CHAPTER 68: SECOND WIFE

YURI

Natapos na ang kasal-kasalan namin ni Jong In pero ramdam ko parin ang coldness sa pakikitungo nya sa Akin. Kahit anong gawin kong paglapit, gumagawa talaga sya ng way para dumistansya sa'kin. Hindi na kami kinukuhaan ngayon dahil papunta na kami sa bahay na titirhan namin hanggang sa matapos ang show na 'to.

Nasa iisang sasakyan kami pero walang pansinang nangyayari. Hindi ito ang inaasahan ko. I thought, magagawa kong mapanumbalik ang tinginan namin pero hindi pala 'yon ganon kadali. Jong in puts a big wall between us kailangan kong makaisip ng paraan para masira 'yon.

"Okay, ang shot ay magsisimula sa pagpasok nyo sa bahay. Kailangan maipakita nyo kung ano ba 'yung karaniwang ginagawa ng mag-asawang bagong kasal. Hindi nyo kailangan mahiya, maiintindihan naman namin kung magiging sobrang sweet kayo sa isa't-isa. Alam naman naming my foundation na namg love team nyo. Magstart na tayo."

After that, dumikit agad ako kay Jong In.

"Kinakabahan ako, ano kayang itsura ng bahay natin." Paguumpisa ko.

Hindi naman sya sumagot. Basta binuksan nya lang 'yung pinto. Natanggal pa ang pagkakaangkla ko sa braso nya nang pumasok sya mag-isa sa loob at iwan ako. Hindi ko pinahalatang nalungkot ako sa ginawa nya. Sumunod na lang ako sa loob at nagpanggap na walang nangyari.

"Wow. Tignan mo, ang ganda ng kama. Ang laki, kasya tayo siguro dito." Umakyat ako roon. Mabuti naman at sumunod sya sa'kin. Umupo sya sa tapat ko.

"Umm. Ang awkward 'no? Kahit naman na nagdate tayo dati, hindi pa tayo nagtatabi sa isang kama. Mamaya siguro 'yung first." Medyo nahihiya kong sambit.

"Yeah, pero kung naiilang ka talaga. Doon na lang ako sa sofa." Tatayo na sana sya nang pigilan ko sya.

"No! Mag-asawa tayo kaya dapat lang na magkatabi tayo!" medyo napalakas pa 'yung boses ko at may halong pagkadesperada. Bakit kasi pilit nya kong iniiwasan? Mukhang gusto pa nyang tumutol pero tinitigan ko sya sa mata at nagmakaawa.

'Wag mo naman gawin sa'kin 'to oh, please.'

Napabuntong-hinga sya. "Kumain muna nga tayo. Magluluto ako."

Napanatag ako bigla. Tumayo na sya mula sa kama at nagdire-diretsyo sa kusina. Hinayaan ko lang sya. I won't get tired. Hindi ako susuko. I can make him fall for me again. Promise.

MARIA

"Dasuri?" umakyat ako sa taas para hanapin si Dasuri. Nakalipas na ang tanghalian pero hindi parin sya bumaba mula sa kwarto nya.

Pagpasok ko rito, wala si Dasuri. Sunod ko namang pinuntahan ay ang kwarto ni Kai. Siguro nandirito sya. Madalas kasi kapag nalulungkot sya, dito ko lang sya natatagpuan.

Hindi nga ako nagkamali. Nakita ko sya roon habang balot na balot ng kumot. Lumapit ako sa kanya at kinapa ang noo nya.

"Naku, ang taas ng lagnat mo. Kukuha kita ng gamot." Nagmamadali akong bumaba at kumuha ng gamot. Kumuha na rin ako ng makakain nya. Kaninang umaga pa sya walang kain kaya siguradong nagugutom na sya.

"Dasuri, kumain ka muna para makainom ka ng gamot." Paggising ko dito. Iminulat naman nya ang kanyang mata at tumingin sa akin.

"Ayoko po, wala kong gana." Pagtangi nito.

"Naku kang bata ka. Hindi pwedeng hindi ka kumain. Kailangan mong makainom ng gamot at ang taas ng lagnat mo." pagpupumilit ko.

"Ayoko po talaga. Gusto ko lang magpahinga." Mahina nyang sabi sabay talikod sa'kin. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Mamamatay ka dyan sa ginagawa mo eh." sobra na talaga kong nag-aalala. Kapag hindi pa sya nakainom ng gamot siguradong lalong lalala ang sakit nya. Pero pano ko naman sya mapipilit uminom ng gamot?

"Kapag hindi ka pa uminom, tatawagan ko si Kai para pagalitan ka." Sana gumana ang pananakot ko sa kanya.

"Hindi nya gagawin 'yon. Sigurado naman akong busy sya ngayon sa pag-aalaga ng asawa nya. Hindi na nya ko magagawang alalahanin pa." puno nang lungkot ang boses ni Dasuri. Nagtalukbong sya ng kumot at saka nagmukmok roon.

Mukhang alam ko na kung bakit sya nagkakaganyan ngayon. Ang mabuti pa siguro ako na mismo ang gumawa ng paraan para magkaayos na naman ang dalawang 'to.

KAI

"Say ahh." sinusubukan ni Yuri na subuan ako ng pagkaing sabay naming niluto.

Gusto ko sanang tumanggi kaso ayoko namang pahiyain sya sa harap ng mga nanood. Pumayag na lang ako't sinunod sya.

"Ayan, masarap ba? Haha. May sauce ka sa labi." Pinunasan nya 'yung sauce ng black noodles na kinakain namin. Hindi pa sya nakuntento at sinubo 'yon.

"Hmm. Ang sarap." Sinasabi nya 'yon habang nakatingin sa'kin. Nginitian ko lang sya.

'Kai, subuan mo rin sya. Maging sweet ka naman sa asawa mo'

Narinig kong sabi nung direktong. Wala na kong nagawa kundi sundin sya. Sinubukan ko ring maging sweet kay Yuri. Kahit labag sa loob ko kailangan kong gampanan ang trabaho ko.

Patuloy lang kami sa pag-uusap ng kung anu-ano.

"Ahm. Hubby?" nagulat ako nang tawagin nya ko sa endearment namin ni Dasuri.

"Hubby na lang tawag ko sa'yo. Tutal, asawa na naman kita eh." nakangiti nyang wika. Tumango na lang ako bilang tugon. Namiss ko tuloy bigla ang asawa ko.

Kamusta na kaya sya sa oras na 'to? Nakakain na ba sya? Hindi naman siguro sya lumalabas sa bahay ng walang suot na jacket? Or worst, hindi naman siguro sya nakikipagdate sa kung sinong lalaki. Argh.

"Hey, hubby? Nakikinig kaba sa sinasabi ko?" untag sa'kin ni Yuri.

"Huh? Ah?" hindi ko alam kung ano 'yung isasagot.

Hindi ko pwedeng sabihing hindi kasi baka maoffend sya pero pag sinabi kong oo, baka magtanong sya about 'don. Siguradong wala kong masasagot. Ilang segundo pa kaming nakatitig lang sa isa't-isa. Mukhang hinihintay nya ang sagot ko. Magsasalita na sana ko nang may mauna sa'kin mula sa hilera ng mga producers and staff.

"Kai, you have a very important call." Si Manager Jamie 'yung nagsasalita.

"What? Cut! Cut!" bulalas ng director.

"Bakit kailangang mong isingit 'yan? Wala ka bang manners? My gosh!" nangagalaiti na yung director. Hindi naman nagpatinag si Noona at lumapit pa sa akin.

"Just give us 10 minutes. This call is so important." Inabot nya sa akin 'yung phone. Wala nang nagawa yung director kundi pagbigyan kami. Nasa harap ko na si noona eh.

"Sige na." napansin nya kasing nagdadalawang-isip pa ko kaya ipinagpilitan nya sa'kin 'yung cellphone.

Nagulat ako nang makita ang pangalan ni Dasuri sa i. d caller. Kahit nagtataka talaga ko sa mga nangyayari. Sinagot ko na rin 'iyon.

"Hello? Dasuri?" Napatingin sa akin si Yuri nang marinig ang pangalan ni Dasuri.

“Si Maria 'to Kai. Ginamit ko lang 'yung cellphone ni Dasuri para matawagan ka.”

"Bakit po? May problema ba?"

“May sakit si Dasuri.”

"Po? Mataas ba? Pinainom nyo na ba ng gamot? Dalhin nyo na po kaya sya ng ospital?" bigla kong nataranta dahil sa nalaman ko.

Shit. Bigla kong ginustong umuwi ng bahay. Anong kalokohan na naman kasi ang pinaggagawa ng babaeng 'yon at nagkasakit sya? Aish.

“'Yun nga yung problema eh. Ayaw nyang uminom ng gamot. Maski pagkain tinatanggihan nya. Nag-aalala na ko sa kanya. Kaninang umaga pa sya hindi kumakain. Mapapahamak sya sa ginagawa nya eh.”

"Ibigay nyo po sa kanya 'yung phone. I'll talk to her." naiinis kong sambit.

“Sa tingin ko, hindi rin 'yon makakatulong. Kung gusto mo talaga syang gumaling, umuwi kana. Iisa lang naman kasi ang kailangan nya eh, 'yung presensya ng asawa nya. At ikaw 'yon Kai.”

Napapikit ako nang marinig ang sinabi ni noona. Alam kong tama sya, alam kong ako lang ang kailangan ni Dasuri. Kailangan kong tuparin yung responsibilidad ko bilang asawa nya. Kaya lang, pano naman ang responsibilidad ko bilang isang 'idol'?

Aish.

Pilit ko paring iniisip kung ano ba ang dapat kong gawin nang maramdaman ko ang paghawak ni Jamie noona sa balikat ko. Napamulat ako ng mata at tumingin sa kanya. Sinalubong naman nya ang mata ko.

"Naaalala mo pa ba 'yung sinabi ko sa'yo dati? Sa huli, ikaw parin ang makakapagdesisyon kung hahayaan mo syang manatili sa buhay mo o hindi. Isa lang naman ang mapapayo ko sa'yo. Sana sa desisyong gagawin mo piliin mo kung saan ka tunay na magiging masaya. Mahirap magsisi sa bandang huli pero mas mahirap ibalik ang mga bagay na sinayang mo na. Kaya nga hanggat maaga pa, kumilos kana."

Napatulala pa ko sa kanya saglit. Ibig bang sabihin nito, hinahayaan nya kong gawin ang gusto ko?

"Noona," nginitian nya lang ako't tumango-tango. Lumakas naman ang loob ko.

"Salamat." Akmang aalis na ko sa pwesto ko nang pigilan ako ni Yuri.

"Sandali, anong ginagawa mo?" hindi ko sya pinansin. Tinanggal ko ang kamay nya sa braso ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Yah! Kim Jong In!" halos pasigaw na tanong ni Yuri.

"Ano ba! Answer me!"

"Saan ka ba pupunta?!" huminto ako't nilingon sya.

Napansin ko ang mga matang nakatitig sa'kin. Halatang hindi rin sila makapaniwala sa kinikilos ko. Pero kahit ganon, hinarap ko sila at ngumiti ng buong kumpansya.

"Sa bahay namin ng asawa ko."