Chapter 9 - Past

Pilit parin siyang nagpupumiglas pero hindi siya hinayaan ng mga ito na makawala. The man brought her inside the campus. Sa medyo tagong lugar at walang ilaw. Mataas na din ang sikat ng buwan at ilang oras nalang siguradong matatakpan na ito ng mga ulap.

Walang nagawa si Selene kundi ang magmakaawa at umiyak. Hindi na siya makalaban dahil sobra ng nanghihina ang katawan niya at nanginginig ang mga tuhod sa takot. She's scared for her child inside her womb. Wala na siyang nararamdamang takot para sa sarili kundi takot para sa anak.

"Pwede bang pakawalan niyo na ako? H-hindi nga ako si Selena! Pakiusap naman oh, makinig naman kayo!" Pero imbes na makinig sakaniya mas lumapit pa ito at ikiniskis ang sarili sa katawan niya. Gusto niyang masuka. Nandidiri siya ginagawa sa ng lalaki.

"Please, tumigil na kayo! Buntis ako! Pakiusap, huwag niyong gawin ito." She's screaming while crying so hard. Hindi niya na alintana ang sakit ng braso dahil sa pagkaladkad nito sakaniya.

Parang natulos sa kinatatayuan ang lalaki at gulat na tumingin sakaniya.

"Buntis ka Selena? Anak ko 'yan diba?" Lumapit ito sakaniya at ikinulong ang pisngi niya ng magkabilang kamay nito. Pinaharap siya dito at pilit na hinahalikan.

Wala na siyang ibang ginawa kundi ang magpumiglas. Kinagat niya ang labi nito at bigla itong napalayo dahil sa sakit. Nakita niya pang may tumutulong dugo sa labi nito.

"T*ngina mo! Pakawalan mo ako! Hindi mo anak ito. Anak namin ito ni Haxon kaya tumigil ka na! Hindi kita kilala kaya pakawalan mo ako! Hindi ako si Selena. Mahal na mahal ko si Haxon kaya please maawa ka hinihintay niya na ako." Ang kaninang saya sa mga mata nito ay napalitan ng sobrang galit at pagkamuhi pagkarinig ng pangalang Haxon.

Pagak itong napatawa at biglang hinablot ang buhok niya. Napahiyaw siya sa sakit. Pakiramdam niya mauubos na ang buhok niya dahil sa sakit ng pagkakasabunot nito. Sinamaan niya ito ng tingin. Inilapit ng lalaki ang mukha sakaniya at bumulong.

"Kahit anong mangyari, akin ka. Akin ka lang Selena. Kung kinakailangang patayin kita para magkasama na tayo, gagawin ko." Nangilabot siya sa sinabi nito.

Dinuraan niya ang lalaki at pilit na kinakalmot. Mariin nitong pinunasan ang mukha na dinuraan niya at mas hinigpitan ang pagkakasabunot sa buhok niya. Nanggagalaiti na ito at nakikita niya sa mga mata nito ang sobrang pagkamuhi.

"Are you really deaf? How many times do I need to tell you that I'm not Selena? It's me Selene. Nagmamakaawa ako sayo, pakawalan mo ako. Believe me, I'm not Selena, I'm Selene at anak namin ito ni Haxon." His aura became dark and in just a snap naramdaman niya nalang na may kung anong sakit ang dumaloy sakaniyang buong pagkatao.

Pakiramdam niya ilang beses siyang kinatay dahil sa sakit sa puson. Ito na nga bang kinakatakot niya. She can do everything for her child even if it means so much hurt but not physically. Tanggap niyang walang nagmamahal sakaniya, pero ang hindi niya lang matanggap ang kaisa-isang munting buhay na nabubuhay sa kaniyang sinapupunan ay mawawala.

Namilog ang mga mata ng lalaki at hindi makapaniwala sa nakikita. Nataranta ito at hindi alam ang gagawin.

"Please, help me. Ang anak k-ko. T-tulungan mo ako. Parang awa mo na, kahit ngayon lang tulungan mo ako." Bakas ang takot sa mga mata ni Iñigo sa mga oras na 'yon. Para siyang nahimasmasan at nagising sa isang napakalalim na panaginip.

Nanginginig ang mga kamay at binti, hindi niya magawang igalaw ang sarili. He's scared, natatakot siya sa kung anong maaaring mangyari sa dalaga. Accidentally, he saw the girl's birthmark. Walang balat sa katawan si Selena. Mas namutla siya sa kaalamang mali ang taong nasaktan niya. She's Selene Demetria Monteverde.

NAPABALIKWAS  ng bangon si Selene at nanginginig ang katawan na nagpalinga-linga sa paligid. Natatakot siyang baka saktan at balikan siya ng lalaking nanakit sakaniya. Puno ng pawis at luha ang kaniyang mukha.

Sabog na sabog ang buhok at wari mo'y takot na takot sa paligid. Mas dumoble ang takot na kaniyang nararamdaman ng biglang bumukas ang pinto at may pumasok na lalaki. Mariin siyang napapikit at sumigaw.

"Huwag! Huwag kang lalapit sakin! Hindi kita kilala. Hindi kita kilala! Ako ito si Selene hindi ako si Selena." She doesn't care on how she looks. She sobbed loudly and struggling. The man got near her and she felt scared because of someone's presence. She wants to be alone. She's scared that someone might hurt her and her child inside her womb.

"Shhh, baby. Calm down please, calm down Demi. I won't hurt you promise just calm down." The man plead but her heart racing so fast and it means she's nervous.

"Lumayo ka sakin! Don't call me baby! I love Haxon, please let me go!" The man hugged her and kissed her forehead. Nanlalabo ang kaniyang paningin at hindi niya na makita kung sino ang taong may hawak sakaniya. She's trying to punch the man and scrabbling his arms.

Sandali itong napatigil dahil sa pagkalmot niya pero isinawalang bahala nito at mas humigpit pa ang yakap nito sakaniya. Sa hindi malamang dahilan bumilis ang tibok ang kaniyang puso at napatigil siya sa pagpupumiglas. Natulala siya sa kawalan at hindi alam kung bakit naramdaman niyang hindi siya nito magagawang saktan.

Only one man can make her feel this safe and secured. Only Haxon can make her feel loved yet only him can make her feel the verge of so much hurt. The man kissed her entire face. From top of her hair, forehead, the tip of her nose, her both cheeks and lastly he kissed her lips passionately.

Hindi katulad ng alala niya hindi siya nandiri sa paghalik nito. Magagaan ang bawat halik at dampi ng labi nito sa kaniyang mukha. Hindi siya nagpumiglas ng hagkan siya nito. Napamulat siya ng mga mata at napa-awang ang labi ng buo niya ng nakita ang mukha nito. Nakasalubong niya ng tingin ang luntian nitong mga mata. His expressive eyes that never failed to make her heart skip a heartbeat.

She blinked enumerable times and stunned. Para siyang nagising sa isang malalim at napaka habang panaginip. Her tears stopped flowing and she felt relieve when she saw Haxon clearly.

"H... Haxon? Is that really you?" The man slightly smiled and sighed. Para itong nakahinga ng maluwag at nabawasan ang bigat na nararamdaman.

"Yes baby. Thank God! You recognized me. I was so scared when you're asleep in 2 days. You scared the hell out of me. God! Thank you so much that you woke up." Haxon still smiling from ear to ear when she hugged him. He's humming while lightly stroking her hair. Her eyes still closing and feeling this moments to be with him.

"Haxon, thank you for taking care of me for 2 days. Thank you so much and I love you." She whispered and directly looking at his green eyes.

"Don't thank me baby. It's my own will to take care of you. Besides, I like it when you need me." May pilyong ngisi sa mga labi nito na siyang kinairap niya sa binata. Haxon just laughed and help her lay down in the bed.

"I love you too baby." To her surprise namula siya at hindi makatingin ng deretso kay Haxon. He chuckled and pinched her cheeks. Kaagad siyang napasimangot at napalabi. Ang sakit kaya.

"Aww, my baby. You're so cute Demi." Dinampi nito ang labi sa labi niya at magaan siyang hinalikan. Hindi niya maiwasang mapangiti ng sobrang lapad. She's starting to be addicted to his kisses. Sa isiping yun she giggled and kissed Haxon more. Passionately and torrid---

"Ehem!" Malakas na tikhim ni Zuri ang napatigil sa paghahalikan nilang dalawa ni Haxon. She blushed and leaned her head to Haxon's chest to hide her face. Nakakahiya! Nandon lahat ng mga pinsan ng binata at pati na rin si Abuela Cathaleya. Bagama't nakangiti lang ang matanda pero nakikinita niya sa mga mata nito ang panunukso at tuwa. Sina Mia at Hillary naman ay animo mga teenager na kinikilig at nagkukurutan.

May pilyong ngiti si Zander ng makasalubong niya ang tingin nito ng sumilip siya. Pakiramdam niya sobrang pula niya na at ramdam niya ang init ng magkabilang pisngi dahil sa nasaksihan ng mga itong halos malapit na silang gumawa ng milagro kung hindi lang ang mga ito dumating.

"So, it looks like you're okay Selene. Good for you." Zuri told her while rolling her eyes. Hindi niya nalang ito pinansin dahil alam niyang nakahinga na din ito ng maluwag. Lumapit sakaniya si Abuela at inagaw siya sa bisig ni Haxon.

"Abuela, don't." Pigil ni Haxon sa matanda pero sinamaan lang ito ng tingin. Umiwas ng tingin ang binata ang nilapitan ang mga pinsan.

"I'll just go with them baby. See yah later." She just nodded her head for approval.

Lumabas na din ito kasama ang mga pinsan nito at sila nalang ang nandon.

"Hija, kumusta ka na? Okay ka lang ba talaga apo? Wala bang masakit sayo? Baka naman dapat na nating ipatingin sa doktor." Nag-aalala ang mga mata ni Abuela na nakatingin sakaniya. Umiling siya at napahugot ng hininga.

"Okay lang po ako Abuela. It's just that, I still can't believe everything happened 2 days ago. I felt betrayed." Malungkot itong ngumiti at hinaplos ang buhok niya.

"Alam kong mahirap para sayo ang lahat ng nangyari Selene. I know what you're feeling right now. Minsan ko na din iyang naramdaman. Someone betrayed me. Akala ko 'yong taong pinagkakatiwalaan ko hindi ako sasaktan pero to make it worst, he's the reason why I'm hurting. I understand your suffering. I know why you're scared to get into relationship too. Because you felt the most heartbreak. Pero gusto mo bang makalimot apo?" She nodded at Abuela's question and determination in her eyes.

"You need to forgive and accept Selene. Tanging pag-tanggap lang ang solusyon para makalaya ka sa nakaraan. Hindi ko sinasabing kalimutan mo nalang ang lahat at magpatawad agad. What I mean is, give yourself time. Time to think, time to accept that you lost your baby, time to learn to forgive and time to start a new." Abuela teary eyed make her tears flow.

"You need to start a new life Selene." That's the exact words she want to hear and to do pero hindi niya alam kung paano.

"B... but, how? How can I start a new life? Do I need to leave and travel to find myself like other people do to heal their wounded heart?" She asked abuela like an innocent child that needs a mother's assistance to get the right answer to her difficult and complicated questions. Hindi niya gusto ang kaalamang kailangan niyang umalis para lang mahanap ang sarili niya. She's happy to be with Haxon. Ayaw niya itong iwan para lang maayos ang sariling issue na sarili niya mismo ang kalaban.

Mariing umiling si Abuela na kinakunot ng noo niya.

"You don't need to runaway again Selene. Matagal mo na iyang ginawa. Running away means you're still not ready to face your fear. Do this dear. If you really love to be with my grandson, stay. You can start all over again if you're with him. You can start a new life with him. That's the real meaning of starting again. Starting again means you need to face your fear, starting with your man means building your own world na kasama mo siya. Malalampasan mo ang lahat kung may kasama ka. Nandito lang kami apo. We won't leave you. You know how much we loves you right?" She's smiling. She's happy to get her answer to those questions she's finding answer for almost 5 years and now she got it.

"I do really love you Abuela. You made me feel love. The Villarreal is my family. Kayo lang ang nagparamdam sakin ng sobrang importansiya at pagmamahal. I'm happy to know that there is someone who loves me as I love them. I'm a bit sad that my own family really doesn't care about me but it's okay. As long as you're here and supporting every paths I chose. Now I can start again. I only can start my new life if I'm with the man I love. If I'm only with Kielle Haxon Villarreal. "

Abuela hugged her so tight na hindi na siya makahinga ng maayos paano naman kaya ng parang mga batang nagtatakbo palapit at lumundag sakaniya ang tatlong kaibigan? She just chuckled and smiled. They are really her family.