CHAPTER FOURTY ONE

Lexinne's Pov

"Babe let me explain sagutin mo tawag ko" basa ko sa text message ni Kidd.

Hindi ko alam kung naka ilang missed calls na siya at heto ako umiiwas sa kanya. Sinasabi ko sa sarili ko na okay lang ako pero sobrang sakit parin. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero bakit hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Kanina pa ako umiiyak pero bakit hindi nauubos mga lecheng luha na'to.

"Babe please" muling basa ko sa text niya

"Malapit na ako sa bahay niyo let's talk okay?"

"You know I love you right?"

Lalo naman akong napaiyak ng mabasa ko ang I love you niya. Bakit imbes na matuwa ako nasasaktan pa ako?

"Babe I love you so much malapit na ako"

Muling tumunog ang phone ko at nabasa ko ulit ang pangalan niya sa screen. Huminga muna ako ng malalim bago ko iyon sinagot.

"Hmm... babe" sagot ko sa kabilang linya

"Oh God! Thank you" sagot nito sa kabilang linya "buti sinagot mo nasa subdivision niyo na ako let's talk hmm?" Sabi nito

"Huh? Bakit? Okay sige. Sorry nakatulog ako hindi ko alam na tumatawag ka" sagot ko sa kanya

"Nandito na ako" sabi niya. Tumayo naman ako sa kama at sumilip sa bintana. Binuksan ni Mang Kanor ang gate at pinasok niya ang sasakyan niya.

"Okay sige bababa na ako" sagot ko

Huminga muna ako ng malalim at inayos ang sarili bago bumaba. Namamaga ang mga mata ko halatang kakatapos lang umiyak pero bahala na.

Pagbaba ko ay agad kong nakita si Kidd kasama niya si Mama at nagkukwentuhan sila. Nagsalubong naman ang paningin naming dalawa at pinaskil ang pinaka masayang ngiting kaya kong ibigay sa mukha ko.

"Babe!" Masiglang tawag ko kay Kidd

Mabilis na lumapit si Kidd sakin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at nag aalalang tinitigan ako.

"May problema kaba?" Tanong ko sa kanya

"Are you okay?" Alalang tanong niya sa'kin

"Dapat ba hindi ako okay?" May sakit akong naramdaman sa sinabi ko pero pilit akong ngumiti #StrongAko

"Kidd dito kana mag dinner magluluto ako ng spicy chicken at steak bites" aya ni Mama sa kanya

"Sige po Ma" sagot naman ni Kidd kay Mama "namamaga mata mo sorry pinaiyak kita" sabi nito at hinaplos mga mata ko. Umiling ako "nakatulog kasi ako kaya ganyan yan" nakangiting sabi ko

"Gusto mo ng maiinom?" Tanong ko sa kanya pero niyakap niya lang ako ng mahigpit. Kagat labi at pigil ang pagtulo ng luha na niyakap ko rin siya pabalik.

"Nasaan na free hugs coupon mo? Nakaka dalawa kana ngayong araw" sabi ko at pilit na tumawa.

"I love you" sagot nito sa'kin habang nakayakap parin. Pumikit naman ako pilit kinakalma ang puso ko

"I love you too" sinserong sagot ko sa kanya tsaka niya ako muling tinignan. Matipid na ngumiti naman ako sa kanya.

"Yung kanina pwede kong i explain" sabi nito habang diretyong nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko napigilan mapapikit habang kagat ang ibabang labi ko. Tumingin ako sa kanya ngumiti at tumango.

"Mmm.. sige" sagot ko at hinila siya sa sofa "bibigyan kita ng three minutes para mag explain" sabi ko at tarantang humarap naman siya sa'kin.

Magsasalita na sana siya pero pinatong ko ang hintuturong daliri ko sa mga labi niya at hinalikan iyon.

"I trust you" nakangiting sabi ko

Lumiwanag naman ang mukha niya sa sinabi ko na tila ba nawalan ng tinik sa lalamunan. Muli niya akong niyakap at hinalikan sa ulo.

"I owe you an explanation Lexinne pero hindi ko alam saan magsisimula" sabi nito. Napakapit naman ako ng mahigpit sa damit niya at pilit pinipigil ang pagluha. Pero traydor mga mata ko na kahit nakapikit na ay tumulo parin mga ito, nabasa ang damit ni Kidd dahilan para malaman niya ang tahimik na pag iyak ko.

"Hindi mo naman kailangan mag explain kasi naiintindihan ko" sabi ko sa garalgal na boses at siniksik ang mukha sa dibdib niya.

"Oh Babe I'm sorry" tanging nasabi niya at hinigpitan ang pagyakap sakin

"Hahaha!" Pilit akong tumawa at humiwalay sa yakap niya "Wala kang dapat ihingi ng sorry kasi wala ka naman ginawang masama" todo ngiting sabi ko "gusto mong lumabas?" Sabi ko sabay tayo at hila sa kanya papunta sa garden namin kung saan naroon ang mga babies ko.

Nagtahulan at nagsilapitan ang tatlong anak ko sakin na kumakawag ang mga buntot. Umupo ako at niyakap silang tatlo.

"Pocholo, Queenie, Maddie bite him" utos ko sa kanila pero hindi naman natinag sa pagkakatayo si Kidd at may kung ano sa mukha niya habang nakatingin sa'kin. Hindi naman ako sinunod ng mga alaga ko dahil never ko silang tinuruan mangagat ng tao. Dapat yata turuan ko na sila. Tumayo ako at naglakad papunta sa may swing at umupo doon. Sumunod naman si Kidd sa'kin.

"Buti pa dito sariwa ang hangin" masiglang sabi ko

"Babe" tawag sakin ni Kidd pero hindi ko siya tinignan. Bakit babe na naman tawag niya sa'kin diba Lexinne nalang tawag niya sa'kin kanina.

Lumapit ito sa kinauupuan ko pero tumayo at tinalikuran siya. Kunwari titignan ko mga bulaklak na tanim ni Mama.

"Look ang ganda ng mga roses ang lalaki nila, galing sa Korea ang seeds nila" masiglang sabi ko ulit na kunwari tuwang tuwa

Para naman akong na estatwa ng yakapin niya ako mula sa likuran ko. Hindi ako makagalaw at hindi rin makapag salita.

"Ex-girlfriend ko si Kath matagal ng natapos relasyon naming dalawa. Noong isang araw nagkita kami sa restaurant Sofitel hotel habang may ka business meeting ako. Nag kumustahan lang kami yun lang" sabi nito habang yakap yakap ako

"Ahh.. bakit hindi mo nakwento na nagkita kayo ng ex mo?" Mahinahon na tanong ko sa kanya

"Hindi ko alam kung bakit hindi ko nasabi sayo, pakiramdam ko hindi naman kasi importante hanggang sa nakalimutan ko na" sagot nito sa tanong ko

"Ahh.. okay" tumatangong sabi ko. Narinig ko naman ang paghinga niya ng malalim.

"Hindi ko alam na pupuntahan niya ako kanina sa office, tumawag sakin secretary ko na gusto daw niya akong makausap pero ang sabi ko magpa appointment siya dahil busy ako pero nagpumilit siya dahil importante daw ang sasabihin niya kaya pinapasok ko na siya at sinabi na three minute lang dahil busy ako" mabilis na paliwanag nito

"Ahh.. okay" sagot ko ulit sa kanya at tatanggalin na sana ang mga kamay niya sa baywang ko pero hinigpitan nito ang pagkakayakap dito.

"Bigla siyang umiyak at niyakap ako, nag so sorry siya sakin dahil sa ginawa niyang pag iwan sakin noon" sabi nito tsaka lumuwang ang pagkakayakap nito sa'kin at hinarap ako sa kanya "sorry daw kung mas pinili niya ang pangarap niya kaysa sa'kin na hindi daw siya naging masaya sa naging desisyon niya at hindi niya ako nakalimutan" tuloy nito sa kwento nito.

Pinilit kong magpaka tatag at tumayo ng tuwid, nagpakawala ako ng malapad na ngiti at sinalubong ang tingin niya.

"Ayun naman pala eh ibig sabihin mahal ka parin niya" nakangiting sabi ko

"Ano ngayon kung mahal pa niya ako? Hindi ko na siya mahal dahil ikaw na ang mahal ko" sagot nito sa'kin

"Hindi mo na siya mahal pero nakipag halikan ka sa kanya" tumatawang sabi ko at iniwas ang tingin sa kanya

"Babe hindi ako nakipag halikan sa kanya, hinalikan niya ako at hindi ako tumugon sa halik niya" pagpapaliwanag pa nito

"Ahh.. okay" tumatangong sagot ko

"Babe iba ang hinalikan sa naghalikan" paintindi nito sa'kin. Tama nga naman siya magkaiba naman talaga. Ano akala niya sa'kin bobo.

"Okay na nga diba? Hindi ko naman sinabi na nagsisinungaling ka. Hindi ko naman sinabi na ilang segundo ko kayong pinapanood habang naghahalikan kayo diba? Ooppps! Hindi nga pala kayo naghahalikan at siya lang humalik sayo" pagtatama ko sa sinabi ko "sayang hindi ko nabilang kung ilang segundo ko nakita yung kissing scene na napanood ko pero mukha naman nag enjoy yung bidang lalaki kasi hindi man lang niya tinulak yung bidang babae o pinigilan man" tuloy tuloy na sabi ko at matamis na ngumiti sa kanya

"Nagulat ako" sagot nito sa'kin na ikinatawa ko "babe nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi agad ako nakapag react pero tinulak ko siya ng makabawi ako" tuloy nito sa pagpapaliwanag

"Ahh okay" sagot ko nalang sa kanya para matapos na ayoko ng may marinig pang kasinungalingan niya

"Bakit ka umalis? Dapat pumasok ka para nakita at narinig mo lahat" sabi nito

"Ohh! kasalanan ko pala? Sorry ha? Ayoko lang kasing i invade privacy niyo eh, ayoko kasing matawag na walang modo kaya naman nag kusang umalis nalang ako para hindi makaistorbo" may pait sa boses na sabi ko

"Ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo'ko?" Rinig kong sabi nito

Tumingin ako sa kanya at mapait na ngumiti.

"Wala. Wala kang dapat gawin. Unang una hindi naman ako galit sayo so paano kita patatawarin" sabi ko

"Sa kinikilos mo ngayon mas gusto kong magalit ka sa'kin tapos balik na tayo sa dati" sabi nito

Kinunot ko ang noo ko at muling ngumiti sa kanya.

"Sira kaba? Dapat nga masaya ka kasi hindi ako galit sa'yo. Matakot ka kapag nagalit ako sa'yo" tumatawang sabi ko. Lumapit sakin si Pocholo at hinimas ko ang ulo.

"Hindi ka galit pero bakit ang sakit" sabi nito na tila pinipigil ang pag iyak "babe ang sakit dito" sabay palo sa dibdib niya at pagtulo ng kanyang luha

Hindi ko naman napigilan ang mapa luha ulit. Muli akong ngumiti at pinahid ang mga luhang naglandas sa pisngi ko.

"Masakit kasi nakukunsensya ka" tumawang sabi ko at nilapitan siya. Pinunasan ko yung mga luhang tumutulo sa mga mata niya gamit ang dalawang daliri ko at nilagay ang kamay sa batok niya. "Huwag ka ngang umiyak baka may makakita sayo sabihin binubully kita" pagbibiro ko at mabilis na dinampihan siya ng halik sa labi.

"Hindi kana galit?" Tanong pa nito na ikina iling ko.

"Hindi nga ako galit kulit mo" sabi ko

Muli na naman tumulo ang mga luha sa mga mata niya at naramdaman ko ang isang kamay niyang yumapos sa bewang ko.

"Mahal na mahal kita" sabi nito at hinaplos ang pisngi ko. Ngumiti at tumango naman ako sa kanya.

Isang mariin na halik ang ginawad niya sa mga labi ko. Pumikit at tumugon ako sa bawat galaw ng mga labi niya hanggang sa tumahol si Queenie na nagpahiwalay sa labi naming dalawa.

"Pumasok na tayo dumidilim na" aya ko sa kanya.

Magka hawak kamay kaming dalawang pumasok sa loob ng bahay. Ilang minuto lang ay dumating na si Papa kaya nag dinner na kami. Nag kwentuhan pa kaming apat sa sala at nagtanong pa si Papa kung bakit hindi kami sa labas nag dinner. Kapwa naman natahimik kami ni Kidd at to the rescue si Mama at nagsabing kinulit niya si Kidd na dito na mag dinner sa bahay.

Alas nwebe y medya na ng gabi ng magpasyang umalis si Kidd at nag paalam sa magulang ko. Hinatid ko pa siya sa labas at sinabi nitong maaga siya bukas at ipagluluto niya ako ng masarap na almusal. Ngumiti at tumango nalang ako sa kanya.

Pag akyat ko sa kwarto ko ay dumiretyo na ako sa banyo para mag linis ng katawan. Paglabas ko ng banyo ay siya namang tunog ng cellphone ko. Pangalan ni Kidd ang rumehistro doon kaya agad kong sinagot.

"Nasa bahay kana?" Tanong ko

"Nope! Pero malapit na" sagot nito

"Bakit tumawag kana? Ayusin mo pag d-drive mo baka ma aksidente kapa. Tawag ka kapag nasa bahay kana" sabi ko dito

"Babe" dinig kong sabi niya

"Mmm?' Sagot ko naman

"Mahal na mahal kita" parang huminto naman ang pagtibok ng puso ko at tila hindi ako makahinga

"Oo na babye na, tawag ka agad kapag nasa condo kana" sagot ko at pinatay na ang phone.

Tulalang nakatingin lang ako sa phone ko habang nakahiga at hinihintay ang tawag ni Kidd. Hindi rin naman nagtagal ay tumawag na siya at sinabing nasa bahay na siya. Matagal tagal rin kaming nag usap hanggang sa mag goodnight na kami sa isa't isa.

Bago ako natulog ay nagpasya na ako kung ano bang dapat at tama kong gawin. Ayokong maging kumplikado ang buhay ko at ayoko rin may masaktan at masaktan ang sarili ko.

****