CHAPTER FOURTY TWO

Lexinne's Pov

"Good morning babe!" Masiglang bati ni Kidd pagkakita niya sa'kin

"Morning" sagot ko naman sa kanya at kumuha ng tubig

"Ang aga mo naman nagising" puna nito sa'kin

"Mas maaga parin kayo ni Nanay gumising" balewalang sagot ko

"Mag jo jog ka?" Tanong ni Kidd

Tinignan ko naman ang suot ko na kulay pink and white tracksuit at na tinernuhan ng puting running shoes

"Mukha ba akong ra rampa sa suot ko? Malamang mag j-jog ako" sagot ko at tinalikuran na siya

"Ingat ka" dinig kong sabi niya pero hindi na ako nag abalang sumagot at kumingon.

Hindi naman talaga ako nag j-jogging sa labas kaya hindi ko alam na marami palang nag j-jog dito sa subdivision namin. May maliit na gym kasi kami sa loob ng bahay kaya doon nalang ako sa treadmill tumatakbo.

May nakasabayan akong mga taga dito lang din sa'min sina Lorie, Angela at Connor magkapatid sina Lorie at Connor at pinsan naman nila si Angela. Mas malapit at nadadaanan ang bahay namin kumpara sa kanilang tatlo kaya naman hinatid na nila ako. Pinapa pasok ko nga sila at niyayaang dito na mag breakfast pero mukhang nahihiya sila, siguro dahil ngayon lang nila ako nakilala.

"Sino mga 'yon?" Salubong sa'kin ni Kidd

"Sila? Mga new friends ko, nakasabay ko silang mag jog" sagot ko sa kanya

"Mag ingat ka sa mga taong kaka kilala mo palang" sabi nito na ikinatingin ko sa kanya

"Oo nga no? Hindi na ako natuto hayaan mo tatandaan ko na" malamig na tugon ko

"Babe may problema ba?" Tanong nito na nakasunod sa likuran ko

"Wala bakit?" Maang maangan na sagot ko "teka akyat na muna ako ng kwarto para makaligo" paalam ko sa kanya

Sabay sabay kaming nag breakfast at konting kwentuhan narin. Habang kumakain ako ay iniisip ko kung hanggang kailan ko kaya matitikman ang omelet na niluluto ni Kidd.

"Sweetheart kailan christmas break niyo?" Tanong ni Didi kaya napatingin ako sa kanya

"Not sure pa kung kailan wala pa silang sinasabi" sagot ko

"Gusto mong mag out of town tayo?" Tanong naman sa'kin ni Kidd

"Paano ang hotel? Ang dami mo kayang trabaho" sagot ko at tinuloy ang pagkain

"For sure magagawan naman ni Kidd yun ng paraan" sabi naman ni Mama

"Yes po" sagot naman ni Kidd

"See" sabi pa ni Mama sa'kin kaya ngumiti ako

"Hindi ka naman tatanungin ni Kidd kung wala siyang plano" sabi naman ni Didi tumango nalang ako at sumulyap kay Kidd na nakatingin pala sakin. Binalik ko nalang ang tingin sa pagkain ko

"Honey kumusta pala yung pinapagawang hotel and resort ni Kidd sa tagaytay?" Natigil naman ako sa pag nguya at tumingin kay Kidd

"Nothing to worry hon, under construction at mahuhusay ang mga architect at engineers natin" sagot ni Didi

"Galing po ako doon last week at mabilis po silang magtrabaho" sabi naman ni Kidd

Galing pala siya doon last week bakit hindi ko alam. Ibig sabihin nagbalikang drive na naman siya? Tss.

"Busog na'ko mauna na ako sa sala" paalam ko

"Tapos na din po ako" dinig kong sabi ni Kidd. Hindi na ako nag abalang tignan siya at dumiretyo na sa sala. Binuksan ko yung tv at inilipat ang channel sa Asian food network.

Tumabi sakin si Kidd pero hindi ko siya pinansin. Kapwa kami hindi nagsasalita hanggang ipinakita niya sa'kin ang Love Coupon na may nakasulat na 1 Big Cuddle. Kinuha ko iyon at nakipag titigan muna sa kanya bago ko siya niyakap.

"Namimiss na kita babe" bulong nito sa tenga ko

"Mali ka yata ng sinasabihan" sabi ko at humiwalay na ng yakap sa kanya

"Nandito ka sa tabi ko pero parang wala ka, sobrang namimiss na kita" malungkot na sabi nito

Ilang araw na din na hindi ko na siya gaanong pinapansin, sumasagot naman ako kapag kinakausap niya ako pero never akong nagsimula ng conversation saming dalawa. Nagtatanong at nag aalala na rin si Klea dahil ang cold ko sa kuya niya. Nagtatanong naman siya kung may problema ba ako o kami ng kuya niya pero tahimik lang ako at laging dinedeny na may problema nga kami.

"Stressed ka lang" sagot ko sa kanya

"Yeah stress ako pero hindi sa trabaho" sabi nito

"Kakaisip" tipid na sabi ko habang nakatuon ang mga mata sa tv pero hindi naiintindihan ang pinapanood

"Tama, kakaisip. Alam ko may mali sa atin kahit sabihin mo na wala. Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko masagot at gulong gulo na ako" sabi pa niya

"Sa kakaisip mo gumagawa kana ng mali sa ating dalawa, ingat ka baka ma depress ka uso pa naman ang suicide" walang pakeng sabi ko

"Pwede mo bang sabihin sa'kin tumatakbo sa isip mo ngayon?" Sabi nito

"Wala naman akong iniisip kaya wala akong masasabi sayo" tumingin ako sa kanya na blanko ang mukha

"Mahal mo ba ako?" Tanong niya na nagpatigil ng paghinga ko

"Anong gusto mong sagot? Yung totoo o hindi?" Tanong ko din sa kanya

"Kung ano ang gusto mong isagot" sagot nito sa'kin

"Hindi" tipid na sagot ko at muling nag focus sa panonood

"Ano ba ako para sayo?" Mahinang tanong niya

"Partners? Business partners?" Patanong na sagot ko sa kanya

"Bakit business partners?"

"Kasi sabi mo tutulungan mo company ng magulang ko kapag tinulungan kita" sagot ko at tuwid na tinignan siya sa mata "dapat tinanong pala kita noon kung bakit yun ang kailangan mong tulong sa'kin, masyado akong nasilaw sa alok mong tulong sa kumpanya namin at nakalimutan kong mag tanong kung bakit kailangan mo akong maging pretend girlfriend mo" sabi ko pa tsaka malungkot na ngumiti "malas ko lang dapat talaga tinuloy natin yung contrata at nagka pirmahan kung kailan mag uumpisa at matatapos pagkukunwari natin" tumayo ako at lumabas ng bahay

Ilang minuto narin akong nasa garden ng muli akong lapitan ni Kidd. Nakaluhod siyang humarap sa'kin hawak ang dalawang kamay ko habang walang patid pag agos ng luha sa mga mata niya.

"Nagsisisi kaba sa desisyon mo?" Tanong nito sa'kin

Umiling ako at tulad niya ay napaiyak na din.

"Gusto mong malaman kung bakit ko gustong maging pretend girlfriend ka noon?" Tanong niya ulit

Tumango lang ako.

"Una kitang nakita kasama mo sina Hailey at ang mga kaibigan niya. Palihim akong sumunod sa inyo at pinagmasdan ko ang bawat galaw mo. Napaka ganda mo at nakakatuwa kang panoorin. Noong umalis ka at iniwan sila bakas sa mukha mo ang saya, natawa ako kasi para kang bata" kwento nito. Naalala ko naman yung unang beses na nagkita kami tuloy nito sa kwento niya

"S-stalker kaba? Bakit mo'ko s-sinusundan?" Nautal na sabi ko

"Hindi ko alam kung bakit kita sinusundan, hindi ko alam na naging instant stalker mo'ko. Ang gusto ko lang naman kasi makita ka" sagot nito

"Eh bakit noong nasa kotse na tayo niaaway mo parin ako?" Mabilis na tanong ko

"Ang totoo nagulat ako ng makita ka sa loob ng kotse ko, hindi mo lang alam sobrang kaba ko sa mga oras na'yon. Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko kaya naisip ko na i seduce ka nalang at naghubad ako ng damit sa harapan mo" sagot nito

"Gago" natawang sabi ko nakita ko rin ang gumuhit na ngiti sa mga labi niya

"Napaka gago ko alam ko yon" sabi pa niya sa tono na parang maiiyak "pero maniwala ka sa hindi unang kita ko palang sa'yo nabihag mo na buong pagkatao ko. Alam mo bang nakasalalay nalang nun ang pag asa ko kay Hailey para makilala ka? Sila kasi kasama mo noon kaya tiyak na kilala ka nila. Kaso pagbalik ko sa sasakyan ko muling bumalik ang swerte ko at nandoon ka. Kahit hirap na hirap akong basahin yung pangalan mo sa I'dcard mo pinilit ko at nag tagumpay naman ako. Alam mo bang sobrang tuwa ko dahil hindi ako nahirapan sa pag search sayo sa facebook, kasi best friend mo pala ang nag iisang kapatid ko. Dahil doon naging dakilang stalker mo na ako at nabuo ang mga plano ko" mahabang kwento niya

"Halika nga dito sa tabi ko" hila ko sa kanya at pinaupo sa tabi ko. Niyakap ko naman siya ng sobrang higpit. "Love mo'ko?" Malambing na tanong ko sa kanya

"Sobrang love" sagot nito at hinalikhalikan ang ulo ko

"Love din kita sobra" sabi ko naman at tumingin sa kanya

"Mas love kita ng sobra kaya huwag ka ng magalit sa'kin ha? Mababaliw ako" nginitian niya ako at pinisil ang ilong ko "mahal na mahal kita sobra pa sa sobra" sabi pa niya at tinawid ang pagitan ng labi naming dalawa

"Kung sinabi mo agad kung gaano ka patay na patay sakin edi sana hindi umabot ng one week ang #OperationCold ko sayo. Tsaka sinabi mo sa'kin nung birthday mo na mas gusto mong magalit nalang ako kaya pinagbigyan kita" sabi ko sa kanya

"Tama ka nakakatakot kang magalit kaya huwag kana ulit magagalit sa'kin dahil baka sa susunod mag suicide nga ako tulad ng sinabi mo. Alam mo bang sobrang miss na miss kita? Gusto kitang makita at makausap pero parang ayaw mo naman. Ayoko naman kulitin ka dahil baka bigla ka nalang makipag hiwalay sa'kin hindi ko 'yon makakaya" sabi nito

"Wala naman akong balak makipag hiwalay sayo, ang gusto ko ikaw ang makipag hiwalay sa'tin" seryosong sabi ko

"Sinabi ko naman sayo noong una palang na hindi ko bibitawan mga kamay mo diba? Kaya hinding hindi ako makikipag hiwalay sa'yo" hinalikan nito ang mga kamay ko at nag ngitian pareho

"No secrets tayo" sabi ko

"Bawal ang secrets" tumatangong sabi niya

"No lies" sabi ko

"Hindi ako magsisinungaling sa'yo" sabi pa niya

"Promise?" Tanong ko

"I promise" sagot niya

Ngumiti ako at nakipag pinky promise sa kanya. Ngayon mas magaan na pakiramdam ko minsan nakakabaliw talaga ang sobrang pag iisip, hindi natin alam na nasasaktan na natin mga mahal natin na hindi dapat nasasaktan habang nagpapaka feeling hero tayo na sinasaktan ang mga sarili natin. Dapat talaga kung may hindi pagkakaunawaan ay pag usapan muna.

****