CHAPTER 74: HORRIBLE THING
KAI
I tried to mock Dasuri. Balak ko lang syang asarin pero nang dumampi na ang labi ko sa kanya. Kusa na 'tong gumalaw. I started to give him small kisses. Nang hindi ako makuntento I tried to kiss him slowly. Hindi naman sya pumalag kaya ipinagpatuloy ko lang. Kaso hindi rin naman sya nagre-respond kaya huminto ako.
"Just follow my lips." Medyo naiirita kong sambit then kiss her again. Mukhang natauhan naman sya't sinunod ako.
I felt her lips moving. Tinugon ko naman ito.
"You're good." Biro ko pa between our kisses.
Namula sya kaya napangiti ako and kiss her passionately. I taste every bit of her mouth. My hands are starting to roam around her body. Napahawak naman sya nang mahigpit sa cover nang kama ng maramdaman 'yon.
"Umm." She moaned.
ShIt! She's turning me on. I bite her lower lip for entrance. My body temperature is rising. Ibinaba ko ang halik ko down to her jaw and neck. Damn! She smells good. Huminto ko para hubarin ang t-shirt na suot ko. Napaiwas pa sya nang tingin sabay pikit nang makita 'to.
Innocent as ever.
Hinawakan ko ang mukha nya at Iniharap 'to sa Akin, "Do you want me to stop?"
Hindi sya sumagot pero hinalikan nya kong muli. Ipinulupot pa nya ang mga braso nya sa leeg ko. Well, I take that as a No. I kiss her again at sinimulang buksan ang mga butones nang suot-suot nyang blouse. Ibinaling ko pa ang atensyon ko sa tenga nya and kiss her earlobe. Napakapit naman sya sa leeg ko.
"Uhh. H-Hubby," sambit nya.
I claim his lips again. I can't stop myself. My brain is not functioning well. Nang matanggal ko na lahat nang butones sa damit nya. Bumaba ang mga halik ko from her lips, down to her cheeks and shoulder.
DASURI
"Uhh. K-Kai."
I moaned nang maramdaman ko ang mga labi nya sa leeg ko. Unti-unti na ring umaakyat ang mga kamay nya mula sa bewang ko pakyat sa dibdib. Grabe 'yung sensayong nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin. O nakakapag-isip pa ba ko ng matino sa ginagawa namin.
Napapapikit na lang ako sa tuwing dumadampi ang mga halik nya sa kahit saang parte ng katawan ko. It's giving me the pleasure that I can't resist. He's trying to undress me while kissing my shoulder. I'm enjoying this already nang marinig ko syang tawagin ang pangalan ko.
"Dasuri," he hushed.
Napamulat naman ako't napatitig sa kanyang mata. I was shock when I saw love and desire inside him.
"Will you make love with me?"
Pero isa lang ang sigurado ko. Kung ano man ang kalabasan nito. Hindi ko 'yon pagsisisihan.
Ugh. Three words, twenty-six letters.
Ang sakit nang buong katawan ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Pakiramdam ko nagconstruction worker ako kagabi sa sakit ng mga kalamnan ko. Sinubukan kong tumagilid kahit na medyo nasasaktan ako sa pagkilos.
Pagkatagilid ko bumungad sa akin ang mahimbing na natutulog na Kai. Bigla kong naalala 'yung nangyari samin kagabi.
"Dasuri,"
"Will you make love with me?"
Automatic na namula ang magkabilang-pisngi ko. Napatakip tuloy ako bigla hanggang sa ilong gamit ang kumot na hawak-hawak ko. Hindi kaya nanaginip lang ako kagabi?
Dahan-dahan kong iniangat 'yung kumot para tignan kung may damit pa ba ko o wala. Napabawi din naman agad ako nang tingin nang makumpira 'yon
.
"Omo! W-wala na kong damit. I-Ibig sabihin..." napapitlag ako nang kumilos si Kai at ipatong ang braso nya sa bewang ko.
Ipinagdikit pa nya ang noo ko sa noo nya sabay sabing, "Yes, we DID horrible thing last night." Sabay smirk.
"Good morning, wifey." Napanganga ko nang makita ang mala-anghel na bare face nang asawa ko. Nakangiti pa 'to sa harap ko. Jong Ina! Ang ganda ata nang gising nya.
"Umm. G-Good morning din." Medyo nagugulumihanan ko pang sagot.
Nakakahiya naman 'to. Sa ilalim nang isang kumot, pareho kaming walang kahit anong saplot. Ibig sabihin, nakita na nya ang lahat-lahat sa akin?? At wala na kong pwedeng itago pa?
GEE! This can't be. NAKAKAHIYA!!!!
Tinalikuran ko sya bigla at nagtalukbong. Alam ko namang gagawin talaga namin 'yon. Pero bakit napaaga ata? Bakit biglaan? Hindi pa ko ready sa pwedeng kalabasan nito eh. Ano nang gagawin ko?!
"H'wag mong sabihing nagsisisi ka?" natauhan ako bigla nang marinig ang boses ni Kai.
Paglingon ko, nagbibihis na sya. Napatalukbong tuloy ulit ako. Hindi man lang nagpasintabi ang isa dito. Kahit naman na may nangyari samin kagabi. Hindi parin ako sanay na nakikita syang walang saplot. Kahit half naked lang.
Inosente kaya ako! Tss.
"Sino ba nagsabing nagsisisi ako?! Natatakot lang naman ako eh!" reklamo ko rito habang nakatalukbong pa rin.
"Pano kung may mabuo? Pano kung m-mabuntis ako?! Hindi pa nga ko nagmamatured tapos magiging MOMMY na ko?! Whaaa! Hindi pa ko ready!"
"Tsk." Naulinigan kong reaksyon ni Kai. Inilabas ko 'yung mukha ko't sinamaan sya nang tingin.
"Ikaw may kasalanan nito eh. Alam mo namang bata pa tayo! Alam mong inosente pa ko. Pero anong ginawa mo?! Inakit mo ko!" sigaw ko rito.
"Tapos ano? Pag nabuntis nga ko, maghahanap ka na nang iba. Nakuha muna 'yung gusto mo eh. Maghihiwalay tayo. Tapos magiging single mom ako. Itatakwil ako nang parents ko, magiging palaboy kami ng baby ko. Mamamalimos sa daan pero hindi kakaawaan. Ipapaampon ko sya sa iba para magkaroon nang magandang kinabukasan. Mananatili ako sa kalsada hanggang sa masagasaan at mamatay sa gutom. Whaaaa!!! Kasalanan mo talaga 'to eh. Kasalanan mo----mmmmph!"
"That's how I can shut you up, huh?" sabi ni Kai pagkatapos nya kong patahimikin gamit ang labi nya.
Natameme naman ako dahil sa ginawa nya. Kailan pa sya nakalapit sa'kin HA? At nagawa pa nya kong halikan. Isa syang dakilang KISS STEALER.
"Ang o. a mo talaga." Pinitik pa nya ang noo ko.
"Magbihis ka na." Sabi nya sabay alis sa kama.
"Nang makakain na tayo. Mukhang nalilipasan kana nang gutom." Nagdire-diretsyo sya sa pinto. Lumabas na sya nang tuluyan at hindi na ko nilingon pang muli.
"Ang kapal!" sabay hagis ko ng unan sa pinto pagkasarado 'non.
"Kagabi lang ang bait-bait nya sa'kin. Tapos ngayon ayan na naman sya. Ang mga lalaki talaga. Magaling lang pag may kailangan. Pag nakuha na nila ang gusto nila, echapwera kana. Tss!" Umusod ako sa gilid nang kama para pulutin 'yung mga damit kong nagkalat sa sahig.
"Ako naman kasi si tanga. Bakit kasi nagpadala ko sa tukso. Nagpadala ko sa apoy na nagliliyab. Ayan napaso tuloy ako."
Una kong nasuot ang mga panloob tapos 'yung panjama. Umusod ako paakyat papunta sa bandang itaas nang kama. Itinaas ko 'yung mga unan pero wala 'yung pantaas kong damit.
"Saan kaya niligay ni Kai 'yon?"
Habang hila-hila 'yung kumot na nakatakip sa upper body ko. Dumukwang ako sa ilalim nang kama at hinanap 'yon roon. Sakto namang nakita ko 'yon sa sahig.
"Nandito lang pala 'to." Yumuko ako at inabot 'yon. Dahil medyo malayo ito. Nang pilitin kong abutin 'yon nahulog ako sa kama.
"Whaa!" bulalas ko.
"Ano ba 'yan. Ang clumsy ko talaga." Susuutin ko na sana 'yung blouse nang may mapansin akong nakalawit na papel sa ilalim ng beddings ng kama ni Kai.
Kumunot ang noo ko at napaisip, "Ano naman kaya 'to?"
Sinuot ko muna 'yung damit bago ko hinatak 'yung papel na nakita ko.
"Eto 'yung envelope na dala-dala ni Jamie unnie ah?" bulalas ko nang makilala 'yon. Napangisi ko nang marealized kung gano ko kaswerte.
Hindi naman kasi totoong hindi ako nanininiwala sa sinabi ni Unnie. Ang totoo nga nyan, kating-kati akong makita ang laman ng envelope na 'to. Kahit naman ata sino ang mapunta sa sitwasyon ko. Hindi mapapakali hangga't hindi napapatunayan nang dalawang mata nya na hindi talaga nangangaliwa ang kanyang asawa.
Hindi naman sa walang tiwala. Pero gusto ko lang ng peace of mind. Kung wala naman kasi talaga 'to. Bakit kailangan pa nyang itago dito 'yon? Parang nakakapagduda tuloy. Tumayo ako mula sa sahig at naupo muli sa kama. Hinarap ko na 'yung envelope na hawak ko.
"Sorry, Kai. Pero karapatan ko naman sigurong malaman kung ano 'to." pangungumbinsi ko pa sa sarili ko.
Naramdaman ko ang pagkabog nang dibdib ko habang dahan-dahang binubuksan 'yon. Sana nagsisinungaling lang si Unnie. Sana totoo 'yung sinabi ni Kai. Hindi nya ko niloloko ... hindi.
Pumikit pa ko nang ilabas ko ang laman 'non. Nagulat ako nang maramdamang isang pirasong papel ang hawak-hawak ko. Akala ko ba picture 'to. Bakit parang bond paper lang 'tong hawak ko? Tapos bakit isa lang?
"Aish. Ano ba kasi talaga----" napatitig ako sa papel na hawak-hawak ko.
Katulad ito nang papel na iniingat-ingatan ko. Nakasulat rin dito ang tunay na pangalan ni Kai, KIM JONG IN. Pati na ang pangalan ko gamit ang apelyido ko sa pagkadalaga, DASURI CHOI.
Ang pagkakaiba nga lang, nalungkot ako nang makita ito. Pakiramdam ko naglaho lahat nang pinanghahawakan ko. Sino ba naman kasi ang matutuwa kapag nakita mo ang pangalan mo at pangalan ng lalaking mahal na mahal mo sa isang...
"Divorce paper."
Naalala ko bigla 'yung naging usapan namin ni Amber 'nung huling beses akong pumasok sa school. 'Yung unang beses na kumalat sa lahat ang tungkol sa nakaraan ni Kai at Yuri.
"Alam ko namang mahal ka na rin ng asawa mo. Nararamdaman ko 'yon, kaya lang hindi ko talaga maiwasang mag-aalala parin para sa'yo. Para kasing may mali." Kumunot ang noo ko dahil sa mga sinabi nya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala naman. Naisip ko lang kasi... Talaga bang handa na kayong dalawa na pasukin ang buhay mag-asawa? Alam ko namang mahal na mahal nyo na ang isa't-isa. Wala kong question 'don. Kaya lang, minsan kasi naiisip ko. Sa dami-dami ng problemang nararanasan nyo. Hindi kaya ibig sabihin lang 'non ay hindi pa ito 'yung tamang panahon para mag-sama kayo?" Nakatitig lang ako kay Amber habang pilit na iniintindi ang mga sinasabi nya.
"Sa edad kasi na'ting 'to, diba dapat mas pinagtutuunan natin ng pansin kung pano natin bubuuin 'yung sarili na'tin? Kung paano natin aabutin 'yung mga pangarap natin? Para kasing kaya kayo nahihirapan kasi hindi pa man buo 'yung sarili nyo, inuuna nyo na agad 'yung iba. Baka pinipilit nyo 'yung hindi pa naman talaga dapat?" Napaisip ako sa mga sinabi nya. Pano kung hindi pa nga ito 'yung tamang panahon para magsama kami ni Kai? Pano kung..
"Oy, Dasuri." Natauhan ako nang tapikin ako ni Amber sa balikat.
"Nakikinig kaba? Sabi ko, Kalimutan mo na 'yung mga sinabi ko. Mamaya bigla mong iwan si Kai, patayin pa ko 'non. Napa-praning lang siguro ko kaya ganto." tinapik-tapik pa ko ni Amber bago naupo sa upuan nya. Sakto namang dumating na rin ang teacher namin.
Umupo na lang ako ng maayos at nakinig sa lecture ng guro namin. Pero kahit may ginagawa na kami, hindi ko parin maiwasang isipin 'yung mga sinabi ni Amber.
Posible nga kaya?