CHAPTER 79: LET ME BE THE ONE
KAI
"Aalis ka?" tanong sa akin ni Dasuri nang makita nya ko pagkababa ng hagdan. Kasalukuyan syang nakaupo sa sala at nanunuod ng pororo. Hindi ko mapigilang mapangiti. Napakaisip-bata talaga ng asawa ko.
"Oo, pero babalik din agad ako bago magtanghalian." Sagot ko naman habang binubutones 'yung dulo ng suot-suot kong pink long sleeve, na pinartneran nang gray pants with the same color of shoes. Naramdaman ko ang pagtayo nya mula sa sofa at paglapit sa akin.
"Wow, ang gwapo ng asawa ko ah. At ang bango pa." saad nito habang inaayos ang collar ng damit ko. Ngumisi naman ako sa harap nya.
"Sabi na nga ba naaapektuhan ka rin ng charms ko." Isa-isa kong kinuha ang kamay nya at inilagay 'to sa aking balikat.
"Pero gusto ko paring malaman. Sino nga ba ang mas gwapo para sa asawa ko."
"Si Sehun," I put my hands on her waist.
"Oh' Ako?" hinigit ko sya papalapit sa akin and look at her eyes. Gusto kong sagutin nya ang tanong ko habang nakatitig sa aking mga mata. Narinig ko naman ang bahagya nyang pagtawa.
"Hanggang ngayon ba naman. Issue parin 'yan?" nakanguso nyang tanong.
"Yeah, so answer me wisely my wife." Sagot ko.
"Hmmm."
Itinaas nya ang kanan nyang kamay at dahan-dahang hinaplos ang aking mukha. Mula sa pisngi ko, papunta sa ilong, at pababa sa aking labi. Hinawakan nya ang mga iyon habang titig na titig sa akin. Hinyaan ko lang sya dahil mataman ko rin namang pinagmamasdan ang mga ngiti nyang kaygandang pagmasdan.
"Hubby, napakasaya ko ngayon" naulinigan kong sambit nya.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Natupad na kasi 'yung isa sa mga pangarap ko. Dati iniisip ko, ano kaya 'yung pakiramdam na makasama 'yung bias mo. 'Yung tipong hindi mo kailangang lokohin 'yung sarili mo. Dahil alam mo, at sigurado ka na ikaw 'yung tinitignan nya, ikaw 'yung nginingitian nya at nasasayo lang ang atensyon nya."
"Ang hirap kasi 'nung kahit sa simpleng pag ngiti nya, alam mong may kahati ka. Ganon kahirap ang pagiging fangirl, kaya ikaw, hangga't maari iwasan mong masaktan ang mga fans mo. Ingatan mo sila gaya ng ginagawa mo sa akin."
"Ginagawa ko naman ah?" ipinagdikit ko ang mga ilong namin at pinagkiskis ito.
"Sadyang imposible lang talaga na lahat sila ay mapagtuunan ko ng pansin. Gustuhin ko mang magkasama ang bawat isa sa kanila, at tumbasan ang pagmamahal na ibinibigay nila sa akin. Hindi ko parin maitatangi na para lang sa iisa ang puso't katawan ko. Sa iisang babaeng pinakasalan ko," nakita ko ang pag ngiti ni Dasuri nang marinig ang sinabi ko.
Hinalikan ko ang ilong nya saka muling nagsalita. "At ikaw 'yon, mahal ko."
Mula sa mga mata nya, ibinaba ko ang tingin ko patungo sa mapupula nyang labi. Unti-unti kong binabawasan ang espasyo sa pagitan ng aming mga labi. Ipinikit nya ang kanyang mga mata para ipaubaya ang sarili.
Hindi naman nagtagal ay dahan-dahan ko na ring ipinipikit ang aking mga mata habang unti-unting nagtatagpo ang aming mga labi.
Ayokong saktan ang mga fans ko, pero sana maintindihan nila na kaming mga IDOLS, we can be their prince but, NOT their MAN.
DASURI
"Bye, Ingat ka ha. I love you." Isinara ko na 'yung gate ng bahay namin matapos makalabas rito ang kotse ni Kai. Kinawayan ko pa sya kanina habang papalayo sya sa akin.
Nakakatuwang isipin na sa maikling panahon, naranasan ko kung paano ba ang maging tunay na asawa nya. Ipinagluto ko sya ng pagkain, inayos ko ang damit nya. Magkatabi kaming natulog sa isang kwarto at pinagsaluhan namin ang isang gabing puno ng aming pagmamahalan.
Humarap ako sa bahay at pinagmasdan ang kabuuan nito. "Gusto ko sana kapag isinilang ko ang magiging unang anak ko. Dito rin sya gumawa ng magagandang ala-ala kasama ko."
"At ng ama nya," ngumiti ako sa langit bago tuluyang pumasok sa loob. Hindi ko dapat sayangin ang oras, marami pa kong dapat gawin.
Pagkapasok ko sa loob, nilibot ko ang paligid sa pamamagitan ng aking paningin. Bawat sulok nito ay katumbas ng mga ala-alang hindi ko malilimutan.
"Say ahh."
"Ahh?-mmmph." Bigla kong sinubuan ni Kai ng pagkain nya. Halos mabulunan na ko dahil sa dami ng kanin na isinubo nya sakin. Hindi naman nya yun pinansin at nagpatuloy ulit sa pagkain.
"Kumain ka nang maayos. Malaki kana para subuan pa." Napairap na lang ako dahil sa sinabi nya. As if naman na nagpapasubo ako. May iniisip lang naman ako. Psh. Nagsimula na rin ako sa pagkain pero habang ginagawa ko yun hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa kanya. Nagtataka din kasi ako kung bakit sya nandito. May masama na naman kayang nangyari sa Exo? Nag-away na naman kaya sila ni Kris? Aish.
"Ugh.. Hubby---I mean Kai. Bakit ka pala nandito? May problema ba?" hindi na ko nakatiis kaya nagtanong na ko. Hindi nya ko nilingon pero narinig ko syang magsalita.
"Base sa pagkakaalala ko, bahay ko pa rin naman 'to. Wala naman sigurong masama kung umuwi ako..." nagpaused sya sandali at tinignan ako.
"Sa bahay namin ng asawa ko." Nakipagtitigan pa sya sakin sandali bago nya ibinalik ang atensyon sa pagkain.
"And one more thing.. mas prefer ko yung hubby kaysa sa Kai." Palihim akong napangiti dahil sa mga sinabi nya. Oh. My. Oh. My. I CAN'T BREATH!!! Nilalandi ako ng hubby ko.
Waaah! Grabe. Para kong nanalo sa lotto dahil sa sobrang tuwang nararamdaman ko. Sana ganyan na lang sya lagi. Weee.
Somebody told me you were leavin'
I didn't know
Pinagmamasdan ko lang sya habang dahan-dahan syang naglalakad papalapit sa'kin. Lumuhod pa sya para magkalevel kami. Naglabas sya ng panyo at marahang pinunasan 'yung mukha kong napuno ng laway ng mga aso.
Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lang ako sa mukha nya habang pinipigilan ang pagpatak ng luha ko. Ayokong umiyak sa harap nya. Sabihin pa nya namiss ko sya ng sobra. Psh.
Somebody told me you're unhappy
But it doesn't show
"I hate you." Sambit ko. Mukhang hindi naman nya inintindi 'yung sinabi ko at nagpatuloy lang sa pagpunas sa mukha ko.
"Narinig mo ba 'yung sinabi ko? Sabi ko I Hate You." Para kasing hindi nya ko naririnig. Inayos pa nya 'yung buhok kong nagulo dahil sa mga aso kanina.
"Too bad. Mahal na mahal na kasi kita eh." sinulyapan pa nya ko then gave me a sweet smile. Hindi ko na napigilan, hinigit ko sya't niyakap ng mahigpit.
Umakyat ako sa hagdan at nagtulay sa ikalawang palapag. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Bawat hakbang ko paakyat, ay sya ring unti-unting pagbigat ng mata ko.
Somebody told me that you don't want me no more
So you're walkin' out the door
Nobody told me you've been cryin'
Every night
"Dasuri, please." Nagulat ako nang biglang humina ang boses nya.
"Tell me."
Nobody told me you'd been dyin'
But didn't want to fight
"You love me, right?" kitang-kita ko sa mata nya ang pagsusumamo.
Ganito ba magselos ang isang Kim Jong In? Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon. Ang isang suplado, self-centered at walang pakialam na asawa. Parang isang maamong tupang nagmamakaawa sa harap ko ngayon. Talaga pa lang mahiwaga ang pagmamahal. Nababago nya ang isang tao sa loob lang ng maikling panahon.
Hindi ako sumagot sa tanong nya. Sa halip ay pinulupot ko ang dalawa kong kamay sa kanyang leeg. Tumingkayad ako't idinampi ang labi ko sa kanya. Ramdam ko ang pagkagulat nya sa ginawa ko pero hindi rin nagtagal ay mas lumapit pa sya sa akin para ilapat ng mas maayos ang labi namin sa isa't-isa. Siguro mas mabuting iparamdam ko sa kanya ang sagot ko sa tanong nya.
Kapipikit ko pa lang nang bahagyang lumayo sa'kin si Kai. Napatitig tuloy ako sa kanya. Hindi nya ba nagustuhan 'yung ginawa ko? Nakipagtitigan din sya sa akin.
Nobody told me that you fell out of love from me
So I'm settin' you free
"Okay lang ba kung sagutin ko rin 'yung sagot mo?"
Hindi pa man ako nakakasagot, muli nyang inangkin ang mga labi ko. Dahan-dahan ding bumababa ang mga kamay nya papunta sa bewang ko para mas ilapit ako sa kanya. Napapitlag naman ako nang maramdaman ang paggalaw ng mga labi nya. Omo, A-Anong gagawin ko?
Napansin ko ang nakabukas na pinto ng kwarto ni Kai. Napasulyap ako sa kama nya.
Let me be the one to break it up
So you won't have to make excuses
"Dasuri," he hushed
.
Napamulat naman ako't napatitig sa kanyang mata. I was shock when I saw love and desire inside him.
"Will you make love with me?"
We don't need to find a set up where
Someone wins and someone loses
Dali-dali kong isinara ang pinto nito. Kinagat ko rin ang aking labi para pigilan ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata. Pinilit kong maging matatag. Kailangan kong maging matatag. Pumasok na lang ako sa aking kwarto at kinuha sa ilalim ng unan ang isang envelope. Dahan-dahan ko 'yung inilapag sa ibabaw ng kama.
We just have to say our love was true
But has now become a lie
Nasagi naman ng mata ko si Kauru na nakasandal sa headboard ng kama. Umupo ako sa tabi nya. Kinuha ko ito at niyapos, "Baby, si daddy muna ang mag-aalaga sa'yo ah. Sya muna 'yung makakasama mo. H'wag kang magpapasaway, hayaan mo syang yakapin ka kapag malungkot sya. Hayaan mong ilabas nya sa'yo 'yung mga sama ng loob nya. Hayaan mong umiyak sya sa harap mo." hindi ko namalayan pero unti-unti na palang nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga namumuong luha sa gilid nito.
"W-Wala na kasi ako sa tabi nya para gawin 'yon." Ibinalik ko na sya sa dati nyang pwesto. At saka ko hinawakan ang handle ng aking maleta.
So I'm tellin' you I love you one last time
"I'm sorry baby pero, I'm leaving."
And goodbye.