Chapter 8 - The Revelations
Agad na napabitaw sa kamay niya si Iñigo at nagpapaumanhing tumingin sakaniya. Tipid siyang napangiti at tumayo sa pagkakaupo sa bench para salubungin ang kunot na kunot ang noong si Haxon. Malalaki ang hakbang nito na lumalapit sakaniya. Pagkalapit nito he possessively wrapped his arms around her waist and pulled her closely to his body.
Lihim siyang napangiti dahil sa inakto ni Haxon, pakiramdam niya sobrang mahal na mahal talaga siya nito.
"What are you talking about? She's my fiance Mr. Villarreal, gusto ko lang ipaalala sayo dahil baka nakakalimutan mo." Sa mga oras na 'yon parang gusto niya nalang kutusan si Iñigo at sabihin ditong huwag na huwag aasarin si Haxon dahil masama ito magalit. Nagtagis ang bagang ni Haxon at kumuyom ang kamao. Pigil na pigil nito ang galit dahil siguro nasa malapit lang siya dito.
Lihim na kumindat si Iñigo, alam niya ng trip ng lokong ito.
"I don't fvcking care kahit na fiance o kahit pa asawa mo siya." Sabi ni Haxon na kinasakit ng damdamin niya. Okay lang dito na maikasal siya kay Iñigo? Pakiramdam niya may kumurot sa puso niya at ilang beses na tinapak-tapakan at durog na durog na dahil sa sinabi nito. Pilit niyang inilalayo ang sarili kay Haxon ngunit sinamaan lang siya nito ng tingin at mas hinigpitan ang hawak sa bewang niya. Mas inilapit siya nito at napasubsob siya sa matigas at malapad na dibdib nito.
Kaagad niyang sininghot ang mabangong amoy ni Haxon. Ang bango talaga nito! Parang gusto niya nalang na matulog at nakaunan sa dibdib nito. Ang sarap sa pakiramdam. Ngunit kahit anong kabaliwan ang naiisip niya hindi parin nawala ang sakit na nararamdaman dahil sa sinabi nito.
"Kahit fiance mo pa siya, gagawin ko ang lahat para lang agawin siya sayo. Dahil una palang ako na ang nagmamay-ari sakaniya. Kaya kung ayaw mong itapon kita sa gubat malapit sa Hacienda kung ako sayo tumakbo ka nalang palayo dahil hindi ako mangingiming saktan ka. How dare you to claim my girl as your fiance. Didn't you know that she's carrying my child? She's pregnant so back off man. She's cancelling your wedding kaya you may go now." Gulat siyang napatingin sa binata. Ano raw? Buntis siya? Parang gusto niyang tumawa ng sobrang lakas dahil hindi maipinta ang mukha ni Iñigo.
Sinamaan siya nito ng tingin at humarap kay Haxon.
"You hurt her before remember? Hindi ako naniniwalang buntis siya dahil ikaw mismo ang nagsabing malandi at nakakadiri siya so bakit ka naman maglalakas loob na galawin ang fiance ko kung sa una palang ayaw mo na sakaniya." Guilt and hurt. Mga emosyong dumaan sa mga mata ni Haxon. Gusto niya na talagang batukan si Iñigo. Napaka insensitive ng loko. She glared at Iñigo and he just winked at her. Lumuwag ang hawak sakaniya ni Haxon dahil siguro sa katotohanang sinabi ni Iñigo. Yes, pinandirian na siya ni Haxon noon.
"Wala kang alam Mr. Alvarez. Shut up! And stay away from my girlfriend." Ani Haxon na galit na galit na. Hinihingal pa ito at sobra ng pagtitimpi ang ginagawa.
Iñigo smirked at hinila siya nito palayo kay Haxon. Inilapit siya nito sakaniya at hinalikan sa labi sa harapan ni Haxon. Nanlaki ang mga matang nakatingin siya kay Iñigo. The next thing she knew nakakubabaw na si Haxon kay Iñigo at sinusuntok ang binata.
"Fuck you! Fuck you for kissing my girlfriend! Huwag na huwag mo siyang hahalikan dahil akin lang si Demi! Akin lang siya! You understand? Akin lang siya! You asshole!" hindi niya na alam ang gagawin. Naguguluhan na siya.
"Hindi siya sayo, dahil alam mong akin na siya. Hinding-hindi ko siya ibibigay sayo! Ginago mo na siya kaya dapat lang na maramdaman mo ang sakit na naramdaman niya." Balik na sigaw ni Iñigo at ito na ang kumubabaw kay Haxon at sumuntok na din.
"Please! Stop! Tumigil kayo sa ginagawa niyo! Timothy! Zander! Tulong!" Pilit niyang inilalayo si Haxon kay Iñigo. Nakahinga siya ng maluwag ng dumating na din ang mga magpipinsan at naawat ang dalawa.
"I love her kaya hindi mo alam ang lahat! You bastard! Mahal na mahal ko si Demi kaya hindi kita hahayaang kunin mo siya sakin sa pangalawang beses. Hinayaan na kita noon, pero hindi na ngayon. You're my bestfriend back then Iñigo pero trinaydor mo ako! Pinatunayan mong may relasyon kayo noon ni Demi kahit wala. Ginatungan mo ang lahat ng kasinungalingan ni Selena!" Hindi nakaimik si Iñigo at pilit niya mang hinuhuli ang tingin nito pero hindi siya nito hinahayaan.
"Is that true Iñigo?" Tanong niya sa kaibigan pero nanghihina itong napaupo at napahilot sa sintido.
"Y-yes. I'm so sorry Demetria. Alam kong nagsinungaling ako. Pero 'yon lang ang tanging paraan para mapansin ako ni Selena. Sinunod ko ang gusto niya dahil mahal ko siya. Forgive me, forgive me nabulag ako sa pagmamahal ko sakaniya. Pero believe me, tinuring kitang kaibigan. Kahit na nagsinungaling ako sayo. Yes, sinadya kong makipaglapit sayo dahil gusto kong makita at makilala ako ng anak ko." Naguguluhan siya sa sinabi nito. Sinong anak niya? Nanghihina siya at muntik ng matumba mabuti nalang at nasalo siya ni Haxon. Niyakap siya nito at bumulong.
"I love you Demi. Please, forgive me for not telling you the truth." Nagpatuloy sa pagsasalita si Iñigo at nagsisiwalat ng lahat.
"Noong college tayo, 3rd year college naging kami ni Selena. We're in a relationship for almost 5 months. Sa mga panahong 'yon naramdaman kong mahal niya din ako. Pero ng maging mag-blockmates tayo nila Haxon nagsimula siyang maging busy. Minsan niya nalang akong makasama at lagi niyang sinasabing may pinagkakaabalahan siya." Pagak na patawa si Iñigo at titig na titig sakaniya.
"Lumipas ang limang buwan na laging ganon ang set-up naming dalawa. Dahil sa mahirap ako ng mga panahong yon dahil hindi ko pa nakikilala ang ama ko kaya nagtatrabaho ako, nawalan na din ako ng oras. 4th year college, exactly 1 year na kami nakipagkita siya sakin. Sinabi niyang maghiwalay na kami. Ang sakit! Ang sakit sakit ng lahat ng siniwalat niya." Iñigo bitterly smiled habang unti-unting tumutulo ang mga luha nito.
"Sila na daw ni Haxon at gusto niya ng makipaghiwalay. Nagalit ako! Galit na galit ako sakaniya at sayo Haxon. Kaibigan kita pero nagawa mo 'yon? Pilit kong tiniis lahat ng pangkakawawa ng mga tao sakin noon dahil pinahiya ako ni Selena sa harap ng mga tao. Lagi akong napagti-tripan ng mga lalaking bully at binubugbog pagkauwi papasok ako sa trabaho ko para lang makapag-aral kahit na sobrang sakit ng katawan ko." Lumapit si Iñigo sa harap nila ni Haxon at ikinagulat niya ang ginawa nito. Lumuhod si Iñigo habang walang tigil sa pagtulo ng luha nito. Naaawa man sa kaibigan hindi niya na din naman alam ang gagawin. Nalilito at naguguluhan siya.
Nanghihina na rin ang katawan niya dahil may ideya na siya kung sino ang gumawa ng lahat ng 'yon sakaniya kaya na-trauma siya.
"Hindi ko na kinaya ang lahat ng ginawa nila. Tinanggap ko ang trabahong ibinigay sakin ni Piolo. Naging drug dealer ako noon at gumamit na rin ng droga. Gusto ko ng sumuko, kaya para makaramdam ng pagkalimot kahit sandali sinubukan ko at sa araw ng biyernes pumunta akong university para magbaka-sakaling nandon parin si Selena. Kasama ko si Piolo when I found her. Naghihintay sa labas at nag-iisa." Kumabog ang dibdib niya ng sobrang lakas at kusang nagsituluan ang kaniyang mga luha.
"Muntik na, muntik ko ng ma-rape si Selena. Ilang beses siyang nagmakaawa na palayain ko na siya dahil hinihintay niya si Haxon. Pagkarinig ko sa pangalang 'yon nagpadala ako sa sobrang galit ko. I punched her stomach and hurt her physically. Hindi ko sinasadya. Huli na ng malaman kong buntis siya. Dinala ko siya sa hospital dahil sa pag-aakalang anak ko 'yon. Nalaman ko nalang na ikaw 'yon at ako ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak niyo. Patawarin mo ako. Patawarin mo ako Demetria. Pinilit kong bumawi sayo, sa mga kasalanan ko pero alam kong hindi sapat." She's crying while looking at Iñigo who keeps on pleading. Bakit ganon? Kung kailan handa niya ng kalimutan ang lahat saka naman biglang lumabas ang katotohanang hindi niya matanggap.
"I-ikaw? Ikaw ang may gawa sakaniya ng lahat ng 'yon? Gago ka! Pinatay mo ang anak namin." Muling sumugod si Haxon kay Iñigo. Hindi niya na makita pa ang nangyayari sa paligid dahil nanlalabo na ang paningin niya. Sobrang sakit ng nararamdaman niya. Knowing na ang taong kasama niya sa mga oras na nasasaktan siya ay ang taong dahilan kung bakit niya naranasan ang lahat ng 'yon.
Nakalimutan niya ang mukha ng mga taong nambugbog sakaniya dahil sa trauma at pagkawala ng dinadala pero hindi ang karanasang sumira sa buhay niya. Ano bang nagawa niya at bakit ganun nalang ang pasakit na nararamdaman niya? She trusted Iñigo. Ano bang naging kasalanan niya para mawala sakaniya ang lahat?
The two persons she trusted are the one who hurt her. May isasakit pa ba sa katotohanang pilit niyang pinapatatag ang sariling mabuhay dahil sila ang dahilan para ipagpatuloy niya ang buhay pero sila lang rin pala ang nagdulot sakaniya ng sobrang sakit.
"S-stop! Tumigil na kayo. I'm tired, I'm so tired please let me rest." The last thing she said before she blocked out.
"ANO ng gagawin mo ngayon? Now you know the person behind all those things happened to Selene, ipapakulong mo ba siya?" Timothy asked him. Miski siya hindi niya na din alam. Demi's still unconscious, hindi niya alam kung bakit pero dalawang araw na itong tulog simula ng mahimatay. Sobra na siyang nag-aalala dahil baka ano ng nangyari sa dalaga. Zuri assured her na okay lang si Demi pero alam niyang baka sa paggising nito ay bigla nalang itong magwala and worst magpakamatay.
He's angry. Galit na galit siya kay Iñigo. He's a devil. Hindi niya akalaing kayang gawin ng dating kaibigan ang lahat ng 'yon. Iñigo is far from the rapist like Zuri told her. Nakilala niya ito ng mabait at maalalahanin pero ngayon hindi niya na kilala ang dating kaibigan.
"I don't know, damn it! Alam kong mahal ni Demi ang kaibigan niya. Ayaw niyang nahihirapan ni isa sa kaibigan niya. Demi is such a kind and loving girl. She doesn't deserve all of those cruel things happened to her. I don't know what to do anymore." Napasabunot siya sa sariling buhok at tumingin sa kawalan. Nag-iisip ng dapat na gawin.
"Alam mo Timothy, huwag mo na nga yan tanungin muna. Magulo pa ang isip ni Haxon, he needs to rest too." Saad ni Xandro ang medyo matino sa mga pinsan niya.
"Mas kailangan ngayon ng kasama ni Haxon, alangan namang iwan nalang natin itong pinsan natin? Grabe na ang sakripisyong ginawa niya para satin kaya sa simpleng pagdamay lang sakaniya makabawi man lang tayo." Ani London. Medyo tahimik si London pero may sense lahat ng sinasabi niya.
"Mas mabuti pa nga, uy Hayden kuha ka nga don ng beer sa kusina tapos ikaw Lander mag ihaw ka ng barbecue ikaw naman Paris tulungan mo si Timothy sa karne. Dali! Masarap ngayon uminom. Go man! kami naman uupo nalang dito." Ani Zander na kinasama ng tingin ng mga pinsan dito.
"Gago! Fuck you ka Zander! Ang sarap mong lunurin sa tabo." Sigaw ni Paris na kinatawa ni London.
"Tanga! At kelan pa nakalunod ang tabo?" Zander
"Ngayon palang, ita-try natin sayo at sisiguraduhin kong effective sayo." Pumasok na sa kusina ang lahat ng inutusan at naiwan si Zander na nagtataka.
"Ang weird talaga ni Paris. Mabuti pa ako gwapo. Diba Xandro?" Xandro just shrugged his shoulder and raised his middle finger at Zander who pouted.
"Ang sasama niyo, naturingan pa naman kayong pinsan ko tapos binu-bully niyo ako." Wala ng pumansin sa pagtatampo nito dahil biglang nagsalita si Haxon.
"Mauna na ako. Papasok pa ako, titingnan ko kung gising na ba si Demi. Kayo nalang mag-inuman. Baka magalit pa sakin si Demi kapag uminom ako. Sige na." Tahimik lang na nakamasid dito ang magpipinsan.
"He really loves Selene." Ani Drew.
"Syempre, simula high school may gusto na yan kay Selene. Alam mo naman si Haxon kapag na inlove wagas kaya grabe din kung masaktan. Ang tanga din sa pag-ibig." Saad ni Zander ni kinasama ng tingin ni Drew dito.
"Nagsalita yung hindi tanga. O ano nahanap mo na ba si Trinity?" Kaibigan din ni Drew si Trinity na bestfriend ni Zander. May gusto si Trinity kay Zander pero ang gusto ni Zander ay si Zafara na may gusto naman kay Lander. How cruel love is.
"Hindi pa nga. I'm so fucked up cousins! Bakit kaya ang galing magtago ng babaeng 'yon? Kasalanan niya lahat kung bakit nakasal si Zafara kay Lander. DAMN THAT WOMAN!" Ngayon lang ito naging seryoso kaya hindi nakaimik ang iba pero hindi si Drew.
"Eh t*ngina mo pala Zander! Kagustuhan ni Zafara na maikasal kay Lander! Tinulungan lang ni Trinity dahil mahal niya ang kaibigan niya. Ito ang tandaan mo Zander, walang kasalanan si Trinity at sa oras na mahanap ko siya hinding-hindi mo na siya malalapitan pa. Fvck you!" Sigaw dito ni Drew. Umalis ito at iniwan ang iba na tahimik lang na nakamasid.
"What a bastard. Laging nasa tabi mo si Trinity tapos ngayon ganiyan lang gagawin mo? You'll regret what you did Zander." Ani Xandro na may kakaibang ngisi sa mga labi.