Chapter 5

Hindi pa kami nakalapit sa kotse ni Aero ng inikotan kami ng mga lalaki. Pareho kaming kalmado ni Aero at hindi nagpakita ng anumang takot, sa mata man o sa physical na anyo.

We used to this. Sa trabaho namin sisiw na lang ito.

Nagkatinginan kami ni Aero, tig dalawa kami. Lumayo ng konti si Aero sakin para hindi kami magkabungguan.

Unang lumapit sakin ang lalaki na naka hoodie he about to punch my face pero sinalag ko yun at sinipa ang tiyan niya. Wrong sipa ata, sana sa junior niya nalang para agad tumba.

Ang dalawang lalaki ay sumugod na din kay Aero. Sumugod ang isang pang lalaki sakin pero bago ito makalapit ay tinadyakan ko ang mukha saka siya natumba. Sumunod ang naka hoodie at may nilabas sa kanyang tagiliran. A dagger.

Ba't ang hilig nila sa dagger?

Sinipa ko ang kamay niya na nakahawak sa BC-41 dagger dahilan para tumalsik ang ito sa lupa. Saka ko inulanan siya ng suntok at sipa.

Nang matumba na ang dalawang lalaki na sumugod sa akin tumingin ako kay Aero na pinagpagan ang kanyang suot saka tumingin sakin. Nakahiga nadin sa lupa ang dalawa na sumugod sa kanya.

Lumapit ako sa kotse niya at pinulot ang nahulog kong bag kanina.

"Easy" mayabang na sabi ni Aero pagkalapit sakin. Aero smirk at them.

Nauna akong pumasok sa kanya sa loob ng kotse, sumunod naman siya.

"Did you know that guys?" he asked while starting the engine.

"Mayor's son companion" sagot ko at tumango siya. Alam ko na mga tauhan yun ni Zero he wants revenge dahil sa ginawa ko kahapon.

Hindi ako nakabihis sa restaurant kaya tumigil muna kami sa isang fast food chain.

Nag Take out si Aero ng pagkain namin dahil hindi din kami nakakain kanina. Habang ako ay dumiretso sa restroom para makapagbihis si Aero naman nasa labas lang.

I'm wearing all black, upper and lower pero naka white shoes pa din ako. Paglabas ko sa fast food chain nakita ko si Aero na nakasandal sa kotse niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at saka umikot sa driver seat. Pagpasok niya sa loob ay inabot niya sakin ang hamburger at coke float.

"Is it okay to you?" tanong niya habang pinaandar ang kotse.

"Hamburger and float is fine" I answer. Libre niya ito kaya hindi ako dapat magreklamo. Hindi naman ako gutom na gutom talaga kaya okay lang sakin kung burger lang.

Habang nag dadrive siya kinuha niya ang kanang burger, he's trying to open it pero nahihirapan siya. Kaya binaba ko muna ang burger ko at kinuha ang sa kanya.

Binuksan ko ang burger sa kanya at tinusok ang straw sa float niya saka ito binigay kay Aero.

"Thank you" he said. Kinuha ko ulit ang burger ko at ipinagpatuloy ang pagkain.

Ilang oras ang biyahe at hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nang magising ay tumingin ako kay Aero na may katawag sa phone niya kaya umayos ako ng upo.

"On the way, Cap," Aero said.

"She's with me" ipagpatuloy pa nito.

"Got it" huling sabi ni Aero bago binaba ang kanyang phone. He take a glance at me bago tumingin sa daan.

"We'll meet Mr. Handi sa hotel" he said kaya tumango lang ako at inayos ang aking hoodie na black.

"Mr. Handi checked into one of the 5 star hotels here in Laguna for safety" patuloy niya.

Dumating kami sa parking lot ng sinabi niyang hotel. I put my shades on pati din si Aero.

While we're waiting na bumukas ang elevator may isang babae na sumusulyap sakin, o kay Aero? Maybe, kay Aero he looks stunning and hot in his polo.

Pinihit ni Aero ang pinto ng isa sa room dito at bumukas iyon. Pinauna ako ni Aero na pumasok sa loob bago siya.

I see Mr. Handi wearing black dress polo ang fitted jeans. Nakatalikod ito samin habang nakatingin sa glass window kung saan makikita ang madilim na langit.

"Mr. Handi" tawag ni Aero. Lumingon si Mr. Handi samin at binaba ang hawak niyang glass of wine.

"Have a seat" turo ni Mr. Handi sa upuan na may long table.

Umupo kami ni Aero at sumunod si Mr. Handi samin. He looks hot but cold at the same time.

Nakita niya siguro na nakatingin ako sa kanya kaya tumikhim siya bago tumingin kay kay Aero na abala sa pag scan ng folder na binigay ni Mr. Handi sa kanya.

"Aero and Katana, right?" Mr. Handi ask us. Tumango lang ako at pinag kruss ang dalawang kong kamay.

Hindi ako nagsasalita nakikinig lang ako sa kanila Aero at Mr. Handi. Nang matapos na sila sa pag uusap ay tumayo si Aero kaya sumunod din ako.

Tumayo rin si Mr. Handi at naglahad ng kamay para mag shake hands kay Aero. Tumingin siya sakin at inabot ang kamay niya pero tinignan ko lang ito at tumango.

Mr. Handi smirk dahil sa asal ko. I don't care kung anong iisipin niya sakin.

Paglabas namin sa room ay nauna ako saka sumunod si Aero at Mr. Handi. Habang naglalakad kami sa hallway ay may nakita akong nagtatago malapot sa restroom nitong floor.

Tanya...

"Tsk" I smirk ng tumingin siya sakin bago sa likod ko kung nasaan si Aero at Mr. Handi. Hindi ako nakilala ni Tanya dahil sa suot kung shades at hoodie.

Pagdating sa parking lot ay sumakay agad si Mr. Handi sa kotse niya at humarurut para umalis. Hindi niya ata nakita si Tanya.

"Restroom muna ako, Aero" I said saka tumalikod sa kanya.

"I'll wait you here" rinig kong sabi niya bago ako nakalayo.

Hindi naman talaga pupunta sa restroom kundi kay Tanya. May aalamin lang ako.

Pumunta ako sa pinagtaguan niya kanina pero wala na siya. May narinig akong sigaw sa labas ng building kaya naglakad ako papunta don.

Hindi kalayuan sa building I see Tanya with three mens wearing all black. They are members of Mamba Organization, kalaban namin. Madali lang makilala ang mga members nila dahil sa suot nito sa leeg.

Hindi pa ako nakalapit sa kanila kita kong nanghihina na si Tanya at nakaupo na ito sa lupa habang hawak ang tagiliran niya, may mga pasa na din ito sa braso at paa. Akma sana sasampalin nung isang lalaki si Tanya pero agad ko sinalo ang kamay nito.

Nagulat sila sa pagsuplot ko pati si Tanya. Sumugod ng sabay sakin ang tatlo pero sisiw lang ito sa kin. Konting tadyak, sipa at suntok lang agad na silang natumba.

"Ka--ta-na" rinig kong nahihirapan na tawag ni Tanya sakin. Lumingon ako sa kanya at nakitang nahihirapan na siya sa kalagayan niya ngayon.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang ulo para e lagay sa kandungan ko. Kinuha ko ang aking phone at tinawagan si Aero.

"Aero pumunta ka dito malapit sa entrance ng building, faster!" I command him at binaba ang phone hindi na hinintay ang sagot niya.

Wala pang tatlong minuto ay dumating na siya.

"Katana" he call me at tumingin kay Tanya.

"Wtf!" he hardly curse. Binuhat niya si Tanya at pinasok sa kanyang kotse.

Nasa likod kami ni Tanya habang si Aero ay nagdadrive.

"Sino siya?" I know Aero will ask. Hindi niya kasi alam na kapatid ito ni Mr. Handi dahil wala sa profile ni Mr. Handi na may kapatid siya.

"Mr. Handi's sister" I simply answer him. Nakitang kong nagulat si Aero pero agad din yun nawala.

Dinala namin sa hospital si Tanya. Hindi na kami nagtagal dun mabuti na lang kilala ng doctor ang pamilya ni Tanya para sila na ang magpag pa alam sa kanila.

Madilim na din ang langit ng makauwi ako sa condo ko. Hinatid lang ako ni Aero sa labas ng building saka siya umalis.

Sa dami ng nabugbog ko ngayong araw mukha bogbog din ang katawan ko kahit hindi ako tinamaan nila.

I'm tired lalo na pag iisip kong may pasok bukas.

After kong magshower at gawin ang night routine ko ay tulog agad ako.

Kinabukasan ay late na akong nagising. Pagdating ko sa first class ay nagsisimula na sila kaya hindi na ako pumasok. 2 hours ang first class ko kaya sa rooftop nalang ako maghihintay sa oras.

Gusto ko sana tumambay sa cafeteria pero mukhang malabo dahil may mga chismosa nakabantay sa galaw ko.