Chapter 7
Napapreno ako ng malakas dahil sa impact ng pagkabangga ko sa manebela. Mabilis akong bumaba at umikot para harapin ang bumangga sa 'kin.
"Hoy!" sigaw ko habang kinakatok ang window ng driver seat nung bumangga sakin.
Ang lakas ng loob niya para banggain ang kotse ko. Mahal ang bili ko dito!
Umatras ako para mabuksan niya ang pinto. Iniluwa nito ang isang lalaki na dahilan ng lahat.
Si Max
"I'm sorry" bungad niya sakin pagkalabas niya.
Sorry? bakit parang iba yung naintindihan ko sa sorry niya. Napatingin ako sa kanyang mga mata baka iba ang ibig niyang iparating.
Tumingin siya sa sasakyan ko na nagasgasan niya. Habang ako naman ay hindi mawala-wala ang aking tingin sa kanya, sa kanyang mata.
Fuck! he's like a double ganger! from his eyes, nose down to his lips. Pareho na pareho. Damn, I miss him badly.
"Miss? Are you okay? Are you hurt?" natataranta ako kung saan titingin dahil sa biglaan niyang mga tanong at pagtingin sakin. Shit! nakita niyang nakatitig ako habang nakatulala sa kanya.
"Ahh... yes! I'm fine" nauutal kong sabi saka tumingin na rin sa aking sasakyan. Siya lang talaga ang nagpaparamdam sakin ng kaba.
"About your car" he said and looked intently at me. Parang bumara sa lalamunan ko ang aking sasabihin at harumento para sa 'king sasakyan dahil sa paraan ng pag tingin niya sakin.
"I'll pay the damage" sabi niya at kinuha ang kanyang phone sa bulsa.
"You...... should" sa wakas nakakapagsalita na ako.
"Akala ko di kana magsasalita" he comment. Lumayo siya sa 'kin ng konti at may tinawagan.
Ano ka ba, Katana! magsalita ka ng maayos! Hindi siya si Max! Hindi!
Damn it! I can't talk smoothly when he's near.
"I'll drive you" he said at umikot sa shotgun seat saka binuksan ito.
What drives me? Yes, drive to heaven!
"May kukuha sa kotse mo dito, aayusin tapos ibabalik sayo" sabi niya habang hindi makatingin sa 'kin.
"Okay" yun lang ang tanging nasagot ko. Bakit? ano pa nga ba?
Lumapit ako sa kanya saka pumasok sa pinagbuksan niyang shotgun seat.
Pagpasok niya sa loob hindi ko ma igalaw ang aking kamay dahil nanginginig ito sa kaba.
Kaba na ba ka siya nga si Max
Kaba na ba ka mahulog ang loob ko sa kanya, na kamukha ni Max!
Ashhh! hindi ko na alam.
Mas lalong hindi ako makagalaw ng bigla siyang lumapit sakin. Ang lapit ng mukha niya na halos magkadikit na ang aming ilong.
Shit! Hindi ko siya magawang itulak. Oo, malakas ako pero pagdating kay Max, sa lalaking nasa harapan ko, ang hina ko.
When I was about to close my eyes suddenly I heard his chuckle.
"Seatbelt" wika niya at ni lock ang seatbelt ko. Fuck, Katana! Seatbelt! hindi kiss!
Umupo na siya ng maayos habang ako pilit na pinakalma ang naghaharumentong puso.
Lumipas ang ilang minuto walang nagsasalita sa 'min. Ang konting ingay lang mula sa sasakyan ang maririnig.
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Hindi niya naman ako tinanong kanina kung taga saan ako.
"Ahm... pakiba--" naputol ang aking sasabihin ng magsalita siya.
"I forgot to ask, saan ka nakatira?" tanong niya sa akin habang straight lang ang tingin sa harapan.
"Ibaba mo nalang ako dyan sa tabi" sabi ko ulit pero parang wala siyang narinig.
I deeply breath bago tumingin sa kanya. "Hindi pa ako uuwi may pupuntahan pa ako kaya ibaba mo nalang ako dito" I said.
"No, I'll take you to your house" diin niyang pagkasabi.
Ayaw ko makipagtalo sa kanya dahil ba ka masabi ko kung ano ang nararamdaman ko ngayon kasama ko siya.
"Orions Building" mahina kong sabi sapat na para marinig niya.
Sana nga ikaw si Max
Sana buhay ka talaga
Sana bumalik ka sa 'kin
Ilan lang yan sa mga 'sana' ko buhay. Mga sana na gustong gusto kong mangyari na alam kong impossible.
Impossible na siya, nakita ko kung paano siya namatay, kung paano siya inilibing namin.
Dumating kami sa building na sinabi ko sa kanya ng tahimik sa buong biyahe. Una siyang lumabas at pinag buksan ako.
"Thanks" I said ng makalabas ako.
"Bukas ng umaga nandito na ang kotse mo" he said while looking at my back kung nasaan ang building.
"Okay. Bye... Mr.--" naputol ko ang aking sasabihin ng maalala na hindi ko pwedeng tawagin siyang Max dahil hindi naman talaga siya si Max.
"Bye, kitkat" he said at umikot sa driver seat saka nagmamadaling umalis.
Naiwan akong nakatulala sa daan na dinaanan niya.
Did he call me kitkat?
Nakahiga na ako ngayon sa aking kama habang hindi pa din nakabihis.
Paulit ulit mag play sa utak ko ang huling sinabi niya.
"Bye, kitkat"
"Bye, kitkat"
"Bye, kitkat"
"Bye, kitkat"
"Bye, kitkat"
"kitkat"
"kitkat"
"kitkat"
Hindi siya si Max! patay na ang totoong Max. Patay na ang lalaking minahal ko.
Si Max lang tumatawag sa 'kin ng kitkat. Palayaw ko yun nung mga bata pa kami at siya lang, siya lang ang tanging tao na tumawag sa akin nun at wala ng iba!
Pero, bakit? pano?
Kung buhay siya bakit ngayon lang siya nagpakita sakin?
Bakit ngayon lang siya bumalik?
Bakit hinayaan niya akong makulong sa kasalanan na hindi ko ginawa?
Bakit!?
Unti unting mas bumigat ang aking nararamdaman. Ang sakit na pilit kung kinakalimutan ay bumalik. Tumulo ang aking mga luha na parang agos ng gripo.
Hindi ko alam kung ilang oras akong umiiyak dito sa kwarto ko habang naka dapa sa aking kama. Basta ang alam ko lang ang sakit sa puso.
Pinaghalong sakit at saya na may galit na hindi ko maintindihan.
Natigil lang ako kakaiyak ng mag ring ang phone ko, may tumatawag.
Unknown number calling....
Pinunasan ko muna ang aking mata at pisngi saka inayos ang boses bago sinagot ang tumawag.
I swipe to answer.
"Sino to?" bungad ko.
"Si Alea 'to. Nandito na kami ng friends ko. I hope makapunta ka" sabi ni Alea.
"I'll go" I answer. Nakalimutan ko na nangyaya pala siya. Anong oras na ba?
7:14pm
Ang tagal ko palang umiiyak. May narinig akong mga boses ng lalaki at babae sa kabilang linya. Baka friends niya.
"Hintayin kita sa labas ng BGC" she said then I end the call.
Bumangon na ako at nagmadaling mag shower. Pinili ko nalang ang black see through top with black tube at black short skirt with black 2inch heels. I apply minimal makeup and accessories.
Lalabas na sana ako sa condo ng maalala kung wala pala ang kotse ko kaya mag tataxi ako panigurado.
Bumalik ako ulit sa aking kwarto at kinuha ang knife blade saka nilagay sa aking bag.
Pagdating ko sa BGC ang daming sasakyan na naka park sa labas. I see a familiar BMW. Bigla ko naman naramdam ang pait ng aking buhay.