CHAPTER 3: Date

“Salamat sa paghatid kuya, anyway, you can be with us naman today if gusto mo” saad ni Dos, pagkarating sa harap ng mall na pupuntahan nila. “Anyway rin Dos, may gagawin pa ako kaya kung pwede mauuna na ako. Just call me if uuwi na kayo” sagot ko at pumasok na ulit sa kotse.

Pagkarating ko sa bahay ay siya namang pagtawag ni Bank sa akin, pinapaalalahan ako sa lakad namin ngayon. “Nay, can I go out with my friends po?” tanong ko sa kanya ng makita siya sa loob ng mini library namin, “yes, anak. Wag mo lang kakalimutan na kukunin mo pa ang kapatid mo mamaya” sagot nito.

Agad akong lumabas at kinuha na ang sasakyan ko. Habang nasa byahe ay tumawag naman si Alloy sakin, nagtatanong kung nasaan na raw ako at kung bakit ang tagal ko. Nang makarating sa mall na napag-usapan ay agad akong nag-park at pumunta sa kinaroroonan ng mga hangal.

Malayo palang ay kita ko na agad ang mga mukha nila. Si Bank at Kio na nag-uusap, si Acer na busy sa phone at si Alloy na nasa tabi ng isang standee at ginagaya ang pose nito. Nang makalapit ay agad kong sinaway si Alloy sa ginagawa.

“Kasi naman, tignan mo ‘bay. Kamukha ko pala si James Reid” sagot nito at nagpose na ulit ng gaya ng standee ni James Reid, “oo nga eh, ikaw si James Blue” sagot ko at nauna ng maglakad sa kanila. Agad naman sila sumunod sa akin.

Habang naglalakad ay biglang huminto si Alloy na ikinahinto rin namin, tatanungin sana siya ni Bank kung ano ang problema ng bigla siyang tumakbo sabay sigaw ng “ang mahuli sa restau, siya ang magbabayad sa laha! t” agad naman kaming nagsitakbuhan maliban kay Acer na gulat sa ginawa namin. Nagtawanan naman kami ng tumakbo rin siya habang nagsisigaw ng “guard, may mga baliw don” at nakaturo sa amin.

“Salamat sa libre ‘bay, sana lagi kang lutang” biglang napatigil si Acer sa sinabi ni Bank at binatukan pa ito, “mga pauso kasi” saad ni Acer at kunyari ay nag hairflip. Agad naman kaming nagtawanan sa naging reaksiyon nito.

Dahil napapansin ko na kanina pa kami paikot-ikot ay tinanong ko sila kung saan ba talaga kami pupunta, “depende” sagot ni Alloy habang nakaakbay kay Bank, napatingin ako kay Kio para sana sa kanya kumuha ng sagot ng bigla siyang may itinuro sabay sabing “sila Dos at Atasha yun diba?”.

Napatingin naman kami sa tinuro niya at nakitang sila Atasha nga iyon. “Dito mo sila hinatid Uno?” tanong sakin ni Kio na parang nagtataka. Ako nga rin nagtataka, sa mall malapit sa amin ko naman hinatid ang dalawang ‘yan ah, “Oo” tanging sagot ko.

“Dos, Atasha” tawag-pansin ni Alloy sa kanila, napatingin naman ang dalawa sa kinaroroonan namin at kita ko kung paano sila parehong nagulat. “Anong ginagawa niyo dito?” tanong agad ni Dos ng makita namin, napatingin siya sa akin kaya nilakihan ko siya ng mata bilang pagbabanta. “Namamasyal? Kayo ba?” sagot ni Kio kay Dos at lumapit para halikan ito sa pisngi, pero hindi tulad ng dati ay bago palang lumapat ang halik na ‘yun sa pisngi ni Dos ay agad na siyang nakalayo.

“What?” mahinang tanong ni Kio dahil sa gulat, natawa naman ako sa naging reaksiyon niya “Aba’y sakto lang ang ginawa mo Dos” natatawa kong sabi.

Nag-uusap naman na si Atasha at si Bank ng napatingin ako sa kanila, “ganda mo naman talaga araw-araw, Atasha” sabi ni Alloy na dahilan ng pagtaas ng kilay ko, “Moves mo bulok” sabi ko kay Alloy at tinulak siya palayo kay Atasha.

Hapon na ng maisipan namin umuwi na. “Ingat mga pare” paalam ni Bank sa amin. Nagwave naman si Dos at Atasha sa kanya, “Bay, di ka namin makakalimutan” sagot naman ni Alloy at niyakap ng mahigpit si Bank. Natawa kami sa ginawa ni Alloy, kung hindi ko lang talaga kaibigan ang dalawang iyan, aakalain ko talaga na may relasyon sila.

“Mauna na rin kami sa inyo, Uno, Dos, Atasha, Acer at Alloy” pagpaalam naman ni Kio sa amin. Nang makasakay silang dalawa ay kumaway na rin ako sa kanila, naunang umalis si Bank tsaka sinundan naman ito ni Kio.

Nang makalayo sila ay hinarap ko naman si Dos na ngayon ay tinutusok ang tagiliran ni Atasha, “ano ba?” pigil ni Atasha kay Dos. Tumango naman itong si Alloy kay Acer bago ako hinarap, “bay, may bibilhin pa daw itong si Atasha sa NBS, samahan na natin” saad nito at tinapik ang balikat ko.

Napatingin naman ako kay Atasha na nakatingin sakin habang nakangiti, “ano bibilhin mo?” tanong ko sa kanya, “nakalimutan ko kasi bilhin ‘yung mga gusto kong libro” sagot nito sa malambing na boses habang nakangiti. Okay, that’s weird.

“Okay then, Dos let’s go” saad ko at lumapit kay Dos para sana akbayan ito kaso napatigil ako ng hinawakan ni Atasha kamay ko. “Ano, pwede bang tayo nalang?” biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang sinabi niya.

Ano daw? Kami nalang?

Tumikhim ako at nilingon siya, “anong ibig mong s-sabihin?” nauutal kong tanong, tangina bakit nauutal? “I mean, tayo nalang yung ano, bumili” sagot nito sakin.

Ahh, dapat inayos mo pagkasabi.

“At kuya, pwede bang mauna na akong umuwi? May gagawin pa pala akong assignment eh” singit ni Dos, tinignan ko ang kapatid ko na ngayon ay nakangiti ng matamis sakin.

Nilingon ko si Acer at Alloy, magsasalita na sana ako ng biglang tumunog ang phone ni Alloy “si mama, mauuna na ako” saad nito at umalis na.

“Hoy, Uno!” napabalik ako sa realidad ng marinig ang boses ni Atasha, nilingon ko siya na at nakita ang mga libro na hawak-hawak nito. “Ito naba lahat?” tanong ko at kinuha ang mga iyon, “oo, okay ka lang?” pabalik nitong tanong ng makita kung gaano ako katulala.

“Kung si Dos ang inaalala mo, wag na lang, hindi naman pababayaan ni Acer yun” pagpatuloy nito na para bang alam niya ang laman ng utak ko. Napabuntong-hininga nalang ako, “kasi naman, parang may mali eh” sabi ko sa kanya at nagsimula ng maglakad papunta sa cashier. “Parang may nangyayari na hindi ko alam” pagpatuloy ko, “alam mo yun, feeling ko talaga eh, tsk” saad ko pa at nilingon si Atasha na tahimik lang na nakatingin sa akin.

“Ano? Bakit?” tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ito at saka naglakad ulit “wala ang gwapo mo pala talaga” saad nito na ikinangiti ko, “ano, ano?” tanong ko sa kanya kunyari hindi narinig ang sinabi niya. Tumawa naman siya at umiling, nang makahabol ay sinabayan ko sa paglalakad hanggang sa makarating sa cashier. Habang naglalakad ay may itinurong ice cream shop si Atasha na agad naman nitong pinasukan.

“Sorry pala sa nangyari nong una kitang makita” pagputol ni Atasha sa katahimikan na kanina pa bumabalot sa amin. “Alin don?” tanong ko at kinain ulit ang ice cream na hawak ko. Oo, ice cream, pagkatapos kasi namin sa NBS bigla siyang nagyaya kumain ng ice cream.

“Yung pagsapak ko sayo” sagot nito na ikinatigil ko. Napatawa nalang ako ng maalala kung gaano ako nagalit sa kanya ng higit tatlong linggo dahil sa ginawa niya, “bakit mo kasi ako sinapak?” tanong ko sa kanya sabay tawa, “mahangin ka kasi masyado, sino ba matinong taong bigla nalang magsasabi na gusto ko” sagot nito na may panggigigil ang tono. “Sorry na, titig na titig ka kasi” sabi ko sa kanya at pinagpatuloy ang pagkain, “gwapo ako, alam ko na yun” pagpatuloy ko pa, umubo naman siya na ikinalingon ko sa kanya.

Kinuha naman niya ang panyo niya galing sa bag na dala niya at saka pinagpunas sa bibig niya. “Wala na ba?” tanong nito sakin sabay harap, “hindi ko makita sarili kong mukha, wala akong dalang salamin” pagpatuloy nito. Natawa naman ako habang tinitignan siya, “dito pa” sabi ko sabay turo sa kaliwa kong pisngi, “dito?” tanong nito at itinapat na ang panyo niya sa kaliwang pisngi niya.

Napailing naman ako dahil malayo ito sa itinuro ko, kinuha ko nalang ang kamay niya na may hawak ng panyo at iginiya iyon papunta sa pisngi niya na may ice cream, “dito”.

Habang ginagawa yun ay napatitig ako sa kanya, ang malalaki ngunit maganda niyang mata, ang malilit niyang ilong, ang makakapal niyang kilay, ang labi niya na malambot tignan.

Kay sarap bang tuklasin at alamin kung gaano kalambot ang mga iyon.

Lalapit na sana ako sa kanya ng biglang tumunog ang phone niya, agad naman siyang napatayo na rason kung bakit nagtama ang mga noo namin “s-sorry” saad nito at nag-umpisa na sa paglalakad.

Agad naman akong tumayo at sinundan siya, bakit ko ba naiisip ‘yun?

Nang maabutan ko siya ay hinila ko agad siya sa parking lot at pinasakay.

“Salamat sa paghahatid at pasensya na rin” sabi nito ng nasa harap na kami ng bahay nila, “you’re welcome and no worries” sagot ko sa kanya. Umayos ako ng upo at tinanggal ang seatbelt ko at unti-unting lumapit sa kanya, bigla naman siyang umiwas at mas idiniin ang sarili sa upuan ng kotse.

Napatingin ako sa kanya at napangisi, ang sarap naman pagtripan nito. “Chill” saad ko at kinalas na ang seatbelt niya, rinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya. Napatawa ako sa naging reaksiyon niya, “do I always have that effect on you?” tanong ko sa kanya at naiiling, agad naman itong lumabas sa kotse at padarag na sinarado ang pinto. “Hey Atasha” tawag ko sa kanya na ikinalingon niya naman, “h-ha?” nauutol nitong tanong.

“Thanks for the date” ngisi kong saad, “mama mo, date!”