CHAPTER 69: HE’S BACK
KAI
Pagkarating ko sa loob ng bahay, halos patakbo kong umakyat sa taas para puntahan ang kwarto ni Dasuri. Kanina pa ko nagugulumihanan dahil sa nalaman kong may sakit sya. Hindi nya ba alam kung gaano ko naapektuhan ng mga bagay na konektado sa kanya? Aish.
Nang mapunta ko sa tapat ng kwarto ng asawa ko. Hinawakan ko agad 'yung door knob at pinihit 'to. Nagulat ako ng hindi 'to mabuksan. Nakalock? Sinubukan ko itong pihiting muli but again, I failed.
Luminga-linga ako sa paligid para hanapin si noona. Itatanong ko kung bakit sarado ang kwarto ni Dasuri. Nang hindi ko sya makita, kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa at nagsimulang magdial.
I dialed Dasuri's phone number. Napatingin ako sa kwarto ko dahil may narinig akong tunog mula roon. Napaisip ako bigla, nasa kwarto ko sya? Hindi ko pa din binababa ang cellphone ko habang unti-unti nang naglalakad papunta sa kwarto ko.
Binukasan ko 'yung pinto at bumungad sa'kin si Dasuri na mahimbing na natutulog. Nasa tabi nya 'yung phone nyang walang tigil sa pagtunog. I ended the call and went beside her.
Halata sa mukha nya na may dinaramdam syang sakit. Umupo ako sa tabi nya't hinipo ang kanyang noo.
Hindi nga ko nagkamali, mainit sya. I remember what Maria noona said to me, ''Yun nga yung problema eh. Ayaw nyang uminom ng gamot. Maski pagkain tinatanggihan nya. Nag-aalala na ko sa kanya. Kaninang umaga pa sya hindi kumakain. Mapapahamak sya sa ginagawa nya eh."
"Baliw ka talaga," sambit ko habang nakatitig sa mukha nya.
"Sabi mo hindi ka magseselos?" Hinawakan ko ang kamay nya't pinisil 'to.
"You're such a liar, wifey. A liar." I lean and kiss her forehead. Kahit medyo nainis ako sa ginawa nya. Hindi ko maitatagong masaya kong nandito na ulit ako sa tabi nya.
To stay at her side is not an easy decision but hell, its way better than to lose her.
Ngayong nandito na ulit ako sa tabi nya. Hindi ko na 'to sasayangin pa. Gagampanan ko na ang responsibilidad ko bilang asawa nya.
Bumaba ako sa kusina para sana magluto at kumuha nang maligamgam na tubig na pu-pwedeng idampi sa noo ni Dasuri. Kailangang kong pababain ang lagnat nya at pilitin syang kumain.
Ano na naman ba kasing pumasok sa utak nya at naisipan nyang mag-pasting bigla?
The hell, is she trying to kill herself? Tsk.
Bubuksan ko pa lang sana ang refrigerator nang may mapansin akong note sa ibabaw nito.
*Mawawala ako ng isang buwan. Bigla na naman kasing tumawag sa akin ang kapatid ko at sinabing naospital ang na naman ang nanay namin. Ako lang ang inaasahan nilang pu-pwedeng magasikaso sa lahat ng naiwan nyang trabaho kaya sana pagpasensyahan nyo na ang bigla kong pag-alis. Sobrang biglaan ang mga pangyayari kaya hindi na ko nakapag-paalam. Sana maintindihan nyo ang sitwasyon ko. Kayo na muna sana ang bahala sa bahay.*
--MARIA
Kaya ba wala sya dito sa bahay? Mabuti na lang pala talaga't umuwi ako. Kung hindi ay walang magaasikaso kay Dasuri. Hindi ko na masyadong pinagtuunan pa 'yon ng pansin at sinimulan na ang mga bagay na kinakailangan kong gawin.
After a half hour, natapos ko na ang pagluluto. Umakyat ako sa kwarto ko dala na ang mga pagkaing niluto ko. Naiakyat ko na rin 'yung tubig na gagamitin ko bilang pambanyos sa noo ni Dasuri.
Mahimbing pa din ang tulog niya kaya minabuti ko munang punasan sya. Maingat kong idinampi 'yung tuwalya sa mukha nya. Hinawi ko ang kanyang buhok at pinagbuti ang aking ginagawa.
Pinunasan ko rin ang iba pang parte ng katawan nya gaya ng leeg, mga braso at kamay. She looks like an angel habang natutulog. Kahit na may sakit sya hindi nawawala ang inosenteng awrang meron sya.
Dasuri is so delicate and pure. Kaya nga dati pilit akong dumidistansya sa kanya. Ayoko kasing masaktan sya at sirain ang pagiging inosente nya. She's too good for me. Nung unang beses ko pa lang syang makita alam ko nang sya 'yung klase ng babaeng dapat lang na pinag-iingatan.
She's one of the kind.
"Umm." Mukhang nagigising na sya.
Pumihit sya paharap sa pwestong kinalalagyan ko. Maya-maya pa'y napansin ko ang unti-unting pagmulat ng mata nya.
"H-hubby?" parang hindi nya makapaniwalang tanong. Sinubukan pa nyang kusutin ang mga mata nya saka muling tumitig sa akin.
"Mukhang nagde-deliryo na nga talaga ko. Nakikita ko na si Kai sa harap ko eh." kausap nya sa sarili nya. Pinagmasdan ko naman ang mga kilos nya.
Iniangat pa nya ang kanang kamay nya at inabot ang pisngi ko. Hinaplos-haplos nya ito habang nakatitig sa'kin. Ramdam ko ang init ng balat nya.
"Hubby, miss na miss na kita." Napangiti ako nang marinig ang sinabi nya. Hinawakan ko rin 'yung kamay nyang nakahawak sa pisngi ko. Pinili kong manahimik na lang at makinig pa sa mga sasabihin nya.
"Pwede bang, umuwi ka na ulit sa bahay natin?" halata sa mukha nya ang sobrang lungkot. Parang gusto nya pang umiyak habang sinasabi 'yon. Pinisil ko lang muli ang kamay nya. Gusto kong maramdaman nyang nandito na ko sa tabi nya, na sya ang pinili ko.
"Pwede bang.." she pauses for a while. Para bang nagda-dalawang-isip pa sya nung una but in the end, nasabi nya rin.
"Ako na lang ulit ang asawa mo? Please?"
Dahan-dahan na muling pumipikit si Dasuri. Pero kahit ganon, napansin ko parin ang mangilan-ngilang patak ng luha sa pisngi nya. She missed me badly, hindi na nya kailangang sabihin pa sa'kin 'yon. Kitang-kita ko naman sa mga kilos nya eh.
Ngumiti ako't pinunasan ang mga luha nya. 'Yun lang naman kasi ang hinihintay kong gawin nya, ang hilingin nyang bumalik na ko sa tabi nya.
DASURI
*krung* *krung*
Nagising ako dahil sa pagkulo ng tyan ko. Napahawak pa ko dito saka nag-inat. Oo nga pala, kahapon pa ko hindi kumakain. Nagtaka naman ako bigla sa nararamdaman ko.
"Hala, hindi na ko nilalagnat?" kinapa-kapa ko pa 'yung sarili ko para ikumpira 'yung nararamdaman ko.
"Hindi na nga ko ganong kainitan. Pano nangyari 'yon?" Nakakapagtaka naman.
Hindi nga ko uminom kahit isang klase ng gamot. Hindi rin ako kumain tapos gumaling pa ko? Aba! Mayroon ngang himala. At ang himala ay nasa pagtulog ni Dasuri. Haha.
Luminga-linga ako sa paligid at saka ko lang narealize na nasa kwarto ko ni Kai. Lumipat nga pala ko dito kasi sobrang namimiss ko sya. Sa sobrang pagkamiss ko nga sa kanya, naghallucinate ako kagabi na inaalagaan nya daw ako. Haysst. Ang hirap ng ganito.
Paglingon ko sa table sa tabi ko, nakakita ko ng mga pagkain. Isa 'yong mangkok ng lugaw at isang baso ng gatas. Bigla tuloy akong naglaway. Kinuha ko 'yon at ipinatong sa hita ko.
"Waaaah! Mukhang masarap," pinagluto siguro ko ni unnie. Ang bait nya talaga. May napansin pa kong note na nakalagay sa ilalim nung baso. Kinuha ko 'yon at binasa.
*Ininit kong muli 'yung lugaw. Ubusin mo 'yan pagkagising mo para naman bumalik na ulit 'yung lakas mo. Pinagtimpla na rin kita ng gatas. Umalis muna ko saglit. Babalik din ako mamaya-maya.*
"Okay unnie, salamat." Sagot ko kahit hindi naman nya naririnig. Itinabi ko na 'yung note at nagsimulang kumain.
"Woah! Ang sarap naman nito. Umm."
Siguro dahil sa gutom kaya feeling ko ang sarap-sarap ng lugaw. Haha. Hindi ko na kasi mapigilan ang pagkain dito mula ng matikman ko 'yon.
Habang kumakain bigla kong naisip si Kai.
'Kamusta na kaya sya? Siguro pinagluluto nya ngayon si Yuri unnie tapos sabay pa silang kumakain. Naiisip nya kaya ko? Alam nya kayang may sakit ako? Kaso imposible naman 'yon. Siguro nga, nagsusubuan pa sila ni unnie ngayon eh. Haysst. Nakakalungkot naman.'
Ibinaba ko 'yung kutsara ko at huminto sa pagkain.
"Nakakawalang-gana tuloy kumain." Tinanggal ko na 'yung pagkain sa harap ko. Umalis na ko sa kama't isinama 'yon pababa.
Pagkarating ko sa kusina. Inilagay ko agad sa marumi 'yung kinakain ko. Mga kalahati pa lang siguro 'yung nakakain ko. Pumunta na lang ako sa tapat ng refrigerator para kumuha ng maiinom. Nauhaw kasi ako bigla.
Nang aktong bubuksan ko na 'yon. Natuon ang atensyon ko sa note na nakadikit doon.
*Mawawala ako ng isang buwan. Bigla na naman kasing tumawag sa akin ang kapatid ko at sinabing naospital ang na naman ang nanay namin. Ako lang ang inaasahan nilang pu-pwedeng magasikaso sa lahat ng naiwan nyang trabaho kaya sana pagpasensyahan nyo na ang bigla kong pag-alis. Sobrang biglaan ang mga pangyayari kaya hindi na ko nakapag-paalam. Sana maintindihan nyo ang sitwasyon ko. Kayo na muna sana ang bahala sa bahay.*
--MARIA
Huh?? Sabi nya saglit lang sya diba? Sabi nya babalik din agad sya? Ang gulo naman ni Maria unnie. Ano ba talaga sa note nya ang totoo? Babalik sya agad? O Isang buwan syang mawawala?
Umalis ako roon na kinakamot pa ang ulo ko. Ang hirap naman intindihin 'yon. Hindi kinakaya ng napakataas kong IQ. Tss.
Pagkarating ko sa sala. Umupo ako sa sofa at saka binuksan 'yung TV. Wala kong makursonadahang palabas kaya palipat-lipat lang ako ng channel. Nang magsawa na ko sa ginagawa ko. Nag-akyat panaog naman ako sa hagdan. Kumuha din ako ng basahan at sinimulang punasan 'yung mga picture frame at kung anu-ano pa sa bahay namin. Nang matapos 'yon kumuha naman ako ng mop at nagpunas sa sahig.
Nang makaramdam ako ng gutom, pumunta ko sa kusina at naghanap ng makakain. Nakakita ko ng instant noodles kaya kinuha ko 'yon pati na kaserola.
"Lulutuin ko na lang 'to. Haha." medyo excited pa ko kasi eto 'yung first time na magluluto ako ng pagkain ko. Lagi kasing si unnie ang gumagawa 'non para sa akin.
"Teka, pano nga ba gamitin 'to?" Paano nga ba magbukas ng kalan? Luminga-linga ako para makahanap ng bagay na pu-pwedeng gamitin. Binuksan ko 'yung mga cabinet sa taas at naghalukay roon.
"Gotcha!" nakakita ko ng lighter. Kinuha ko 'yun at binuksan.
"Alam ko itatapat lang dito 'yon eh." At tinapat ko nga 'yung apoy na nanggagaling sa lighter sa mga butas na nakikita ko sa stove.
"Bakit ayaw nyang mag-apoy? May pinipindot pa ba dito?" sinilip-silip ko ang kabuuan ng stove. May napansin naman ako 'dong parang pihitan. Pinihit ko 'yon at napaatras ako sa gulat ng mag-apoy bigla 'yung stove. Nabitawan ko pa 'yung lighter dahil sa gulat.
"Aigoo! Muntik na kong atakihin sa puso 'don ah." hawak-hawak ko pa 'yung dibdib ko habang sinasabi 'yon. Lumapit akong muli sa kalan at pinatong na 'yung kaserolang may tubig.
Pagkatapos 'non, nilagay ko agad 'dun 'yung noodles at sauce nito. Napapagiggle pa ko dahil sa excitement.
"Hihintayin ko na lang 'tong maluto at makakakain na ko. Haha."
Wala pang isang minuto ay biglang namatay 'yung kalan. Dali-dali naman akong lumapit dito.
"Hala! Bakit sya namatay? Wag mong sabihing wala na kaming gasul? Ang malas naman oh!" Pinatay ko 'yung stove at binuksang muli pero kahit anong pihit ang gawin ko. Hindi na talaga sya muling nag-apoy.
"Aish!" Nanlumo ako nang makita ang noodles na niluluto ko. Ganon parin ang itsura nya kagaya nang bago ko sya ihulog sa kaserola.
"Hindi ko rin makakain 'to." sabi ko pa habang tinutusok-tusok 'yon gamit ang chopstick. Susuko na sana ko kung hindi lang nahagip ng mata ko 'yung cup noodles sa tabi.
"Ayos, mukhang mabubuhay pa ko." kinuha ko 'yon at binuksan. Lumapit ako sa thermos namin para kumuha ng mainit na tubig.
"Mas madali 'to, pipindutin ko lang 'yung button na may nakasulat na hot. Tapos chanan~ maluluto na sya after 3 minutes." Tuwang-tuwa ako nang magawa ko 'yon ng tama. Sinabi na nga ba. Nagmatured na ko. Kaya ko nang ayusin 'yung cup noodles eh. Haha.
"Alam ko na, sa sala ko kakain para makapanood pa ko ng tv." Kinagat ko 'yung chopsticks tapos binuhat ko naman 'yung cup noodles.
Malapit na kong makarating sa sofa nang bigla mamatay ang mga ilaw. Nagdilim sa paligid, tanging sinag ng araw lang ang naging ilaw ko sa loob.
"Waah!! Mama! Ayoko sa dilim."
Nagmamadali akong naglakad patungo sa sofa. Balak kong ibaba sa mesa 'don 'yung hawak ko tapos buksan 'yung mga bintana para magliwanag. Kaso kakamadali ko bigla kong natisod at napaupo sa sahig. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung pano matapon ang hawak-hawak kong noodles at magkalat 'to sa sahig.
"Hindeeeeeeeee!!!!! Ang pagkain kooooooo!!!!!" halos pagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa nasaksihan kong pagkatapon ng mga ito.
Sinubukan ko pa 'yong isalba kaso napaso lang ako kaya napabitiw ako bigla. Pinagmasdan ko na lang ang karumal-dumal na kalagayan ng noodles ko. Nanlumo ko bigla. Bakit ngayon pa naisipan ni unnie na umalis?! Bakit kailangan nya kong iwan? Ganon ba ko kasama para lahat na lang ng tao sa paligid ko ay gustuhing iwan ako?
"Gusto ko lang namang kumain eh. Bakit ganto?" Hindi ko na napigilan. Nag-iiyak na lang ako dahil sa sobrang sama ng loob ko. Bakit kailangang mangyari sa akin 'to?
Iniwan na nga ko ng asawa ko pati ba naman si unnie at noodles ko? Wala ba talagang mananatili sa tabi ko? Huhu.
Nilibot ko ang paningin ko at tumambad sa'kin ang isang malaking bahay na wala namang katao-tao. Tanging ako lang ang naroroonan. Dati, napakaganda para sa'kin ang salitang kasal. Dati kasi akala ko madali lang ang buhay. Basta kasama mo ang taong mahal mo, magiging maayos ang lahat. Kahit may problema mang dumating hindi ka susuko agad dahil meron kang masasandalan.
Pero ngayon, mukhang kabaliktaran ng pinangarap kong 'Marriage life' ang meron ako ngayon. May malaki nga kong bahay pero ako lang naman ang nasa loob nito. May asawa nga ko pero, wala naman sa tabi ko.
Paano pa ko magiging masaya kung lahat naman ng inakala kong akin ay hindi ko naman pala talaga pagmamay-ari? Ang hirap ng ganito, 'yung pakiramdam na mag-isa ka na lang sa mundo.
Hindi ko na alam kung gaano ko katagal sa pwesto ko. Nakayakap lang ako sa dalawang tuhod ko habang nakayuko rito. Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko kay Kai, pero ayoko rin namang masira ang pangarap nya nang dahil lang sa akin.
Ang sakit malaman na kahit mahal nyo ang isa't-isa. Hindi pa rin pwedeng makasama mo sya. Dahil may mga mga bagay na higit pang importante kaysa sa'yo.
"Hubby." Bulong ko. Sana lang marinig nya ang mga pagsusumamo ko.
Patuloy lang ako sa paghikbi nang may maramdaman akong dumidila sa kamay ko. Pag-angat ko ng mukha, bumulaga sa'kin ang tatlong asong dinidilaan ang kamay ko. Lalo kong nagulat ng dambahan nila ko't palibutan. Napahiga ko dahil sa ginawa nila.
"Waaah! Bakit nyo ko nilalapa?!" Pilit kong tinatakpan 'yung mukha kong pilit nilang dinidilaan.
"Tigilan nyo ko. Hindi tayo close, waaaah!" Ako na ata ang pinaka malas na tao sa buong mundo. Iniwan na nga ko ng mga taong mahal ko, nilalapa pa ko ng mga asong hindi ko malaman kung saang lupalop nanggalling. Huhu.
"Jjanggu, Monggu, Jjanggah." Biglang huminto 'yung mga aso sa paglapa sa akin nang marinig 'yung boses. Mukhang pangalan nila 'yung tinawag at 'yung amo nila 'yung nagsalita sa di kalayuan.
Ginamit ko naman ang pagkakataong 'yon para makaupo nang maayos. Nagtakbuhan naman 'yung mga aso papalapit 'don sa lalaking kapapasok pa lang ng bahay. Tuwang-tuwa 'yung tatlong aso nang makita sya. Samantalang ako, natameme. Bigla kasing nag-init 'yung magkabilang mata ko nang makilala sya.
Pinagmamasdan ko lang sya habang dahan-dahan syang naglalakad papalapit sa'kin. Lumuhod pa sya para magkalevel kami. Naglabas sya ng panyo at marahang pinunasan 'yung mukha kong napuno ng laway ng mga aso.
Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lang ako sa mukha nya habang pinipigilan ang pagpatak ng luha ko. Ayokong umiyak sa harap nya. Sabihin pa nya namiss ko sya ng sobra. Psh.
"I hate you." Sambit ko.
Ewan ko ba pero 'yon 'yung lumabas sa bibig ko nang sinubukan kong magsalita. Nakangiti pa kasi sya sa harap ko. Pakiramdam ko tuloy natutuwa pa sya sa naging kalagayan ko. Tapos kahit naman ako pa mismo ang nagsabi sa kanyang tanggapin 'yung request ng WGM. Dapat kinakamusta nya parin ako, dapat inaalam nya parin kung buhay pa ko. Pero hindi nya ginawa, nakakatampo tuloy.
Mukhang hindi naman nya inintindi 'yung sinabi ko at nagpatuloy lang sa pagpunas sa mukha ko.
"Narinig mo ba 'yung sinabi ko? Sabi ko I Hate You." Para kasing hindi nya ko naririnig. Inayos pa nya 'yung buhok kong nagulo dahil sa mga aso kanina.
"Too bad. Mahal na mahal na kasi kita eh." sinulyapan pa nya ko then gave me a sweet smile. Hindi ko na napigilan, hinigit ko sya't niyakap ng mahigpit.
Sinubsob ko ang mukha ko sa balikat nya saka nag-iiyak. Narinig ko naman syang tumawa ng mahina sabay yakap din sa'kin. Tinatapik-tapik pa nya 'yung likod ko habang ako naman ay humahagulgol.
"Tahan na, nandito na ko." Bulong nya sa akin.
Hindi ako sumagot, nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Gusto kong magsumbong, gusto kong mang-away. Gusto kong sabihing miss na miss ko sya pero sa huli, nag-iiyak lang ako sa harap nya. Ano ba 'to nakakahiya.
"Ssh. Alam mo bang miss na miss din kita? Ikaw naman kasi, bakit mo ko pinamigay sa iba? Pareho lang tuloy tayong nasaktan."
Humiwalay ako sa pagkakayakap at hinarap sya.
"H-Hindi ko naman alam na ganto 'yung mangyayari. A-Akala ko kasi k-kaya ko. Huhu."
Humuhikbi pa ko habang sinasabi 'yon. Sya naman hindi matanggal ang ngiti sa mukha. Nang-aasar ba sya? Kita nang umiiyak 'yung tao tapos tatawanan nya. Bad Hubby. Bad!!
Maya-maya pa, pinat nya ang ulo ko at ginulo-gulo ang aking buhok.
"Tahan na, Gusto mo tayo na lang ang magbahay-bahayan?" napahinto ko sa paghikbi at tumitig sa kanya. Anong bahay-bahayan? Anong tingin nya sa amin, bata?
"I'll be your husband and you as my wife. Aalagaan kita at ganon ka rin sa akin. Pero this time, ayokong umacting, gusto ko lahat totoo.”
“Ano, deal?"