Chapter 3: Kyline Michelle new crush in JoZan Paradise

Nang dahil sa kabaliwang naranasan niya, sinubukan muna niyang magpakalayo-layo. Ngunit sa bawat lugar na pinupuntahan niya laging may karinderya siyang nakikita.

"Ano ba naman iyan! BAKIT NAMAN PURO KARINDERYA ITONG NAKIKITA KO. INAASAR BA TALAGA KO NG PAGKAKATAON.".

Sumbat niya. Umikot-ikot siya kung saan-saan. Wala siyang pakielam kung maubos ang laman ng wallet niya, ang goal is maging malayo ang isip niya sa lalakeng nagpagulo ng sistema niya. Napakalayo na ng kaniyang nararating and hindi rin siya pamilyar kung nasaan na siya. Dahil gusto din naman niyang makalayo mula kay Zanne. Bakit ba kasi siya masyadong affected. Bakit ba siya ang lumalayo? Wala naman siyang sala.

"Nasaan na ba ko. Tsk, parang ang layo ko na yata sa kabihasnan. Ano ba ito? Bakit hindi na ata nadedetect ng locator ko ang place na ito."

Isang way lang ang dinaanan ng kaniyang kotse. At hindi niya alam kung nasaan na siya. Pero base sa lugar na iyon magagarbo ang bahay ay may mga pananim na malalawak. Mukhang secret ito, dahil pang one way lang ang daanan. Talagang magpaparaya ang isa kapag nagkataong magkasalubong. Napansin niya yung napakagandang lugar na iyon. Sobrang garbo at tila hindi papatalo sa palaguan ang kaniya-kaniyang tanim. May nakita din siyang flowerfield. Sobrang manghang-mangha ang mga Mata niya sa bawat detalyeng makikita.

"Ang sarap naman tumira sa ganito napakapeaceful at magaganda pa ang mga bahay. Bukod dun may mga mapagkukunan na ng mga makakain sa araw-araw. Awww. Sarap naman dito, sana dito nalang ako nakatira parang Garden of Eden."

Manghang-mangha siya sa lahat ng natatanaw niya. Hanggang sa makarating na siya sa malawak na kalsada papunta sa isang isla na purong puti at asul ang matatanaw.

"Wow.."

Pagkapark niya ng kaniyang kotse agad na nagpunta sa dalampasigan. At tinanggal ang sandals ibinabad ang paa sa tubigan.

"OMG, bakit ngayon ko lang to napuntahan? Napakagala ko pero never ko pang nagalaan itong lugar na ito-".

Nakarinig siya ng tila nagtatawanan sa kaniyang likod, agad siyang napalingon at saka isinuot ang kaniyang sandals. Isang lalake na maputi at mga kasama nitong mukhang taga rito sa lugar na ito dahil sa balat.

" Mukhang bago ka lang sa lugar na ito. Nagustuhan mo ba ang aming JoZan Paradise?".

Natulala naman siya. Gwapo kasi yung lalake. And sabi nito 'Nagustuhan mo ba ang aming JoZan Paradise?' Means pag-aari din nito ang lugar. 'Perfect Michelle', sabi niya sa kaniyang sarili.

"Yes, actually taga broadway ako, I didn't expect na may ganito palang kaganda na lugar."

Nakangiting lumapit sa kaniya ang lalake at inilahad kamay. Nakangiti ito sa kaniya saka nilahad ang kamay.

"I'm John Karelles and you are?".

" I'm Kyline Michelle Catraz, nice to meet you John!".

Pinilit niyang itago ang kilig na bumabalot sa buong sistema niya. John is very strong and charismatic. Sobra kasi siyang naakit sa look and pagiging hospitable ng lalake. In case sana na maaga niyang napuntahan ito edi sana matagal niya nang nakilala si John and possible kung papalarin e maging Boyfriend niya pa.

"Pretty name Kyline Michelle. By the way gusto mo bang mag-inn sa amin? Free kana. Since this is your first time na bumisita dito sa amin."

The guy said. Amaze na amaze naman siya dahil galante din ang lalake. Bihira iyong ganoon. Kung tutuusin this place is very worth it to pay much kasi hindi mo aakalain na may ganito kagandang lugar. The blue green water then the deepest part is turn to dark blue. Then yung buhangin maamaze ka talaga kasi is pure white and super pino. Yung halos kuminang na kapag nasisinagan ng araw. Malayo ang distansiya as mga bahay-bahay, at ilang mga comercial business.

"Seriously?".

Tanong ko sa kaniya, lalong naantig yung puso ko nung biglang may maggitara at nagkakantahan, kasabay niyon may tumutugtog din ng piano at violin. Halos hindi ko na alam kung gusto ko pang umalis dito. Nakakahalina yung musika. It's been a long time since first time I've heard a musical in live. Parang gusto Kong hilain nito para nanuod at makinig sa tugtugan. Pero naalala ko kausap ko nga pala si John.

" Of course. Mukha ba akong nagbibiro. Lahat kasi ng first time dito free ang pagtuloy o paglangoy dito sa dagat. Under renovation pa kasi yung place namin."

He said. 'Ang gwapo niya talaga' sabi niya sa kaniyang isip. Kilig na kilig na sumunod siya dito papunta sa Resort nito. Lalo pa siyang kinikilig kasi yung music. At halos ihalili na siya nito. Hinapyawan niyang muli ang dagat at Paligid na marami ring puno ng buko. At meron pang ibang tanim sa kakahuyan na lalong nagpaganda sa lugar.

"Most of the commercial you will see here we owned it and we have business partner also and you what I have brother owned bpo company and member of Southland Club. He's my half bro. But I love him".

He said to me. Halos lahat ng mga commercial area sa lugar na iyon ay pagmamay-ari ng mama nito. And his half brother living in Broadway also pero hindi nabanggit ng binata sa kaniya ang pangalan ng Half bro nito. Ayaw niyang maging usisera sa paningin nito. Ang alam niya lang CEO of BPO company and shareholders din ng company nila. Also a member of SC.

"Wow. Nakakaamaze naman itong lugar ninyo."

Sabi niya habang pinagmamasdan ang buong lugar sa 10th floor ng resort na pinuntahan nila.

**

(My brother John) calling

"Ohh napatawag ka?".

Pambungad niya.

" Kyline is here kuya."

Sabi ni John sakaniya.

"Ano namang ginagawa ng babaeng iyan diyan? Wala naman siyang mahahunting na gwapo diyan, nandirito sa Broadway ang tunay na gwapings."

Tumawa ang kausap niya dahil sa paghambog niya.

"Kuya half brother mo ko, gwapo din ako."

Parehas silang napatawa sa kalokohan ng bawat isa. Magkapatid man sila sa ina never naman nilang iniisip na hindi sila parehas dahil magkaiba ang tatay nila. John Karelles his brother is the kindest and most hospitable than him but they claim they are both Handsome and white. They both hunk and have a soft voices.

"Nako John walang magtuturok nang pampakalma sa kaniya diyan. Medyo lukaret iyan mag-ingat ka diyan."

Sabi niya sa kapatid niya. Narinig niya ang pagtawa nito sa kabilang linya.

"Alagaan mo si Kyline habang nandiyan siya sa poder mo. Magiging future sister in law mo iyan."

Biro niya dito..

"Assuming ka talaga kuya. Ligawan mo kasi ng maayos. Baka mamaya maunahan pa kita. Type ko kaya yung mga gaya ni Kyline.."

Sabi nito, agad siyang dumepensa.

"Hoy loko ka. Huwag ganun. Magkapatid tayo, gusto mo bang mag-away tayo ng dahil lang sa isang babae? Gusto mo bang masira ang pagsasamahan natin bilang magkapatid."

Depensa niya sa kaniyang kapatid. Na hindi halos nakasingit sa sobrang bilis niyang magsalita.

"Biro lang kuya."

Pinatayan niya ito dahil narinig niya ang pagsipol ng pinakukulo nitong tubig.

**

"Siya pala si Ky, cute niya hah. Akala ko Ky lang talaga name niya. Mahaba pala yun."

Sabi niya kay Hermosso. Kahit kailan napakatsismoso talaga nito.

"Tamad naman kasi ng kuya mo. Buti hindi mo pinatos. Maganda din yung babae. Mukhang may pinag-aralan din."

Sabi ni Mosso habang may ginagawa ito. Halos hindi rin niya alam kung bakit ganoon nalang ang pagka-torpe ni Kuya Zanne niya. Pero sa totoo lang mas cute naman talaga at mukhang baby face ang kaniyang Kuya. Kaya nagtataka din siya kung bakit hindi ito sinagot ni Michelle o hindi man lang nilapitan para maging Boyfriend. Baka nga pihikan lang ang dalaga kung kaya't hanggang ngayon hindi pa din nakikita si Kuya Zanne niya.

"Oo Mosso, ang alam ko spy siya sa business nila dad at kuya. Pero hindi ko lang alam kung ano pang ibang pinagkakaabalahan. Mukhang mataas ang standard base kay Kuya. Hindi raw pinapansin si Kuya. Alam mo naman yun mahilig sa Thrill. Nagpanggap na may-ari ng karinderya."

Sabi niya sa kaibigan na tatawa-tawa habang nakindat sa mga chicks na nadaan. Alam din kasi niya na gusto nang Kuya niya na makita ito nang babae bilang mabuting tao at mapagmahal. Responsible and optimistic. Hindi iyong mamahalin siya dahil sa yaman, katanyagan at siyempre sa kagwapuhan.

"Pare, iba din trip ng kuya mo e no. Kung ako iyan baka napasagot ko na kaagad iyan. Watch me."

Natawa siya sa kalokohan ng kaibigan. Mas gusto kasi talaga ng Kuya niya yung ganoon. Before wala pa itong naging girlfriend dahil kay Kyline lang Kyline ang atensiyon nito. Ewan ko lang ha. Wala naman kasing dinadalang babae si Kuya sa bahay.

"Hi miss, bago ka lang ba dito. I'm Hermosso. Mossi, mosso, or moss. Bahala ka kung anong trip mo. Anong name mo."

Natawa siya dahil hindi tumalab ang pacute ni Mosso. Nakatingin lang ang babae. Nahihimigan ko iyong inis at medyo kapobrehan sa sasabihin nito. Humarap ang babae at nagsalita.

"Mayaman kaba?".

Iyan lang ang lumabas sa bibig ni Ky. Hindi mayaman si Mosso. Kasi dito lang din sa Resort nila nagtatrabaho ito. Nakita niyang nagulat din ang kaibigan dahil sa tanong at tono ng pagkakasabi ni Ky.

" Ahh dibale nalang."

Tumalikod na si Mosso at dumeretso sa kaniya. Nakita niya ang pagkadismaya sa mukha ng kaibigan. Nararamdaman niya nang ganoon ang mangyayare, kung ang Kuya nga niya e nilalampasan lang nito, eto pa kaya na isang hamak na trabahador lang.

"Masungit pala iyon. Kaya pala walang tumatagal. Matapobre, mapili pa."

Tumawa lang siya. Alam naman niya ang ugali ni Ky dahil sinabi na iyon ng kaniyang Kuya Zanne.

"Lalapitan ko siya. Aalukin ko lang."

Sabi ko dito at nagpaalam na.

"Sige."

Lumapit siya. Malayo palang nakita niyang nakangiti na ito habang sige ang pipindot sa cellphone. Napansin niya na busy ito sa paglalaro.

"Michelle, gusto mo bang magdinner mamaya kasama ko?".

Tanong niya. Lahat kasi ng bagong customers nila kapag bago palang iniinvite nila sa party dinner.

" sure."

Sagot nito bakas ang ngiti nito kaya naman natawa siya lalo. Nakita niyang kakamot-kamot ang kaibigang si Hermosso. Lumapit na siya dito at nagpaalam muna kay Michelle.

"Pare. Grabe ang unfair naman. Parehas naman tayo pogi e. Mas gwapo pa nga ko sayo e."

Pagyayabang nito at tila naging si Hades sa pagpipiling pogi. Si Hades yung pinakapogi sa lugar namin at talagang mayaman din. Pero siyempre teritoryo ko to kaya mas mayaman ako at mas gwapo. At si Hades din ang pinakapogi Kong kapatid.. Yes Hades Karelles.

"Lol, mas gwapo kaya ko. Saka di naman hamak na mas mabango at mas mabait ako kaysa sayo."

Pang-alaska niya dito. Hindi kasi maputi si Mosso kung kaya't iyon ang panglaban niya. Gusto niyang asarin ito ng asarin.

"Hoy naliligo ako."

Sabi nito at inamoy-amoy pa ang sarili na tila nanlilimahid na sa sobrang init ng panahon. Tamad-tamad kasi nitong magpabango.. Mas okay na daw yung natural. Sandaling natahimil ito.

"Ohh wala kong sinabi na hindi ka naliligo."

Sagot ko sa sinabi niya. At sumagot muli Ito.

"Ewan ko sayu parang yun kasi gusto mo palabasin e."

Sabi niya at parang paawa dahil inaaway ko siya.

"Maligo kana kasi ang badjao mo na e."

Sabi ko nalang at tinulak ito ng mahina. Nag-asaran sila hanggang sa nagkasapukan na. Pero mahina lang naman sabay takbuhan papuntang dalampasigan. Nag-unahan sa pagpunta sa torre malapit dun sa simbahan. Pero likas na mabilis siya kaya nakarating siya agad doon.

"Hahaha. Weak ka talaga mosso."

Pangaasar niya dito.

"Kasalanan ko bang pinaglihi ka sa pating."

Sagot naman nito.

"Sus. Palusot."

Sagot niya

"Tara na nga."

Sabi nito. Sabay silang bumalik. Puro kulitan pa ang ginawa at nanguha ng magagandang kulay ng star fish at coral na ilalagay sa Aquarium para sa party mamaya.

**

"Ano ba naman iyan, wala man lang bang maganda dito. Parang pare-parehas nalang."

Reklamo niya. Wala kasi yung favorite niya na color na red. Puro light color lang. Ang ending sky blue ang nakuha niyang summer dress na sleeveless. Okay naman kaso hindi niya lang talaga type.

"Maganda naman mam. Bagay po sa inyo, kasi maputi naman po kayo. Ito po sandals bagay diyan sa suot ninyo."

"Talaga ba? Bagay ba talaga sakin?".

Tanong niya sa babae doon sa binibilhan niya ng damit.

" opo mam."

Magalang na sagot nang babae.

"O sige kukunin ko na to."

Pagkabayad niya. Pumunta naman siya sa isang souvenir store. Bibilhan niya ang kaniyang mommy ng pasalubong. Bigla siyang nangasim sa mangga. Lumabas siya sandali at pinuntahan yung ale na nagtitinda ng mangga may sawsawan iyon na bagoong. Enjoy na enjoy siya sa pagkain hanggang sa inabutan siya ni John na sarap na sarap.

"Oy. Michelle. Nakain ka pala niyan, manang pabili po. Paborito ko to e.

Sabi ng binata. Si John.

"Ah nakita ko lang kanina, nangasim kasi ako kaya bumili ako. Masarap naman e. Saka walang nagtitinda ng ganito sa sa Broadway. Pupunta pa nang market bago ka makabili nang mango. Tapos magluluto kapa o di kaya sa mga market na meron lutong bagoong. Sarap nito. Bata palang ako favorite ko na to".

Magkasama lang sila habang nagkukwentuhan ng kung ano-ano. May nakita siyang pamilyar na bulto.

"John wait lang. Parang kilala ko yung lalake na iyon. Maiwan na kita. Kitakits nalang mamaya."

Paalam niya rito, at ngumiti ng matamis.

"Sige ingat ka."

Sabi nito umalis na siya at sinundan ang lalakeng nakita niya. Hindi siya maaring magkamali.

"SIR".

Sigaw nung lalakeng kausap niya kanina sa Restau. Mossi yata yun o mosso. Tinawag nitong sir yung lalake. Nilapitan niya ito para madinig pa lalo ang usapan.

" Oh long time no see Mosso. Si John?".

Sabi ng lalake habang nakaakbay kay mosso.

"Wala sir umalis sandali baka nakain ng mangga."

Sagot naman ni Mosso.

"Si KM?".

KM? Sinong KM? Ako ba iyon. Ako lang naman siguro may KM?

" Namili yata. May dinner mamaya e."

Mukhang ako yata.

"Ahh okay may mga Ingredients na ba para mamaya?".

Tanong nito kay Mosso, habang binubuksan ang cabinet.

" opo sir meron na kompleto rekado"

Paulit-ulit. Sir talaga ang tawag lumayo na siya baka mahalata nang mga ito na nandoon siya nakikinig sa usapan ng may usapan..

"Sir pala hah. What a liar."

Sabi niya at umalis na siya.

**

"Riri nakita mo ba si Kyline?".

Tanong ko kay Riri. Simula kasi nung bumili ito sa Karinderya ko hindi na daw ito pumasok at sinabi ng mama niya na hanggang ngayon hindi pa din umuwe.

"Nako sir, hindi na po talaga siya pumasok. Saka hindi man lang nag-oonline sa Instagram niya hindi tuloy namin macontact.. Wala din update sa kaniya samantalang meron inutos sa kaniya ang papa mo".

Sabi ni Riri. Habang hawak-hawak nito ang cellphone at nagbabasa ng mga immediate report galing sa kaniyang tatay.

"O sige na Riri mauna na ako. Hahanapin ko pa siya."

Sabi ko at umalis na ako. Mayamaya pa tumawag si John at sinabing nandoon si Kyline. Ang layo naman ng narating ni Kyline. Agad-agad siyang nagmadali na pumunta sa JoZan Paradise after marinig ang sinabi ng kaniyang kapatid. Gusto niya ring masurpresa si Ky kapag nakita siya nito doon sa JoZan Paradise.

"Wait me."

Sabi niya at ngumiti.

--End of Part 3--