag niya sa babae kaya't napalingon ito. Sandali siyang natigilan.

"I'm s-sorry. I just thought---" hindi niya na tinapos ang sinasabi niya at tinalikuran na ang babae. Bakas sa mukha niya ang lungkot. Parang may kung anong bagay ang kumirot sa dibdib ko.

Sino si Astrid? At bakit kinailangan niya pang bitawan ang kamay ko para sa babaeng yon?

"Woozi, okay ka lang?" tanong ko pagkalapit niyang muli sa akin.

"I am. Let's go." akmang ibibigay ko muli sa kanya ang kamay ko pero mabilis na niya akong tinalikuran. Nauna siyang naglakad papasok sa campus. Sandali ko pang tinitigan ang kamay ko bago sumunod sa kanya.

Kahit naguguluhan ay mas pinili ko parin na makipag-usap sa kanya. Ayokong umpisahan ang taon ko sa mga hindi makabuluhang bagay na makakaapekto sa nararamdaman ko para sa boyfriend ko.

"Kamusta na kaya sila noh? Kumpleto na kaya sila doon? Nagkita na kaya ulit sina Mylene at Hoshi? Diba ngayon lang ulit sila magkakausap kasi galing si Hoshi sa ibang bansa?"

"I don't know." kahit sanay na ako sa mga maiikli niyang sagot ay hindi ko maiwasang malungkot at magdamdam sa pagkakataong ito. Mayroon siyang hinanap na babae na ang pangalan ay Astrid. Hindi ko alam kung sino yon at kung bakit naalala siya bigla ni Woozi. Binitawan niya pa ang kamay ko sa pagaakalang yung hinahanap niyang babae ang nakita niya kanina.

Nakarating kami ng Rooftop at doon ko nga nakita sina Mylene at Hoshi na masayang nagkukwentuhan. Nilawakan ko ang ngiti ko para maging bungad sa kanila pero agad din itong napawi nang may makita akong ibang babae na kasama nila.

"Woozi?" tumayo ang babaeng ito at lumapit kay Woozi. Matangkad siya, maputi at makinis. Modelong modelo ang dating. Pero bakit kilala niya si Woozi.

"Astrid?" ganoon nalang ang pagsikip ng dibdib ko nang banggitin ni Woozi ang pangalang iyon.

Maluha-luhang ngumiti ang babaeng iyon saka sabik na sabik na niyakap si Woozi. Pinaghalong gulat at pagtataka ang nararamdaman ko ngayon. Pero nadagdagan ito ng sakit nang yakapin rin siya pabalik ni Woozi.

Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko nang makita ang pangyayaring iyon. Pero nanatili parin ako at tila nagpakamanhid para masaksihan ang mga susunod na mangyayari.

"You're here. Finally." parang sinaksak ang puso ko nang marinig ang mga salitang iyon mula kay Woozi.

"Yes of course! I have my promise right? Now I'm here. I won't leave you anymore." pakiramdam ko ay anumang oras ay mawawalan ako ng hininga.

"We're going to continue our memories right? I love you Woozi. There's no minutes nor seconds passed without me thinking of you."

"I love y--" hindi ko na pinatapos na marinig ang isasagot ni Woozi at tumakbo na ako paalis sa lugar na iyon.

"Ciarra!" rinig kong sigaw ni Mylene pero hindi ko na siya inintindi pa. Wala man akong makita sa dinadaanan ko dahil sa mga luhang nakaharang sa mata ko ay tumakbo lang ako ng tumakbo para lang makalayo sa lugar na iyon.

Woozi's POV

"We're going to continue our memories right? I love you Woozi. There's no minutes nor seconds passed without me thinking of you." tanging na kay Astrid lang ang atensyon ko. Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito.

"I love you." tanging sagot ko. Walang katumbas na salita ang nararamdaman ko ngayon.

"Ciarra!" rinig kong sigaw ni Mylene pero hindi ko inalis ang paningin ko kay Astrid.

"Woozi! Si Ciarra!!" sigaw ni Hoshi pero hindi ko yun inintindi. Ayokong mawala sa paningin ko si Astrid. Baka muli ay makawala siya at iwan ako.

Pero bigla akong natauhan sa isiping iyon.

'Baka muli siyang mawala at iwan ako'

'iwan ako'

'iwan ako....

Agad akong napabitaw kay Astrid.

"Ciarra." bulong ko.

Natataranta kong inikot ang paningin ko. Lahat sila ay nagtatakang natingin sa akin.

"Nasaan si Ciarra?!!" sigaw ko.

"Wait?! What?! Who the hell is Ciarra?!" sigaw ni Astrid pero hindi ko siya pinansin.

"Tumakbo siya paalis. Sinundan siya ni Mylene." sagot ni Jeonghan hyung

Akmang aalis na ako nang hawakan ni Astrid ang braso ko para pigilan.

"Where are you going?" mataray na tanong niya.

Ano bang nangyari sa akin? Bakit bigla ay nakalimutan ko si Ciarra? At nabaling ang atensyon ko sa babaeng to? Na nang-iwan sa akin noon?

"It's none of your business." walang emosyong sagot ko.

"What?! Why suddenly?! You're unbelievable! Kanina lang ok ka ah?!"

"Akala ko rin ok eh. Kaso may nakalimutan yata ako. Diba iniwan mo ko? Para piliin yung lalaking nagbigay ng malaking opportunity sayo abroad?"

"W-Woozi.... let's forget about it. Let's just start over. I'm here. We're meant for each other! I know!"

"No we're not. I'm only for a girl who's choice is me. And for the girl I promised to love the most. And it's not you Astrid."

"And who?! Who the hell is she?! Is she prettier than me?! Richer than me?! Better than me?!--"

"Yes she is!! She's more BETTER than you are!! Not because she is prettier than you nor beacause she is richer than you but because I love her more than you!!" I shouted that make her shooked.

"You love her than me? But you said you love me! You said I love you to me!!"

"Then let's just say, it's only because of shocked and not because I mean it. Forget about what I've said. Just think that it is only a dream."

Hindi ko na hinintay pang magsalita siya at tumakbo na ako papunta sa kung saan. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Pero isa lang ang alam at sigurado ako. Walang ibang pipiliin ang puso ko kundi siya. Si Ciarra lang

Ciarra's POV

Tumakbo lang ako nang tumakbo kahit saan ako dalhin ng mga paa ko. Nang mapagod ay iniupo ko na ang mga binti ko. Wala akong ibang marinig kundi ang sarili kong hikbi. Muli akong tumayo para tumingin sa paligid. Nasa field ako. Pinili kong umupo sa bleachers para magpahinga. Pakiramdam ko ay kusang lalabas sa katawan ko ay puso ko dahil sa nararamdamang sakit at pagod.

"Ciarra." napalingon ako sa tumawag sa akin. Agad siyang umupo sa tabi ko at hinimas ang likod ko.

"Bakit sumunod ka pa?" tanong ko.

"Kasi alam kong hindi ka ok." sagot niya

"Ok lang ako Mylene. Bumalik ka na don. Ngayon palang ulit kayo nagkita ni Hoshi pagbalik niya galing Florida diba?"

"Alam ko pero alam ko rin na hindi ka talaga ok. Kaya sasamahan kita. Iiyak mo lang yan. Andito lang ako."

Nang sabihin niya yun ay biglang bumigat ang mga mata ko. Unti -unti ay naramdaman kong tumulo na naman ang mga luhang hindi matapos-tapos sa pag-agos.

"B-bakit ganon? A-ang sakit? *sniff* hindi ko naman kilala yung babaeng yun, pero pakiramdam ko, sobrang mahalaga siya para kay Woozi. Mas mahalaga pa kesa sa akin." niyakap lang ako ni Mylene at umiyak lang ako nang umiyak sa balikat niya.

"May posibilidad na may namamagitan sa kanila ni Woozi noon. At nasisiguro ko na siya yung tipo ng babae na hindi agad malilimutan ni Woozi. Alam mo ba kanina, bago kami makarating dito sa school, may nakita siyang babae. Tinawag niya yun na Astrid. Binitawan niya yung kamay ko para lang mahabol yung babae na yun. Tapos nung nagkamali siya, kitang kita sa kanya yung lungkot at pangungulila."

"Ayokong isipin na balang araw ipagpalit ako ni Woozi, pero mukhang ayun nga yata yung kapalaran ko. Ang sumaya ng panandalian. Ngayon palang, nasasaktan na ako. Nakita mo ba yung Astrid na yun? Maganda siya, maputi, makinis, mayaman. Modelong-modelo. Malayong-malayo sa akin."

"Alam mo, una palang naman alam ko nang maaaring dumating to eh. Alam ko nang darating ang araw na makakahanap siya ng totoong magpapalabas ng ngiti niya. Na nakita ko na ngayon. Nakita mo ba yung ngiti niya kanina? Kahit kailan, hindi ko yun mabibigay sa kanya."

"Hindi totoo yan. Masaya siya sayo."

"Pero mas masaya siya kay Astrid. Alam mo ba Mylene? Minsan iniisip ko kung...... totoo ba yung mga ngiti at tawa na nakikita ko sa kanya sa tuwing kasama niya ako eh. Kasi simula nung nakita ko yung ngiti niya kanina kay Astrid, parang bigla akong natauhan. Ano yun? Ako lang ba nagpapaasa sa sarili ko na masaya siya sa akin."

"Huwag mong sabihin yan. Hindi yan totoo. Saksi kami ng barkada kung gaano ka niya kamahal Ciarra." paulit-ulit lang akong umiling nang sabihin yun ni Mylene.

"Tama na. Kailangan ko na nga sigurong tanggapin na..... sandali lang lahat ng kasiyahang naramdaman ko. Na alam ko naman na ako lang yung gumawa. Naalala ko noon yung unang pagkikita namin. Yung araw na yon ang dahilan kung bakit araw-araw kong nagagawang pasayahin ang bawat araw ko. Kasi araw-araw ko siyang nakikita."

FLASHBACK

Nasa park ako non. Nagpapahinga ako kasi katatapos ko lang tumulong sa mga tita ko sa karendirya nila. Dagdag pera para sa baon saka gastos sa school. Kahit kasi scholar, ang hirap makahagilap ng pera na pambayad sa kung ano-anong kailangan sa school.

"Hoy! Ciarra! Ano tong narinig ko ha?! Pinagkakalat mo na nabuntis ko si Lara?!" nagulat ako nung biglang sumulpot sa harap ko si Cholo.

"Ano na naman yang tsismis na yan Cholo? Ako na naman ang naturong nagpakalat? Aba? Nakakahalata na ko. Sino ba tong taong to na naninira sakin?"

"Hindi na mahalaga kung sino! Ako, ubos na ang pasensya ko jan sa bunganga mo ah! Matabil eh. Dapat diyan, binibigwasan!" ambang sasampalin niya ako pero agad akong nakaiwas

"Oh, teka, wag namang ganyan. Hindi ko pa nga naeexplain yung side ko, mananakit ka na. Hindi yata ta--"

"Puro ka satsat!" nagtangka siyang muling saktan ako pero nagulat nalang ako nang makita siyang nakahandusay sa sahig at umiinda ng matinding sakit sa balikat.

Doon ko nakita ang isang hindi katangkarang lalaki na hawak hawak ang isang nayuping gitara. Kitang kita sa gitarang ito ang pwersang nagamit niya para hampasin si Cholo.

"Hurting a lady looks so gay. Are you one?" mapangaral na wika nito.

"Hayop! Ba't mo ginawa yun?! Aaahhh!" atungal ni Cholo habang nakahandusay parin sa sahig at namimilipit sa sakit.

"Ano pang hinhintay niyo! Tititigan niyo lang ba ako?! Upakan niyo! Mga walang kwenta!" sigaw niya sa mga kasama niya.

Sa pagkakataong iyon ay may naramdaman akong kamay na humawak sa kamay ko at kalaunan nga ay hinila na ako sa kung saan. Sa mga oras na iyon ay pakiramdam ko, tumatakbo ako sa bahaghari.

"They're gone." nagbalik ako sa reyalidad nang magsalita siya. Huminto na pala kami sa pagtakbo. Bakas sa mukha niya ang pagod.

"S-salamat." tanging sagot ko nalang.

"Are you okay? Are you hurt?"

"Ah h-hindi. S-salamat."

"If that so, I better go."

"Ah teka sandali."

"What is it." ang totoo, hindi ko alam kung bakit ko siya pinigilan.

"Ah y-yung gitara m-mo. Pasensya na. Nasira pa tuloy." bigla ay parang natuliro siya.

"Oh God!" usal niya saka tiningnan ako ng masama.

Ba't parang kasalanan ko?

"I-it's..... fine. Now, I should go." hindi niya na ako pinagsalita pa at umalis na nga.

Simula noon ay ginusto ko nang nakikita siya parati. Nalaman ko na iisang school lang ang pinapasukan namin. Hindi lang ako pamilyar sa kanya dahil nga sa pagtulong ko kina tita sa karendirya nila.

Walang araw na hindi ko siya sinundan. Doon ay unti-unti ko siyang nakilala. Ayaw niya sa maraming tao, pero marami siyang kaibigan. Ayaw niya nang maingay, pero ang iingay ng mga kaibigan niya. Kapag gusto niyang mapag-isa ay pumupunta siya sa field, lagi ko siyang sinusundan. To the point na nasusungitan niya na ako.

"Why you're always following me?" hindi na ako nag-atubiling umupo sa tabi niya. Alam kong ayaw niya yun pero wala naman akong pakialam. Isa pa, hindi naman siya nagreklamo.

"Gusto ko lang makipagkaibigan."

"For those days you've been following me, I know you already knew about my friends, they are already plenty, I don't even want another one to be added."

"Sungit mo, edi wag mo kong ituring na kaibigan! Pero susundan parin kita. Kasi para sa akin, ikaw ang savior ko. Ito yung way para mapasalamatan kita."

"It's been a long time since then. I already forgot about it. I didn't even remember why I saved you from those bastards."

"Luh, sama ng ugali mo noh?"

"You know? You're being too loud."

"Para magkabuhay yang tahimik mong mundo."

"I don't even need noise. I hate it to be honest."

"Alam mo, dudugo na yung ilong ko kaka-english mo. Ano to Thesis defense?" pagkasabi ko non ay mahina siyang napatawa. Iyon ang unang beses na napatawa at napangiti ko siya.

Nasundan pa ang mga pag-uusap namin at mga pagkikita. Alam ko sa sarili kong gusto ko na siya. Pero alam ko rin na posibleng walang maging pag-asa.

Pero dumating nga ang araw na pinakahihintay ko.

"You're too noisy Ciarra."

"Sabi ko nga sayo, kailangan kong mag-ingay para naman gumising yang tahimik mong mundo. Hindi ka ba nalulungkot? Yung mga barkada mo, kahit kasama mo sila at maingay sila, nasa sulok ka parin."

"Because I hate noise."

"So hate mo rin ako?"

"N-no. I m-mea--"

"Suss! Palusot! Alam ko naman na ayaw mo saki--"

"I like you. Please don't say that I didn't like you. Because I do." natameme lang ako at parang nawalan ako ng hangin na mahihinga.

"Anong sabi mo?"

"You said that you want to give noise to my quiet world. So be it. Be the noise that will give life to my lifeless world."

END OF FLASHBACK

"At ngayon, mukhang alam ko na kung bakit niya nasabi yon." sabi ko saka pinunasan ang mga luhang kumalat na sa mukha ko.

"Bakit hindi mo siya kausapin?" nilingon ko si Mylene dahil don.

"Para saan? Para siya mismo ang magsabi sakin na nagkamali lang siya at mas gusto niya si Astrid? Hindi na. OA na kung OA pero, hindi ko kayang marinig mula sa kanya yun."

"Malay mo, hindi yun ang mga maririnig mo. Ikaw ang mahal niya Ciarra. Bakit hindi mo subukan na kausapin siya?"

"Para makarinig ulit ng panibagong kasinungalingan? Tama na Mylene. Ayoko na. Tama na yung mga nakita ko. Nasagot na non lahat ng mga tanong k--"

"But I guess you find the wrong answers." sabay kaming napalingon sa nagsalita.

"Woozi.... A-ah maiwan ko na m--"

"Mylene." doon ay sumulpot na si Hoshi sa tabi ni Woozi. Agad na lumapit sa kanya si Mylene at saka ako nginitian. Nang makaalis sila ay agad na akong tumayo.

"W-wait. Ciarra." lakas loob ko siyang hinarap.

"Nakita mo na yung hinahanap mo. I'm happy for you."

"What? What are you talking about?"

"Si Astrid. Hindi ba, hinahanap-hanap mo siya? Kanina nga habang papunta tayo dito, may nakita kang babae na akala mo siya diba? Ngayon na nandito na siya, bakit mo pa ako pinuntahan?"

"Ciarra, I'm sorry. I'm just carried away by my emotions but believe me. It's just nothing, Astrid is now just a piece of my past. And you, you're my girlfriend. You're my fu---"

"Tama na! Wag ka nang magsalita. Ayoko nang--"

"Ciarra, listen to me. I love you." muling tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

"Mahal mo ako? Pero rinig na rinig ko kanina yung pagsabi mo kay Astrid na mahal mo rin siya! Sino samin yung ginagawa mong tanga!!"

"I admit! I told her that I love her! But I remembered that she left me once. Now, I'm here, because it's clear. You're the one I loved." hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya habang patuloy parin na tumutulo ang mga luha ko.

"Mahal kita. Pero ayokong nakikita kang napipilitan. Kitang kita ko yung sayang naramdaman mo nung makita si Astrid. At iyon ang panghahawakan ko para pakawalan ka. Woozi, hindi ko kayang ibigay yung ganoong ngiti. Pero salamat. Kasi ikaw mismo, nagbigay ka ng saya sa buhay ko. Woozi kahit ngayon lang. Magpakatotoo ka sa sarili mo. Kahit na nagtagal tayo, alam kong nakakaramdam ka ng kulang sa puso mo. Akala mo ba hindi ko alam? Hindi ba't sinabi mo lang na gusto mong lagyan ko ng ingay ang mundo mo, para makalimutan mo si Astrid. Na kahit kailan, hindi mo nagawa. Kasi naaalala mo parin siya, kahit kasama mo ako. Napapansin ko na yun noon pa. Pero ngayon lang naging malinaw ang lahat."

"Ciarra...."

"Go back to your past. Love someone again. And let me be your piece of past."

―--―--―--―

"Wow! Sana all may pa-flowers!! Kelan kasal Audrey?" rinig kong sigaw ni Maddie sa kasamahan namin dito sa boarding house na si Audrey. May nagpadala kasi sa kanya ng bulaklak. Valentines day kasi ngayon.

"Kasal ka diyan? Sakal gusto mo?" pabirong sagot ni Audrey.

"Grabe naman. Edi sana all nalang may jowa! Diba Ciarra?!" sinamaan ko nalang siya ng tingin. Higit isang buwan na nga simula nang mangyari yung pakikipaghiwalay ko kay Woozi. Noong una ay nakikiusap parin siya. Pero kalaunan ay tumigil na rin. Si Woozi siya eh. Maiksi ang pasensya. Pero mas mabuti na yun.

"Bitter si ate. Sige na dyan ka na. Papasok na kami. Sana all half day lang yung pasok diba!"

"Oo na! Dami mo pang sinasabi alis na!" sigaw ko. Pagkaalis nila ay parang bigla akong nalungkot.

Pumunta ako sa kwarto ko saka kinuha ang isang bagay. Habang hawak ko ito ay parang biglang nanumbalik sa akin yung mga alaalang pinapasaya ko yung sarili ko sa pagaaakalang masaya kami ni Woozi.

Ito sana yung gitarang ireregalo ko sa kanya. Bahagya akong natawa nang maalala yung paghampas niya ng gitara kay Cholo noon para ipagtanggol ako.

Pinalagyan ko talaga ito ng pangalan niya para kanyang-kanya lang. Alam ko kasi na hilig niya ang paggigitara. Saka para unique. Alam ko namang kayang-kaya niya bumili ng isang daan pang gitara. Noong pasko ko sana ito ibibigay kaso nagkaproblema sa pinagawaan ko kaya minove nalang para ngayong Valentine's kaso lang nga hindi na umabot pa sa araw na to ang relasyon namin. Kahapon lang to dumating, ni hindi ko na nga naalala na may ganto pala akong regalo.

Ibinaba ko ito sa sala. Ayoko muna yang makita. Siguro ipapatanggal ko nalang yung pangalan tapos ipapadala ko sa probinsya para sa mga pinsan ko dun.

Bumalik ako sa kwarto para mag-ayos bago pumasok sa school.

―--―--―--―

"Huh? Asan na yun?" bulong ko sa sarili ko habang hinahanap yung gitara. Pagkakaalam ko dito ko lang yun nilagay ah?

Patuloy akong naghanap. Hindi kaya may nagnakaw non?

"Sino nama--"

Napatigil ako nang may narinig akong pagstrum ng gitara. Lumabas ako para malaman kung saan nanggagaling yun.

"Oneurui majimak i gire seo itda

Maeireun ireohge ooh

Deuneolpeun sesangen

Nan meonjimando mothan geol jal algo itjiman

Swiun il hana eopsneun

Chulgu eopsneun miroindeuthan sesang

Haengbogeun geunyang malman inneun geogo

Moduga wonhaneun dreamilppunirago

Maldo an doeneun yaegingeol yeah

Mitgo sipjido anhaseo yeah

Yeah I just want it simple simple oh..

Nareul sumswige haneun modeun geosi

Geujeo gandanhaesseumyeon hae

Naegeseo meolli deo meolli

Deo boiji anheul ttaekkaji

I call you baby yeah

Baby's called my happiness yeah

Yeah I just want it simple simple

I want it simple"

"W-woozi?" hindi makapaniwalang sabi ko.

Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti na dahilan ng biglang panghihina ko. Walang anu-ano'y tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"I-I'm sorry." sabi niya saka ako nilapitan at niyakap.

"Sorry for making you cry..... again." pinunasan niya ang mga luhang nagkalat sa mukha ko. Halos hindi ko alam ang dapat kong maging reaksyon at sasabihin.

"A-anong ginagawa mo dito?" wala sa sariling tanong ko.

"Celebrating valentine's day with my girlfriend." ayan na naman siya sa reaksyon niya na parang walang nangyari.

"Girlfriend? Si Astri--" hindi ko na natapos ang dapat kong sasabihin nang bigla niya akong kabigin at halikan.

"The one I've kissed." nang-aasar na sagot niya.

Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa buong mukha ko.

"I don't need to find another girl, 'cause it's still you......... because you're my one and only sweetest thing." pagkatapos niyang sabihin yun ay muli kong nakita ang ngiting akala ko ay hindi na ako ang dahilan.

~End~