Chapter 15 – Body Shots

Gillian’s POV

Ngayong nalaman ko na lalake siya, nailang ako bigla. Komportable ako noon kasi akala ko bakla siya, pero ngayon naiilang na ako. Sabi ko ayokong mag aksaya ng oras dahil sa lalake, pumayag akong pumunta dito bilang kaibigan at dahil mabait siya sa akin.

“Sorry, Akala ko kas---” natigilan ako nang ilagay niya ang isang daliri sa labi ko, para patigilan sa pagsasalita.

“If you’re the type of the girl na hindi inosente, hindi na daliri ko ang gagamitin ko para patahimikin ka,” sambit ni Zeyo, “You know what, I want to kiss you now para patunayan na hindi ako bakla,”

Nanlamig ako, kiss? Lihim akong napasulyap sa boss ko na prenteng nakaupo. Nakatingin siya sa akin, wait hindi, nakatingin siya sa labi kong may daliri ni Zeyo. Tama ba yung nakikita ko? Bakit parang galit nanaman siya? Ano nanaman bang nagawa ko?

Nagpatianod ako kay Zeyo nang nag aya na siyang sumayaw. Hinawakan niya ang bewang ko para mapalapit sa kanya nang makarating na kami sa gitna. Lumapit siya at bumulong.

“Don’t be shy to show your moves. Walang pakealam ang iba. Dance with me, Gillian,” bulong nito.

Paano ba sumayaw? Halos matawa ako sa tanong ko. Pinanood ko ang ibang babae, they are confident to show their moves, but I close my eyes when I see them almost kissing while dancing. Mabilis akong umiwas ng tingin doon.

Naramdam ko ang paghawak muli ni Zeyo sa magkabilang bewang ko. Nahigit ko ang hininga ko nang magsimula siyang sumayaw.

“Dance, Gillian. You can do it. Just move your hips,” sambit nito.

Dahan dahan kong nilagay ang isang kamay sa balikat niya, natigil siya at tumingin sa kamay ko. Pumikit ako at sunod ay gumiling na sa mismong harap niya, sinubukan kong alalahanin ang ginagawang pag sayaw ng ibang babae doon.

“Shit,” rinig kong sambit niya. Lumapit siya sa akin at naramdam ko na ang hininga niya sa subrang lapit niya. Dala siguro ng ininom ko kanina ay hinayaan kong mas lumapit pa. Nahihilo na din ako sa ilaw kaya hinayaan ko na lang siya at mas pinag agihan ang pag pagsayaw.

“Zachary, Where are you going!?” rinig ko ang isang boses sa likod ko. Susulyapan ko na sana, pero nagulat ako nang may humila sa kamay kong nakahawak sa balikat ni Zeyo.

“Sir,” nagtatakang sambit ko.

“Dude? Bakit?” takang tanong din ni Zeyo, imbes na magsalita para sagutit ang tanong ni Zeyo hinarap niya ako. Masama agad ang titig niya sa akin at sunod ay pinakita ang phone ko.

Namilog ang labi ko nang mapagtantong naiwan ko yun doon sa lamesa. Mabilis ko sanang kukunin iyon nang ilayo niya sa akin.

“Hinahanap ka ng nagngangalang Zaji,”

“Huh? Saan?” nanlalaki ang mata ko nang tanungin ko iyon. Imbes na magsalita ay walang sabi sabi niyang hinila ako.

Narinig ko ang tawag ng isang babae at ni Zeyo, pero dahil subrang lakas ng tugtog ay halos hindi na iyon marinig.

Nang makalabas ay binigyan nanaman niya ako ng masamang tingin. Binitawan niya ang kamay ko hinarap.

“Ano yang suot mo!?” bulyaw na tanong nito.

“Ah, Sir, si Zey—”

“Wala tayo sa trabaho kaya tawagin mo din ako sa pangalan ko!” inis nitong sambit.

Ngayon ay tinignan ko na din siya ng nakakainis

“Tama!” bulyaw ko na ikinagulat niya. Tama wala kami sa trabaho! Hindi niya ako empleyado ngayon. “Wala tayo sa trabaho kaya huwag mo konh sinisigaw sigawan!” Inis kong sigaw

Napapikit siya at hinilot ang sintido. Magsasalita sana siya ulit nang may naalala ako.

“Wait, Ano po yung sinabi mo? Si Zaji? Asan siya?” Mabilis na sambit ko.

“See! May boyfriend kang tao tapos nakikipagsayaw ka doon? Pagkatapos mong sabihin na gusto mo ako at gusto mo akong gawing ganap na lalake, malalaman kong may boyfriend ka! Anong klase kang babae!” Muli ay sigaw niya sa akin. Ang ilang tao ay napapasulyap na din.

“Wait, damn! Tanggalin mo nga yang tali mo!” Inis na sambit niya muli at mabilis na lumapit, wala akong nagawa nang bigla niyang tinaggal ang tabi ko. Sabay sabay na nahulog ang buhok ko galing sa pagkakatali. Sinuklay ko na lang ito gamit ang kamay ko.

“Fuck!” rinig kong mura nito. Bigla siyang lumapit at nilahad ang tali ko. Tinignan ko lang iyon at hindi kinuha. “Mag tali ka ulit!” Inis kong kinuha ang tali at tinali ulit ang buhok ko. Ano bang problema ng baklang ‘to!

“Inggit ka lang kasi, wala kang mahabang buhok!” mahinang bulyaw ko.

Nang maitali at tinignan ko muli siya.

“I don’t have boyfriend,” mahinahon nang sambit ko. “Saka paano mo nakilala si Zaji? Nakababatang kapatid ko yun. Tinawagan niya ako? Wala namang phone yun,” sambit ko at bubuksan sana ang phone baka si Nika yung tumawag, pero bago ko pa mabuksan ay bigla siyang nagsalita.

“Kapatid mo? Si Zaji, kapatid mo?” Halos yugyugin niya ako para masagot iyon. Tumango ako. Hindi ko alam, pero parang nakitaan ko ng ngiti ang labi niya. “ So wala kang boyfriend?” nagtatakang umiling ako.

Tumango siya at nag iwas ng tingin.

“Okay,” sambit nito at sumandal sa poste. Tatalikuran ko na sana siya nang may naisip.

Sumulyap siya sa akin nang mapansin niyang lumapit ako.

“Walang tumawag sa phone ko diba?” nag iwas siya ng tingin. “So bakit mo ako hinila? Nagsasayaw pa kami ni Zeyo,” tanong ko

“Wala,” tipid na sambit niya

“Hindi wala ‘yun,” ewan ko pero parang nagiging matapang ako dahil sa alak at dahil pinaalala niya kaninang wala kami sa trabaho. “Sir, are you jealous? Nagiging lalake ka na ba? Bakit feeling ko nagseselos ka na?” lumapit ako ng subrang lapit.

Nagiging matapang nga talaga pag may alak. Let’s the seduce begin.

Zachary’s POV

Namumungay ang mata niya habang lumalapit. She’s so hot while staring at me. Sumulyap ako sa gilid at nakitang may mga taong tumitingin na, ang karamihan nga ay kilala ko.

Napapikit ako at hinawakan ang kamay niya.

“Ghad, I will drive you home na nga!” mas pinalakas ko ang pagkakasabi para marinig ng iba ang maarte kong boses.

Nang makapasok sa kotse ay nakatingin pa rin siya sa akin.

“Zachary,” napapikit ako nang tawagin niya ako sa pangalan ko.

“Address?” tanong ko, pero nagulat ako nang bigla siyang naupo sa kandungan ko. “T-Teka, S-Secretary Gillia,” halos mautal ako nang maupuan niya ang alaga ko. Fuck!

Bumilis ang paghinga ko. Hindi ko siya magawang itulak.

“Lasing ka?” napapikit ako nang marinig ko ang tinig ko na subrang lambing.

“Hindi, pero…. Parang kaya kitang halikan ngayon.” Hell! Hindi ko alam kong anong pumasok sa isip ko at ginawa ko ang alam kong pagsisihan ko.

Anong magagawa ko? Lalake din ako at naka upo siya sa kandungan ko. Ang labi niya ay subrang lapit sa akin. Sasabihin ko na lang na lasing ako, bahala na.

Naramdaman ko ang pagkatigil niya nang hinawakan ko ang batok niya, I’m going to kiss her nang biglang may kumatok sa bintana. Nanlaki ang mata ni Secretary Gillian at mabilis na umalis sa kandungan ako. Naiwan sa ere ang kamay kong naka hawak kanina sa batok niya. Ikinuyom ko iyon at lihim na napapikit.

Inis akong humarap sa bintana ko, at doon ay nakita ko si Nheya.

Gillian’s POV

Paano ko yun nagawa? Naupo ako sa kandungan niya ng walang pagdadalawang isip. Nasa lamesa na ulit kami sa loob ng bar, napatitig ako sa alak na nasa lamesa. Sa totoo lang hindi ako umiinom ng alak at ngayon lang ako nakatikim, wala sa oras ko ang uminom ng alak.

Yung babae kaninang kumatok ay kapatid pala ni Zeyo, pinapabalik kami. Sumulyap ako kay Sir. Nakasandal na ito sa upuan. Nakapikit na animo’y tulog.

Hinawakan ko ang batok kong hinawakan niya kanina, is he going to kiss me for real? Kanina parang nag iba ulit siya. Kanina din ay may matigas akong naupuan, ayokong mag isip, pero paano kong lalake talaga siya? Tinitigasan ba ang bakla? Napapikit sa naisip. Umayos ka, Gillian!

Hindi ako ganoon kainosente para hindi malaman kong ano ang naupuan ko kanina. Ang matigas na ‘yon. Napapikit ako at mabilis na kinuha ang inumin sa mesa, walang pagdadalwang isip kong kinuha iyon at inunom ng mabilis.

“Hey, relax,” rinig kong sambit ni Zeyo. Ngumiti ako ng tipid at tumango. Muli ko siyang sinulyapan at ganoon pa rin ang posisyon niya, nakasandal ang ulo sa upuan.

Pang tatlong baso ko na ito. Sabi ni Zeyo lady’s drinks daw to, pero pinaalalahan niya ako na kahit lady’s drinks ay nakakalasing din,”

Napasulyap kami sa may DJ nang biglang may magsalita. Nandoon si Samuel ang may birthday ngayon.

“Let’s do a game. Body shots? I have list here who will join,” naghiyawan ang iba at sunod ay sinabi na niya kong sino ang mga kasali.

Body shots? Well I don’t know that, hindi ko iyon alam. Ano namang alam ko sa mga larong ‘to? Body shots? Ano yun iinom sa katawan? Natawa ako sa naisip. Hindi ko sana papansinin, pero bigla kong narinig ang pangalan ko.

Napansin ko din ang biglang pag angat ng ulo ni Sir.

Lahat ng nasa mesa namin ay kasama, ang iba ay galing sa ibang mesa.

“Kasali ako?” takang tanong ko kay Zeyo, tumango siya. “Paano yon?”

Natigilan siya ng tanungin ko iyon. “You’re so innocent,” sambit niya.

Sunod ay sinabi niya kong paano iyon. Lalagyan ng asin ang aling parte ng katawan at doon didili pagkatapos uminom.

Wala kong nagawa nang hilahin na nila ako sa harap. May nilagay silang dalawang bowl doon at ang bowl na isa ay nakalagay ang pangalan namin, sa isang bowl naman ay ang parte ng katawa. Para daw surprise.

Hindi ko alam kong tama ba na nandito ako. 4 na lalake at 4 na babae. Ayos lang daw kong kaparehong lalake ang mabunot, tutal ay yung dalawa ay bakla, si Sir at yung isa na galing sa kabilang mesa ang tinutukoy nilang bakla.

“Sayang,” rinig kong sambit ni Zeyo nang matapos siyang bumunot. “Si Riza,” sambit ni Zeyo. Para silang sanay na sanay sa ganitong laro. Kumuha siya ng inumin na naka handa sa mesa saka kumuha ng asin, lumapit siya sa isang bowl at bumunot.

“Wrist,” sambit niya at mabilis na lumapit sa tinatawag niyang Riza. Inilagay niya ang asin sa pulso nito at ininom niya ang hawak na alak sunod ay dinilaan at sinipsip niya ito. Halos mapapikit ako sa ginagawa nila.

Naghiyawan ang lahat nang matapos si Zeyo.

Sunod ay yung mga hindi ko kilala, sunod na bumunot ay si Nheya ang kapatid ni Zeyo, nasabi kanina na pag nabunot ni Nheya sj Zeyo ay uulit siyang bumunot.

“What?” hindi makapaniwalang sambit ni Nheya. “Samuel,” walang ganang sambit niya. Bumunot siya sa kabila at ang nabunot ay sa gilid ng leeg.

Kagaya kay Zeyo ay parang sanay na sanay na din siya, wala siyang pagdadalawang isip na ginawa iyon. Muling nag sigawan nang hawakan pa ni Samuel ang bewang ni Nheya. Napabuntong hininga ako, ganito ba ang mayayaman? Ibang klase. Lumapit ako dahil ako na ang sunod.

Bumunot ako at halos manlaki ang mata ko nang mabasa kong kaninong pangalan iyon.

“Sino?” tanong ni Zeyo at lumpait para basahin. “Woah, Zachary,” suminghab ang ilang malapit. Nakarinig pa ako na baka hindi daw pumayag si Sir kasi bakla siya, baka hindi papayag kasi babae ako.

Muli akong bumunot at napapikit ako nang mabasa ang nakasulat, adams apple. Hindi ko alam ang gagawin ko, kong hindi pa lumapit si Zeyo para tapikin ako ay hindi ako magsisimula. Kumuha ako ng inumin at asin.

“This is just a game,” rinig kong sambit niya na narinig ng lahat

Prente lang siyang naka upo at wala atang planong tumayo sa sofa. Dahan dahan akong lumapit.

“What? You try to kiss me a while ago? Asan nanaman ang tapang mo?” Pang aasar nito, mahina ang boses niya at alam kong ako lang ang nakarinig. Ewan ko kong nag kukunwari nanaman siya gaya ng ginawa niya noon sa condo ni Zeyo, pero dahil sa sinabi niya ay nawala ang hiya ko.

Narinig ko ang hiyawan nang maupo ako sa kandungan niya.

“Bitch!” Rinig kong sambit ng kong sino.

“Pano ba iyan? Matapang na ulit ako,” sambit ko. Imbes na magsalita ay inangat niya ang ulo para malaya akong malagyan ng asin ang adams apple niya.

Inilagay ko iyon ng dahan dahan, hindi pa nakuntento at kinalat pa iyon. Nagtaas baba ang adams apple niya, nagpapakitang lumulunok siya.

Ininom ko ang alak na hawak ko at mabilis na inilapit ang labi sa adams apple niya kong nasaan ang asin. Unang dila ko ay naramdaman ko ang pagkakatigil niya at ang pag lunok niya. Sunod na pagdila ko humawak na siya sa likod ko.

Humiyaw ang lahat dahil doon.

“May pag asa pa! Gawin mo siyang lalake!” birong sigaw ni Samuel.

Nang matapos ako ay mabilis akong tumayo, tumayo din siya at hindi ako tinignan. Mabilis siyang lumapit para bumunot. Nanghihina ako para panuorin pa siya. Naupo ako sa mismong pinag upuan niya.

Hindi na ako nag abalang tignan o alamin kong sino ang nabunot niya. Ngunit, nagulat ako nang makitang nakatayo na siya sa harap ko. No way! Don’t tell me—

Napapikit pikit ako, bago pa ako makapagsalita ay mabilis niyang nilagyan ng asin ang labi ko. Naitikom ko ang labi ang malasahan ang alat. Pinanood ko siyang linagok ang iniinom at biglang yumuko para hawakan ang batok ko at halikan.

Napigil ko ang sariling huminga, lalo na nang pinaghiwalay niya ang pagkakatikom ng labi ko at ipinasok ang dila.