Chapter 17 – Suko Na Ako
Zachary’s POV
Kanina pa ako sa kotse at kanina pa nagtatalo ang isip ko kong papasok na ba ako. I’m excited to see her, but I’m nervous. Kagabi hindi ako nakatulog, I even fucking imagine that we’re together and kissing. Damn! Paano ko nagawang mag imagine ng ganoon?
“Why am I nervous? I’m the boss here,” sambit ko sa sarili nang mapagtantong para na akong tanga sa loob ng kotse. Huminga ako ng malalim nang makalabas sa kotse.
Dederetso na sana ako nang maisipan kong mag tanong na lang muna sa security guard kong pumasok na ba siya at kong nasa loob na.
“Wala pa si Secretary Gillian?” tanong ko sa security guard na may ginagawa sa logbook . Gulat itong tumingin sa akin. Inayos niya ang tayo at sumagot.
“Ah, Sir, nasa loob na po,” sambit ng security guard kaya tumango ako.
Bakit ako kinakabahan? Laro lang naman yung kahapon. Nang bumukas ang isang elevator, nagulat ako nang makita ko doon sa loob si Secretary Gillian, kasama si Zeyo. Galing pa sila sa tawa na para bang may nakakatawa silang pinag uusapan.
Una akong napansin ni Zeyo. Lumabas sila sa elevator at humarap sa akin.
“Zachary, hiramin ko muna secretary mo. Kakain lang kami sa labas, maaga pa naman,” si Zeyo habang nakapamulsa.
Tinignan ko lang siya ng seryoso, sunod ay nilipat ang tingin kay Secretary Gillian na ngayon ay hindi man lang tumingin sa akin.
“Hiram? 10 minutes na lang at mag a-alas 8 na, maaga? No! Secretary Gillian, balik,” maarteng sambit ko.
Sunod naman ang pagbukas ng elevator na paakyat. Hindi na ako nag-isip, mabilis kong kinuha ang kamay ng secretary ko at pumasok sa kabilang elevator.
“Zach-“ hindi na natuloy ang pagpigil ni Zeyo nang sumara na ang pinto ng elevator.
“Ikaw!” bulyaw ko sa babaeng ‘to.
Imbes na sa mukha ko siya tumingin ay sa kamay kong nakahawak sa kanya siya nakatingin. Napaubo ako at sabay bitaw ng kamay niya na para bang napapaso.
Hindi ito nagsalita, hinawakan niya lang ang kamay niyang hinawakan ko kanina. Napapikit ako nang makita ko ang reflection niya sa pinto ng elevator. Kagat kagat nito ang labi.
Pati tuloy ako ay wala nang masabi. Hindi ko na din maalala ang sasabihin ko. Tahimik siya hanggang sa makarating sa opisina ko. Saka lang siya nagsalita nang sabihin na niya ang mga dapat kong gawin ngayon, pati na rin kong sino ang mga ka meeting ko.
“Sige po, tawagin niyo na lang po ako kong may kailangan kayo,” sambit nito at tatalikod na sana, pero nagsalita ako.
“Let’s talk,” hindi niya ako tinignan, naka yuko lang ito.
“Ano pong pag-uusapan na’tin?” tanong nito nang hindi pa rin tumitingin.
“Tama bang makipag-usap sa boss mo ng ganyan!?” hindi ko na maitago ang pagkairita. Bakit ba hindi siya makatingin sa akin!?
Kinagat nito ang labi at tumingin sa akin, ako naman ngayon ang hindi makatingin sa kanya.
“A-About the game,” naikuyom ko ang kamao nang mautal ako. “It’s just a game, don’t mind that,” mahinahon kong sambit.
Gillian’s POV
It’s just a game? Tama naman siya, It’s just really a game. Bakit ba bigdeal sa akin ‘yun? Kanina ayaw kong sumama kay Zeyo, pero pumayag ako kasi parang hindi ko pa kayang makita si Sir Zachary.
Wrong timing lang at noong paalis na kami ay siya rin namang dating niya. Sinabi kasi ni Zeyo na siya na ang bahala kay Zachary, papayag naman daw iyon pag sinabi niya, shempre pumayag na ako…. Para na rin hindi ko siya makita.
“Ok po,” sagot ko at tatalikod na lang sana ulit nang bigla ulit siya nagsalita.
“Ok po? ‘Yun lang sasabihin mo?” natatawang sambit nito sabay iling. Hindi ako nagsalita at tumango. “Haist! Labas!” tumango ulit ako at lumabas na.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay hinawakan ko agad ang dibdib ko, grabe yung kabog. Nakakainis!
Lumapit ako sa mesa ko at ginawa ang ilan sa trabaho ko. Hindi nagtagal ay narinig ko na ulit ang boses na Sir Zachary.
“Coffee,” napasulyap ako sa intercom nang marinig ang boses ni Sir doon. Pinindot ko iyon at nagsalita.
“Sige, Sir.” Tatayo na sana ako nang may maalala, muli kong pinindot ang intercom at nagsalita. “Sir, sandwich?” wala pang isang segundo ay nagsalita ulit siya.
“Kahit ano, ikaw na bahala,”
Tumayo ako at pumunta sa mini kitchen, kong saan ko inihahanda ang coffee ni Sir at pagkain, minsan lang ako pumunta doon, lalo na at minsan ay hindi dito kumakain si Sir.
Kahit ano raw ang kakainin niya? Lumapit ako sa ref at nakita kong may cake doon, natanam ako bigla. Hindi nauubusan ang laman ng ref, noong huling tingin ko dito ay walang cake dito, siguro kalalagay lang. Pati ang ibang pagkain ay napalitan na.
Kumuha ako doon at inilagay sa platito. Nang maihanda ko na inayos ko sa tray para maibigay kay Sir.
Hirap akong buksan ang pinto dahil may hawak ako, nagulat ako nang kusa iyong bumukas, hindi pala kusa dahil bumungad sa akin si Sir.
“Thank you, Sir,” sambit ko at pumasok. Inilapag ko sa mesa ang pagkain niya at ang kape.
“Secretary Gillian,” halos mapaso ako dahil sa gulat nang tawagin niya ang pangalan ko. Buti na lang at hindi tuluyang natapon, nandoon pa naman ang ilang papel na pinepermahan niya.
“Haist! Muntik na,” bulong ko
“Ayos ka lang?” nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinipan ang daliring na paso.
“Ayos lang, Sir,” hihilahin ko na sana ang kamay ko nang mas hinigpitan niya ang hawak. Napaangat ang tingin ko sa kanya, seryoso itong hinihipan ang daliri ko.
Muling bumilis ang tibok ng puso ko. Tumigil ang tingin ko sa labi niya na ngayon ay hinihipan pa rin ang daliri ko.
Nalipat ang tingin ko sa mismong mata niya nang tumigil siya sa pag-ihip. Halos hindi na ako huminga nang makitang sa labi ko din siya nakatingin.
Kinagat ko ang labi ko, nagbabakasakaling tatanggalin niya ang tingin doon, nagulat ako nang magsalita siya.
“Don’t bite your lips,” lalakeng lalake ang boses niya, malayo sa boses na ginagamit niya madalas. “Kung may kasama kang lalake, don’t fucking bite your lips. Sa tuwing kinakagat mo anh labi mo sa harap ng lalake ay para kang nag-aaya ng halik alam mo ba ‘yon?” lumipat ang tingin niya sa mata ko.
Napakurap kurap ako saka nagsalita. “H-Hindi ako nag-aaya ng halik! H-Hindi ko naman alam na…. na..” hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin nang mas lumalapit siya sa akin. “Teka bakit ka lumalapit!” Hindi ko na mapigilang sambitin iyon.
“At subrang nakakainis dahil isa ako sa naaya mo sa tuwing kinakagat mo ang labi mo,” hindi ko alam kong anong sasabihin ko. Naaya ko siya? Teka-
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong isinandal sa lamesa niya. Napatingin ako sa kamy niya na dahan dahang inabot ang kape sa likod ko inilagay sa mas malayong parte ng lamesa, nailagay niya iyon sa mas malayo nang hindi umaalis sa harap ko.
“I’ll ask you again,” seryosong sambit nito at muling tinitigan ang mata ko. “Sabihin mo sa akin yung totoo. ‘Yung totoo, Secretary Gillian…. Pinadala ka ba ng ina ko dito para akitin ako?” Seryosong seryoso siya, hindi man lang siya kumukurap.
Anong sasabihin ko? Parang pag nagsinungaling ako ngayon ay may hindi magandang mangyayare, pero hindi ko naman pwedeng sabihin ang totoo. Bakit ganoon ang expression niya? Bakit parang lalake talaga siya habang nakatingin sa akin?
“Gillian, I’m waiting,” tanong nito at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko, sa mesa, na para bang kinukulong niy ako.
“Sir,”
“Hmm?” mas inilapit niya ang sarili sa akin.
Huminga ako ng malalim bago sumagot. “Hindi po. Gaya ng sabi ko noon, nanghihinayang lang akong bakla ka at dahil gusto kita, kaya….” Hindi ko masabi sabi ang dapat kong sabihin. Bakit kasi ang lapit niya!
“Kaya?” malambing niyang sambit.
“Kaya, gusto kitang gawing lalake,” nag-iwas ako ng tingin sa kanya, ibinaling ko ang mukha sa kabila nang matapos kong sabihin iyon.
“So hindi ka pinadala ni Mommy?” tanong nito. Imbes na magsalita ay tumango na lang ako.
“Suko na ako,” napasulyap mo sa kanya dahil sa sinabi niya. Ngunit sa pagsulyap ko ay isang pulgada na lang ang labi namin. Ang ilong namin ang magkadikit na. “Sana lang ay hindi ka nagsisinungaling. Sana lang,”
Isang marahang halik ang ginawa niya sa labi ko. Gulat ako, hindi iyon maitago ng mga mata at mukha ko. Inilayo niya ng kaunti ang mukha niya sa akin saka ako tinignan muli. Mapungay na ang mata niya na para bang lasing, pero sigurado naman akong hindi siya lasing.
“You don’t need to make me a real man,” sambit nito at muling pinatakan ang labi ko. Kahit hindi ko tangungin kong anong ibig sabihin niya, alam ko na.
Oo at madami akong hindi alam na bagay bagay lalo na at trabaho pamilya lang ang inaatopag ko, pero sa sandaling ito alam ko na. Alam ko na ang ibig niyang sabihin sa mga sandalin ito.
Sunod na ginawa niya ay gaya na ng ginawa niya sa Bar. Hinawakan niya ang likod ko at hinila papalapit sa kanya.
Nakakalunod, nakakalasing.