CHAPTER 1: Guidance
UNO’S POV:
YEAR 2014
“Oy, diba si Atasha yun?” biglang uminit ang ulo ko ng marinig ang tanong ni Kio habang tinuturo ang isang babae na nasa gate ng school namin.
“Oo, halika lapitan natin,” saad naman ni Alloy pagkatapos ay tumayo na.
“Ay hard pass ‘bay, wala ako plano masapak gaya ng isang to” sagot ni Bank at nakaturo pa sakin.
Lalo namang uminit ang ulo ko ng maalala ang nangyari nong nakaraang linggo, “bakit ka sinapak? Parang hindi naman magagawa ni Atasha yan eh” tanong ni Alloy sa amin, “tanungin mo to oh” sagot naman ni Bank kay Alloy at inakbayan ako.
“Hindi niya kasi kilala binabangga niya” saad ko na ikinatawa naman nila. “Ay oo, pakita mo kung sino ka ‘bay, ganon,” biglang singit ni Acer at binalibay sa kung saan ang stick ng lolipop na kinakain niya. Muli namang nagtanong si Alloy kung ano ang nangyari at bakit ako sinapak ng babaeng yun, kaya puro tawanan sila habang nagkwekwento.
Patuloy parin sila sa pag-uusap ng mapadpad ang tingin ko sa babaeng papalapit sa amin, nakangiti ito habang may kausap. Inayos ko ang pag-upo ko pati na rin ang uniporme ko, nang nasa mismong harap na namin siya ay agad akong tumayo at humarang sa dinadaanan niya.
“Ngiting-ngiti ah, akala mo walang kasalanang nagawa,” saad ko na ikinatigil niya sa paglalakad, napatigil rin ang mga kaibigan ko sa pag-uusap. Tinignan niya ako habang nakataas ang kaliwang kilay at humakbang palapit sakin. Agad naman akong napaatras. Bumuka ang bibig niya na parang may sasabihin, pero tinikom niya naman ito at nagpatuloy sa paglalakad.
Mga babae talaga. Hinarap ko naman siya at nang makitang malayo na siya ay agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang palapulsuhan niya. “Bitaw,” sabi niya sa isang napakalamig na tono habang tinitignan ang mga kamay kong nakahawak sa kanya.
Napatigil ako at agad na tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya. Tumikhim ako bago nagsalita “i-ikaw, bakit mo ginawa yun?” nauutal kong sabi, nababakla naba ako? Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa tsaka nagsalita “hindi kita kilala” at nagpatuloy sa paglalakad.
Naipikit ko ang mga mata ko ng makita kung paano niya ako iniwan. Napatingin ako sa paligid at napagtantong halos lahat ng estudyante sa paligid ay nakatingin sa amin, “bay, okay kalang?” tanong agad ni Bank ng makalapit na sila sakin, “atleast di ka nasapak” natatawang sabi ni Acer. Dahil sa inis ay naglakad nalang ako papunta sa classroom namin ng hindi nililingon ang mga kaibigan.
Atasha Ramirez
Agad akong napangisi ng makita ang pangalan ng may-ari ng ID na nakita ko, kung siniswerte ka nga naman.
Mukha ba ‘to?
Natawa ako sa sarili kong pag-iisip, ano ba namang klaseng mukha ito. Malalaki at may eyebag na mga mata, makakapal na kilay pero halatang hindi inaayos, maliit na kulay pink na ilong, mukhang malalambot na labi na kulay violet. Natawa ako ulit ng tinignan ang mukha niya sa ID.
Gago, may lahing panda ba ang isang ito? Hindi na nga sexy, may eyebag pa.
“Hoy, ano yan?” napatingin ako kay Acer na nasa likuran ko na pala. “Ah, ID lang ng isang panda” sagot ko at itinago sa bulsa ng bag ko ang ID niya. “Canteen kaba?” tanong nito habang naglalakad kami, agad akong napatigil sa tanong niya
“Bakit?” patanong kong sagot sa kanya, “anong bakit? Gagi di yun pick-up line” binatukan pa ako nito habang sinasabi yun, “ayusin mo kasi, gago ka!” sagot ko sa kanya at kinaltukan. “Aba, ikaw ang gago, ano naman naisip mo at akala mo magpipick-up line ako?” inambahan niya ako ng suntok kaya agad kong inangat ang mga kamay para dumipensa, tumawa naman ito saka ako inakbayan.
“Tawa ka pre, kunyari masaya talaga tayo” agad ko siyang tinulakan sa sinabi niya, “anong masaya? Mag-isa kang magpanggap” sabi at nauna ng manglakad papasok ng canteen.
“Kuya” napatigil ako saglit ng makita ko ang kapatid kong babae, “kuya, bakit ka andito?” tanong nito na ikinataas ng kilay ko. Minsan talaga ang bobo ng isang ito eh, kung hindi ko lang ‘to kapatid hindi ko ‘to papansinin eh.
“Nasa canteen ako Dos, sa tingin mo ano gagawin ng tao sa canteen?” nakangiti kong tugon sa kanya. “Hi Dos” napatingin ako kay Acer sa biglaang pagsingit niya, akala ko ba naka-alis na ang isang to?
“Kaya nga nagtataka ako kuya eh, hindi ka naman tao para pumunta ng canteen eh” sagot nito at naghairflip pa. “Magkamukha tayo Dos, ibig sabihin non hindi ka rin mukhang tao?” sagot ko na ikinawingi niya, napatawa naman ako sa reaksiyon ng kapatid ko. Ang cute talaga ng tutubing to.
“Ganda kaya ni Dos, kaya wag mo siyang igaya sayo Uno” singit ulit ni Acer na ikinalingon ko sa kanya, “tumigil ka o ibabalot kita sa cellophane?” saad ko na ikinangiwi niya rin, “Uno naman ‘bay, di ka naman mabiro” sagot nito at inakbayan ako, may pa-akbay pa siyang nalalaman.
“Alis na tutubi, bibili ako” sabi ko sa kapatid ko na ngayon ay magkasalubong ang kilay habang nakatingin sa kasama kong si Acer, “tutubi? What’s tutubi?” agad naman niya akong tinignan at inismiran.
“Oo, tutubi ka, alis na” pagkatapos kong sabihin yun pinitik ko ang mga noo niya para mabaling ulit sakin ang atensiyon, tinataasan niya na naman kasi ng kilay si Acer. Ito namang si Acer parang tanga na nakangiti, kita pa ang hindi pantay niyang ngipin.
“Hoy, wazzup mga hinayupak, halina kayo at nauubusan na ako ng pagkain, mga tanga!” agad akong napalingon sa pintuan ng canteen ng marinig ang sigaw ni Alloy habang nakaakbay kay Acer. Kasama niya sina Bank at Kio.
Agad namang napangiti si Kio ng makita ang kapatid ko, “Hi Dos” saad nito, agad naman akong napatingin sa kapatid ko na kung titignan mo ngayon ay parang biglang naging tood na kamatis. “ha? ah o-oo. I mean h-hello Kio” sagot nito kay Kio at nag-wave pa!
“Oo Kio, hello. Tara na, ginugutom na ako” pagkuha ko ng atensiyon sa mga kaibigan ko at isa-isa silang hinila papunta sa may counter. Tinignan ko muli ang kapatid ko na ngayon ay parang tanga na nakangiti habang nakasunod ng tingin sa amin.
“Ay, pag kapatid ko talaga ginaganyan, papatayin ko yung lalaki” biglang sabi ni Bank ng makarating kami sa counter, tumayo naman sila pero agad na napatigil ng magsalita ako. “Umayos ka Kio, mapapatay kita” seryoso kong saad kay Kio at nauna na sa pagpili ng pagkain.
“Ito namang si Uno, natural naman na may magkakagusto diyan sa kapatid mo” saad ni Bank ng nasa lamesa na kami, “napag-usapan na natin iyan” sagot ko sa kanya. “No worries ‘bay, naaalala ko pa usapan natin” sagot nito sabay tapik ng balikat ko, “hindi ko nga lang alam sa isa diyan” pagpatuloy nito.
Magkasalubong ang kilay na tinignan ko si Kio dahil sa sinabi niya, ng sundan ng tingin ay agad akong napatawa. “Gago, hindi magkakagusto si Acer kay Dos, alam mo naman lagi sila nag-aaway” natatawa kong sabi habang umiiling, tumawa naman sila Bank, Acer at Alloy pero itong si Kio ay umismid lang.
Kumain nalang ako at hindi na inisip pa ang sinabi ni Kio, impossible naman kasing na magustuhan ni Acer si Dos, eh ayaw nga ni Acer ng maarte na babae. Kahit na si Dos, ayaw niya sa maiingay na lalaki kaya alam ko na hindi yun mangyayari.
Habang kumakain ay napalingon agad kami sa unahan ng may biglang tumili, agad akong napatayo ng makitang si Atasha iyon. “Hoy, gago baka sapakin kayo niyan!” sigaw naman ni Bank at lumapit sa kinakaroonan nila.
“Omygosh, are you seriously looking at me like that?” maarteng tanong ng isang babaeng mukhang palaka. Tinignan lang ito ni Atasha habang pinapagpag ang uniporme nito, ng akmang lalakad na siya ay hinarang naman siya ng mga alipores ng babaeng palaka.
“Where do you think you’re going? Afraid of me, huh?” saad ng babaeng palaka at lumapit kay Atasha. Napalingon ako sa mga estudyante sa loob at ng makitang wala man lang umawat sa kanila ay nag-umpisa na akong lumapit sa kanila.
Sinundan naman ako nina Kio at Alloy, dahil nga nauna na si Bank at Acer doon. Habang naglalakad palapit sa kanila ay narinig ko na nagsalita si Atasha.
“Sino namang hindi matatakot sayo, eh mukha kang patay na bumangon sa lupa at tsaka nag make-up para hindi halata” dahil sa sinabi ni Atasha ay napatawa ang mga estudyante sa loob, pati na rin ako. Sino ba ang hindi matatawa sa sinabi, eh napaka accurate naman.
“What did you say?” gigil na saad ng babaeng mukhang palaka at tinulak si Atasha.
Lalapitan ko na sana siya ng biglang sumulpot si Dos at hinawakan si Atasha sabay hila nito papunta sa likod niya.
“Ay beh, bingi lang?” saad ni Dos sa babaeng mukhang palaka, “Beh, hanapin mo nalang hukay mo tas higa ka ulit don,” pagpatuloy pa nito. Aalis na sana si Dos habang hila si Atasha ng lumapit yung babaeng mukhang palaka sa kapatid ko at hinila ang buhok ni Dos!
“Baliw ka!” sigaw nito habang hila-hila ang buhok ni Dos, bigla naman siyang nilingon ni Dos at hinila rin ang buhok niya.
Agad akong napapalakpak sa nakita “Go Dos, kaya mo yan!” pagchecheer ko sa kapatid ko na ikinalingon ng mga kaibigan ko, “Gago ‘bay, baka mapahamak kapatid mo,” saway ni Alloy sakin at akmang lalapit sa nag-aaway na mga babae ng hinila ko siya, “hindi magpapatulo si Dos, tignan mo”.
Tinignan naman nila ang tinitignan ko. Si Dos na ngayon ay nakapatong na sa babaeng mukhang palaka habang sinasabunutan at kay Atasha na hila-hila ang mga paa ng dalawang alipores ng babaeng palaka. “Go Dos, Go Atasha, kaya niyo yan!” pagchecheer ko sa kanila.
Sa ganitong panahon mas kailangan mo talagang tumabi nalang at hayaan nalang ang mga babae na makipag-away.
“What is the meaning of this?” agad naman na napatigil ang lahat sa narinig, napatingin ako sa sumigaw at ng makitang si Madame Dean ito ay agad kaming nagpwesto sa gilid. “Jusko Santesimas, Atasha Ramirez ibaba mo yan” pagpatuloy nito na rason kung bakit kami napatingin kay Atasha na ngayon ay buhat-buhat ang isang upuan.
“Sorry po,” sagot ni Atasha at ibinaba ang upuang binubuhat. “Ikaw naman Dionne Sienne Odelle, bitawan mo ‘yang paa niya” sigaw nito sa kapatid ko at tinignan ko rin si Dos na binaba nga ang paa ng babaeng mukhang palaka pero pabagsak naman “opss, sorry po” sagot niya rin at ngumiti ng napakatamis.
“Jusko, ano bang nangyayari sa inyo?” pasigaw na sabi ni Madame Dean habang nakahawak sa noo, “Madame, sila po nauna” sumbong ng isa sa mga alipores ng babaeng mukhang palaka at itinuro pa ang kapatid ko at si Atasha.
“Ay no Madame, nakita namin, sila nauna” singit ni Bank na ikinatingin ni Madame sa amin. “Oo, nakita niyo tapos di niyo man lang inawat” sagot nito kay Bank na ikinagulat nito at madramang tumingin samin. “Bakit parang kasalanan ko?” saad nito sa amin sabay hawak sa dibdib nito na parang nasasaktan.
“Sa office. Ramirez, Odelle, Cedulas, Armania, Chani” tawag ni Madame sa mga nasangkot at nag-umpisa ng maglakad, “ngayon po ma’am?” tanong bigla ni Dos kay Madame na ikinatigil niya. “Sa tingin mo Odelle?” sagot ni Madame ng hindi kami tinitignan. Agad naman napasunod ang babaeng mukhang palaka at ang mga alipores nito.
“Ay, ngayon ba kuya?” agad akong napalingon kay Dos ng magsalita ito. Napapikit naman ako at huminga ng malalim bago ibinukas ang mga mata.
“Hatdog ka Dos, isa kang malaking hatdog” sagot ko sa kanya at umalis na.