Chapter 2: I am Zanne Tidwel of my Karinderya

Tumanda nalang siya kakaantay na magkaasawa si Kyline Michelle. Pero hindi pa din siya sumusuko.

"Dre, baka naman gusto mong ilantad ang tunay mong pagkatao. Masyado mo nang pinahahaba ang panahon na nagpapanggap ka. Ayaw mo bang mapunta saiyo si Catraz? Ayaw mo bang mas bumilis ang paghihirap mo.. CEO ka pero hindi ka man lang niya ginalang ni minsan."

Sabi ng kaibigan na si Pavel. Napabusangot lang yung mukha niya.

"You know Pavel, I never used my own accent , kasi ayoko magduda siya sa akin. And I enjoy playing safe. Nakakatawa yung pagmumukha niya kapag nauutot siya. Tapos di man lang siya naiilang kapag nasa paligid niya ko habang uutot siya. Minsan galit pa yan kapag nagreklamo ko."

Sabi niya na over confident padin. At napakamot naman si Pavel pagkarinig ng kaniyang sinabi sensitive kasi ito sa mga ganiyang bagay.

"Grabe naman yan dre. Babae ba yon? Saka kung mag-fart siya dapat lumayo siya hindi iyong ganiyan na pinapaamoy niya pa. Kadiri".

Nagpipigil siya nang tawa dahil naaalala niya yung expression ni Kyline. Noong nautot ito yung tipong parang lalabas na pati tae nito. Si Pavel naman hindi na maintindihan ang itsura dahil sa pangdidiri. Hindi pa ito nagkakagirlfriend dahil sobrang over reacting nito kapag may hindi ito nakikitang hindi kaaya-aya sa isang girl.

" I like Ky. And kahit anong mangyare, I still like her. Maybe napakaharsh niya sa akin. Pero kung matutunan niya akong mahalin kahit mahirap lang ako, siguro saka nalang ako aamin. Iyon naman talaga ang plano ko ayoko din kasing mapilitan lang siya na magustuhan ako dahil lang sa mayaman ako baka ending mag-annualment lang. Sayang, sobrang sayang talaga kung ganoon."

May tumapik sa kaniyang balikat si Drew Christian. Problematic nanaman dahil kakabreak-up lang. Bakas na bakas pa ang sampal sa mukha nito at namumula ang mga mata. Ito talaga iyong laging may girlfriend. Pero mabait na tao naman.

"Ohhh, sino nanaman pinag-uusapan niyo? Yung insane kong cousin nanaman ba?".

Tumango lamang sila ni Pavel. Dumating din si Facundo. Dala dala nito ang beer na halos wala nang laman. Nagtungo sa counter ng bar. Broken kasi kay Marina. Pero balita niya lilipad ito patungong USA.

" So ano nang ganap?".

Sabi ni Drew na halatang excited. Saksi ito sa lahat ng kasungahan ng kaniyang pinsan. At saksi din ito kung gaano kaarte at kametikolosa kuno sa lalake.

"Wala pa. Pero sana magkamilagro na magbago na iyang standard ng pinsan mo."

Dismayado naman ang kaibigan dahil sa sinabi niya. At umorder na nga sila ng beer. Naalala nanaman niya ang usapan kanina nila Riri at Ky.

**Flashback**

Nasa office ang mga ito at puro chickahan siya naman pasimpleng nagmamatyag. Nang biglang tumayo si Kyline? At nangarap nanaman. Kung ako nalang kasi ang pinangarap niya edi mas okay pa.

"Gusto ko mayaman, kagwapo, yung makinis ang mukha. May abs, matangkad, masculine tapos husky boses."

Sabi ni Kyline. Bakit hindi ba husky boses ko? Ay soft nga pala boses ko. Gaga siya na nga itong husky boses naghahanap pa ng husky na partner. Dapat diba soft naman hanapin niya kasi para balance.

"EDI MAG-ASAWA KA NANG TAGA EMMA."

Iyan ang sabi naman ni Riri, na manager nila at halos naubusan na ng pasensiya sa kagagahan ni Kyline.

"Wow parang bago iyan Riri. San ba iyang Emma? Sa Roma ba iyan?".

Maang na tanong ni Kyline. Binuksan ni Riri ang mini fan at itinutok sa sarili. Sabay Sabi.

"HINDI SA EMMA IYON. SA EMMA-GINATION MO."

Seryoso pang sabi ni Riri. Halos parang buhusan si Kyline ng malamig na tubig. Palagi nalang kasi itong nag-eemote kung sinong mas nababagay sa kaniya. Umalis nalang siya at nagtungo sa office ng kaniyang daddy.

**End of Flashback**

May babaeng lumapit sa kaniya. At umupo sa gilid niya biglang tinapik siya ng mga kasama at nag-react sa chicks na katabi niya.

"Miss may kasama ka?". Sabi niya. Natigagal siya sa sunod na nangyare.

"BAKET? MAY PROBLEMA BA TAYO KUNG MAG-ISA LANG AKO." She exclaimed with a whole voice a man. Lalake ito. My God. Transgender.

"Sorry miss."

Tapos umalis nalang kami ng mga kasama ko. Baka kasi mabakla kami sa bar na ito. Dumiretso nalang kami sa bahay sa SC. Doon nalang namin tinuloy ang inuman.

"Ganda talaga dito sa bahay mo. Puro baby stuff hahaha ang cute ko."

Sabi ni Pavel saka kinuha ang isang teddy bear na malaki at niyakap-yakap iyon.

"Puro ka talaga kalokohan."

Sabi niya at itinuloy na ang inuman.

**

"Napakaganda talaga dito sa Southland Club, para akong nasa tagaytay. Sarap dito magstay."

Nagmumuni-muni palang siya ng dumating ang pinsan niyang si Drew Christian. Pinsan niya ito sa Lola. Ang Lola niya ay kapatid ng lola ni Drew. Kasama niya ang mommy niya at ngayon ay natutulog. Nandito siya sa bahay at tinitingnan ang larawan ng Southland Club na pictures. Kuha iyon ng kaniyang pinsan na si Drew.

"Pinsan. Anong gawa mo? Gusto mo bang ipakilala kita sa mga boys sa SC?".

Bakas na bakas na lasing ito at pagewang ang lakad. Nagningning naman ang mga mata niya. Walang member nang SC na mahirap at hindi gwapo. Lahat ng miyembro mga natural na gwapo at mayayaman at talaga namang may career na stable. Medyo naamoy niya ang alak. Pero hindi nalang niya pinansin.

"Talaga? Sino naman ipapakilala mo sa akin?".

Kilig na kilig na sabi ko. Nag-isip ito bahagya at saka huminga ng malalim saka sinabing,

"Kay Zanne."

What? Hampaslupa. Bakit sa dinarami-rami ng pwede nitong ipakilala bakit si Zanne pa? Saka isa lang hamak na taga-deliver ng pagkain. Hindi ko nga alam kung may sarili bang bank account iyon o kahit ipon man lang.

"Are you crazy? Nagtitinda nga lang ng ulam iyon sa office namin e. Iba nalang please."

Iiling-iling nalang ito. At tila nakaisip pa ng kalokohan..

"Okay. Huwag nalang. Hahanap nalang kita ng tunay na rich kid at gwapo. Gusto mo si Jovit. Mayaman na iyon singer pa. Kaso fake beauty."

Tinutukoy nito ay si Jovit Baldivino ata iyon. I'm not sure.

"Very wrong. Kung wala kang masasuggest na matino huwag nalang. Yung mga katulad mo ang nasa standard ko. Siguro kung di kita pinsan pinatos na kita. Hanap mo ko nang mas the best Kuya wala na kasi akong nai-encounter na the best, alam mo na lahat nasa imagination ko nalang daw sabi ni Riri. Gusto mo ikaw nalang Kuya hahaha."

Pang-aasar niya. Umamba ito at bahagyang lumayo. Ayaw kasi nito ng ganoong biro. Pikunin talaga ito kapag ganun ang biro niya. Kahit noong bata pa sila si Drew ang pinagpapanggap niyang Boyfriend pagdating sa bahay bwesit na bwesit ito. Ayaw na ayaw kasi nitong pinagpapanggap ito. Lalo pa at magpinsan sila. Minsan kasing dumating sa buhay nito na binasted ito ng isang girl dahil nalaman na naging girlfriend siya.

"Huwag ako. Baka banatan kita. Napatol ako sa babae. Alam mo kasi pinsan, tantanan mo na si Standard na iyan. Wala ka talaga mahahanap. Baka nga matagal mo nang kaharap si Mr. Standard e. Ikaw lang itong bulag at hindi pinapansin ang sigaw ng puso mo. Kaya ka puro wag nalang wala kasi si Mr. Standard. Gumising ka cousin and remove that filter eye. Sa sobrang kakasala mo yung kagandahan ng asal nung tao nawawala na."

Halatang nairita ito. Hindi pa kasi ito nagkakajowa ng tumatagal ng one year laging one day to 1 month lang. May sekretong malupit kasi to. Alam niyo yung ladies finger hahaha. Ganun lang kalaki yung alaga niya. Kaya walang nagtatagal dito. Bukod pa dun. Hindi pa siya tuli.

"Alam mo patuli ka muna bago ka magset ng date ko."

Inis na lumakad ito at parang barumbadong pabalagbag na sinara ang pinto. Halakhak ni Bruja ang naging tawa niya. Naalarma naman siya dahil natutulog nga pala ang mommy niya.

"Shut up!".

Saway niya sa sarili.

" Argh. Tatanda na siguro kong dalaga. Aish. Napakalungkot ng walang lovelife walang trill ang life, walang kilig, argh."

Inis na sabi niya.

"Bakit kasi hindi mo muna kilalanin ang inirereto ni kuya mo."

Iiling-iling siya, kasi hindi talaga niya gustong mahulog kay Zanne. Actually super perfect si Zanne the problem is wala siyang kayamanan. Halos lahat na ng good quality ng isang guy na kay Zanne na at lahat ng kababuyan siguro sa katawan parang lahat alam na ni Zanne pero never siyang pinandirihan nito. Pero gusto niya sana ito kung hindi lang siya maghihirap sa piling nito.

'Help naman lord payamanin niyu naman si Zanne'

Minsan niya pang naisip ang bagay na iyan lalo na noong nakita niya yung kabaitan sa kaniya. Sobrang nalalaglag yung puso ko. Hindi ko talaga gustong masaktan siya sa mga sinasabi ko. Pero ayoko kasi talagang maghirap.

"Ayan nanaman iyang pagiging matapobre mong bata ka. Masipag naman si Zanne gaya ng sabi mo. Malay mo iyan ang tutupad ng kaartehan mo."

Napatingin naman siya sa kaniyang mommy. Nakangisi nanaman ang aking mommy.

"Mommy grabe ka sa akin."

Iiling-iling ang kaniyang mommy. Sabay pumasok na ulit sa loob ng kwarto.

**

Hindi niya na puna ang oras dahil sa sobrang kabusy-han sa Karinderya actually super big na Karinderya na may 5 company na hinahatiran ng Breakfast, lunch, dinner pati na mga may night shift. Actually, sa karinderya palang na iyon na pag-aari niya malaking-malaki na ang kinikita niya.

"Nasaan ba yung may-ari ng Big Karinderya na ito."

Agad siyang napatingin sa nagsalita si Kyline iyon.

"Bakit mam? May problema po ba."

Sabi ng crew niya na si Toneng. Siya naman nakikinig lang muna.

"Wala naman gusto ko lang malaman kung ano ang best seller niyo."

Sinikap niyang maging gwapo sa salamin na suot niya.

"Uyy, hanap mo ko?".

Dahan-dahan itong lumingon sa kaniya. At inirapan siya pero halatang masaya naman ang face. Nako Ky.

"Kakain ako. Gusto ko ihain mo sakin yung best seller niyo dito. Ayoko ng pang mahirap. Si Mommy nagpapabili. Siyempre mabait akong anak susundin ko siya kahit ayaw ko."

Duda siya. Malamang may binabalak ito kaya talagang dumayo pa ito sa shop nila.

"Sus. Dinamay mo pa si Tita..-"

"Excuse me, did I misheard you? Tinawag mong tita ang mommy ko? Pamangkin ka ba niya?".

Mataray nitong Tanong sa kaniya.

" Hindi, Son-in-law lang."

Lalo itong nanggalaiti. Pinaupo nalang niya ito at saka isa-isang dinala ang mga special na putahe na talaga naman benta sa kaniyang Big Karinderya.

"Ohh."

Nang matikman nitong lahat ng foods. Nag-iwan ito ng 5, 000 bills at umalis na. Kinuha niya ang bills.

"Nacarried away ba ito dahil sa lasa ng pagkain. Pero akala ko ba nagpapabili ang mommy niya? Ang labo. Toneng ikuha mo ko ng mga nakabalot na, hahabulin ko lang yung tokneneng na iyon."

Pagkaabot sa kaniya agad siyang tumakbo para habulin ang dalaga. Nagulat naman ito ng mahabol niya at iabot ang isang malaking paper bag na may laman ng masasarap na ulam at pamutat.

"I give you my payment. Hampas lupa talaga. Hindi pa ba sapat yun."

Sabi nito.

"No! Sobra-sobra nga e. Dalhin mo ito sa mama mo diba nga inutusan ka lang. Ulyanin mo. Oh wag kana mag-inarte. And by the way I am Zanne Tidwel of my Karinderya. Huwag mo ko tatawagin na hampas lupa dahil nagsisikap ako para kumita ng pera, at hindi umaasa sa kahit sino. At ito hindi kami natanggap ng gift.."

Banas na kinuha nito paper bag at ang sukli..

"Dingdong-you Zanne."

Tumakbo na ito papunta sa Parking lot.

"Ang cute mo."

**

"Hello chief!".

Bungad niya kay Mr. Watson.

"Michelle. Nagmessage ako saiyo nabasa mo ba?".

" Hindi pa sir, tungkol saan po ba?".

Tanong niya. Wala pa kasi siyang binubuksang messages

"Papasundan ko saiyo si Ewerton Paschal. "

Pagkasabi iyon ng chief niya nagets niya na. Agad siyang dumiretso sa casino na lagi nitong tinatambayan.

"Sayang perfect na. Drug addict nga lang."

Sabi niya at iniisip yung tungkol sa suspect na pinapautos sa kaniya.

"Bakit mo pinanghihinayangan ang boyfriend ko? And what did you say Drug addict? Totoo ba?".

Tanong sa kaniya ng detective na si Maurine Kang. Sa tagal ng relasyon nito kay Ewerton, wala man lang itong kaalam-alam na sangkot sa illegal na droga ang boyfriend nito.

"Atleast alam mo na ngayon, buti nga hindi pa kayo kasal. Kung hindi damay ka din sa kasasangkutan ng asawa mo."

Napaiyak na lang si Detective Kang. Sa galing kasi nito sa trabaho, ni hindi man lang nito nadetect ang tunay na pagkatao ng kasintahan nito. At muli itong tumingin sa kaniya.

"Napakabait kasi niya sa akin, tapos super malabing pa sa akin iyan kapag napapagod o nagagalit ako, tapos lahat ng effort ginagawa niya. Hindi naman siya mabisyo sa laro, alak o kaya ay babae. Kaya naisip ko na napakaperpekto na ng relationship naming dalawa. Pero hindi pa din pala. Malas ko naman."

Umiiyak na ito habang pinagmamasdan na halos maghingalo na sa pagsingot ang nobyo nito.

"Ganoon talaga ang life, minsan kailangan mo munang magkamali bago mo malaman kung ano ang tama. Tama na iyan trabaho na tayo."

Sabi ni Ray na photographer. Halos si Ray na yata ang pinakaperfect na photographer na kilala niya. Kahit kasi super dilim at napakalayo nagagawan nito ng paraan na mapaganda ang shot.

"Tama kapag natapos natin ito. Manghunting nalang tayo sa SC yung mas matino ang pipiliin natin yung Romantikong walang bisyo. At higit sa lahat mayaman at gwapo."

Sabay na tumingin sa kaniya si Ray at Mau.

"Ikaw nalang girl."

Sabi ni Mau.

"Oo nga di namin kailangan ng gwapo at mayaman. Yung gusto lang namin matinong tao yung kaya naming makasama hanggang huli."

Sabi ni Ray.

"At hindi antipatiko, aanhin mo pa ang kagwapuhan at yaman kung mababaliw ka naman sa kayabangan at pagkababaero. Magsisisi lang kami girl. Okay na kami sa Low Class."

Segunda naman ni Mau.

"Korek ka diyan. Mas nakakamangha yung lalakeng alam kung paano kami mamahalin, rerespetuhin at may dignidad. Siyempre yung responsible. Pero I feel malabong mahanap yun sa mga gwapo na mayaman kasi sa totoo lang hah. Sekreto lang to."

Patrill ang gaga.

"Ano ba kasi, pahinto-hinto ka pa diyan."

Sabi niya.

"Lahat kasi ng Gwapong, mabait, responsible, masipag, mapagmahal at lahat ng quality na hinahanap nandoon lahat sa hampas lupa na tinatawag mo."

Sabi ni Ray.

"Ayy true ka diyan ate Girl. Super bait nga nun. Mabango pa. Yummy. Actually may picture ako kasama yung guy na iyon."

Pinakita ni Mau yung phone niya na kasama nito si Zanne. Parang may kumirot bigla sa kaniya.

"Mga girls wait lang, inom lang ako sa kotse."

Nagtawanan yung dalawa habang pinagmamasdan iyong mga picture, habang siya hindi na niya malaman kung paano pipigilan iyong pakiramdam na iyon.

"Ano bang nangyayare saiyo Kyline Michelle?".

Asar na tanong niya sa kaniyang sarili. Tiningnan niya ang paligid lahat ng tao roon nakatingin sa kaniya.

" Anong ginawa ko?".

Doon niya lang napagtanto na nahampas niya ng malakas ang busina.

"Sorry po."

Hingi niya ng paumanhin sa kagagahan na pinaggagawa niya. Tila wala na siya tamang pag-iisip.

"Stop it please."

Baliw na nga siya.

--End of Part 2--