Chapter 26 Possessive
SAVANA'S POV
Nagdaan ang mga araw at para kaming aso't pusa ni Altair na laging nag aaway. Paano ba naman kasi ay ayaw ako nitong pag tindahin nito sa palengke at idagdag mo pang napaka seloso nito at territorial kahit wala namang kami.
Makabakod akala mo naman pag mamay-ari niya ako.
Idagdag mo pa na hindi ako nito pinapalabas kahit na anong mangyari at kung may bibilhin man ako ay nag pupumilit itong siya na ang bibili.
Kagaya na lang ngayon, nag aaway na naman kaming dalawa dahil sa walang humpay na pamumilit nito.
"ANO BA ALTAIR?! AKO NA NGA SABI!" Galit kong sigaw dito at pilit na inaabot ang pera kong kinuha nito.
"NO! AKO ANG LALABAS!" Sigaw nito pabalik.
"TANGINA! ISA PA TALAGA SISIPAIN KO IYANG KAIBIGAN MO!" Muling sigaw ko at hindi ko na nga napigilan ang aking sarili sa pag mumura ng dahil sa sobrang pagka-inis.
Napatigil naman ito kaya agad kong kinuha ang pera kong hawak nito.
Success! I won!
Aalis na sana ako ng bigla ako nitong hinablot sa braso at hinapit sa bewang dahilan para mapalapit ang aking katawan sa katawan nito.
Bahagya rin itong yumuko dahilan para magkalapit ang aming mukha at ang ilong naming dalawa ay kapwang magka lapat na, at naduduling na rin ako sa sobrang lapit nito.
"B-bitawan mo ako" utal utal kong saad dito at pilit na nagpupumiglas sa pagkaka yapos nito.
"I don't wanna.." Malumay nitong saad ay pinalandas ang malaki at mainit nitong palad sa aking likod dahilan para ako ay mapa igtad.
At dahil sobrang lapit namin sa isa't isa ay amoy na amoy ko ang mabango't mainit nitong hininga.
"Isa. Bibitawan mo ba ako o kakagatin kita?" Pananakot ko dito at pinanlakihan ito ng mata pero ang hudyo imbes na matakot ay natuwa pa.
"Then bite me, harder please..." Naka ngisi nitong saad kaya mas lalong sumama ang timpla ng aking mukha.
"Ang bastos mo!" Singhal ko sa mukha nito at malakas itong sinuntok sa likod dahilan para mabitawan ako nito ng tuloyan. "Bagay lang 'yan sa'yo" dugtong ko pa at tinawanan ito ng bonggang bongga.
"That hurts woman!" Atungal nito kaya agad akong kumarioas ng takbo papuntang kwarto.
Panigurado kasing gaganti ito kaya ako ay naninigurado. Ayoko ng makiliti ng matagal hano, nakaka trauma muntik pa akong maihi sa salawal ko ng dahil sa pangingiliti nito.
Nakarinig ako ng yabag mula sa labas nang pinto ng aking kuwarto kaya agad kong hinila ang bangkong kawayan ko at iniharang ito dito.
Sunod sunod na katakot ang aking narinig at sumunod dito ay ang galit na tinig ni Altair.
"SAVANA, OPEN THE DOOR!" Galit na siigaw nito mula sa labas.
"Ayoko!" Saad ko naman.
"Savana, open the door please" muling turan nito at ang kaninang galit nitong tinig ay biglang umamo pero hindi iyon tatalab sa'kin kasi kabisado ko na ang mga taktika nito.
"Neknek mo dilaw!" Sigaw ko at tumawa pa ng malakas.
"What's neknek?" Maang na tanong nito na siyang mas ikina-tawa ko lalo.
"Secret. Bakit ko naman sasabihin sayo?" Muling turan ko .
"Just tell what neknek is!" Pag pupumilit nito habang patuloy parin na kumakatok.
"Ayaw ko nga! Ang kulit mo ah?! Bumili kana nga don!" Ani ko at nahiga sa kama.
Sa totoo lang ay masama ang pakiramdam ko, lalong lalo na ang puson ko.
Ako ay may buwanang dalaw, at sobrang lakas ng daloy ng dugo ko idagdag mo pang umaabot ito ng isang linggo.
"Ano ba ang bibilhin ko?" Tanong ni Altair na nasa labas ng pinto.
"Bida bida ka diba? Hulaan mo!" Pamimilosopo ko dito at paniguradong naka kunot noo na ito ngayon.
"SAVANA ISLA!" sigaw nito ng buong pangalan ko, akala niya naman matatakot niya ako.
"Oh bakit Altair Coldwell?" Sarkasimong tanong ko.
"Hindi ako nakikipag biroan babae." Mariing turan nito kaya napalunok ako ng mariin.
"Napkin." Ani ko at pumikit.
Nilalamon ako ng kahihiyan ng dahil sa sinabi ko ngayon.
"What?! Say it again hindi ko narinig ng maayos" Ani ni Altair.
Humugot ako ng isang malalim na hininga at sinabing.
"NAPKIN! GETS MO? IYONG GINAGAMIT PAG MAY REGLA!" Gigil kong sigaw, nakakainis naman kasi talaga.
Hindi ko alam pero kumukulo talaga ang dugo ko kay Altair. Oh dala lang ng regla, i don't know.
"ANO PA ANG INAANTAY MO?! BUMILI KANA!" sigaw kong muli at naka rinig naman ako ng malakas na kalabog mula sa labas.
Mukhang may nalaglag na kung anong bagay pero wala akong pakealam.
"O-okay" utal nitong turan. "I'll be back wait for me, moya koroleva" dugtong pa nito at mukhang umalis na dahil makaraan ang ilang sandali ay nakarinig ako ng tunog ng makina ng kotse.
At dahil dinadalaw na rin ako ng antok ay, nagpa tiunod na ako.
Matutulog na lamang ako kesa indain ang kumikirot na kaibutoran ko. Natural na lang rin naman ito at wala na akong magagawa para dito.
-----
ALTAIR'S POV
AGAD kong pinaharorot ang aking sasakyan sa pinaka malapit na women's store at walang pag aatubling ihinarang ko ang aking kotse sa harapan nito.
Dagli kong kinuha ang aking telepono at tinawagan si Roux, na kaibigan ko.
"What?" Bungad na tanong nito.
"Hulihin mo ang mag rereklamo sa pag gawa kong pagparada sa harapan ng women's store na may kalayoan sa bahay ni Savana" mahaba kong turan at pinatay agad ang tawag.
Agad akong pumasok sa women's store at ramdam ko kaagad ang mga titig ng mga naroroon.
Agad akong nagtungo sa sanitary napkins section upang bumili ng kakailanganin ni Savana ngunit ako ay nagimbal ng makitang iba't iba ang brand nito at may dalawang uri pa ng klasipikasyon.
With wings and without wings.
At ang tanong ko ay para saan ang wings?
At dahil wala akong ideya kung ano ang mga iyon ay dinampot ko na lamang lahat ng klase ng napkin na nakikita ko.
Agad rin akong nagtungo aa counter upang mag bayad at kita ko ang pagka bigla sa cashier na naroroon.
"What?" Masungit kong saad.
"Para sa girlfriend mo Sir?" Tanong nito.
"Yes" ani kong muli.
"Ang dami naman nito Sir" ani nito at nagsimula ng ibalot ang aking mga pinamili.
"I'm clueless that's why" balewalang turan ko dito at bahagya pang kumiling.
"Ang sweet mo naman sir" lintaya nito dahilan para mapangiti ako.
"You think so?" Tanong ko.
"Yes Sir" ani nito at inabot sa akin ang mga pinamili ko. "Two hundred fifty lang po Sir" dugtong pa nito.
Agad kong inilabas ang aking wallet at kumuha ng anim na libo.
Iniabot ko ito sa kaniya at sinabing. "Keep the change" at agad na tumalikod.
Paulit ulit naman itong sumigaw ng pasasalamat at bilang tugon ay itinaas ko ang aking kanang kamay.
Pagka labas ko ng store ay agad akong sumakay sa aking sasakyan. Mabuti naman at walang nagreklamo, mukhang ginawa ni Roux ng maayos ang pinapagawa kong btrabaho.
He deserves to be drunk as fuck.
Agad akong nagmaneho pauwi at pagkalaon ay agarang pumasok sa bahay at agad na nagtungo sa labas ng silid ni Savana, agad akong kumatok ng tatlong beses at agaran din naman itong bumukas at doon tumambad sa akin si Savana na may masamang timple sa mukha.
"Hi" bati ko dito.
"Hi mo mukha mo" masungit nitong saad kaya napakamot ma lamang ako sa aking batok.
Ganito pala talaga pag may regla ang babae, akala ko pa naman pinag t-tripan lang ako ng bunso kong kapatid. Iyon pala, totoo talaga.
"Here" muli kong turan at iniabot dito ang isang supot ng napkin na binili ko at agad naman nitong tinanggap iyon.
Nakita ko kung paano lumaki at naningkit ang maganda nitong mga mata gayon din ang pagkunot nito ng noo.
Napalunok naman ako ng mariin ng binalingan ako nito ng isang napaka samang tingin.
"Ano 'to?" Seryosong tanong nito sa akin.
"N-napkin?" Patanong kong sagot dito at bahagya pang nautal.
Fuck! I'm getting nervous.
Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako kinahaban ng ganito at idagdag mo pang pinagpapawisan ako ng husto.
"So may napala ka sa pagiging bida bida mo?" Tanong nito dahilan para mapayuko ako.
"Wala..." Mahinang sagot ko.
The heck Altair! Palpak ka.
"Mabuti alam mo. Lumayas ka sa harapan ko tatanda ako ng maaga sayo!" Mahabang lintaya nito at pinagsarhan ako pinto.
Para naman ako akong pinag sukloban ng langit at lupa ng dahil sa naging reaksyon nito.
"Altair..." Ani muli ni Savana kaya binalingan ko ito ng tingin.
Ang cute nitong tingnan dahil naka silip lamang ito sa bahagyang nakabukas nitong pinto.
"Yes?" tanong ko.
"Salamat" ani nito at ginawaran ako ng isang malawak na ngiti at agad rin nitong isinara ang pinto.
Paulit ulit naman akong napakurap habang naka titig sa naka sarang pinto ng silid ni Savana.
"Fuck! She smiled at me!" Malakas kong turan at napa suntok pa sa hangin.
Another achievement for me.
Mabuti na lamang ang nag install ako ng cctv, i have a copy and i will treasure it forever.
Naka ngiting nagtungo ako sa sofang aking hinihigaan at pumikit.
May silbi rin pala ang pagiging bida bida.