CHAPTER 67: WE GOT MARRIED

KAI

Last night I called Jamie noona para sabihin ang naging desisyon ko. Hindi ko maintindihan si Dasuri, ayoko syang masaktan pero sya pa mismo ang gumagawa ng paraan para mangyari 'yon. Kahit labag sa kalooban ko, sinunod ko ang gusto nya.

Kung doon sya sasaya, gagawin ko.

"Kung may balak kang umatras, gawin mo na hangga't maaga pa at konti pa lang ang expenses na babayaran natin." Medyo natawa ko sa wika nya. Nasa location na kasi kami ng first shooting ko sa WGM. Hinihintay na lang namin matapos ang preparation at ang pagdating ni Yuri sa set.

"Ngayon ko lang napatunayan. Ang gulo talaga kausap ng mga babae." Sagot ko habang nakaupo kami sa loob ng isang tent. Parang kahapon lang pinipilit nya ko. Ngayon naman pinapaatras nya ko. Tss.

"Manahimik ka nga dyan. Nilait mo pa kaming mga kababaihan. Pero maiba ko, napag-usapan nyo na ba ng asawa mo ang tungkol dito?" naging seryoso ang tono ng boses ni manager. Sinulyapan ko sya saglit.

"Sino ba sa dalawang asawa ko ang tinutukoy mo?" may halong biro kong tanong.

"Malamang 'yung legal, si Dasuri." nakaismid pa nyang sambit.

Medyo nalungkot ako nang marinig ang pangalan nya. Hindi na kasi ako nakapagpaalam sa kanya kanina. Hindi ko nasabi sa kanya ng personal ang naging desisyon ko. Natatakot kasi akong kapag nakita ko pa sya, baka bigla na namang magbago ang isipan ko.

"Yeah, we did." Mahina kong tugon. Nababalisa ako tuwing naalala 'yung kagabi. Napaiyak ko na naman sya. Tsk.

"So, pumayag sya? Nandito ka eh." medyo patanong nyang saad. Sasagot pa lang sana ko nang biglang may pumasok sa tent namin. Isa sa mga staff ng WGM.

"Mag-i-istart na po tayo." sabi nya. Tumango lang ako saka lumabas kasama nya. Paglabas namin ng tent, naulinigan kong sinabi ni manager Jamie.

"Woah! Winter na talaga. Nagsisimula nang magsnow." Sabi nya habang nakatingala sa langit. Ginaya ko naman sya't inilahad pa ang isa kong palad para pakiramdaman ang mga pumapatak na snow. Hindi ko mapigilang mapangiti. May naalala kasi akong nakakatuwang pangayayri nung unang beses magsnow noong isang taon.

"You're late! Sinabi ko nang dumating ka nang mas maaga. Nakakahiya sa balae at future daughter in law ko!" nangagalaiting sermon sa'kin ni mama pagkarating ko sa isang wedding gown shop. May usapan kasi kaming magkikita kami roon.

"Ma naman, idol ako, hindi ganon kadali para sa'kin ang isingit na lang basta-basta ang mga ganitong bagay sa schedule ko." pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Shut up. Stop telling me nonsense excuses my son. Hindi mo ko madadala sa mga paganyan-ganyan mo." wala pa sanang tumigil si mama sa panenermon kung hindi lang sumingit sa usapan si Mrs. Choi.

"He has a point mare, wag ka nang magalit. Ang mahalaga, nandito na sya." napatingin si mama sa kanya saglit. Ngumiti ito saka ibinalik ang atensyon sa akin.

"Pumasok ka 'don sa loob at hanapin ang mapapangasawa mo." halatang nagpipigil sya ng inis.

"Kanina pa sya nagsusukat ng gown, nag-aalala na ko kasi hanggang ngayon hindi parin sya lumalabas." Dagdag pa nya.

I frowned. Bakit kailangang ako pa? Saka anong klaseng utak ba meron ang babaeng 'yon? Sa liit nitong shop, wag mong sabihing naligaw pa sya? Tss.

Pumasok ako sa loob ng isa pang kwarto kung saan pwede kang magsukat, bumungad sa akin ang sandamakmak na wedding gown na nakadisplay sa paligid. Naglakad pa ko papasok para hanapin 'yung nawawalang babae.

Mamaya-maya pa, nakarinig ako ng isang boses ng babae. Pinakinggan ko 'yon ng maigi.

"Ma? Mrs. Kim? Tulungan nyo po ko dito. Naipit po kasi 'yung gown ko. Hindi ako makaalis."

"Tulong! May nakakarinig ba sa akin?"

"Tulungan nyo naman ako oh' please."

Hinanap ko 'yung pinanggagalingan nang boses. Hindi naman nagtagal at nahanap ko iyon. Bumungad saakin ang isang babaeng nakaupo na sa sahig habang pilit na hinihila 'yung laylayan nang gown nyang naipit sa isang lumang pinto.

Nilapitan ko sya't kinausap. "What are you doing?"

Tumingala naman sya para tignan ako. Biglang kumislap ang mga mata nya nang makilala ko. Ilang segundo pa kaming nagkatitigan. Kasabay nito ang pagbagsak ng snow sa labas. Natauhan lang ako ng tawagin nya ang pangalan ko.

"KAI?!" gulat pa nyang sabi.

"Stop calling my name. Sagutin mo na lang 'yung tanong ko." wala sa mood kong saad. Mukhang natauhan naman sya dahil 'don.

"Ahh. Oo nga pala, ano kasi, naipit 'yung laylayan nung gown ko dito sa pinto. Magsi-cr kasi dapat ako, akala ko dito 'yon. Eh bodega pala 'to kaya lumabas ulit ako. Kaya lang pagkasarado ng pinto naipit 'yung gown tapos hindi ko na mabuksan. Tulungan mo naman ako oh' please." Nagdaup-palad pa sya sa harap ko.

Hindi ko sya sinagot, lumuhod na lang ako para abutin 'yung gown nya. Napansin kong medyo namula pa sya nang medyo magdikit ang mukha namin. Wala na kasing ganong space sa paligid. Talagang magkakadikit kami kapag tinulungan ko syang alisin 'yung pagkakaipit ng gown nya.

"Dahan-dahanin mo lang ah. Baka kasi masira 'yung gown kapag pinuwersa mo." paalala pa nya sa'kin. Nagsmirk lang ako sabay hila na sa gown nya.

"Hala! Dahan-dahan lang sabi eh." hindi ko sya pinansin. Patuloy lang ako sa paghila ng gown nya. Kahit pa pinipigilan na nya ko gamit ang kamay nya.

"Ano ba. Masisira na. Ayan na. Waah! Dahan-dahan lang sabi eh." naiirita ko sa sobrang ingay ng babaeng katabi ko. Pinuwersa ko 'yung paghila sa gown kaya natanggal 'to.

Yun nga lang nadamay 'yung babaeng maingay kaya napayakap sya sa'kin. Dahil sa kakulitan nya nadamay ako't napahiga sa sahig. Bale ang pwesto namin ay. Nakahiga ako sa sahig habang hawak-hawak ang laylayan ng gown nya samantalang sya ay nasa ibabaw ko.

Nagkatitigan kami pareho habang natatakpan ang ulo namin ng belong nasa ulo nya. Nakita ko pa syang mapapikit-pikit habang pinipigilang magkalapit ang mga labi namin. Hindi ko maiwasang mapangiti.

Maganda naman pala sa malapitan ang babaeng 'to.

"Woah! Iho, Iha! Anong ginagawa nyo?" naulinigan ko ang boses ni Mrs. Choi kaya dali-dali kong itinayo ang babaeng 'to at umayos rin ng upo. Dumistansya pa ko sa kanya nang kaunti habang sya ay inaayos ang sarili.

"Alam naming malapit na ang kasal pero hindi naman ata tamang dito nyo gawin ang honeymoon." Naulinigan kong dagdag pa nya.

"Kaya pala may naririnig ako kaninang 'dahan-dahan lang kasi'. Mukhang magkakaapo kami agad nito ah. Haha." tuwang-tuwang sabi ni mama. Namula naman yung babaeng nasa harapan ko. Napailing na lang ako't tumayo.

"Anong ginagawa mo? Tulungan mo si Dasuri na tumayo." Bulong sa'kin ni mama. Kahit labag sa kalooban ko, inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Inabot naman nya 'yon.

Nagulat ako nang may maramdaman akong kakaiba nang mahawakan ang kamay nya. Wala pa syang suot na gloves kaya ramdam ko kung gano kalambot ang mga palad nya.

"Salamat." Nahihiya nyang sambit.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko agad binawi ang kamay ko kahit nakatayo na sya. Natauhan lang ako nang marinig ko syang magsalita.

"Umm, 'yung kamay ko." binitawan ko na 'yung kamay nya't nagsimula nang maglakad. Sinundan ko na lang kung saan nagtungo sila mama.

Tinignan ko pa 'yung kamay kong nakahawak sa kamay nung babae kanina. Bakit ganon, bakit parang nakuryente ako nang mahawakan ang kamay nya?

Posible ba talaga 'yon?

"Jong In? What's with your hand? Kanina mo pa tinitigan 'yan?" reality strikes me because of Yuri's voice. Pag-angat ko ng mukha nakita ko syang nakatayo na sa harap ko.

"Alam ko namang hindi mo ko matitiis. Mabuti naman at tama ang naging desisyon mo. Don't worry, I'll do everything para maibalik lahat ng meron tayo dati." Sabi nya sabay angkla pa sa braso ko.

"I miss you, Jong In." she whispers.

"I'm sorry noona pero mali ang iniisip mo." dahan-dahan kong tinatangal ang pagkakahawak nya sa braso ko.

"Hindi ako nandito para sa'yo. Kung hindi lang ako iniyakan ng asawa ko, I won't do this stupid set-up. Kaya please, tigilan mo na ko." para syang binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig sa sinabi ko. Pero wala kong balak na bawiin 'yon. I mean what I've said.

I left her dumbfounded. Lumapit na lang ako sa mga staff’s para alamin kung ano ba ang mga gagawin namin ngayong araw. Kahit labag sa kalooban ko, pipilitin kong gampanan ang responsibilidad ko.

Sana lang maisip ni Dasuri na bawiin ang lahat ng sinabi nya sa'kin kagabi. Sabihin lang nyang bumalik na ko, gagawin ko.

DASURI

Pabaling-baling ako sa kama habang nakahiga. Ang sama na talaga ng pakiramdam ko. Nakakainis naman kasi, bakit ayaw mawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Kai kagabi?! Talagang paulit-ulit pa syang nagpe-play sa utak ko.

"Kapag pumayag ako, kikilos ako bilang tunay nyang asawa. Magsasama kami araw-araw. Aalagaan ko sya, ipagluluto. Susubuan, hahawakan ang kamay. Sasabihan ng matatamis na salita, makakatabing matulog. Yayakapin at higit sa lahat, hahalikan. Sa tingin mo magagawa ko lahat ng 'yon habang ang TOTOONG asawa ko, nasa bahay namin at umiiyak ng mag-isa. Mag-isip ka nga."

Argh. Ngayon lang ata nagsi-sink-in sa utak ko ang mga consequences nang ginawa kong katangahan. Bakit ko ba sya nagawang ipamigay? Nasa akin na nga, pinakawalan ko pa. Ang tanga ko talaga kahit kailan.

Umupo ako sa kama at kinuha si Kauru. Iniharap ko sya sa'kin at sinimulang kausapin.

"Kauru baby, nagagalit ka ba sa'kin kasi pinagtulakan ko palayo 'yung daddy mo? Nagagalit ka ba kasi ako pa mismo ang nagpamigay sa kanya? Pasensya kana ah. Ang tanga-tanga kasi ni mommy eh. Hindi nya naisip na ganto pala ang kalalabasan ng lahat. Sana lang, pagkatapos ng lahat, bumalik pa sya sa'tin."

Dumoble ang sakit na nararamdaman ko. Pano kung tuluyan na nga kong iwan ni Kai? Pano kung bumalik ulit 'yung feelings nya para kay Yuri unnie? Pano na ko pag nagkataon? Babalik na naman ba ulit kami sa dati?

Babalik na naman sa akin ang titulong, 'asawa lang sa papel?

Lumabas ako ng kwarto ko't nagdiretsyo sa katapat nitong kwarto. Isinama ko pa si Kauru sa paglabas. Binuksan ko ang pinto ng kwartong iyon at matamang pinagmasdan ang kabuuan ng loob nito. Ang sariling mga paa ko na mismo ang nagdala sa'kin sa kama. Umayat ako dito at umayos ng higa.

Gustong-gusto ko talaga ang humiga sa kama ni Kai. Kahit kasi wala sya sa paligid, pakiramdam ko nandito lang sya sa tabi ko dahil sa amoy nyang naiwan sa kama nya. Gumawi ako sa bandang bintana habang yakap-yakap si Kauru.

Napadako ang tingin ko sa labas ng bintana. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib nang makita ang sabay-sabay na pagbagsak ng mga snow sa labas. Sana kasama ko rin sya ngayon, kagaya ng dati.

"Wow! My dear, you look gorgeous on that wedding dress."

"Now that you're in front of me, wearing a wedding dress. Hindi ko mapigilang mapaiyak. Malaki na nga ang anak ko."

'Yan agad ang bumungad sa'kin pagkalabas ko ng fitting room. Tuwang-tuwa sila mama ng makita ko. Feeling ko tuloy ang ganda-ganda ko talaga sa suot-suot kong gown. Kaya lang nang mapadako ang tingin ko sa lalaking papakasalan ko.

Unti-unting nawawala yung mga ngiti ko. Ni hindi man lang kasi nya ko masulyapan. Busy sya sa kakalikot ng cellphone nya. Alam ko namang napilitan lang syang pakasalan ako pero kailangan ba talaga ipamukha nya sa'kin na wala syang pakialam? Tss.

"Magpapalit na po---" naputol ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Kai. Tumayo pa sya sa kinauupuan nya't hinarap sila mama.

"Ma, Tita, she's done fitting. Pwede na kong umalis?" halos mapanganga ko sa ginawa nya. Talaga bang pinamumukha nya sa'king wala kong kwenta? Nakakaasar na ah.

Tumigil naman sa pagku-kwentuhan sila mama at nilingon sya.

"What? Wala pang isang oras kang naririto tapos aalis kana agad? I'm sorry mare but I feel disappointed about your son. Masyado naman ata syang nagiging insensitive?" nagugulumuhanang opinion ni mama. Tama 'yan mama, ipagtanggol nyo ang pride ko. Masyado nya kong binabalewala.

Nakakaasar na.

"No, I think Kai has a point." Namilog ang mga mata ko dahil sa naging sagot ng mama ni Kai. SERYOSO? Pati ba naman sya. Umarko pataas ang kilay ni mama. I smell war.

Napangiti naman si Kai. Woah! Nakakabadtrip na talaga sya.

"If you want to leave? Walang problema sa'kin 'yan. You can go anytime." Nagkislapan ang mga mata ni Kai.

"Thanks ma, you're the best!" aalis na sana sya nang pigilan sya ng mama nya.

"Wait! Pero kailangan kasama si Dasuri." nakangising sambit ni mrs. Kim. Sabay naman kaming napanganga ni Kai nang marinig 'yon. Halata sa mukha ni Kai ang pagtanggi sa gustong mangyari ng mama.

"But mom,"

"No buts my son, its either you you'll stay here or do what I want." Maotoridad na wika ng mama nya. Woooh! Ako naman ngayon ang may ngiting tagumpay. Akala nya ah. Haha.

Para syang pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa desisyon ng mama nya. Mukhang kating-kati na syang umalis kaya lang no choice sya. Mananatili sya sa ayaw at gusto nya. Haha.

Narinig ko ang biglang pagring ng cellphone ni Kai. Mukhang may tumatawag. Tinignan nya 'yon at lalong namoblema ng malaman kung sino 'yung tumatawag. Pinagmamasdan ko lang ang mga kilos nya. Bahala syang mamoblema dyan. Karma 'yan eh. Buti nga haha.

Nag-e-enjoy pa ko sa pagtitig sa mga kilos nya nang bigla syang tumingin sa'kin. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Nararamdaman nya kaya 'yung pagtitig ko? Maya-maya pa'y nagbuntong-hininga sya sabay tingin kila mama.

"Fine, I choose the second option."

Nagulat ako nang bigla nyang hawakan 'yung kamay ko sabay hila sa akin palabas ng shop. Hindi ako nakareact agad kasi nashock talaga ko sa nangyari. Patuloy lang sya sa paghatak sa'kin habang ako naman halos madapa-dapa dahil sa haba ng gown na dala ko.

Wala ba syang puso para gawin sa'kin 'to? Huhu. Binalak ko pang humingi ng tulong kay mama kaso mukhang kilig na kilig pa sya sa mga nangyayari eh.

Waaaah! Help.