Chapter 8

"Katana!" Alea wave her hand at me. Baka hindi sa kanya ang BMW.

Lumapit ako kay Alea na nakatayo sa entrance ng BGC.

"Hi" bati ko. Ang pangit naman kung hindi ko siya babatiin, diba?

"Buti pumunta ka Katana nandun na ang mga friends ko. Halika ka, I'll introduce you to them" she said while smiling and I smile in return.

Hinila niya ako papasok sa loob. Agad na sumalubong sa 'kin ang ingay ng musika, mga taong nagkalat, mga lalaking lasing na naghahanap ng babae, a literal club.

Inikot ko ang aking paningin at nakita ang isang familiar na lalaking nakatalikod sa direksyon ko. Muntik na akong mabangga sa mga tao ng hilahin ulit ako ni Alea papunta sa isang couch kung nasaan ang sinabi niyang kaibigan.

Kaibigan na wala ako. Hindi ko din sigurado kung kaibigan ko talaga itong si Alea. We just met, I don't easily give my trust to anyone, to her.

Naalala ko bigla si Trixie kaibigan ko noon, nung hindi pa nangyari yun kay Max. Si Trixie ang nagsabi sa mga pulis na ako daw ang nagpatay kay Max dahil nalaman ko na may ibang girlfriend bukod sa 'kin.

Huminto kakahila si Alea sa 'kin ng nasa harap na kami ng sinasabi niya.

"Hi guys!" masiglang bati ni Alea sa mga kaibigan niya.

Apat na lalaki at dalawang babae ang nakaupo sa couch. Yung dalawang babae parehas na may katabi na lalaki mukhang naglalandian. Ang dalawa naman umiinom parang may hinihintay.

What do I expect? This is a club.

"This is Katana, Katana this is Morphe and Rid" pakilala ni Alea sakin dun sa dalawa sa kaliwa na naglalandian. Morphe smile at me while Rid just shrug his shoulder.

"This is Feyi and Jay" I smiled at both of them na couple din na katabi nila Morphe.

"Ito namang dalawa si Kiefer and Brent, puro single yan" natatawa na sabi ni Alea. Si Kiefer ay nasa kanan while si Brent naman katabi nung couple na si Feyi and Jay.

"Chicks" Kiefer commented while searching my body down to my legs.

"Dito ka umupo, Katy" sabi ni Brent sakin sabay lahad ng space sa gitna nila ni Kiefer.

"Dude, Katana! Hindi Katy!" saway naman ni Kiefer kay Brent. Natawa lang ang lahat kay Brent.

Tsk. Chicksboy.

"Whatever" sabi ni Brent saka inismidan si Kiefer. Nakatayo pa rin ako katabi ni Alea sa harap ng dalawa.

"Upo ka Katana. Wag mo na lang pansinin ang dalawa lasing na yan" Alea said at umupo siya sa gitna nila Brent at Feyi.

Umupo na din ako sa space na binigay ni Brent kanina. Nasa gitna ako ngayon ni Brent at Kiefer nakaupo. I should be civil to them.

"Katy" tawag ni Brent sa 'kin. Hula ko, Katy na talaga tawag niya sa akin simula ngayon.

Nag stretch si Brent ng braso niya hanggang sa napunta sa kabilang balikat ko ang kamay niya. Nakaakbay.

"Fasthand mo, Brent" sabi ni Kiefer kay Brent saka tinanggal niya kamay nito sa balikat ko. Hindi masyado malakas ng music mula dito kung na saan kami.

Natawa nalang ako sa dalawa habang si Alea naman may ka text sa kanyang phone. Itong dalawa talaga ang makakausap ko buong oras dito dahil busy ang dalawang couple at si Alea.

"Wag mo na lang pansinin yang si Brent" biglang bulong ni Kiefer sa akin kaya medyo nagulat ako.

"It's okay" I answer at kinuha ang inabot na baso ng inumin ni Brent.

"Thanks" I smile at Brent saka diretsong ininom. Pagbaba ko ng baso sa table na nasa harapan namin kita ko ang ngising aso na mukha ni Kiefer na nakatingin sakin habang si Brent naman ay nagsalin ulit.

"Beautiful....." Kiefer said while looking at my eyes down to my lips ".... and hot" pagpatuloy niya.

I just smirk at bumaling kay Brent na ngayong nakatingin din sa 'kin.

"Anong year ka na, Katy?" Brent asked then playfully smile.

"3rd year" I simply answer.

"Same. Bagay tayo" singit ni Kiefer.

"Hindi ako bagay, tao ako" sabi ko. Biglang tumayo si Alea at lumingon sa akin.

"Hey, Katana! Let's dance!" sigaw ni Alea saka hinila ako patayo papuntang dance floor.

Hindi ako makapagsalita dahil mabilis ang paghila niya na halos ma dapa ako. Tumigil kami sa gitna ng dance floor. Sumayaw si Alea at tumalon talon kaya napaindak din ako.

I slowly move my hips, side to side. Alea grinned while looking at me. I smile.

Ngayon ko lang nalaman, na miss ko pala ang ganito. Yung normal na teenager, pasayaw sayaw lang at inom. Yung pakiramdam na magsaya sa kabila ng lahat.

Naramdaman ko na may humawak sa aking bewang at sinabayan ako sa pag sayaw. Hinanap ng aking mata si Alea pero wala na siya, nakita kong tumatakbo papuntang restroom.

"Hhmm....." mahinang ungol ng lalaki sa tainga ko. I miss this sensation. Ang kamay na nakahawak sa aking bewang ay unti unting tumaas papunta sa aking dibdib.

Bago pa umabot sa aking dibdib, humarap ako sa lalaki at pinulupot ang aking braso sa leeg niya habang sumasayaw pa din.

"Sexy..." bulong niya ulit sa aking tainga ng nakakapangilabot sa aking katawan. Ngayon ko lang ulit 'to naramdaman sa loob ng ilang taon.

Ilang minuto kaming sumayaw ayaw ko sanang tumigil pero masakit na ang paa ko dahil sa heels.

"Restroom" I whisper at hindi na hinintay ang sagot niya. Mabilis akong naglalakad papunta sa restroom. I can sense that his following me.

Pagbukas ko ng pinto nagulat ako ng mabilis siyang yumakap sa aking likod saka tinulak ako papasok sa isang cubicle.

Bago niya sinara ang pinto ng cubicle tinignan niya muna kung may ibang tao bago ito sinara. Agad niya ako sinandal sa pinto at hinalikan. I admit he's a good kisser. I kiss him back.

"Uhm.. uh..." mahina kong ungol ng bumaba ang kanyang halik sa aking leeg.

Pinulupot ko ang aking dalawang kamay sa kanyang leeg at siniil siya ng halik.

"Uhm...." ungol niya dahil sa halik ko. Alam ko nagulat siya sa ginawa ko, halik na parang uhaw na uhaw.

Uhaw sa kanya.

Hinubad niya ang kanyang damit habang tinitigan ko siya sa mata. I bite my lower lip.

"Fuck!" malutong na mura ang lumabas sa kanyang bibig at siniil ulit ako ng madiin na halik.

Bumaba ulit ang kanyang halik sa aking leeg. I look up para mas mahalikan niya ng mabuti.

Ang kanyang dalawang kamay na nasa bewang ko ay unti unting tumaas. He cup my breast.

"Malulusog" he comment while licking his lower lip. He's fucking handsome lalo na ginawa niya.

Naramdaman ko ang kaliwa niyang kamay sa aking hita dahil naka skirt lang ako.

Pataas ito ng pataas.

Nagulat kami ng biglang may bumukas sa pinto ng cubicle kung nasaan kami.

Sa gulat ko naitulak ko ang lalaking kahalikan at inayos ang aking suot.

"The Fuck, bro!" sigaw ng kahalikan ko sa lalaki saka tinignan ito ng masama.

Anong ginagawa niya dito!?

Tinignan ko ang lalaki na ngayong wala pa ring suot na pang ibabaw saka bumaling sa lalaking nagliliyab ang mga mata.

Madilim ang tingin niya sa 'kin parang talaga nagliliyab. I glare at him.

"Istorbo!" madiin na sabi nung lalaki saka akmang isasara ulit ang pinto ng cubicle ng bigla itong pinigilan nung lalaki habang nakatingin pa 'din sa akin.

Para akong nasusunog sa mga tingin niya. Bigla kong naramdaman ang hiya.

Magsasalita na sana ako ng hilahin niya ang isa kong kamay palabas sa cubicle habang ang aking kahalikan kanina ay hinawakan ang kabila kong kamay.

"DON'T FUCKING TOUCH HER!" nagulat ako sa biglaan na pagsigaw ni Max dahilan ng pagbitiw ng kahalikan ko kanina sa kamay ko.