Chapter 10: Another University
Mariane POV
Nandito ako ngayon sa classroom, nakatingin lang sa labas ng bintana. kanina pa ako nakatulala pagdating dito sa school.
hindi ko pa rin makalimutan yung sulat kagabi.
May gustong pumatay kay Mariane, pero sino?
Alam kung masama ang ugali ni Mariane, kaya maraming galit sa kanya pero wag naman sana dumating sa punto na pagtangkaan siya.
Mamatay na nga siya sa kamay ng male lead eh.
sa pag kaalaala ko kasi walang nabanggit sa libro na may nagtatangka kay Mariane dahil ang pinagtutuunan lang ng pansin ay yung female lead,
Ni sariling POV ni Mariane wala, kahit isa,
Third Pov lang ang meron siya pero tungkol lang iyon sa pagpatay sa kanya, at mga naramdamang niyang pagsisisi, at pagsabi niya kung gaano kamahal nito ang binata.
At hanggang doon lang.
Napakagat na lang ako ng ibabang labi dahil sa kaba at litong nararamdaman.
Nabalik ako sa ulirat ng may kumalabit sa akin.
"Ang lalim ng iniisip mo, at mukhang kinakabahan ka may problema ba?" si Nathan lang pala.
pilit naman akong ngumiti sa kanya at mukhang napansin niya ito dahil kumunot ang noo niya at nagaalala akong tiningnan.
"Ayos lang ako Nathan may nangyari lang ." sabi ko sa kanya.
ayaw kong sabihin sa kanya na may nagtatangkang pumatay sa akin, dahil alam kung mag aalala siya at baka madamay pa siya. hindi ako tanga para hindi maintindihan kung ano ang ipinapahiwatig nang sulat na yun.
"Sigurado ka bang ayos ka, kung gusto mo bukas na lang tayo mag interview kay tita mukhang masama ang pakiramdam mo." oo nga pala nawala sa isip ko yung project namin dahil na rin okupado ang isip ko tungkol sa gustong pumatay sa akin este kay Mariane.
"Hindi, mamaya na tayo mag interview dahil baka masayangan tayo sa oras at para matapos natin agad. edi wala na tayo pang poproblemahin atsaka ok lang ako Nathan, hindi rin masama ang pakiramdam ko kaya wag kang mag alala ." at ngumiti sa kanya ng totoo at hindi pilit tulad kanina.
"S-sige kung yan ang gusto mo." sabi niya at ngumiti, tumango na lang ako sa kanya at tumingin ng diretso sa blackboard. wala pa ang teacher kaya naghihintay pa kami sa kanya.
Ng may naramdaman akong matang nakatingin sa akin kaya napatingin ako doon, at ang grupo lang naman ni Luxurious,
kumunot ang noo ko at nagtataka silang tiningnan, pero sinamaan lang nila ako ng tingin.
Nasamid naman ako sa ginawa nila.
Maliban kay charlie na ngiting asong nakatingin sa akin.
napangiwi ako sa kanya at the same time ang gwapo niya pa rin kahi ngiting aso siya.
Iniwas ko na lang ang aking tingin at napakamot ng ulo, bakit ko ba kino -compliment ang childish na yun?
Mabilis natapos ang klase dahil half day lang naman.
inayos ko na ang mga gamit ko at tumingin kay Nathan, na nagliligpit na rin.
"Tara na Nathan magiinterview pa tayo." sabi ko sa kanya habang ipinagpapatuloy ang pag aayos ng aking gamit.
"Uhm daan mo na tayo sa Cafe, bibili lang ako ng cake para kay tita, favorite niya kasi."
tumango naman ako sa kanya, nagsimula na kaming maglakad palabas ng classroom ng may tumawag sa akin,
teka parang nangyari na toh ah?
"Mariane,"
nilingon ko naman ang tumawag sa akin, si jamie ang tumawag sa akin, kasama sila Camille
"Saan ka pupunta?, may meeting tayo para sa camp." sabi nito sa akin
"Busy ako, hindi ako makakapunta pasensya na." sabi ko naman sa kanya.
tinaasan naman niya ako ng kilay.
"kailangan mong pumunta dahil importante ito."
"Pero importante din ang pupuntahan ko kaya pasensya na hindi ako makakapunta." sabi ko at tumalikod na, hinawakan ko ang kamay ni Nathan at hinila para umalis.
rinig ko pa ang tawag sa akin ni jamie pero hindi ko na ito pa pinansin.
"Woah! ang ganda ng bahay niyo nathan ah." sabi ko sa kanya, nahihiya naman itong tumingin sa akin at namula pa ang kanyang mga tenga.
"H-hindi naman." nahihiya nitong saad,
"Ang ganda kaya ng bahay niyo." totoo yun maganda ang bahay nila, malaki kasi at mukhang simple lang dahil brown and white ang theme ng color ng bahay nila, simple siya pero maganda, kaya nagandahan ako.
makaupo ako ngayon sa mahabang sofa nila habang hinihintay ang tita niya, gumagawa kasi ito ng meryenda.
nakilala ko na ang tita nito, si tita Ann
mabait ang tita ni Nathan, at nasa 40's na ito pero maganda pa rin.
ng dumating si tita ann na may dalang tray na ang laman ay strawberry cake na binili namin kanina at tatlong basong juice. binilhan ko na rin si tita ng cake, nung una ayaw pa ni Nathan dahil bibili naman daw siya pero dahil dakilang makulit ako bumili pa rin ako at binigay kay tita ann.
"Natutuwa akong malaman na may kaibigan na ang pamangkin, maganda na at mabait pa." sabi nit tita ann habang linalagay ang mga pagkain sa mini table.
hindi ko naman maiwasang mahiya at kiligin sa sinabi ni tita ann,
sa totoo lang magkahawig kami ni Mariane hindi ko alam kung bakit.
basta magkahawig kami ang pinagka iba lang namin ay yung kulay ng mata dahil yung kulay ng mata ko sa dati kung buhay ay kulay kayumanggi, ang kay Mariane naman ay itim.
at dahil sa walang hiya ako.
"Oo nga tita tama ka maganda nga ako." napatawa naman si tita ann sa sinabi ko pati na rin si nathan.
anong nakakatawa sa sinabi ko? totoo naman na maganda ako ah, masama bang maging confident?
"I Like you na ija." napangiwi naman ako sa sinabi ni tita.
"Pasensya na po tita, pero hindi po tayo talo." mas lalo naman itong tumawa, pati si nathan na tumatawa na rin ng mahina.
nagpalipat lipat ang tingin ko kay tita ann at nathan dahil hindi pa rin sila tumitigil sa katatawa.
hindi ko alam na may mga lahi pa lang baliw sila tita.
"Your funny ija, I mean i like you ija para maging kaibigan ang pamangkin ko o mas malalim pa don." nakangiti nitong sabi, mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa huli niyang sinabi.
tumingin naman ako kay nathan na namumula na ang mukha.
nagkibit balikat na lang ako sa reaksyon ni nathan, habit na niya yata ang mamula eh, lagi naman kasi siyang namumula.
hindi ko na lang inintindi ang huling sinabi ni tita.
"Sige po tita mag simula na po tayo." sabi ko, ngumiti naman si tita ann at tumango.
"Sige ija."
=================================================
Nandito kami ngayon ni Nathan sa garden nila, dito muna kami tumambay dahil katatapos lang ng interview namin kay tita ann kanina.
Si tita ann naman ay umalis dahil nagkaproblema daw.
"Mariane paano kung sabihin ko sayo na lilipat na ako ng ibang University." napatingin agad ako kay nathan dahil sa sinabi niya.
lilipat siya ng university? wag mong sabihing
"Anong ibig mong sabihin, lilipat ka ng university?" gulat kong sabi. Napayuko naman siya.
"bakit ka lilipat, dahil ba sa mga nambubully sayo hah? ako nang bahala don basta wag ka lang lumipat." sabi ko sa kanya, naging importante na rin siya sa akin kaya wag naman sana.
"A-ayaw mo akong lumipat?" sabi niya naman.
tumitig ako sa kanya at tumango. " Oo naman, ayukong lumipat ka," malungkot kong sabi.
"Saan kaba lilipat?" tanong ko sa kanya.
"Sa isa pang pagmamay ari ni Luxurious na university." natigilan ako sa sinabi niya,
isa pang university na pagmamay ari ni Luxurious?
pamilyar yun, alam kung nabanggit din iyon sa libro eh...
ano nga ulit iyon?
nanlaki ang mata ko ngayon ko lang narealize kung anong university ang tinutukoy niya.
bakit ko ba yun nakalimutan? yung university na yon.....
ang Napaka delikadong eskwelahan
basta ang school na yun ay para sa mga nakikipagbasag ulo, Mga estudyanteng May mga bad records sa school ng dati nilang pinasukan,
Mayroon ring Agencies sa University na yun, Mga assassins na nagtatrabaho para pumatay. kumbaga magbabayad ka sa mga assassins na kukunin mo at uutusan mo sila kung sino ang gusto mong patayin at sila na ang gagawa nun. at higit sa lahat may kinalaman sa mga mafia at clans.
may mga gang rin ang university na yun, kaya delikado ang magaral doon.
lalo na may mga estudyanteng kriminal din doon, legal ang patayan doon at alam kung may mga rules yun pero nakalimutan ko kung ano ang mga rules nila, basta tinatawag lang nila yun na deadly rules, dahil kung may linabag kang mga rules matinding kaparusahan ang aabutin mo.
at sa pagkakaalala ko rin na pagkatapos ng camp, babalik na roon si Luxurious kasama sila camille,
doon talaga sila nag aaral maliban kay camille, ang rason lang naman kung bakit lumipat pansamantala sila luxurious ay para pumili sa mga estudyante ng Montemayor at ililipat doon, kung sa tingin mo swerte sa iba na napili sila pwes sa akin hindi dahil napaka delikado doon.
gulat akong tumingin sa kanya.
"Bakit ka mag aaral don, napakadelikado ng school na yun." napatayo ako at napasigaw sa kanya, hindi ko na napigilan ang sarili na hindi sumigaw dahil pwede siya doong mapahamak at baka dumating sa point na mamatay siya, walang sinasanto ang school na yun.
mukhang nagulat siya sa pagsigaw ko.
"Pero kailangan kung pumasok doon, doon din nag aaral yung kuya ko kaya kailangan kong sumunod." nakayukong sabi niya
lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harap niya, at dahil naka upo siya at nakayuko nakita ko yung mukha niya.
hinawakan ko ang dalawang kamay niya na nakahawak sa kanyang tuhod.
" Pero bakit kailangan mong sumunod sa kuya mo? bakit kailangan mong lumipat? bakit?" tanong ko sa kanya habang nakatingala sa kanya.
hindi naman siya nakasagot sa sinabi ko.
"Napaka delikado ng eskwelahan na yun, walang sinasanto ang mga tao na nandoon, at mas lalo kang mapapahamak." nagaalala kung sabi sa kanya.
"Kaya ko naman ang sarili ko eh at kasama ko naman si kuya." mahina nitong sabi, kaya hindi ko maiwasang hindi mapatawa sa sinabi nito
"Ano kamo? kaya mo ang sarili mo? nagbibiro kaba? dahil kung oo nakakatawa ka. Nathan, patayan ang ganapan doon, oo nga may mga rules sila pero, may araw na nakakalaya silang pumatay, at alam mo rin na mas malala pa sa bully ang aabutin mo doon, kahit nandoon ang kuya mo para protektahan ka kulang pa rin yun dahil alam nating pareho na hinding hindi ka nila titigilan." sabi ko sa kanya habang tinitingnan ko siya ng seryuso.
hindi naman siya sumagot. kaya nagtanong ako sa kanya.
"Kailan ka lilipat?"
"P-pagkatapos ng camp." nauutal nitong sabi kaya napabuntong hininga ako at hindi ko maiwasang hindi mapakamot ng leeg.
"Hindi na ba mag babago ang isip mo?" umiling naman siya.
wala na akong choice, kanina ko pa ito naiisip kung sakaling hindi magbabago ang desisyon niya
"Kung ganon, sasama ako sayo."