CHAPTER 77: OFFICIAL DATE
DASURI
"Sigurado ka. Okay lang na maggala tayo sa gantong karaming tao?" tanong ko kay Kai habang naglalakad kami sa kalsada na magkahawak ang kamay.
Inaya nya kasi akong lumabas. Pumayag na ko tutal nakabihis na naman ako at ayoko ring maburyo sa bahay. Sayang naman 'yung couple jacket namin kung 'don lang kami sa loob diba? Sayang lang din ang shoes. Dapat lang irampa. Haha.
"I thought you trust me?" naalala ko naman 'yung naging sagot ko sa tanong nya kanina. Oo nga pala 'yung sagot ko.
"Oo nga."
"Bakit parang nagdududa ka?"
"Hindi naman. Nag-aalala lang. Baka kasi makilala ka ng mga tao sa paligid. Baka bigla nila tayong dumugin." Palinga-linga pa ko habang sinasabi 'yon. Nakasalamin lang kasi sya tapos nakacap. Ayaw pa nga nya sanang magsuot 'non kung hindi ko lang sya pinilit. Kinakabahan tuloy ako.
"Mas okay 'yon. Nang malaman nilang kasal na talaga ko." buong kumpyansa nyang sagot. Nanahimik naman ako pagkatapos 'non.
Namutawi lang ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa matuon ang atensyon ko sa isang park na daraanan namin. Puno kasi 'yon ng mga tao. Mostly mga kababaihan.
"Hubby, tignan mo 'yon. Ang daming tao. Ano kayang meron 'don?" sabay turo ko pa 'don. Nilingon naman 'yon ni Kai.
"Mukhang may fan meeting." Kaswal nitong sagot habang nakatitig sa mga fans.
At stage kung saan nakatayo ang isang kpop group.
Sinulyapan ko ang mukha nya. Halata sa mga mata nya ang lungkot na matagal na nyang itinatago sa akin.
"Oo nga. Hmm. Hindi kaba naiingit sa kanila?" Gaya nang inaasahan ko. Nilingon ako ni Kai habang magkasalubong ang kanyang kilay. Tinanggal ko naman ang pagkakahawak nya sa kamay ko at humarap sa stage.
"Ibig kong sabihin, hindi mo ba nami-miss 'yung tilian ng mga fans? O' kahit 'yung tumayo sa ibabaw nang stage na 'yan? Magperform at pasayahin ang mga fans mo? Alam ko naman kasing hinahanap-hanap mo rin ang mga bagay na ginagawa mo 'nung idol ka pa." pasimple kong pagpapaamin sa kanya.
"That was before." Tipid nyang sagot. Bahagya naman akong napangiti.
"Kai, I missed being a fan girl." Diretsyahan kong saad sa kanya. Naramdaman ko ang pagtitig nya sa' akin.
"Nami-miss ko yung mga pagkakataon na matyaga kong naghihintay para lang makita ang bias ko. 'Yung mapaos ako kakasigaw ng pangalan nya. 'Yung magpuyat para lang mapanood ang mga guestings, tv. Shows at kung anu-ano pang palabas na konektado sa kanya. 'Yung wala kang pakialam kahit hindi ka naman sigurado kung napapansin nya ba ang mga effort mo. O' kung alam nya bang nage-exist ka sa mundong 'to. Dahil ang mahalaga maiparamdam mo sa kanya kung gaano sya kaespesyal para sa'yo."
Dahan-dahan kong nilingon si Kai,
"Okay lang ba kung balikan ko 'yung dating ako?"
"Okay lang ba kung... bumalik ulit tayo sa umpisa?"
Hindi sya sumagot agad. Nakatitig lang sya sa mga mata ko. Mukhang pilit nyang binabasa ang laman ng aking isipan.
"Ayoko."
"Ayokong bumalik ka sa pagiging fangirl. Hindi ako tanga para hayaan kang pagpantasyahan ang ibang lalaki. Tandaan mo, ako ang asawa mo hindi si Sehun." Napangiti ako dahil sa sinabi nya. Nagseselos na naman ba sya?
"Umalis na nga tayo dito. Kung anu-ano na namang kalokohan ang pumapasok dyan sa utak mo." hinawakan pa nya ang kamay ko para isama sa paglalakad. Pero hindi ako nagpatangay kaya napatingin sya sa akin.
"Paano kung sabihin ko sa'yong ikaw ang bias ko? Pano kung kagaya nang maraming fans... hilingin ko rin sa'yong bumalik ka na sa pagiging idol? Mapagbibigyan mo ba ko?" Naramdaman ko ang pag-ihip ng malakas na hangin sa paligid. Tinatangay nito ang buhok ko pero hindi pa rin 'yon naging hadlang para makita ko nang buo ang mukha ni Kai na nababalot ng pagtataka.
"Itigil mo na nga 'yang mga kalokohan mo. Hindi na ko natutuwa." Hinila nya ko nang buong pwersa. Halos kaladkarin na nga nya ko palayo. Beast mode na naman ang lolo nyo. Tss.
"Aray! Dahan-dahan naman. Nasasaktan na ko." reklamo ko sa kalagitnaan ng panghihila nya sa akin.
"Saan ba kasi tayo pupunta?!" kanina pa kasi kami naglalakad pero hanggang ngayon hindi ko parin alam kung saan ba kami tutungo.
"Hindi ka ba talaga sasagot? Hala, sige, sisigaw ako dito." Babala ko pa sa kanya. Hindi naman sya natinag at nagpatuloy lang sa palalakad.
"Isa Kai! Pagbilang ko ng tatlo at hindi mo ko kinausap. Sisigaw talaga ko ng kidnapping."
"Dalawa!" aba! Hindi talaga natitinag.
"Dalawa't kalahati."
"Tatlo, Sisigaw na talaga.... aray!." naudlot 'yung pagsigaw ko nang tumama ko sa likod ni Kai dahil sa bigla nyang paghinto.
"Ang ingay mo talaga kahit kailan." Reklamo nya sabay bitaw sa kamay ko. Napatulala naman ako nang makita ang kabuan nang lugar na kinaroroonan namin.
"Kai, diba dito 'yung..." wala sa loob kong sambit. Nilingon naman nya ko't nginitian.
"Naalala mo parin pala."
"Aray! Teka naman, Saan mo ba kasi ako dadalhin?" reklamo ko sa kalagitnaan ng panghihila nya sa'kin. Ang sakit na ng paa ko, nakaheels pa naman ako tapos hirap na hirap na ko sa pag-angat ng laylayan ng gown ko.
"Sakay," binuksan nya 'yung pinto ng isang kotse.
"Ayoko nga. Sagutin mo muna 'yung tanong ko." nakakainis, hindi ko alam na ganto pala ugali ng bias ko sa personal, nakakainis.
"Sumakay kana! We're running out of time!" natakot ako sa pagsigaw nya sa'kin kaya napapasok ako bigla sa loob. Padabog pa nyang isinara 'yung pinto kaya lalo kong natakot. Ano ba 'tong napasok ko. Talaga bang papakasal ako sa kanya? Mukhang masasakal na ko nito nang wala sa oras eh.
Pagkapunta nya sa tabi ko, binuksan nya agad 'yung makina sabay paharurot sa kotse. Oh. My. Gosh. Dapat ba kong kiligin kasi katabi ko ang bias ko o dapat akong matakot kasi baka mamatay na ko? Help!
"Dito ka lang, kahit anong mangyari wag kang lalabas at wag na wag mong bubuksan 'tong pinto ng kotse, okay?" maawtoridad nyang utos pagkarating namin sa isang lugar. Dahil sa takot, tumango-tango na lang ako.
"Good. Babalik ako after an hour."
"Oo naman. Pano ko makakalimutan 'yon. Eh ginutom lang naman ako ng lalaking papakasalan ko." sagot ko sa katanungan ni Kai kanina. Tumawa naman sya nang mahina.
"Atleast, naging memorable ang una nating pagsasama?" inismidan ko muna sya bago ngumiti. Sabagay, tama naman sya. Napakamemorable talaga ng araw na 'yon.
Pagkasarang-pagkasara nya ng pinto. Napabuga na lang ako sa hangin.
"Grabe! Ibang-iba pala sya umasta sa harap ng camera. Nahumaling ako sa maling tao. Tse!" sumilip ako sa bintana nang kotse para alamin kung nasaang lupalop ng bansang korea na ba ko naroroon.
Matapos kong i-scan ang paligid. Napagalaman kong nasa isa kong park kung saan mayroong skating arena sa gitna 'non. Mukhang may magaganap na performance ang Exo-K 'don. Puno kasi nang tao ang paligid. Karamihan ay mga fans at staffs na nagaayos sa set-up.
"Oo nga pala. May special performance nga pala ang Exo-K ngayon. Kaya nya siguro ko kinaladkad dahil dito. Tss." hindi ko maiwasang mapailing habang nakaupo sa loob ng kotse at nakatanaw lang sa labas. Para naman akong preso nito.
Sumandal ako sa upuan at hinubad ang suot-suot kong sapatos. Itinaas ko pa ang paa ko sa upuan nang marinig ko ang pagkulo nang tyan ko. Napayuko ako't napahawak sa tyan ko.
"Hindi pa nga pala ko kumakain mula kanina. Ano ba 'yan."
Bagsak ang dalawang balikat kong sumilip muli sa labas. Habang nakatulala ko roon may naisip akong magandang ideya. May vendor kasi 'don nang hotdog na may nakapalibot na fried potato sa di kalayuan.
"Hindi naman siguro masamang lumabas saglit para bumili. Tapos babalik naman agad ako dito. Hindi naman nya malalaman siguro 'yon. Hmm. Sige na nga. Nagugutom na talaga ko eh." bahagya kong binuksan 'yung pinto sapat lang para makasilip ako sa labas. Una kong inilabas 'yung kanang paa ko. Inaalalayan ko pa kasi 'yung laylayan ng gown ko.
Saktong ilalapat ko na sa lupa 'yung paa ko nang mahagip ng mga mata ko ang dalawang lalaki na naglalakad papalapit sa pwesto ko. Nag-uusap pa sila kaya hindi nila ko napapansin.
"Omo! Si Suho oppa at Sehun ah?!" dali-dali kong isinara 'yung pinto para magtago. Saan naman kaya sila pupunta. Bakit parang papunta sila sa direksyon ko?
Pinagmasdan ko pa silang maigi. Naalarma lang ako nang mapansing patuloy lang sila sa paglalakad papunta sa direksyon ko. Napaharap na ko nang tuluyan sa kanila.
"H-Hindi naman siguro tama 'yung iniisip ko 'no? Imposibleng pupuntahan nila ko dito. Haha." kinakabahan kong sambit. Kahit naman gustong-gusto kong makilala sila. Ayoko namang pangunahan si Kai. Lalo na't may carrer syang pinapangalagaan.
"Hyung, Eto 'yung kotse ni Kai diba?" saad ni Sehun.
Hala! Sinisilip pa nila ang loob ng kotse. Tinted naman 'yung mirror nito diba? Nakakaloka 'to.
"Oo. 'Yan 'yung ginamit nya papunta dito." Kaswal namang sagot ni Suho oppa.
"Tara na." aya pa nito kay Sehun. Palakad na sana si Suho nang biglang magsalita si Sehun na nagpatigil sa kanya.
"Teka lang, bakit may nakalaylay na tela sa pinto ng kotse ni Kai?." Dahan-dahang bumaba ang tingin ni Suho patungo sa tinitignan ni Sehun. Sinundan ko din naman 'yon at namilog ang aking mga mata.
Ay, anak ka talaga ng tokneneng! Naipit pala 'yung laylayan ng gown ko pagkasara ko ng pinto kanina. Sheda! Ano nang gagawin ko?!
"Oo nga 'no? Para saan naman kaya 'yan?" lumapit pa si Suho dito para usisain 'yon.
"Diba ganto 'yung mga tela na ginagamit sa gown?" kunot-noong tanong ni Sehun habang hinahawakan 'yon. Napalunok naman ako bigla.
"H'wag mong sabihing may dala-dalang gown si Kai? Haha." medyo natatawang sambit ni Suho. Kung alam mo lang Suho oppa, hindi lang gown ang dala nya. Pati na 'yung mismong may suot 'non.
"Edi tignan natin para malaman."
Namilog ang mga mata ko nang makitang bubuksan na nya 'yung pinto. Nataranta ko't napakapit nang mahigpit sa pinto. Jusmeyo. Anong kamalasan ba 'tong nararanasan ko.
Paano ba 'to ila-lock? Waaah!
Saktong bubuksan na ni Sehun 'yung pinto nang biglang may tumawag sa pangalan nya. Napahinto sya't napalingon sa pinanggalingan ng boses.
"Sehun!"
"Anong balak mong gawin sa kotse ko?" para kong nakakita nang anghel nang makilala kung sino 'iyon. Buti naman at dumating sya. Hihimatayin na ko dito eh.
"May nakaipit na tela sa pinto ng kotse mo. Balak nya sanang buksan 'to para maiayos 'yon." Depensa naman agad ni Suho oppa para kay Sehun.
Hindi naman ininda ni Kai 'yon. Naglakad lang sya papalapit sa akin. Umusod nang bahagya sila Sehun para bigyan sya nang way. Bahagya nyang binuksan 'yung pinto. Sakto lang para matanggal ang pagkakaipit sa gown ko.
Kinuha nya 'yon at ipinasok sa loob. Nagkatinginan pa kami nang gawin nya 'yon. Bigla namang kumulo 'yung tyan ko dahilan para mapaiwas ako nang tingin. Ano ba 'yan. Wrong timing naman 'tong tyan ko.
Nakakahiya.
"Okay na? Bumalik na tayo 'don. Kanina pa kayo hinahanap ni manager Jamie." Sambit ni Kai pagkasara nyang muli sa pinto. Hindi naman sumagot pa sila Suho at sumunod na lang sa kanya.
Nilingon pa kong muli ni Kai bago tuluyang umalis. Nakahinga naman na ko nang maluwag pagkatapos 'non. Woooh! Ligtas ako.
"Matanong nga kita. Bakit hindi ka umalis sa kotse kahit may pagkakataon kanang makaalis 'don nang magstart na yung performance? Bakit naghintay ka parin 'don?" natauhan ako sa naging tanong ni Kai. Oo nga 'no? Bakit nga ba?
"Hmm. Siguro kasi, sinabi mong babalikan mo ko." napangiti naman sya dahil sa naging sagot ko.
Nakalipas na ang isang oras pero hindi parin nakakabalik si Kai. Dahil sa sobrang pagod nakatulog na si Dasuri sa loob ng kotse. Lumipas pa ang isa't-kahalating oras bago dumating si Kai.
Wala nang tao sa paligid. Natapos na rin pati ang pagliligpit ng mga ginamit para sa performance nila. Binuksan nya ang pinto nang kanyang kotse. Bumungad naman dito ang mahimbing na natutulog na Dasuri.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, kusang kumurba ang ngiti sa kanyang labi. Yumuko sya nang bahagya para gisingin ang babaeng nasa harapan nya. Inayos nya muna ang mangilan-ngilang buhok na nakatakip sa mukha nito bago ito tuluyang gisingin.
"Gumising kana dyan. Wala na 'yung mga tao sa paligid." Saad nito.
Dahan-dahan namang iminulat ni Dasuri ang kanyang mga mata. Nang makabalik na sya sa wisyo. Dali-dali syang lumabas nang kotse.
"Ahh! Nakatayo rin. Hindi rin pala masayang maupo nang matagal." Nag-unat-unat pa 'to sa harap ni Kai. Hindi naman sya pinansin nito. Binuksan lang nito ang pinto sa back seat at kinuha ang isang jacket.
"Wear this. Nang hindi ka sipunin." Nagning-ning ang mata ni Dasuri nang makita 'yon.
"Woah! Sayo ba 'tong jacket na 'to?" tanong nya habang isinusuot 'yon.
"Oo." Sagot ni Kai. Palihim na nag-giggle si Dasuri nang marinig 'yon. Maya-maya pa'y napatingin sya sa paligid.
"Woah! Ang ganda!" bulalas nya nang mapansin ang skating area. Napatakbo pa sya papalapit dito.
"Grabe! Mas maganda pala dito pag gabi. Mas romantic. Hehe." Narinig naman 'yon ni Kai pagkalapit dito. Pilit nyang pinigilan ang mapangiting muli.
"Oh." Sabay abot nya kay Dasuri nang tinapay na may nakadesign na smiley sa buns nito. Sinamahan pa nya ng gatas.
"Alam ko namang kanina ka pa nagugutom. Pasensya na. 'Yan na lang kasi 'yung nabili ko." Kinuha naman 'yon ni Dasuri saka umiling-iling.
"Okay lang! Ang mahalaga naalala mo pa rin akong dalhan." Sobrang lapad ng ngiti ni Dasuri. Hindi nya kasi maiwasang kiligin sa ideyang may pakialam din pala sa kanya ang future husband nya.
"Gusto mo?" alok pa nya dito. Umiling-iling naman si Kai.
"Okay," ipinagpatuloy na lang nya ang pagkain habang nakatitig sa skating area na napapalibutan ng mga ilaw. Nakatayo lang sila sa tapat nito.
"Umm, Dasuri." naulinigan nyang sambit ni Kai. Bigla namang nabilaukan si Dasuri nang marinig 'yon.
"A-Alam mo 'yung name ko?!" puno nang pagtataka nyang tanong habang hinahampas pa ang dibdib para pababain 'yung bumarang pagkain sa lalamunan nya. Tuluyan nang natawa si Kai sa naging reaksyon ni Dasuri. Hinarap nya ito sabay pitik sa noo.
"Malamang, imposible namang hindi ko malaman ang pangalan ng babaeng papakasalan ko diba?" sambit pa nito. Ngumuso naman si Dasuri sa harap nya.
"Ikaw kasi, sa tuwing nagkikita tayo. Lagi mo na lang akong dinededma. Akala ko tuloy kahit pangalan ko ay hindi mo na pinagkaabalahang tandaan."
"Oo, aaminin ko. Hindi kita gusto. At mas lalo namang hindi ako inlove sa'yo. Kung hindi lang dahil sa usapan namin ng mga magulang ko hindi ako papayag sa kalokohang arrange marriage na 'to." Medyo nalumo si Dasuri nang marinig 'yon.
'Kailangan talaga, ipamukha sa'kin? Tss' isip-isip pa nya.
"Pero, wala rin naman akong nakikitang dahilan para kamuhian kita." Napatitig si Dasuri kay Kai nang marinig 'yon. Inamin man ni Kai na hindi sya gusto nito. Sapat na sa kanyang malaman na hindi naman pala sya kinaiinisan nito.
"Tara na. Masyado nang late. Baka magkasakit ka pa dahil sa lamig." Sambit ni Kai sabay alis sa pwesto nya. Hindi naman kumilos agad si Dasuri. Pinagmasdan nya muna ang likod nito habang naglalakad ito palayo.
"Kai! Ay, hindi. Kim Jong In." sigaw ni Dasuri.
Huminto si Kai pero hindi na 'to nag-abalang lingunin pa sya.
"H'wag kang mag-alala, kahit na napilitan ka lang na pakasalan ako. Aalagaan parin kita, gaya nang isang tunay na asawa."
Hindi man kita ni Dasuri, pero napaskil ang napakatamis na ngiti sa labi ni Kai bago ito muling nagpatuloy sa paglalakad.
Kahit hindi nila aminin, halata sa mga mata nila na nag-enjoy rin naman sila sa company ng isa't-isa. Ang unang araw kung saan nagsimula ang lahat-lahat.
"Bakit tayo bumalik dito?" tanong ni Dasuri pagkatapos alalahanin ang una nilang pag-uusap.
"Diba sabi mo nagsisi ka kasi hindi ka nakapagskate 'nung araw na 'yon? Edi gawin natin ngayon 'yung hindi mo nagawa." Walang pasabi-sabi ay hinigit na nya ko papalapit sa ice-skating ring.
"Whaaa! Hubby!!! Aray!" pasalampak akong napaupo sa yelong sahig nang ma-out of balance ako.
"Ayoko na hubby. Balik na tayo sa lupa. Huhu." Pagmamakaawa ko dito. Limang beses na ata akong nadudulas sa yelo mula nang umapak kami dito. Ang sakit na nang pwet at balakang ko.
"Sumusuko kana agad?" sambit nito pagkarating nito sa tapat ko.
"Oo. Puro disgrasya lang nakukuha ko dito eh. Kapag hindi pa ko tumigil baka pilay na kong uuwi ng bahay."
"Ikaw naman kasi ayaw mong alalayan kita. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Umpisa pa lang kasi ng pag-i-iskating namin bumitaw na ko agad sa kanya. Ilang beses syang nag-offer na alalayan ako pero pilit ko 'yung tinatanggihan.
"Gusto ko lang naman ipakita na kaya kong magskate na mag-isa." Pabulong kong sagot.
"Tss." I saw him smirked.
"Wala ka namang dapat patunayan. C'mon, get my hands." Inoffer nya sa akin 'yung kanang kamay nya. Kinuha ko naman 'yon at hinayaan syang alalayan ako sa pagtayo.
"Woah!" napakapit ako sa braso nya nang muntikan akong bumagsak muli.
"Calm down. Kailangan mong i-relax ang mga tuhod mo para makapagbalance ka't hindi bumagsak." Turo sa'kin ni Kai. Sinunod ko naman sya't dahan-dahan na ngang nakakatayo nang maayos.
"Hubby, nakatayo na nga ko nang maayos. Ang galing." Natutuwa kong sambit.
"Sunod, humawak ka sa kamay ko." bahagya kong ibinaba ang pagkakahawak ko mula sa braso papunta sa kamay nya.
"Very good." Saad nya nang magawa ko na 'iyon.
"Now, tatanungin ulit kita. Can you trust me?" kahit hindi ko alam kung para saan ba 'yung tanong nya. Tumango na lang ako bilang sagot. Hanggang sa hindi ko namamalayan.
Dahan-dahan na pala kaming umaandar paalis sa pwesto namin kanina.
"Woaah! Nakakapagskate na ko. Ang galing." hindi ko mapigilang mag-giggle habang nag-i-slide kami. Nakakatuwa, nagagawa ko na sya. Haha. Hindi naman maalis ang ngiti sa labi ni Kai habang nakatingin sa'kin. Mukhang mas nag-e-enjoy syang panuorin ang reaksyon ko higit sa lahat.
"Wifey," pagkuha nya sa atensyon ko. Sinulyapan ko naman sya.
"Diba kanina tinanong mo ko, pano kung ako talaga ang bias mo?" tumango-tango ako habang patuloy lang kami sa dahan-dahang pag-islide.
"Honestly, noon pa man, iniisip ko na bakit nga ba si Sehun ang naging bias mo? Bakit hindi ako? Ano bang meron sa bubble tea addict na 'yon na wala sa akin? Alam mo bang sobrang nasaktan ang ego ko dahil 'don? To think that MY wife is drooling over my friend? Argh. That insane!" Hindi ko maiwasang matawa sa reaksyon ni Kai. Halatang inis na inis kasi talaga sya.
"Pero ngayon, narealized ko, dapat pa pala kong magpasalamat dahil hindi ako ang naging bias mo." nagkaroon ng pagtataka sa mga mata ko. Anong ibig nyang sabihin, mas gusto nyang hindi sya ang bias ko? Pero bakit?
Napansin ni Kai ang pagkunot ng noo ko dahilan para mapangiti sya nang bahagya. Nabasa nya siguro 'yung iniisip ko.
"Kaming mga idols, para kaming gamot na may good and side effect. We can be your inspiration or worst your greatest distruction. Pwede nyo naman kaming mahalin but still with a proper moderation. Lahat kasi ng sumosobra kung hindi nakakasama, nasasayang. Nakakatuwang isipin na may mga taong humahanga at nagmamahal sa'yo ng walang hinihinging kapalit. Pumupunta sa mga concerts and fan meeting ng grupo mo. Naghihintay ng matagal sa labas para lang masilayan ka. Isigaw ang pangalan mo ng paulit-ulit."
"Pero sa tuwing naiisip kong ako rin ang nagiging dahilan para masira ang buhay nila, hindi na sila nag-aaral kakasubaybay sa amin. Uma-absent para lang makita kami, naiinis ako sa sarili ko. Sana pala umpisa pa lang kumilos na ko.”
“Sana, umpisa pa lang sinabi ko na sa kanilang h'wag ako ang gawin nilang sentro ng buhay nila. Dapat imulat nila ang mga mata nila sa mas mahalagang bagay. Para kapag dumating na 'yung panahong mawala na 'yung kasikatan ko, hindi sila magsisi sa huli, dahil magagawa parin nilang magpatuloy kahit wala na ko."
"Anong ibig mong sabihin sa wala kana?" naguguluhan ako.
Ano ba 'tong gustong ipahiwatig ni Kai? Hindi sya sumagot, sa halip ay huminto kami sa pag-i-slide. Naramdaman ko pa ang paghigpit ng hawak nya sa kamay ko. Kinabahan tuloy ako bigla.
"Dasuri, sobrang dami na nang pinagdaanan natin. Mula sa kasal na pinilit lang mangyari. Sa mga pagkakataon na lagi kitang nasasaktan. Sa paulit-ulit na away na nauuwi rin naman sa lambingan. Pati na ang patuloy kong pagtanggi sa totoo kong nararamdaman para sa'yo."
"Gusto ko lang malaman mo na.. nakapagdesisyon na ko. Kahit pa para sa iba isa 'tong malaking katangahan. Handa parin akong maging tanga na handang talikuran ang lahat para lang makasama ka." Nagulat ako nang bigla nyang bitawan ang kamay ko at isa-isang tanggalin ang sombrero at salamin na ginagamit nya para hindi makilala ng mga tao.
"Kai," pigil ko pa sa ginagawa nya pero pinigilan nya lang ang kamay ko sabay iling.
"A-Ano ba 'tong ginagawa mo?! Pinapahamak mo lang lalo ang sarili mo." humigpit na ang pagkakahawak ko sa kamay nya.
N-Naguguluhan ako sa ginagawa nya. Palinga-linga pa ko sa mga tao sa paligid. Mukha kasing nakakahalata na silang dalawa sa amin.
"Alam kong hindi ka sasang-ayon sa naging desisyon ko. Dahil ayaw mong bitawan ko ang pangarap ko para lang sa'yo. Pero Dasuri," umiling-iling ako nang makitang wala na ang salamin at sumbrerong suot nya. Nakalantad na sa lahat ang katotohanang,
"Hindi na pagiging idol ang gusto kong makamtam. Kundi ang maging asawa mo panghabambuhay." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para hindi nya mahalata ang itinatago kong sakit.
Kai,
Bakit ngayon pa?
Napatigil ang mga tao sa paligid namin at napatitig sa asawa ko. Mukhang wala na nga kong magagawa pa.
"Kaya kung pwede lang," bakas sa mukha ni Kai ang pagsusumamo. Ni hindi nga nya napapansin ang nangyayaring kaguluhan sa paligid namin.
"Omo! Si Kai oppa 'yon diba?!"
"Oo nga! Sya nga!"
"Waaaaah! Sya nga! Kyaaaah!"
Tanging sa akin lang kasi nakatuon ang atensyon nya.
"Pero akala ko ba kasama nya ang pamilya nya? Eh sino 'yang babaeng 'yan?"
"Ewan ko, lapitan na lang natin sya."
Lalo lang tuloy nitong dinaragdagan ang bigat sa dibdib ko. Ngumiti muna sya sa akin bago ipinagpatuloy ang sasabihin nya,
"H'wag mong bibitawan ang kamay ko."
Pagkasabing-pagkasabi nya ng mga katagang 'yan, nagsilapitan sa amin ang mga fans nyang nasa loob rin ng ice skating field. Dinumog nila si Kai dahilan para mapabitiw sya sa akin. Halatang hindi nya inaasahan ang mga pangyayari.
Gustuhin man nya kong lapitan ay hindi na nya nagawa. Masyadong maraming tao ang nakapalibot sa kanya.
"Kai oppa! Waaah"
"Papicture naman. Namiss ka namin."
"Oppa!!"
"Kai!!!!!"
Hindi ako kumilos sa pwesto ko kahit pa dinadaan-daanan at naitutulak na nila ko. Mas pinili kong manahimik at pagmasdan na lang ang pagdumog nila sa asawa ko. Masakit ang itulak ka nila papalayo sa mahal mo. Pero alam mo kung ano ang mas masakit? 'Yung wala kang magawa kundi ang hayaan silang gawin 'yon.
Ngumiti ako nang mapait at saka bumulong sa hangin, "Kai, Alam mo bang... nakapagdesisyon na rin ako?"
Sa huling pagkakataon, muli kong sinulyapan ang kinaroroonan nya bago tahimik na umalis sa pwesto ko.
If loving you is all that means to me,
When being happy is all I hope you've be
Then loving you must mean,
I really have to,
Set you free.