Chapter 27: Mom
SAVANA'S POV
PAGKATAPOS kong magpalit ay agad akong lumabas sa aking silid at agad na bumungad sa akin ang mahimbing na natutulog na si Altair sa isang mahabang itim na sofa.
Nilapitan ko ito at pinaka titigang mabuti. Kahit na bida bida ito ay nagpapa salamat ako sa ginawa nito kahit na halos lahat ng brand ng napkin ay nabili nito.
Gigisingin ko na sana ito ng biglang tumunog ang selpon na hawak hawak nito. Agad ko iyong kinuha, at ang pangalang nakalagay dito ay "special" kaya kunot noo ko itong sinagot.
Magsasalita na sana ako ng bigla akong naunahan ng nasa kabilang linya.
"Honey, what takes you so long?" Turan ng nasa kabilang linya at base sa tinig nito ay isa itong babae.
Base sa pananalita nito ay isa itong banyaga, may kakaibang accent kasi ang pag i-ingles nito.
Hindi ko mawari pero parang biniyak ang aking puso at dinurog ito ng pinong pino.
Binalingan ko ng tingin si Altair na taimtim na natutulog at mapait na napangiti.
Ang malas ko naman talaga, mukhang may babae ng nag mamay-ari sa puso nito. Mukhang na mi-misinterpret ko ang mga kabaitang pinapakita nito.
"Honey, are you there?" Muli nitong turan kaya tumikhim ako at nag salita.
"H-he is sleeping" Nauutal kong saad habang naka yukom ang palad.
"Who are you? Why are you holding Altair's phone?" Masungit nitong saa mula sa kabilang linya at base sa naging tinig ng boses nito ay hindi ito natutuwa sa pag sagot na aking ginawa.
I bite my lower lip and gulp hard. I'm sweating too.
Mukhang makaka sira pa ata ako ng relasyon ng dahil sa pagsagot na ginawa ko.
"A-ahh uhmm, he is sleeping po" mahina kong turan.
"Are you one of his bitches?" Seryosong tanong ng nasa kabilang linya na siyang aking ikina-tuod.
Hindi man totoo ang sinabi nito subalit ako ay nasaktan ng lubos at hindi ko man lang namalayang nagsi bagsakan na ang mga luhang kanina pa nagbabadya.
Huminga ako ng malalim at tumikhim.
"No, i'm not" mahina kong turan habang nag pipigil ng hikbi.
"Stop lying!" Sigaw nito na siyang ikina-igtad ko at nabitawan ko rin ang telepono ni Altair ng dahil dito.
At dahil doon ay napabangon ng wala sa oras ang natutulog ja si Altair.
Tiningnan ako nito ng may pagtataka at binalingan ang selpon niya na nabitawan ko. Agad ko iyong dinampot at nanginginig na inabot sa kaniya.
"A-ahm, t-tumawag girlfriend mo, ito oh pasensya na kung sinagot ko" tuloy tuloy kong saad at iniabot sa kaniya ang kaniyang selpo.
Nang tinanggap niya ito ay agad akong tumakbo papuntang banyo.
Napasandal ako sa pintoan ng banyo nang dahil sa panlalanta ng tuhod ko. Tahimik rin akong humihikbi kasabay ang pagka wasak ng puso ko.
Siguro ay tama na ang pag papantasya ko na magugustohan niya rin ako kagaya ng pagkaka gusto ko sa kaniya.
Oras na siguro para magising ako sa kahibangan at panaginip kong ito.
Agad kong pinunasan ang luhang nasa aking mukha at pilit na ngumiti. Inayos ko ang aking sarili at lumabas ng banyo na para bang walang nangyari.
Nagkasalubong pa ang mga mata namin ni Altair kaya binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti. Bumalatay naman sa mukha nito ang pag alala at mag sasalita na sana ng naunahan siya ng babaeng nasa kabilang linya.
"HONEY ANSWER ME! I AM REALLY MAD AT YOU!" Sigaw ng babaeng nasa kabilang linya.
Bahagyang natigilan si Altair at tinitigan ako ng may pagsisisi sa kaniyang mukha. Bahagya na lamang akong tumango at iniwan ito.
Nagtungo ako sa aking kwarto at nagsuot ng simpleng puting damit at jeans at Isinuot ko na rin ang aking kulay asul na plastic apron at agad ring lumabas.
Pagkalabas ko ng aking kwarto ay hindi ko na nadatnan pa doon si Altair. Mukhang umalis ito para makausap ang girlfriend niya.
Ipiniling ko na lamang ang aking ulo ng nagsimula na namang kumirot ang puso ko.
Agad akong kumabas ng bahay at isinara ang pinto. Sumakay na rin ako ng tricycle upang mas mapadali ang aking pag punta sa palengke. Pagkaraan ng ilang sandali ay nandirito na nga ako sa palengke, agad akong nagbayad at agad na tinungo ang puwesto ko.
Agad kong inayos ang aking mga paninda at nagsimula ng magbenta. Matagal tagal rin kasi akong hindi nakapag tinda at hindi nakapag bayad ng upa, baka mamaya ay palayasin na ako ng papa ni Charise.
At hindi ko na rin ini-expect pa na madadatnan ko si Altair sa aking pag-uwi.
He makes me happy indeed but the thing is he's not mine.
He already have a woman in her life at ako... makukuntento na lamang ako sa mga agaw tingin.
He's not yours Savana... not yours.
---
ALTAIR'S POV
Naalimpungatan ako ng dahil sa isang malakas na kalabog at doon nakita ko si Savana at ang telepono kong nasa lapag na.
Kitang kita ko rin kung paano nito iniabot ang aking selpon habang may nanginginig na kamay at may nagbabadyang luha sa mata. Gusto ko siyang lapitan at tanongin kaso lamang ay naudlot ng dahil sa sigaw ni Matushka, at dahil pumasok na rin namans si Savana sa kaniyang silid ay lumabas na rin ako para makausap ang aking ina na nasa kabilang linya.
"Matushka, Calm down..." Lintaya ko habang naka pikit ng mariin.
"You're with a bitch Altair! Paano ako kakalma sa palagay mo huh?! I thought you're with Savana?! My daughter-in-law! Radi boga!(for god's sake)" Galit na turan nito na siyang ikina singhap at ikina sapo ko ng aking noo.
"Don't tell me Matushka you called her a bitch?" Naninimbang kong tanong sa aking ina.
"Yes i did!" Matushka said at halata sa tinig nito ang kagalakan at pagka inis.
Napasinghap naman ako sa tinuran nito at napa mura ng wala sa oras
"Are you cursing me Altair Coldwell?!" Sigaw ni Matushka dahilan para manigas ako sa aking kinatatayoan.
"mne zhal' mat'(i'm sorry mother)" malumay kong saad.
"Leave that bitch alone and start chasing my daughter-in-law Altair, i swear that i'm going to kill you kapag umiyak si Savana ng dahil diyan sa babae mo!" Mahaba nitong lintaya at para ba itong kunsumeng kunsume sa ginawa ko.
I love my mother so much kaso lang may pagkakataon talagang nakakainis ito, kagaya na lamang ngayon.
"Listen to me carefully, Matushka...." Lintaya ko
"I'm all ears" mahinang turan nito.
Humugot ako ng isang malalim na hininga at sinabing. "Ang tinawag mong bitch ay si Savana, Matushka"
Narinig ko naman ang malakas na pagsinghap nito at ang paulit ulit nitong pag bigkas ng salitang "Oh my god".
"For real?!" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"For real Matushka, for real." Seryoso kong turan.
"Oh God, i need to apologize. Oh my poor Savana" ani ng aking ina.
"You should, Matushka..." Ani ko.
"Nandyan ba siya? I need to apologize, oh my god i bad mouthed my daughter-in-law. Ang sama ko" maramdaming lintaya ni Matushka at kasabay nito ay ang kaniyang mga hikbi.
"She's not here Matushka, calm down. I will call you later pag nahanap ko na siya" mahaba kong lintaya dito.
"Please call me okay? ya lyublyu tebya, syn. (i love you, son)" ani nito sa kabilang linya.
"ya tozhe lyublyu tebya, mama. (I love you too, mother)" lintaya ko at agad na pinatay ang tawag.
Bumalik ako sa bahay namin ni Savana ngunit hindi ko siya nadatnan, agad kong binuksan ang aking laptop at tiningnan ang cctv footage at doon nga nakita ko kung saan nagtungo ang babaeng mahal ko.
I didn't bother to change my clothes because i look fine kahit anong suot ko, agad akong nagtungo sa aking kotse at pinaharorot ito sa palengke na siyang pinagpupwestohan ni Savana.
Pagkababang pagkababa ko ay sinalubong agad ako ng amoy ng isda at iba pang karneng naroon. It have foul odors hindi kagaya sa Market ni Ziggy, but oh well... wala ng atrasan 'to.
Rinig na rinig ko rin ang mga bulongan ng mga tao dito kagaya na lang ng mga sumusunod..
"Ang pogi niya oh!"
"Ano kaya ang lahi niyan papalahi din ako hihihi"
"Ang hot jusko dzai!"
"Ilang inches kaya kargada niyan hano?"
"Foreigner siguro!"
"Ano kaya ang sadya niyan dito?"
Ilan lamang iyan sa mga salitang naririnig ko mula sa mga tao dito.
Mula sa kinatatayoan ko ay natanaw ko kaagad si Savana na naka busangot at ang dahilan non ay ang lalaking mukhang hindi parin ata nadadala sa pag babanta ko.
"Ang ganda mo talaga beyb" rinig kong turan ng gago.
"Puwede ba Goryo tigilan mo ako, ngayon ka nga lang nagparamdam tapos nang gugulo ka pa" rinig kong turan ni Savana kaya agad akong nagtungo sa kinaroroonan niya at walang pasabing hinapit ang kaniyang bewang dahilan para mapabaling ito ng tingin sa akin, kita ko ang pag balatay ng gulat sa mata nito at ang bahagyang pag awang ng magaganda nitong labi.
"Hoy pare bitawan mo ang beyb ko!" Sigaw nong lalaking nagngangalang Goryo kaya binalingan ko ito ng tingin.
Nakita kong bahagya itong nanigas at napaatras na siyang aking ikina-ngisi. Mukhang naaalala pa ako ng gago, mabuti naman.
"What?" Taas kilay at seryoso kong tanong dito.
"Halimaw!" Sigaw nito at bumaling kay Savana na hawak hawak ko. "L-lumayo ka sa kaniya Savana! Halimaw iyan! Masama siya!" Dugtong nito at bahagyang nautal pa.
"Do i look like a monster? Mas mukha ka pa ngang halimaw kaysa sa akin." Seryosong turan ko at sumangayon naman ang mga naroroon.
"Oo nga Goryo!"
"Tigilan mo na kasi iyang si Savana, wala ka namang pag-asa!"
"Oo nga!"
"Mukha pa lang talo kana!"
Ilan lamang iyan sa mga kumento ng mga naroroon, bumakas naman ang galit at kahihiyan sa mukha noong Goryo at bago ito tuloyang umalis ay tiningnan ako nito ng masama at binalaan pa si Savana.
Binalingan ko ng tingin si Savana ng bahagya ako nitong tinulak.
"Hmm? Why are you pushing me away?" Tanong ko dito.
"B-bitawan mo ako nakakahiya sa mga nakakakita" nauutal nitong saad kaya tiningnan ko ang paligid at tama nga ito nasa amin ang atensyon ng lahat pero wala akong pakealam.
"So?" Taas kilay kong tanong.
"Ano ba Altair bitawan mo ako at saka diba may girlfriend kana? Ayaw kong mapagkamalang kabit." Ani nito at dahil malapit kami sa isa't isa ay nakita ko ang pag balatay ng sakit sa magaganda nitong mga mata.
I let out a deep breath and gently caresses her cheeks.
"I don't have a girlfriend." Seryosong saad ko habang naka titig sa mga mata nito.
"P-pero, sino iyong tumawag?" Tanong nito at bahagyang yumuko.
At kahit naka tago ang mukha nito ay kitang kita parin ng mga mata ko ang namumula nitong mga pisngi and i chuckled because of it.
Damn! She's cute.
"My mom" turan ko na siyang ikina-angat nito ng tingin.
"M-mama mo?" Naniniguradong tanong nito kaya agad naman akong tumango.
"Yes." Ani ko. "Wait a minute..." Dagdag ko pa at agad na inilabas ang aking telepono at tinawagan ang aking Ina.
Video call para makita nilang dalawa ang isa't isa.
After three rings ay sinagot na ni Matushka.
"Hey Honey" bati ni Matushka sa kabilang linya na siyang ikinasinghap ni Savana.
"Siya iyon!" Bulong sa akin ni Savana dahilan para mapangiti ako.
She's so adorable.
"Yes, moya koroleva... siya nga iyon, ang ina ko" linataya ko at ngumiti kay Savana.
"What are you smiling at Altair?" Masungit na tanong ni Matushka kaya agad kong iniharap ang telepono sa mukha ni Savana.
Narinig ko pa ang sabay na pag singhap ng dalawa na siyang aking ikinatawa.
"Ang ganda mo po.."turan ni Savana habang titig titig sa mukha ng aking Ina na hanggang ngayon at nakanganga parin. "Nakaka intindi ba siya ng tagalog?" Tanong sa akin ni Savana at agad ko siyang sinagot ng tango.
"spasibo nevestka(thank you daughter-in-law), you are pretty too" naka ngiting turan naman ng aking Ina, habang si Savana naman ay naka kunot ang noo dahil hindi naintindihn ang sinabi ng Matushka kong nasa kabilang linya.
"Ano daw Altair?" Tanong ni Savana sa akin.
"She said, thank you" ani ko naman dahilan para mapatango ito at muling tiningnan ang aking Inang may malawak na ngiti.
"Uhmm, you're welcome po Ma'am" sagot ni Savana.
"I hate it when you call me Ma'am, call me Matushka instead" ani ng aking ina habang may malawak na ngiti. "Go on, Say it!" Dugtong pa nito na para bang ini-inganyo si Savana.
"M-Matushka..." Mahinang lintaya ni Savana at namumula pa.
Tumili na naman ang aking ina at tumalon talon pa.
Para itong bata, paniguradong stress na naman ang aking ama ng dahil sa inaasal nito.
"Oh my god, You're so cute!! Please get married already you two!" Mahabang lintaya ng aking ina at dahil hindi ko na kontrolado ng mga lumalabas na salita sa bibig nito ay agad kong pinatay ang tawag at in-off ang aking telepono.
Panigurado kasing gugulohin ako nito.
Tahimik kong pinagmamasdan si Savana na hanggang ngayon ay hindi parin umiimik. Marahan kong sinundot ang mamula mulang pisngi nito at ngumiti ng tinapik niya ang kamay ko.
"You're so cute, Savana" ani ko at muling sinundot ang pisngi nito.
"Pwede ba Altair tigilan mo ako!" Singhal nito sa akin kaya bahagya akong napalayo dito at nagtaas pa ng dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko.
"Woah woah, calm down baby" ani ko habang naka ngisi.
Inismiran naman ako nito at sabay nag iwas ng tingin.
"Hindi na ako baby" turan ni Savana.
"Yes you are!" Singhal ko. "You are my baby!" Pasigaw na dagdag ko dahilan para muling mapabaling sa amin ng tingin ang mga taong naroroon.
"Ayeeeii ang sweet naman"
"Ay sayang 'te, boyfriend na pala ni Savana"
"Ang haba talaga ng buhok ni Savana hano? Iba talaga ang maganda"
"Isang pinoy na naman ang naka ahon sa kahirapan"
"Bagay naman silang dalawa e"
Ilan lang iyan sa mga bulongang aking narinig. Sumigaw naman si Savana dahilan para ang bulong bulogan ay matigil, ibang klase talaga ang babaeng gusto ko. Palaban at maprensipyo.
"You know what Savana" turan ko dahilan para makapatingin ito sa akin.
"What?" Taas kilay nitong tanong.
"I like you." Sensero kong ani na siyang ikinatahimik nito.
Napuno naman ng tilian at kantyawan ang palengke dahil sa sinabi ko.
"Hindi kita minamadali Savana, ahmm i just wanted to tell you what i feel kasi hindi ko na siya kayang itago pa" dugtong ko pa.
Seryoso naman akong tiningnan ni Savana at marahan itong lumapit sa akin. I am so captivated by her, and she makes my heart goes boom boom boom very fast. I can't explain what i feel basta ang alam ko ay masaya ako kahit na ano ang maging desisyon nito.
Pigil na pigil ko ang aking tawa ng makita kong pumatong ito sa upoan at sinapo ang aking mukha.
Kapwa kaming nagkatitigan at binigyan ako nito ng isang napaka lawak na ngiti dahilan para maghumirintado ang aking puso.
"I like you too, Altair. Very much" saad ni Savana at hinagkan ako sa labi.
Napuno ng tilian ang paligid pero parang wala akong marinig. Tila bumagal ang lahat at ang tuhod ko ay nanglalambot at sa hindi inaasahang pagkakataon sa pinaka masayang pangyayari sa buhay ko ay bigla akong nilamon ng kadiliman at nahimatay.