PROLOGUE: Muli

“Hey, are you alone?” for the nth time, hindi ba nila napapansin? Kaya nga ako mag-isa ngayon diba kasi wala akong kasama.

“mind if I join you?” pagpatuloy nito at hindi man lang hinintay ang aking sagot at agad ng naupo sa tabi ko, did i say yes?

“What’s your name?” he ask, I face him and smile

“I am with someone, and yes I mind you sitting beside me,” saad ko at tumayo na.

Habang naglalakad ay napansin ko na parang umiikot ang buong lugar kaya napatigil ako sa paglalakad at napapikit. Wow, totoo nga na umiikot ang mundo.

”Atasha? Atasha Ramirez?” nilingon ko ang kumalabit sa akin at tinaasan ng kilay

“sino ka? Bakit mo ko kilala?” sagot ko sa kanya habang tinuro-turo siya

“baliw, ako to si Seah.” Agad akong napatayo ng tuwid ng malaman kung sino ang taong ito.

“Mayora? How are you? I’m fine thank you, what do you do?” sunod-sunod na tanong ko,

“you’re drunk, tara pahinga ka muna don sa amin.” Naiiling niyang saad at may itinuro, aayaw na sana ako kaso hinawakan na niya ako sa kamay at iginiya papunta sa tinuturo niyang table.

“Seah, sino yan?” rinig kong tanong ng mga taong nadadaanan namin, ningingitian niya ang mga yun pero kahit isa wala siyang sinagot at hindi niya rin ako binibitawan . Ay oo, si mayora nga to.

“Guys, am I always this lucky? I found Atasha in the crowd” tinignan ko ang mga kinausap ni Seah. They all look familiar.

I was about to ask Seah kung sino ang mga ito ng may naalala ako. Bigla kong kinuha ang mga kamay ko kay Seah at nag-umpisa ng maglakad papalayo, naririnig ko ang mga tawag nila kaya humalo na ako sa mga nagsasayawan para mawala ako sa paningin nila.

Takte, bakit ko ba nakalimutan na reunion pala namin ngayon?

Nasabunutan ko bigla ang sarili ko ng maalala kong paano ko tinanggihan ang alok ni Seah na sumama sa reunion nato.

“Sorry mayora, busy ako eh”

“sige na Atasha, minsan lang tayo magkasama eh” pagpupumilit nito

“sorry mayora, busy talaga ako eh” sagot ko naman.

I stop for a moment at inayos ang sarili, gago tinakbuhan ko pa sila.

Napailing ako at napagdesisyonan na bumalik kina Seah kaso may isang braso na bumalot sa bewang ko. Hinarap ko ang may ari ng mga brasong iyon at nakita ko ang isang gwapong lalaki na nag-uumpisa ng sumayaw sa harap ko

“Baby, let’s dance” saad nito at mas gumiling pa.

Dahil na siguro sa dala ng alak ay sinabayan ko na rin ng sayaw ang lalaki, pinatalikod niya ako at yinakap patalikod saka gumiling ulit. Nagpatuloy lang siya sa pagsayaw ganon na rin ako, hanggang sa unti-unti na niya akong hinalikan sa leeg na ikinagulat ko.

“What?” tanong niya agad ng itinulak ko siya.

”Gago, sabi mo sayaw lang?” saad ko at mas tinulak pa siya papalayo.

Aalis na sana ako don ng bigla niyang hinapit ang bewang ko at bumulong “ah, baby do you expect me to stay still if you’re that damn hot?” at bigla akong hinalikan.

Dahil sa gulat ay nasampal ko siya, napatigil ang ilang taong sumasayaw malapit sa amin, samantalang yung iba naman na walang alam ay nagpatuloy sa pagsasayaw.

“Gago, kasalanan mo” sigaw ko at unti-unting humakbang palayo kaso hinawakan na niya naman ako, paglingon ko ay nakita ko ang pagngisi niya

“where do you think you are going?” tanong nito at mas hinigpitan ang paghawak sakin, “Bitiwan moko” sabi ko habang nagpupumiglas.

Tinignan ko ang mga tao sa paligid namin para sana huminga ng tulong, kaso wala na sa amin ang atensiyon nila at nagpatuloy nalang sila sa pagsasayaw.

“Ano ba, sabing bitiwan moko eh,” nagpupumiglas kong sabi. Hinigit niya ako papalapit sa kanya at tinanggal ang isang kamay niya sa pagkakahawak sakin at akmang ilalagay sana sa mga balikat ko ng may isang kamay ko pumigil sa kanya.

“Ah, seriously? Pag wala talaga ako, ang daming nakaaligid na lalaki sayo no?” inangat ko ang aking tingin sa nagsalita at nakita ko kung paano nagkasalubong ang mga kilay niya.

Tinagilid ko ang ulo ko para makita ng klaro ang mukha ng taong ito, kaso dahil sa ilaw ay hindi ko maaninag ang mukha niya. “Pre, pakibitawan girlfriend ko, ayoko pa naman na hinahawakan yung pag mamay-ari ko,” pagpatuloy nito at inilayo ang aking mga kamay mula sa pagkakahawak ng lalaki.

“Girlfriend? Pero pinabayaan mong mag-isa sa dance floor?” nakangising sagot ng lalaki.

Akmang kukunin ulit ang aking mga kamay ng bigla siyang tinulak nitong isa pang lalaki na nasa harapan ko na ngayon. Natigilan ang lalaki sa pag-aabot ng kamay ko at natigil na rin ang lalaking nasa harap ko sa pagsasalita ng biglang umalis ang lalaking kasayaw ko kanina.

“Bakit umalis yun?” tanong ko na dahilan kong bakit napalingon ang lalaki sa harap ko. At sa pagkakataong iyon ay nakita ko na ng malapitan at klaro ang mukha niya.

”Tinatanong mo ko niyan?” patanong na sagot nito at hinila ako papalayo sa dance floor.

Para naman akong aso na nakasunod lang sa kaniya at nagpapahila. Hindi ako pwedeng magkamali, siya nga ito. Pero ang tanong, anong ginagawa niya dito? At girlfriend? Girlfriend?

“Girlfriend? Seryoso? Pagkatapos ng ilang beses mong pagsabi na kahit kailan hindi ka magkakagusto sakin tapos ngayon girlfriend mo na ako?” saad ko ng nagsink-in na sa utak ko ang mga nangyari. Binawa ko agad ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

He sighed.

“What the, ano bang pumasok sa isip mo at nakipagsayaw ka sa mga hindi mo kilala, ha, babae?” pasigaw niyang sabi at hinarap ako,

“Pakialam mo ba? Sasayaw ako sa ayaw at sa gusto mo.” Pasigaw ko ring sagot sa kanya at naglakad palayo.

“Wag na wag mo akong tatalikuran Atasha Ramirez, nag-uusap pa tayo!” sigaw nito na ikinatigil ko.

Nilingon ko siya at ngumiti “Wala akong plano makipag-usap sa unggoy na tulad mo, Unew Nathaniel Odelle!” sagot ko sa kanya.

“Then go and make yourself fuck by someone!” he shouted again.

Sa totoo lang kahit naglakad na ako palayo sa kanya kanina ay maririnig parin naman namin ang sinasabi ng bawat-isa kahit hindi nagsisigawan, pero wala eh, inunahan niya ako.

“Mukha mo Uno, fuck by someone,” sagot ko sa kanya at tinalikuran na siya.

“Yeah, and that someone will gonna be you,” sigaw nito pabalik, hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nakakahiya rin naman kasi pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa labas. Basta ang alam ko, nakasunod siya sakin ngayon.