Chapter 1

Kyline Michelle Catraz. Kilalang-kilala sa kanilang departamento dahil sa sipag at determinasyon na kanyang ipinamalas. Marunong makisama at metikuloso sa pagpili ng mga bagay-bagay. Bata palang kasi ako nakikita ko na sa mga palabas na ang mga babaeng katulad ko ay dapat maging meticulous lalo na sa pagpili ng lalaki. Hindi pa ako magkakajowa pero sasampalin ko talaga yung ibang magyayabang sa akin kung ilang exes meron sila. Mama ko lang nakakaintindi sa lahat ng kalokohang naiisip ko. Maliban kay mama wala nang ibang nakakaintindi kung bakit gusto ko perfect. Ang pangit kasi ng mga Tito ko at hindi ko gusto ang hilatsa ng mga pinsan ko parang kailan lang ang nabiyayaan ng kagandahan, oo na ang sama na ng ugali ko. Pero wala akong pakialam kung masama ito. Hindi naman kayo ang mapapangasawa ko. Manginig kayu.

"Ate Mich, kailan mo namang balak humanap ng jowa. Sabi mo hindi ka lalampas sa bilang ng araw ng kalendaryo? Teh!! 32 kana po bukas, baka naman pwedeng tigilan mo na iyang standard na iyan?".

Tinaasan naman niya ng kilay ang kawork na si Grace. Alam niya kung saan siya dapat mapunta at hindi sa kung sino-sino lamang. Gusto ko mala-prince charming, o hindi naman kaya mala-Edward ng Twilight o hindi naman kaya mala-Korean look like Lee Min Ho, Lee Dong Wook o Gong Yoo. Ayoko kasi ng mga pasimpleng pogi lang gusto ko may taste din sa mga ginagawa at passion. Higit sa lahat mayaman. Ayoko ng basta-basta lang mahiya nga kayo. Ayokong maghirap pagdating ng panahon. Mainam na yumaman ako lalo. Para hindi maghirap ang aking future junakis at magkaroon siya ng inspiration na maging mayaman din like me.

" Huwag mo ko diktahan mayaman at gwapo ang hanap ko. Dapat lang maging metikuloso ako kasi ayoko mahirapan pagdating ng araw."

Hinampas naman siya ng manager niyang si Riri. Hindi kasi ito sang-ayon sa mga kagaguhan na pinaggagawa niya. Ito man ay saksi sa lahat ng kalokohang sinasabi niya sa araw-araw na ginawa ng diyos. Pero totoo naman talaga ang sinabi niya ayaw niyang maghirap. Mahirap maging mahirap. Aapak-apakan ka lang nila. Nakakabwisit di ba tapos mas panget pa aapak sa iyo. Wow lang.

"Bakla, gurang kana. Saka marami kanang pera sa bangko. Dami mong hanash mag-asawa kana. Baka mamaya hindi ka na nabiyayaan ng anak, sige ka. Nasa huli lagi ang pagsisisi."

Nakasimang nanaman siya dahil hinampas nanaman siya sa braso ng manager nila. Siguro kung magkakaroon siya ng fanclub. Ang fanclub naman na itatayo ni Riri ay para sa mga malalanding gusto agad mag-anak at asawa aka basher ni Kyline.

"Alam mo Riri ipapademanda na kita. Masyado kang mapanakit e. Eh ano naman kung hindi ako magkaanak, magiging masaya pa din naman ako kahit walang anak."

Wika niya habang nag-file ng mga natapos niyang case. Palaging ganito ang nagiging usapan nilang magkakasama sa work kesyo ayaw siya nito pabayaan na hindi magka-asawa. Well good intention naman, kaso hindi niya lang talaga maatim na may papapel sa buhay niya, tapos hindi naman niya gusto, at hindi naman pasado sa kanyang pagsusulit.

"Loko mo din e no. Alam mo kahit na magaling kang spice girl, I mean spy. Walang maidudulot iyan sayo kung pagdating nang araw walang magsisilbing spy kapag matanda kana. Ayaw mo bang may tatawag sa iyong 'mother, mama, nanay, mamshie, mamabels' at kung ano-ano pang klase ng tawag sa nanay. Alam mo ba ang sarap kaya sa pakiramdam na after work may sasalubong sayo at yayakapin ka kapag stress na stress ka sa work."

Sabi ng kanilang manager na si Riri. Naisip niya iyon. Ikaw ba naman na paulit-ulit sinasabi ang ganitong litanya. Ewan ko nalang kung hindi mo pa matandaan. Simple lang pero totoo. May kirot sa puso ko iyong sinabi ni Riri.

"True. Saya-saya kaya maging mommy. Ikaw nalang walang jowa sa department natin. Si manager ikakasal na naunahan kapa. Lintik na kuyumad iyan."

Pang-iinis ni Grace na inaangat-angat kuno ang breasts dahil inaayos niya lumalaylay kasi. Dahil sa jowa niya.

"Leche Grace huwag mo ko pa-inggitan. Asikasuhin mo na lang iyang dede mo, baka magsawa sayo asawa mo. Laspag na iyan! Saka ano kaba hindi ako pipili ng mas maliit pa sa akin ang height. Saka napaka-common ng face."

Sabi niya. Dahil iniyayabang ni Grace ang boyfriend ni Riri na halos mas matangkad pa ang manager nila. Hindi rin kagwapuhan at hindi mayaman.

"Delivery po. Sino po dito si Ms. Kyline Michelle Catraz?"

Nagtaka siya sinong nagpadala sa kanya? Wala naman siyang kamag-anak na. Bukod sa mama niya.

"Ako po iyon."

Nilapitan siya ng delivery girl. At ngumiti sa kaniya ng pagkatamis-tamis. Maganda ang babae. Okay pero inismiran ko.

"Mam Flowers and chocolate from Mr. Smith."

Namula yung ilong niya. 'Mr. Smith americano ba? O ano? Wala naman siguro Mr. Smith na black ano? Bahala na,' parang nasisiraan ng bait na sambit niya sa kaniyang isip.

"Mr. Smith?"

Tumayo siya para kunin ang delivery at pinirmahan niya yung papel, at saka dumiretso sa kanyang pwesto. Binasa ang note na nasa flowers.

"Enjoy my gifts for you. Happy Birthday Ky."

Nanlaki ang kanyang mga mata. Walang ibang tumatawag sa kaniya ng first name niya. Only full name and Mich or Michelle minsan Chelle. Iyan lang ang tawag sa kaniya. Pero walang tumatawag sa kanyang Kyline or Ky. Pangalan kasi ito ng isang magaling na kontrabida. She don't know kung bakit ikinahiya na niya yung name na iyon after niyang manood noon, doon nya na-realized na kontrabida pala ang pinanggalingan ng kanyang first name.

"Oy. Bonggang gift naman. May flowers at chocolate si Mayor. Halatang mamahalin ah. Hindi pa ako nabibilhan ng asawa ko ng ganyang brand na chocolate. Hanggang Goya lang kami. Pahingi naman kami para macheck namin kung safe bang kainin baka mamaya hindi pala safe kainin."

Pang-aasar ni Grace.

"Paano ka bibilhan ng asawa mo eh mahirap lang siya. Kaya kung ako sa inyo mag-files na kayo ng annulment papers. Walang matutulong iyang pagibig kung ganiyang maghihirap naman kayo buong buhay ninyo."

Binatukan naman siya ng pamilyar na kamay sa likuran niya. Lintik si Zanne Tidwel nanaman.

"Zanne. Hukluban ka talaga. Bakit mo ko binatukan."

Inirapan siya ng binata. At saka nagspray ng alcohol sa kamay. Napairap din siya ganoon ba kadirty ang tingin nito sa kanya.

**

Kagagaling lang niya ng Southland dahil ibinalita niya sa kaibigan niyang si Facundo na nakita niya si Marina sa USA. Medyo naweweirdohan siya sa inasta ni Marina. Dahil ayon sa kaibigan nitong si Hasmin. Official na ang dalawa. Pero nung makita niya ito sa USA na may kasama na iba. Ipagbigay alam niya agad sa miyembro na si Facundo.

"Ay nako. Sana magkaayos sila. Nakakaawa na kasi si Cundo sa totoo lang. Lord, gabayan nyo si Cundo at Marina na sana maging okay na din ang kanilang relationship."

Sabi na lang niya. Agad na pumunta sa office ng papa niya para icheck yung mga case na naresolba na. Isa siyang CEO ng isang BPO company, actor at model. And business partner sila ng papa niya sa isang malaking Crime organization. Halos lahat ng spy at private investigator maging ang mga pulis na na-hired niya ay subok na at mapagkakatiwalaan. Isa na ang classmate niya na si Kyline Michelle Catraz. High school palang sila, crush na crush na niya ang dalaga. Inaantay niyang makapag-asawa ito bago siya mag-asawa. Pero nangangamba na siya na baka hindi na makapag-asawa ang dalaga dahil lampas kalendaryo na ang edad nito. He's 32 same as Michelle.

"Good morning sir."

Bati sa kaniya ng mga empleyado ng Crime Organization.

"Nandiyan ba si Grace Ocampo?".

Tumango lamang ang empleyado at dumiretso na sa Spy Department. Naabutan niyang nakikipagtalo si Michelle sa Presidente ng science club nila noon si Grace.

"Paano ka bibilhan ng asawa mo eh mahirap lang siya. Kaya kung ako sa inyo mag-files na kayo ng annulment papers. Walang matutulong iyang pagibig kung ganiyang maghihirap naman kayo buong buhay ninyo."

Sabi ng dalaga, sa inis niya binatukan si Michelle. Dinalhan pa naman niya ng flowers ang dalaga para kumalma ang araw nito. Pero wala din.

"Zanne. Hukluban ka talaga. Bakit mo ko binatukan."

Inirapan ko siya, akala naman kasi ng dalaga lahat ng lumalabas sa bibig nito ay maganda. At nag-spray ng alcohol, para masira ito.

"Alam mo bebang, iyang pagiging mapanglait mo it's really bad. Baka kakalait mo dyan mas mahirap pa sa daga mapangasawa mo. Gusto mo iyon? Maghihirap ka."

Pero siya na yata ang pinakamahirap na kilala ni Michelle. Michelle never know his true identity. Ang alam kasi ng dalaga. Nagbebenta lang siya ng foods every lunch at merienda time. Pero lahat ng tao sa office, they know who is he? Except kay Michelle.

"Saka ano? Ako hukluban? Gwapo ko naman. Nako mag-iingat ka. Matinik ako. Magising ka nga metikolosang hilaw baka nananaginip kapa."

He said. After grumaduate noong high school kasama niya si Grace at Mikaela na lumipad patungo sa bansang sinilangan ang Canada. Yes, he's canadian. Same ni Grace at Mikaela known as Riri.

"Alam ko na kung bakit ka hindi ka nakatapos. Pakialamero ka kasi at mapanakit."

Sabi ng dalaga. Hindi niya pinansin. Pero si Grace at Riri na ang bumwelta.

"Mag-asawa kana. Sobra kana e. Para kang nag-menopause. Mag-aanal-ment din kayo. Malalaman mo tunay na meaning ng anal-ment."

Tumatawang sabi ni Riri.

"True. Wala nang pakialam kung mahirap na lalaki lang ang napangasawa ko. Magandang lahi naman ang naging anak namin. And mahal na mahal namin ang isa't isa kahit na mas malaki pa ang kinikita ko kaysa sa asawa ko na taxi driver. Best, loyal naman iyon saka sweet. Masarap kaya mag-anal-ment sa gabi."

Segunda ni Grace na punong-puno ng kapilyuhan sa katawan.

"Kung ako sayo ayan si Papa Zanne, canadian naman iyan tulad namin. Mahirap nga lang pero gwapo naman pasa nadin ng fifty percent, actually one hundred fifty, kasi one hundred percent na mabait, mapagmahal, at hindi ka iiwan. Pero kung mapapangasawa mo baka maging two hundred percentage perpekto na siya. Gaganda pa ang lahi mo."

Natawa naman siya sa pagbwelta ng dalawa niyang kaibigan at kababayan. Impit na tumawa si Michelle.

"Ano ba kayo. Ayokong sirain yung standard ko. Kung gugustuhin ko lang naman mag-asawa ng walang standard matagal ko na sana siyang naging boyfriend. Saka lintik anong anal? Annual, annulment sabi ko. Mga bastos."

Nagtatawanan silang tatlo, hindi kasi bago sa kanila ang pagiging pikunin ni Kyline.

"May pagnanasa ka pa din sa akin Ky. Gusto mo wala pang kasal, anal na tayo."

Sabi niya. Bakas ang pagkagulat sa mukha ng dalaga. Pero agad din itong bumalik sa normal.

"Pota! Zero, iyan bokya! Zero percent hinding-hindi ko papangarapin na pagnasahan ka. And by the way, I received delivery from my Mr. Smith."

Napangisi siya lalo dahil sa alam na alam niya na walang ligtas ang dalaga. Sa kanya din kasi galing ang delivery na iyon.

"Ahh talaga lang. Let me see this throw party night, kung sino ang pinagmamalaki mong Mr. Smith."

Nag-apir naman silang magkakaibigan at nagpaalam na sa mga ito.

**

"What to do. Bwesit na hampas lupa iyan. Ginagalit talaga ko. Kainis."

Inis na inis na sabi ni Michelle. Ayoko talaga sa totoo lang ng ganoon. Mabilis akong mapikon. At sa totoo lang ayoko ng natatalo. Kahit noong bata pa ako gusto ko lagi akong panalo at gusto ko lagi ako ang bida. Bakit dapat lang naman akong maging bida. Hmmmf.

"Ano nanaman yan anak. Busangot na naman yang pagmumukha mo. Masisira ang face ng baby ko kapag ganyan ka."

Narinig pala siya ng mommy Kyla niya. Nilapitan siya nito at umupo ang mommy niya sa bed niya. Pinagmamasdan lamang siya habang nakatingin sa salamin..

"Mommy, si Cinderello kasi nang-buwisit sya nanaman sa office."

Natawa ang mommy niya. At pinagmamasdan pa din kung paano kumunot lalo ang kanyang mukha. At nilitanyahan na naman siya regarding on her standard. Medyo nakakalula dahil super taas ng standard niya.

"Michelle, bakit hindi mo kaya baguhin ang standard mo nang makita mo naman kung sino talaga right person na totoong deserving para sayo. Huwag kang masilaw sa yaman at kagwapuhan. Aanhin mo pa yan kung pagdating nang araw sasaktan ka din naman."

Her mother said. Inirapan lang niya ito. Paulit-ulit kasi nitong sinasabi sa kanila ang linya na iyon. Kiming tumawa ito at saka binida nanaman sa kanya ang lalaking kinaiinisan niya.

"Alam mo mabait naman yang si Zanne Tidwel, tingnan mo balang araw malalaman mo din kung bakit hindi mo kailangan tingnan ang katayuan nito sa buhay o appearance."

Tinalikuran na lang niya ang mommy niya. Kaysa humaba at mapunta sa pagtatalo ang usapan nila dahil sa huklubang Cinderello na iyon.

"Kakainis. Lahat nalang tao sa paligid ko kamping-kampi sa Hampas lupang iyon. Gwapo lang siya. Pero mas mahirap pa din siya sa daga."

Ayaw na ayaw talaga niyang nahihirapan kaya kung maaari mas mayaman sa pamilya niya ang gusto niyang mapangasawa. Nagbasa siya ng dyaryo. At napansin niya ang balita tungkol sa Founder ng Crime Organization. Hanggang ngayon kasi hindi pa din ito nagpapakilala sa publiko.

"Bakit kaya?"

--

Riri POV.

Wala akong pakialam kung hindi sila pabor sa pagpili ko! Hindi naman siya ang makakasama, ako naman! Maganda ako, pangit man o gwapong lalaki ang napili ko ang importante ay kaya akong mahalin, at mag-aanal-ment kami, inggit lang sila!

"Mahal, bakit ganiyan nanaman ang itsura mo? Hindi ka ba masaya na magkasama tayong dalawa ngayong gabi hindi kaba masaya na may surprise ako sayo bago ka umalis?"

Tanong ng kanyang nobyo na sobrang sweet sa kanya. Halos ilang years na din sila nito. Simple lang ang pamumuhay nito pero alam niyang marangal iyon. Diba yun naman ang importante kaysa sa panlabas na aspeto ng isang tao. Love is love, money plus not contented equals evil not love.

"Mahal kasi yung kawork ko, all this time laging iba ang tingin niya sa mga hindi perfect and I'm a little bit sad kasi she didn't realize there's a lot of people na nasasaktan dahil sa simpleng pagtapon niya ng shit sentences na sobrang nakaka-affected sa sinumang tatamaan nito."

Pag-amin ko sa kanya. Niyakap naman ako nito at inalo. Itong ganitong bagay na never pang na-experience ni Mich super akong naawa sa kanya. Makakuha lang siya ng love from her mother and friends. Pero deeply like siya ng kanyang nobyo. Zero si Michelle. And she will never realized how good it is, hangga't hindi niya binabago ang pananaw niya.

"To be honest Mahal. Mabait naman si Michelle the problem is pihikan talaga. Thirty two na siya mahal, but she never notice who's Mr. Right around her. And she never notice na sobrang mahal na mahal siya nito."

Sabi niya sa kanyang nobyo na until now nirurub pa din ang kanyang likod.

"Hayaan mo mahal ipagdarasal ko siya na sana magising siya sa katotohanan na walang Prince Charming. Unless tumira siya sa bansa na may Hari at Reyna. Possible iyon. Pero sana matutunan muna ni Michelle, mahalin ang kaniyang sarili bago siya tumanggap ng pagmamahal mula sa ibang tao. In the end kasi Mahal she will never appreciate it. And she never know the real meaning of being love, to be love and to love someone else. Even if she receive love kung wala naman siyang love for herself it's useless mahal."

Sabi ng kanyang nobyo.

"I love you Mahal!"

Sabi ni Riri dito and her boyfriend kissed her on her nose.

--End of Part 1--