CHAPTER 78: IS IT FINAL?

KAI

Pagkatapos nang nangyaring kaguluhan kanina. Hindi ko na alam kung anong nangyari kay Dasuri. Ginawa ko ang lahat para hindi kami magkalayo, kaya lang sobrang dami talaga ng fans na dumumog sa akin. Mabuti na lang talaga at nagawa kong tawagan si Jamie noona. Dumating naman agad sya para makontrol ang mga nagkakagulong fans.

"LISTEN EVERYONE! ALAM KONG SOBRA NA ANG PAGKAMISS NYO KAY KAI. AT ALAM KO RIN NA KAYA KAYO NAGKAKAGANYAN AY DAHIL GUSTO NYO SYANG MAKITANG MULI KASAMA ANG GRUPO NYA."

Panimula ni Noona nang mailayo na ko sa crowd. May tumulong din sa aming mga gurads to handle the situation. Kumuha pa si noona ng mega phone para makuha ang atensyon ng lahat. Sumang-ayon naman halos lahat ng taong naroroon.

"THEN YOU NEED TO COOPERATE WITH ME. FORGET EVERYTHING HAPPEN TODAY. KALIMUTAN NYONG NAKITA NYO SI KAI, KALIMUTAN NYO ANG LAHAT NG BAGAY NA NAKITA NYO KAUGNAY SA KANYA. KAPAG HINDI KUMALAT SA IBA ANG TUNGKOL DITO. BELIEVE ME, EXO WILL BE ONE AGAIN."

Naghiyawan ang lahat dahil sa narinig. Tuwang-tuwa sila sa ideyang binuo ni noona sa mga utak nila. Ang iba pa nga'y pumalakpak dahil sa tuwa.

Matapos ang pangungumbinsi ni Noona sa sandamakmak na fans. Ako naman ang pinagtuunan nya ng pansin. "Noona, thank you dahil dumating ka para iligtas ako. Akala ko talaga katapusan ko na kanina." Umpisa ko rito.

"Anong thank you-thank you ka dyan. Hintayin mong makabalik ka sa dorm at doon kita sisingilin sa lahat ng sakit ng ulong ibinigay mo sa akin. Ano ba kasing kinain mo't naisipan mong ibalandra sa publiko ang pakikipagdate mo. Alam kong may karapatan kayong magdate ng asawa mo, pero h'wag mo rin sanang kakalimutan na next year pa matatapos ang NO Dating contract mo."

"I'm sorry noona pero hindi mo na magagawa 'yon. Wala na sa plano ko ang bumalik sa dorm. Kaya sana hindi mo sinabi sa kanilang babalik pa ko as member of Exo. Pinaasa nyo lang 'yung mga fans." Pagtatapat ko rito. Nagpakawala lang sya nang buntong-hininga habang nakakatitig sa akin.

"Hay, naku Kai. H'wag kang magsasalita ng tapos okay?" sabay abot nya sa'kin ng aking sumbrero.

"Hanapin mo na lang 'yung asawa mo. Hindi ko na kasi sya nakita mula nang dumating ako dito. Pero please lang, wala nang gulo kagaya nito." Makikita mo sa mukha nya ang pagmamakaawa.

"Oo na. Sige noona, una na ko. Salamat ulit ha. Maasahan ka talaga." Niyakap ko pa sya bago nagmamadaling umalis roon. Narinig ko pa syang magpahabol ng salita.

"Pasaway talaga. Magingat ka!"

Hindi ko na sya pinagkaabalahan pang sagutin. Minabuti ko na lang na simulan na ang paghahanap sa asawa ko. Hindi rin naman nagtagal ay nakita ko syang nakaupo sa isa sa mga waiting area roon. Patakbo naman akong lumapit sa kanya.

"Dasuri, nandito ka lang pala. Kanina pa ko nagaalala sa'yo. Bakit bigla ka na lang nawala sa tabi ko? Nasaktan ka ba nila? Nasugatan?" chineck ko pa ang bawat parte ng katawan nya. Mamaya kasi naitulak pala sya hindi ko lang namalayaan.

"Ano ka ba. Okay lang ako." Hinawi pa nya 'yung kamay kong nakahawak sa kanya.

"Sigurado ka?" paninigurado ko. Bigla kasi syang tumamlay sa paningin ko. Nginitian nya ko saglit at saka tumango-tango.

"Uwi na tayo. Napapagod na ko." hindi na nya hinintay ang sagot ko. Basta tumayo na lang sya sa pwesto nya at naunang maglakad.

Pagkasakay namin sa bus, hindi na sya umimik pang muli. Hinayaan ko na lang sya at hindi na nag-usisa pa. Mukha naman kasing napapagod na talaga sya. Makalipas lang ang ilang minuto.

Napansin ko ang unti-unting pagbagsak ng ulo nya habang nakapikit. Nagigising naman sya bigla sa tuwing nararamdaman nyang bumabagsak na ang ulo nya. Pero hindi rin naman nya mapigil ang antok kaya paulit-ulit parin syang pumipikit.

Natawa ko sa sitwasyon nya kaya hinawakan ko ang ulo nya at bahagyang idinantay 'to sa kaliwang balikat ko.

"You can lean on me." Bulong ko rito.

Hindi pa tumatagal ang pagdantay nya sa akin ay napansin ko na ang pagsulyap-sulyap sa amin ng isang babae at isang lalaking nakaupo sa bandang unahan namin, sa kabilang side.

"Si Kai ba 'yon ng Exo?!"

"Akala ko ba kasama nya ngayon ang pamilya nya? Eh sino 'yang babaeng nakadantay sa balikat nya?" naulinigan ko pang sambit nung babae sa katabi nyang lalaki. Mukhang magkasintahan sila. Nilingon rin naman kami 'nung lalaki. Ayoko nang gumawa na naman ng gulo kay ibinaba ko nang kaunti ang suot-suot kong sombrero para matakpan ang mukha ko.

"Naku! Tumigil kana nga sa pakikiisyoso mo. Mamaya mahalata pa nila tayo." sinusubukan pang pigilan ng lalaki 'yung kasama nyang babae pero ayaw talaga nitong paawat.

"Ayoko nga. Dapat makuhaan ko sila ng picture para ma-i-post sa internet. I'm sure pagkakaguluhan 'to." naalarama ko nang makitang ilabas nya ang kanyang cellphone. Gusto ko sanang sabihin kay Dasuri ang tungkol dito pero ayoko namang lalong masira ang date namin.

Itinapat na sa amin 'nung babae 'yung cellphone nya. Patuloy lang ako sa pag-iisip ng paraan para mapigilan 'yon.

"Hoy, sweety, hayaan mo na sila. Respetuhin mo naman 'yung privacy nila." pigil na namang muli 'nung lalaki sa girlfriend nya.

"Privacy? Ha. Wala sa dictionary ng mga artista 'yan. Hayaan mo ko sa gusto ko." pagpupumilit naman 'nung babae.

Napailing na lang ako't napabuntong-hininga. May mga tao talagang walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Ang lagi lang nilang iniisip ay 'yung makakabuti para sa kanila. Pipindutin na sana 'nung babae 'yung camera button ng cellphone nya 'nang maramdaman ko ang biglang pag-angat ng ulo ni Dasuri.

Nilingon ko sya't nakita ang paglipat nang ulo nya sa kabilang side ng pwesto nya. Mas pinili na lang nyang idantay ang ulo nya sa salamin ng bus kaysa ang makuhaan kaming magkasama. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa nangyari.

Is this the price of being an IDOL?

Hanggang sa makauwi kami sa bahay at makakain. Wala paring imik si Dasuri. Gusto ko sanang kausapin sya pero napangungunahan ako ng hiya. Alam kong nalungkot sya sa nangyari. Baka nga galit pa sya. Naiintindihan ko naman 'yon, kasalanan ko naman talaga.

"Kung napapagod kana. Sige umakyat kana sa taas. Ako na bahalang magligpit dito." Suhestyon ko pagkatapos naming kumain. Sinulyapan naman nya ko saka tumango.

Pinagmasdan ko muna syang makaakyat bago ko nagsimulang kumilos. I really need to fix it. Hindi pwedeng lagi na lang ganto ang kalalabasan sa tuwing lalabas kaming dalawa. Hindi ganto ang gusto kong set up kapag lumagay na ko sa tahimik.

Matapos ang gawain ko sa kusina, dumiretsyo ako sa kwarto ko para matulog. Binalak ko pa sanang katukin si Dasuri kaso naisip ko baka natutulog na sya. I really feel sorry for her. I know, gusto nyang magdate kami as a normal people. Napakasimpleng bagay pero hindi ko maibigay sa kanya.

Humiga ko sa kama at tumitig sa kisame, "Kai, wala ka ba talagang magagawang tama?"

Sa sitwasyon namin ngayon, lahat na lang nasasaktan ko. Ang mga kaibigan ko, ang mga fans, pati na ang mismong asawa ko. Masama na bang asamin na maging masaya? Masama bang magmahal?

Ipinikit ko ang mata ko dahil sa pagkadismaya. You can't really have it all. There's always an exchange for everything.

Ang sikat ng araw mula sa bintana ang gumising sa akin. Pagtingin ko sa orasan, alas-otso na ng umaga. Mukhang napasarap ang tulog ko. Bumaba ako ng kwarto para sana magluto ng agahan.

Oo, ako ang nagluluto para sa aming dalawa. Para namang may maasahan ako sa asawa ko. Tsk. Pagpasok ko ng kusina, natameme ako sa naabutan ko. Nakita ko si Dasuri na naghahain na ng makakain namin. Otomatikong sumilay sa labi ko ang napakatamis na ngiti habang pinagmamasdan sya. Natauhan lang ako nang mapatingin sya sa akin.

"Oh' hubby? Good morning. Tara, upo kana dito para makakain na tayo." alok pa nya sa'kin habang napakatamis ng ngiti.

"Nananaginip ba ko? Talaga bang ikaw ang asawa ko?" medyo pabiro kong tanong pagkalapit ko sa kanya. Inismidan naman nya ko.

"Yah! Ang aga-aga ah. Umayos ka nga."

"Oo na." Sambit ko sabay upo sa upuan sa harap ko. Lumapit naman sya sa akin at inayos ang pagkakainan ko.

"Ayan, kumain ka nang madami ah? Pinaghirapan ko 'yan." Nilagay nya sa harap ko ang isang plato ng fried rice na may heart-shape na fried egg sa ibabaw nito. Tinambalan pa nya 'yon ng soup.

"Pagkain ba 'to?" tanong ko habang inuusisa 'yon. Halata kasing nasunog 'yung itlog. Hindi rin ayos ang pagkakaluto 'nung kanin. Tinikman ko naman 'yung soup at muntik na maibuga.

"Bakit ang alat nito?!" medyo napataas ang boses ko dahil sa pagkagulat. Halatang nagulat si Dasuri dahil sa ginawa kong pagsigaw.

"Bakit hubby? Ayaw mo nang niluto ko?" lumungkot bigla 'yung mukha nya.

"Anong sa tingin mo? Hindi mo naman matatawag na pagkain 'yang niluto mo." pagsasabi ko rito ng totoo. Bumagsak naman ang dalawang balikat ni Dasuri at tumingin sa'kin na may nagbabadyang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata.

Napahawak na lang ako sa sintido ko. OO NA, ako na naman ang talo. Kinuha kong muli 'yung chopstick at nagsimulang kumain. Inuna ko 'yung overcooked na fried rice and egg. Biglang nagningning naman 'yung magkabilang mata ni Dasuri.

Umupo pa ito sa tabi ko at nangalumbaba habang nakatitig sa akin. "Sabi ko na nga ba hindi mo ko matitiis eh. I love you hubby,"

Nasamid ako bigla nang marinig ang sinabi nya. Pakiramdam ko biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko tuloy sya magawang lingunin.

"Ahh. Alam ko na, susubuan na lang kita para mas maenjoy mo yung pagkain." Kumuha pa sya ng isang kutsara at sumandok sa pagkain ko.

"Hubby, say ahh." nailang naman ako lalo sa ginagawa nya.

"H'wag mo na kong subuan. Kaya ko nang kumain mga-isa." Pagtanggi ko dito. Hindi naman sya natinag at nagawa pang magpacute sa harap ko.

"Ihh. Papayag na 'yan. Ayan na. Ayiee." Pangungulit pa nito. 'Yung totoo, ano na namang nasinghot ng babaeng 'to?

Hinawakan ko 'yung kamay nya at isinubo sa kanya 'yung kutsarang hawak-hawak nya. "Ayan, subuan mo 'yung sarili mo." tumayo na ko sa upuan ko at naglakad palayo.

Lagpas kalahati na naman 'yung nakain ko sa niluto nya. Pu-pwede na siguro 'yon.

"Saka mo na ko kausapin kapag normal ka na ulit." Pahabol ko pa bago tuluyang lumabas ng kusina. Narinig ko pa ang pagapela nya kaya napangiti ako.

"Baliw talaga." Bulong ko.

Saktong pagkalabas ko ng kusina, tumawag naman bigla sa akin ni Jamie noona. Oo nga pala, eto na 'yung araw na pinag-usapan namin. Sinagot ko naman iyon.

"Hello noona?"

“Tumawag lang ako para…” hindi ko na sya pinatapos pa. Lakas-loob na kong nagpatuloy sa pagsasalita.

"Alam ko. Eto na 'yung araw na pinag-usapan natin. Kaya nga hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa," huminga muna ko nang malalim bago nagsalitang muli.

"I will talk to our management to cancel my exclusive contract with SME."