CHAPTER 72: DOUBT

KAI

Pansin kong may gusto pa sanang sabihin si Noona kaya lang hindi nya magawa kasi nasa tabi ko si Dasuri.

"Hmm. Parang medyo nauuhaw ako. Wala ba kayo dyang pwedeng inumin?" Lalo namang lumakas ang kutob ko dahil sa sinabi nya.

"Meron. Dasuri, igawa mo nga si noona ng pwede nyang mainom." Utos ko kay Dasuri. Napalingon naman sya sa akin.

"Bakit ako?" angal pa nya.

"Alangan naman ako?" balik kong tanong sa kanya. Kumunot ang noo nya saka ko sinamaan ng tingin. Wala syang magawa kundi sundin ako.

"OO NA PO!" sarkastiko nyang sambit. Medyo natawa naman si Noonan ang mapansin 'yon. Umupo na rin sya sa tapat ko at humarap sa akin.

Hinintay muna naming makapasok nang kusina si Dasuri bago kami nagsimulang mag-usap.

"Kamusta na sila? Tinanong ba nila kung bakit ako biglang nawala?" ako na ang naunang magtanong. Matagal ko na kasi talaga gustong malaman kung ano ang naging reaksyon ng mga kagrupo ko sa ginawa ko.

"Yes, pero wag kang mag-alala naipaliwanag ko na sa kanila 'yung tungkol sa naging desisyon mo. I told them na hindi mo naman talaga iniwan 'yung grupo. Binigyan lang kita ng time para mas makapagisip-isip pa," napanatag ako nang marinig 'yon. Ngunit naalala ko rin ang napag-usapan namin ni Noona.

Gusto nyang isipin kong mabuti kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko.

"Sigurado ka bang okay lang na umalis ako?" tanong ko kay Noona habang nasa tapat kami ng kotse ko. Balak ko nang puntahan si Dasuri sa bahay pero may kailangan pa kaming pag-usapan dalawa.

"Oo naman. Ako nang bahala sa gulong iiwan mo dito." Sagot naman nya.

"Ibig bang sabihin nito, alis na ko sa grupo?" nag-aalangan kong tanong.

"Kaya mo ba?" balik nyang tanong. Hindi ako sumagot. Sa halip ay yumuko ako nang bahagya.

"Puntahan mo muna si Dasuri. Kailangan ka nya at may responsibilidad ka rin bilang asawa nya. Tatlong araw. Bibigyan kita ng tatlong araw para mapag-isipang mabuti ang talagang magiging desisyon mo." napaangat ako ng ulo at tumitig sa kanya.

"Manatili ka sa tabi ng asawa mo. Kung kakayanin mong umalis pa sa tabi nya pagkatapos ng tatlong araw na 'yon. Magpakita ka lang ulit samin, alam ko na ang ibig sabihin 'non."

"How about Yuri?" basag ko sa katahimikan. Tinitigan muna ko saglit ni Noona bago sumagot.

"She's in a vacation right now. Mukhang sobra talaga syang nasaktan dahil sa pag-atras mo sa WGM." Hindi nya padin inaalis ang tingin sa akin na para bang may gustong ipahiwatig. Iniiwas ko naman ang tingin ko sa kanya.

Alam ko na ang iniisip nito.

DASURI

Nakakainis!! Ano ba ko utusan? Psh! Gusto ko pang makichismis tungkol sa mahiwagang envelope na dala ni manager Jamie. Totoo nga kayang picture 'yon ni Kai kasama ang iba't-ibang babae? Grrr. Sinasabi ko na nga ba eh. He's cheating on me!!!!!

Kumuha ko ng kahit anong pwedeng mainom sa refregirator at inilagay 'to sa baso. Kailangan kong magmadali, I'm sure madami silang pinag-uusapan.

Inayos ko na 'yon at dahan-dahang lumalapit sa kanila. Hindi nila ko pwedeng makita. Baka tumigil sila bigla sa usapan eh. Kailangan magninja moves ako.

Habang dala-dala ko 'yung mga inumin. Ma-ingat akong lumalapit. Habang lumiliit ang distansya ko sa kanila, unti-unti ko na ring naririnig ang pinag-uusapan nila.

"Kai, umamin ka nga sa akin." Napahinto ako nang magsalita ulit si Unnie. Ano ba 'yung gusto nyang aminin ni hubby?

"May chances ba na magbago ang isip mo?" kumunot ang noo ni Kai at tumitig sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala. Baka lang kasi naisip mo nang mas gusto mo pa lang maging idol kaysa maging asawa."

Nabitawan ko bigla ang hawak-hawak kong tray nang marinig 'yon. Kahit parang pabiro lang ang pagkakasabi ni Unnie. Hindi ko parin maiwasang manlambot.

Namilog ang mata ko dahil sa gulat habang nakatitig sa kanila. Napalingon naman sila parehas sa'kin dahil sa nangyari.

"Oh my God! Dasuri!" bulalas ni Unnie.

Dali-dali namang tumayo si Kai at lumapit sa'kin. Chineck nya agad ang kalagayan ko. Halata sa mukha nya ang pag-aalala.

"Are you okay? Nasaktan kaba?" tanong nya. Natauhan naman ako't inayos 'yung mga natapong inuming dala ko.

"Sorry, biglang nadulas sa kamay ko eh. Kukuha na lang ulit ako." Hinawi ko ang kamay ni Kai na nakahawak sa'kin at nagmamadaling bumalik sa kusina.

Naulinigan ko pa ang huling sinabi ni unnie bago ko tuluyang makapasok sa kusina.

"Hindi naman nya siguro narinig 'yung usapan natin diba?"

Tama si Unnie. Wala kong narinig. Wala.