Chapter 4
Read my stories you can check it on my timeline.
--------------------------------
"I'll pick you?" Aero asked me. Nandito siya ngayon sa condo ko.
"I have my car" I said at tumayo para magluto ng pagkain namin.
"I'll pick you, end" he said. Hindi na lang ako kumibo at ipinagpatuloy ang pagluto.
Bukas na kami pupunta sa Laguna gusto ni Aero na sabay kami papunta dun dahil hindi ko daw alam kung saang hotel imemeet.
Pagkatapos kung magluto ay hinanda ko na ang pagkain at mga pinggan saka siya lumapit.
"Ang bango" he comment. I just smile at him at umupo para kumain ganun din siya.
Habang kumakain kami panay ang tingin niya sakin kaya nairita na ako.
"Stop looking at me" I said using cold tone. How I hate kapag palaging siyang tumitingin sakin.
"I heard may binugbog ka daw kanina at anak pa ng mayor" sabi niya. Hindi na ako magugulat kung nakarating yun sa kanya.
Pagkatapos namin kumain nag volunteer siya na maghugas ng pinggan kaya hindi ko na pinigilan.
Umupo ako sa couch at kinuha ang laptop sa gilid. I open my email to check the file that was sent by Cap.
"I know him" biglang sabi ni Aero. Nasa tabi ko na pala siya at tapos na maghugas ng pinggan. Dalawa na kaming nakatitig sa screen ng laptop.
"Everyone know him" sabi ko at ipinagpatuloy ang pag scan ng profile.
Zeus Handi. Basa ko sa pangalan niya.
Hmm... he's familiar. Handi? Brother of Ashtain Handi?
"I need to rest" sabi ko at tumayo dala dala ang laptop saka pumasok sa kwarto ko.
Hindi ko na kailangan ihatid pa si Aero sa labas dahil marunong naman ito at sanay na siya sakin.
Kinabukasan nagising ako ng maaga para maka pag gym, twice a week kasi akong nag pupunta sa gym.
Nagsuot lang ako ng black leggings at sports bra with my rubber shoes. May gym naman dito sa building kaya hindi na ako lumabas pa.
Pagpasok ko sa gym konti lang ang tao. Nilagay ko muna ang aking bag sa bench saka nag stretching bago nagsimula.
After one hour I decided to stop. Sweat is all over my body. I wipe it using my towel and drink my water. I can hear side comments from pervert guys.
"Sexy as ass"
"Shit"
"Hi! Miss"
Hindi ko sila nilingon hanggang tumahimik sila. I wonder why they shut their dirty mouths. Lumingon ako sa direction nila pero hindi na sila nakatingin sakin gaya kanina. I look around and see Max na nag dumbbell.
Why on earth is he here?
Sa kaliit liit ng mundo nasa iisa kaming gym. Simula ng tumira ako sa condo ko laging dito ako nag gigym pero ngayon ko lang siya nakita. Maybe, bago pa siyang lipat?
Isiniwalang bahala ko na lang ito. Kinuha ko ang aking bag at dumiretso sa restroom. I change my sports bra into loose t shirt, hindi na ako nag shower dahil maliligo rin naman ako sa condo mamaya.
I take a glance at Max before akong umalis sa gym. Na shock ako when our eyes catch each other. Nauna siyang umiwas bago ako.
Kilala niya kaya ako? baka he's pretending na hindi niya ako kilala.
Pagdating ko sa condo ay nagshower muna ako bago nagbihis. Wala pa rin akong uniform, hindi dahil wala akong pambili kundi ayaw kung mag uniform.
I'm just wearing my high waist denim jeans and dark blue crop top off shoulder partner with my favorite white shoes.
Nagdala din ako ng extra na damit para mamaya sa Laguna. Habang naghihintay ako na bumukas ang elevator I see a man walking papunta sa direction ko. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakaharap ako sa elevator while siya nasa gilid ko.
Bago pa siya malapit sakin ay bumukas na ang elevator kaya nauna akong pumasok sa kanya. I take my phone from my bag para e check kung may text si Aero while naghihintay na sumara ang elevator.
Hindi pa ito sumara ng pumasok ang lalaki kanina. I can't figure him out dahil nakayuko parin ako habang binabasa ang mga text ni Aero sakin. I can feel that he's staring me.
From: Aero
Don't forget later
From: Aero
I'm here sa parking lot
He's picking me para daw hindi na ako magdala ng kotse at sa iisa na lang kami sumakay papuntang Laguna mamaya.
From: Aero
Text me kung pababa ka na
I replied to his last text.
To: Aero
Pababa na
After kung ma send yun ay nilagay ko na ang phone ko sa bag at saka tumingin sa harap. Parang masyado atang matagal bumaba itong elevator. I feel strange dahil ako at ang lalaki kanina lang ang nasa loob.
Tinignan ko kung anong floor na, 5th floor. My condo is 9th floor, sinadya ko dun para kita ko ang moon sa veranda.
I look the man beside me, straight lang siyang tumingin sa harap. It's Max.
Walang salita o ingay ang narinig ko mula sa kanya pero I see in my peripheral vision na tumitingin siya sakin minsan hanggang bumukas ang elevator sa parking lot.
Nauna siyang lumabas bago ako. Paglabas ko I see Aero standing in his car. New car.
"Morning" he greet me I just smile. Binuksan niya ang pinto para sakin. He's gentleman, I know pero he's not my type.
"You okay?" I ask Aero. I feel the sadness in his aura. I don't consider Aero as my friend pero may concern din ako sa kanya. He was with me all the time.
"Yes" maikling niyang sagot. Tumango lang ako at tumingin sa harap. Walang imik siyang nagmaniho. Silent amp.
Pagdating namin sa university ay hindi na siya bumaba bago ako lumabas tumingin muna ako sa kanya.
"5pm" I said at sinarado ang pinto ng kotse niya.
Pag alis niya ay pumasok na din ako sa gate. Nandiyan na naman ang mapanghusga nilang tingin sakin. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pagtungtong ko palang sa gate ay patay na ako. Ganya kasama ang tingin nila.
I don't care about dahil hanggang tingin lang sila. They don't know me. Just my name, not the whole me. Not my story.
Diretso akong maglakad sa hallway papasok sa first class ko.
Nakasalubong ko pa si Tanya with her friend I think Capella ang pangalan. Did Tanya know that his brother is part of us?
I don't think so, Tanya looks innocent as well as her friend, Capella.
Pagpasok ko sa first class ay umupo ako sa dulo, as usual. May ibang kuma kaibigan sa akin pero nagsasawa din dahil hindi ko pinapansin.
This is not me, I know. My heart and mind now is full of walls after what happened years ago.
Pagkatapos ng lahat ng klase ko ay diretso na ako sa parking lot kung saan naghihintay si Aero sakin. Mabuti na lang nakapasok siya sa gate.
I see him wearing a long sleeve white polo open ang tatlong button to reveal his chest. Kung hindi ko lang kakilala itong si Aero baka pati ako naglalaway sa kanya like those girls out there na nakatingin sa kanya ngayon.
"Let's go?" he ask and held my hands papasok sa kotse. May tumingin at bumubulong na naman, mga chismosa. Kung gusto niyo si Aero edi inyu na.
I let him hold my hand papasok sa kotse para mas inggitin ang mga babae na chismosa.
Pagpasok niya sa kotse he smirk at me.
"I know you," he said. I just painted a small smile on my face.
He started the engine at umalis.
"Do you want to change before tayo pupunta sa Laguna?" he ask me while looking straight sa harap.
"Yes" I answer. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang email na bagong send ni Cap, my big brother.
He stop in front of a restaurant. I looked at him at tinaasan siya ng kilay.
"We'll eat first" he said at lumabas sa kotse. Naghintay ako na pagbuksan niya ako bago lumabas.
As I step through the entrance of the restaurant I feel strange. I don't know why.
Sumunod lang ako kay Aero while tumitingin sa paligid kung may mali dito.
Aero held the chair for me. Umupo ako at siya din, tinawag niya na ang waiter. Si Aero lang ang pina order ko dahil abala ako sa pagtingin sa mga tao.
I see a man sa dulo, siya lang mag isa. He's wearing black hoodie, hindi ko kita ang pang ibaba niya dahil nasa ilalim ng table ito, of course.
Inikot ko muli ang aking tingin and I see a another strange man, he's wearing black long sleeve at shade.
"Okay ka lang? Hindi mo ba gusto ang place?" natigil ang kakatingin ko sa mga tao ng magtanong si Aero.
"Yes, I mean I'm okay. But parang may mali lang dito" I said at uminom ng service water na nasa table namin.
"Oh" sabay tingin niya din sa paligid at saka tumingin ulit sakin.
Dumating na ang inorder ni Aero para samin. Hindi pa kami nakakuha ng pagkain ng biglang tumayo ang lalaki kanina na nasa dulo.
Naging alerto kami ni Aero sa kilos ng lalaki at sa iba pa.
"One at my back, one at yours, left and right" he said while smiling, fake. Agad kong na gets ang sinabi niya kaya tumango lang ako and I paint a fake smile on my face.
Uminom ako ng juice while si Aero ay kumuha ng sushi.
Hindi ko pa nalagay ang baso ng juice naininum ko ng biglang lumapit sa kin ang lalaking nasa dulo kanina.
Inangat namin ni Aero ang aming tingin sa lalaki na ngayon ay nakatayo na sa gilid namin. Tumayo si Aero kaya sumunod din ako. Naglagay siya ng pera sa table bago niya hinawakan ang aking bewang at lumabas sa restaurant.
Hindi pwede sa loob mangyari dahil may ibang madadamay kaya kami lumabas. Alam namin ni Aero na nakasunod sa likod namin ang apat na nakaitim na lalaki.