Chapter 73: LOVE ME LIKE YOU DO

KAI

"Paano, aalis na ko? Salamat sa magandang pagtanggap nyo sa akin dito sa munti nyong bahay. Pasensya na rin sa nagawa kong abala."

Kasalukuyang nasa tapat kami ng pinto. Ihahatid na namin si noona, nagpaalam na kasi 'tong aalis na.

"Wala 'yon unnie. Masaya nga kong dumating ka. Nakakatamad naman kasi dito sa loob ng bahay." Nakangiting sagot ni Dasuri.

"Well, bakit kasi nagbuburo kayong dalawa dito. Bakit hindi kayo lumabas at mamasyal-masyal? Malapit na ang pasko kaya siguradong marami kayong pwedeng puntahan."

"Ewan, tamad kasi 'yung isa dito eh." Sinulyapan pa ko ni Dasuri saglit saka muling humarap kay noona.

"Haha. 'Yan ang mahirap labanan. Katamaran. Oh sya, Aalis na talaga ko. Bye." Tuluyan na ngang umalis si noona sa harap namin. Kumaway pa 'to sa amin bago makalayo.

Pagkaalis na pagkaalis nya, tinitigan ko agad si Dasuri. Alam kong narinig nya lahat ng sinabi ni noona. Hindi nya 'yon makakaila sa akin.

"Hayyst. Nakaalis na si noona. Ano kaya pwedeng gawin?" hindi nya ko nilingon at nauna nang bumalik sa sala. Sinundan ko naman sya.

Nang mapunta kami sa tapat nang sofa, I grabbed her hand. Huminto naman sya at dahan-dahan akong nilingon.

"Bakit?" Nakangiti nyang tanong.

"Yung tungkol 'don sa narinig mo kanina." Pag-uumpisa ko. Binitawan ko na 'yung kamay nya nang humarap na 'to sa'kin. Nakatingin lang sya sa'kin na para bang walang iniindang anuman.

"Alin?" maang-maangan pa nya. I look straight to her eyes.

"Alam kong alam mo 'yung tinutukoy ko." tinitigan nya lang ako. Mukhang wala talaga syang balak umamin

"Alam mo rin bang nawi-weirduhan ako sa'yo? Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo? Ahh. Alam ko na 'yung tungkol sa mga larawan mong kasama ang iba't-ibang babae? Ashush. H'wag kang mag-alala, hindi ako naniniwala 'don. Subukan mo lang 'no. Patay ka sa akin." Itinaas pa nya 'yung isa nyang kamao para ipakita sa'kin. Tumawa pa sya nang mahina habang sinasabi 'yon.

"Ahmm, may gagawin nga pala ko sa taas. Akyat lang ako saglit ah?" hindi na nya hinintay ang sagot ko. Umakyat na sya nang hagdan at nagdire-diretsyo sa kwarto nya.

Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatingin sa kanya. Kahit ilang beses pa syang ngumiti sa harap ko. Hindi 'non matatago ang katotohanang nasasaktan sya.

DASURI

Ilang oras na ang lumipas pero nakakulong parin ako sa kwarto ko. Nakahiga lang ako sa kama habang yakap-yakap si Kauru. Ayoko munang lumabas, gusto ko munang mapagisip-isip.

Ayoko nang ungkatin pa 'yung tungkol sa narinig kong usapan nila ni Unnie pero hindi rin naman ako mapakali hangga't hindi ko nalalaman ang totoo.

Hayyst! Ano ba talaga ang dapat kong gawin?

Binuksan ko 'yung computer at nagsimulang mag-spazz. Bumungad agad sa'kin ang mga balita tungkol sa pansamantalang pagpapahinga ni Kai sa activities ng Exo.

'Exo member Kai is not attending any activities of his group.'

Matapos nyang bawiin ang pagsali sa reality show na We Got married. Hindi na 'to nakita pa sa kahit anong aktibidad ng kanyang grupo. Marami ang naging haka-haka na marahil ay tinanggal na sya sa grupo dahil sa sunod-sunod na issue na kinasangkutan nya. Maalala nating nabalita noon na ito'y may asawa na. Hindi naman 'yon itinanggi at kinumpira ng kanyang agency. Marami tuloy ang naniniwalang marahil ay totoo nga ang issue na iyon.

Naghanap pa ko nang ibang balita na pwede kong basahin.

Finally, SME release a statement about Exo's Kai issue.

"Kai is on a vacation right now with his family. We gave him time to rest and think for his next step on his career. He experienced a lot of pressure and stress for the past days. Please understand that we made this decision for Kai's sake. Be patient and wait for his comeback. Thank you."

Binasa ko rin ang sandamakmak na comment sa baba nito.

"Kai oppa, we miss you."

"Bumalik kana please!!!!!!! WE LOVE YOU OPPA!!!!!!!!"

"PLEASE COME BACK!!!!!! WE'RE WAITING FOR YOU OPPA!!!"

Sa lahat ng social networking site, iisa lang ang hinihiling ng mga fans. Ang pagbabalik ni Kai. Nagtrending pa nga sa twitter ang #WEMISSYOUKAI.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o malulungkot. Natutuwa ko kasi marami talagang nagmamahal sa asawa ko. Alam kong kahit anong mangyari may mga taong nagmamahal at magmamahal sa kanya.

Pero sa kabilang banda, nalulungkot din ako, kahit kasi anong gawin ko hindi ko sya pwedeng angkinin nang buo. Kahit anong gawin ko, hindi ko maiaalis ang katotohanang kahati ko sa kanya ang libo-libong fans na meron sya.

Napatulala na lang ako at napatitig sa kawalan.

"Hindi nga lang pala ko ang nagmamahal sa kanya. Madami kami, sobra."

Pinatay ko na 'yung computer at bumalik sa kama. Humiga ko 'don at tumitig nang matagal sa kisame.

"Pero... hindi naman siguro masama kung ipagdamot ko sa kanila ang asawa ko diba?"

Ilang minuto na kong nakatulala sa kawalan. Iniisip ko kasing mabuti kung ano ba ang sagot sa tanong ko. Masama ba ko kung 'yung damdamin ko lang ang iniisip ko? Masama ba ko kung ipaglaban ko 'yung karapatan ko bilang asawa nya?

Nabalik lang ako sa realidad nang may marinig akong mga katok sa pinto. Napaupo ako't napalingon sa gawi 'non.

"Wifey, lumabas kana dyan. Kakain na tayo." nauliningan kong sambit ni Kai. Walang gana kong lumapit sa pinto at binuksan 'yon nang bahagya. Sakto lang para magkaharap kami.

"Ayoko. Wala kong ganang kumain. Mauna kana." Matamlay kong tugon. Isasara ko na sana muli 'yung pinto nang pigilan 'yon ni Kai.

"Dasuri, Ano ba talagang problema? Mag-usap nga tayo. Lumabas ka dyan." May halong inis na 'yung boses nya pero hindi ko ininda 'yon. Iniiwas ko lang ang tingin ko't minabuting tumingin na lang sa sahig.

"Walang problema. Wala lang talaga kong ganang kumain." Nagkaroon ng nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa. Lumipas pa ang ilang segundo bago ko sya marinig na magsalitang muli.

"Liar, Lumabas ka dyan and we're going to talk."

Hinawakan pa nya ko sa braso para tuluyang hilahin palabas. Nagmatigas naman ako't hindi nagpatangay. Sinalubong ko 'yung mga mata nya. Kahit parang pagod na pagod ako sa hindi malamang dahilan. Pinakita ko paring hindi nya mababago ang desisyon ko.

"Hayaan mo muna ko."

"Please lang."

Hindi naman nagtagal at binitiwan na rin naman nya ko. Kitang-kita ko sa mata nya ang pagkabalisa. Hindi nya siguro maintindihan kung bakit ako nagkakaganito.

Pinutol ko na ang tinginan namin at dahan-dahang isinara ang pinto. Nagpakawala ako nang isang napakalalim na buntong-hiniga. Bakit ko ba ginagawa 'to? Kahit kasi ako, naguguluhan narin sa mga kinikilos ko. Tama lang ba na magkaganto ko?

Tama lang bang itulak ko na naman sya palayo?

Haysst! Ginulo-gulo ko 'yung buhok ko. Mababaliw na ata ko. Kinuha ko 'yung cellphone sa bulsa at dali-daling tinawagan ang number ni Kai. Hindi naman nagtagal at sinagot nya agad 'yon.

“Wifey?| bungad nya agad sa akin.

"Kai, umm." I bite my lower lip bago nagsalitang muli. Hindi kasi ako sigurado kung okay lang talaga kung tanungin ko sa kanya 'yon.

"Pwede bang magtanong?"

“If I let you, lalabas kana ba dyan sa kwarto mo? Haharapin mo na ba ulit ako?” Nag-isip ako saglit bago bahagyang tumango.

"Oo."

“Okay, ask me anything.” Sumandal ako sa pinto habang hawak-hawak ng kanang kamay ko 'yung cellphone.

"Hubby,"

“Umm?”

"Bakit ... Bakit ginusto mong maging idol?" matagal pa bago sya nakasagot.

Mukhang medyo nabigla sya tanong ko. Sabagay, never naman kasi naming napag-usapan ang tungkol sa pagiging idol nya sa tuwing magkasama kami.

"Gusto ko sabihin mo sa akin 'yung totoo. Hindi na baling masaktan ako ang mahalaga hindi ka nagsinungaling sa'kin. Naguguluhan na kasi ako eh." pagtatapat ko rito. I heard him sigh.

“Fine, ginusto kong maging idol dahil dito ko masaya. Sa tuwing nagsisimula na kaming magperform, 'don ko nare-realize kung bakit ako naging idol. Dancing keeps me alive. Bawat galaw, bawat saliw ng tugtog. That feeling that I can't explain. 'Yun 'yung mga bagay na ayaw kong makalimutan.”

"Eh' yung mga fans mo? Ano sila sa buhay mo?"

“Fans? Wala ko 'non. Ang meron ako mga taong naniniwala at sumusuporta sa kakayahan ko. I can't explain what kinds of relationship ang meron kami pero ang sigurado lang ako, meron silang malaking parte sa puso ko.”

"Ahh. Ganon ba? Kung ganon, saan ka mas masaya. Sa pagiging idol o sa pagiging isang asawa?" hindi sya nakasagot agad. Ngumiti ako nang bahagya, gaya nga nang inaasahan ko.

"Sige, babaguhin ko 'yung tanong. Sino ang mas matimbang sa'yo. Ang mga fans mo.... o ako?"

"What? Anong klaseng tanong naman 'yan?" kahit hindi ko sya nakikita. Alam kong nakakunot na naman ang noo nya. Sinulyapan ko ang kabuuan ng kwarto ko. Napatitig ako sa poster ni Kai na nakadikit sa dingding.

"Gusto ko lang malaman ang magiging sagot mo. Baka kasi, napipilitan ka lang na makasama ko. Kagaya nang mapilitan kang pakasalan ako." Tama naman kasi ako. Malay ko ba kung labag naman pala talaga sa kalooban nya ang mga 'to.

Paano kung pinapaasa na naman pala nya ko?

Ayoko nang umasa pa. Ang lakas kasi 'nung makatanga.

“Dasuri, bakit ginagawa mo sa akin 'to? Oo, aaminin ko. Nanghihinayang ako sa mga bagay na binitawan ko. Hindi ko naman kasi mapipigil ang sarili kong hindi maramdaman 'yon. For Pete's sake! Pangarap ko 'yon eh! Buong buhay ko, 'yon lang 'yung hinangad kong makamtan. Tapos ngayong abot-kamay ko na sya saka pa ko bibitaw. Hindi ko kayang lokohin ang sarili ko na wala lang 'yon. Pero alam mo kung ano 'yung mas masakit? 'Yung pagdudahan mo 'yung nararamdaman ko para sa'yo.)

My heart stops beating for a while. Para kong binuhusan nang malamig na tubig sa ulo. Sumosobra na ba ko?

Napaharap akong muli sa pinto at napahawak sa door knob. Pinihit ko na ito pero hindi binuksan. Pinili kong pakinggang muli ang asawa ko.

“Sabi mo noon gusto mong makapasok sa mundo ko. Kaya nga nagbukas ako ng pinto para sa'yo. Pero bakit ikaw, patuloy mo pa rin akong pinagsasaraduhan ng pinto sa buhay mo?”

“Nasasaktan na ko, wifey. Sana lang alam mo.”

KAI

"Nasasaktan na ko, wifey. Sana lang alam mo."

That's my last word before I ended the call. Napapagod na kong magpanggap. Kung 'yon talaga ang gusto nyang marinig mula sa'kin. Wala na kong magagawa kundi ibigay 'yon.

I closed my eyes then heaved a sighed. Sakit parin talaga sya sa ulo. Nakatalikod ako sa kwarto nya at pinipigilan ang sarili kong lumingon dito. Kung patuloy kong kokonsintihin ang mga pinaggagawa ni Dasuri. Hindi na sya magma-matured. Kailangan ko syang tikisin paminsan-minsan.

"Mahal naman kasi talaga kita. Bakit ayaw mong maniwala?"

Paalis na sana ko sa pwestong kinatatayuan ko nang biglang may pumigil sa'kin. Napahinto ako saglit at napatingin sa dalawang brasong nakakapit sa bewang ko. Matagal pa bago ko narealized ang mga pangyayari. Napangiti na lang ako nang maramdaman ang presensya ni Dasuri sa likuran ko.

"Hubby, sorry." Sambit pa nito.

"Sorry 'don sa inasal ko kanina. Hindi ko lang maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Ano ba naman kasi ang laban ko sa pangarap mo. Sa mga fans mong mahal ka nang todo-todo. Hindi ko tuloy magawang ipagdamot ka sa kanila. Ano ba naman kasi ang maibibigay ko na hindi nila kayang tumbasan? Pakiramdam ko tuloy wala namang enta ang pagiging asawa ko." Hinawakan ko ang kamay nya sa tapat ng tyan ko.

"Bakit mo naman nasabi 'yan?" tanong ko.

"Ang totoo nyan. Nahihiya ko sa mga fans mo. Pakiramdam ko kasi ako ang dahilan kung bakit sila nasasaktan. Inaagaw kita sa kanila.”

“Hindi ka man nila pagmamay-ari pero minahal ka nila nang buong puso. Isa rin akong fangirl kaya alam ko kung gano kasakit ang malamang may mahal nang iba ang bias mo. Wala man silang karapatan sa'yo, minahal ka nila kaya may dahilan sila para masaktan." Pagtatapat nito sa akin.

Dahan-dahan ko namang tinanggal ang pagkakayakap nya sa akin, "Nagseselos ako,"

"Ha?" nagtataka nyang tanong pagkaharap ko.

"Sabi ko nagseselos ako." I cupped her face and lean on it.

"Kapag naiisip ko kasi ang mga effort na pinapakita sa akin ng mga fans ko. Kung paano nila ipadama 'yung pagmamahal nila sa akin. Hindi ko maiwasang magselos dahil naiisip kong ganon ka rin kay Sehun."

"A-Ano. M-Mali 'yung-waaah!" Nagulat sya sa bigla kong pagbuhat sa kanya. Habang kinakabahan kasi sya sa pagdedepensa sa sarili. Binuhat ko sya pa-bridal style.

"Tell me, bukod sa pagiging p. a ng grupo namin. Ano pa ba ang mga bagay na ginawa mo para kay Sehun?"

"Ano ba 'yung mga pinagsasabi mo?!" sigaw nito. Hindi ko sya pinansin at naglakad papalapit sa pinto nang kwarto ko. Bigla syang naalarma at nagpumiglas sa pagkakabuhat ko.

"S-Saan mo ko dadalhin?!"

I ignore him and kick my room's door to open it.

"Bakit tayo pumasok sa kwarto mo?! Hala! Ibaba mo ko!" naghe-hesterical na sambit ni Dasuri. Hinigpitan ko lang ang pagkakabuhat sa kanya at nagdiretsyo sa kama. Namilog naman ang mata nya nang mapansin 'yon.

"T-Teka. A-anong ibig sabihin-waaah!" napasigaw sya nang ihagis ko sya sa ibabw ng kama. Hindi naman malakas 'yon kaya sigurado kong hindi sya nasaktan.

Tinignan ko sya nang malagkit habang bahagyang nakahiga rito.

"You know what Dasuri?"

Umakyat ako sa kama at lumapit sa kanya. Para naman syang naistatwa dahil sa ginawa ko.

"T-Teka, Kai. A-Anong nangyayari sa'yo? M-May sakit kaba?"

I didn't bother to answer. Lumapit pa ko habang hindi pinuputol ang eye-contact naming dalawa. Dahan-dahan naman syang umaatras. Nagpatuloy lang ako sa paglapit hanggang sa bigla syang mapahiga nang tuluyan, itinukod ko agad yung braso ko sa magkabilang gilid nya at pumaibabaw dito. Inilapit ko pa ang bibig ko sa tenga nya then whisper,

"I'm wondering if my wife is aware that..."

Ibinaling ko ang mukha ko sa kanya. Sobrang lapit nang mukha namin sa isa't-isa na halos konting galaw ko lang ay mahahalikan ko na sya. Ramdam ko na ang bawat paghinga nya. Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko papunta sa labi nya. Kinagat ko pa ang labi ko habang nakatitig dito.

Kahit madilim napansin ko parin ang paglunok ni Dasuri't biglang pamumula. Ibinalik ko ang tingin ko sa mata nya at nakipagtitigan.

"I'm the hottest guy in my group."

I closed my eyes then claim her lips.