Chapter1: Elora

Elora Amore Point of View

" Ano? Natanggal ka naman sa trabaho, Serene? Bakit? " nasa hamba pa lang ako ng pintuan, dinig ko na ang boses ni Ninang.

" Kung anong dahilan no'ng una kung bakit ako natatanggal, gano'n din ang dahilan nila ngayon, " hindi mo na ako tumuloy na pumasok. Nananatiling nakatayo sa harap ng pinto at walang balak na buksan muna ito.

" Ano ba naman 'yan. Ang babaw ng dahilan nila. Hindi na tama 'yan. " patuloy na reklamo ni ninang.

" Elora, laro tayo sa bahay. " malakas na sigaw ni Klofie, matalik na kaibigan ko. Wala akong nagawa kun'di tumango. Pagkaalis niya napilitan akong buksan ang pinto at pumasok.

" Magandang hapon, ma, Ninang. " hinalikan ko sila sa pisngi at nagmano.

" Kanina ka pa ba riyan? " marahang tanong ni mama. Marahil ay dinig niya ang sigaw ni Klofie.

" Kararating ko lang po galing eskwela. Pero nag-aaya agad si Klofie. P'wede po ba? " mas pipiliin ko pang magsinungaling sa kaniya kaysa na mag-alala siya at mas lalong mamoblema dahil sa akin.

" Oo naman. Magbihis ka na at pumunta kila Klofie. " ngumiti siya sa akin kaya napangiti na rin ako. Nagpaalam na ako sa kanila at pumasok sa kwarto para magbihis.

Hindi kalakihan ang bahay namin dito sa Isabela. Sa Isabela na ako namulat at lumaki kasama si mama. Maliit lang ang espasyo ng sala at kusina. Iisa lang din ang kuwarto kaya lagi kaming magkatabi ni mama. No'ng una nangungupahan pa kami rito sabi ni mama. Pero katagalan daw ay binigay na lang sa amin. Masaya kami roon dahil mababawasan ang gastusin.

" Ma, kila Klofie muna ako. " naputol ang usapan nina mama at tumango.

" Paano na kayo niyan? Anong plano mo? " hindi ko pa tuluyang naisasara ang pinto ng marinig ang tanong ni ninang.

" Edi balik sa dati. Maghahanap ulit ako ng trabaho, " bago pa man magsalita si ninang ay umalis na ako ng bahay.

Dapat sa gano'ng bagay at usapan ay hindi ako nakikinig. Masama pa naman daw 'yong makinig sa usapan ng iba.

" Hoy Elora, saan ka pupunta? " napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang hindi kalakasan na tanong ng kaibigan. Ngayon ko na-realize na lumagpas pala ako sa bahay nila.

" Sa inyo. " hinampas niya naman ako. " Lutang ka na naman. " ngumiti lang ako at pumasok na kami sa loob.

" Akala ko ba maglalaro tayo? " nagtatakang tanong ko at umupo. Binuksan niya kasi ang tv.

" Maglalaro nga tayo. " kinuha niya ang mga laruan sa lalagyan nito.

" Bakit mo binuksan ang tv? " lumapit na sa mesa at inihanda ang lutu-lutuan na laruan.

" Manood na lang kaya tayo? " nagbago na naman isip niya. Tumango ako at muling iniligpit ang laruan.

" Anong panonoorin natin? " tumabi ako sa kaniya. " Hanap tayo. " pinalipat-lipat niya hanggang mapahinto sa isang palabas.

" Anong gusto mong trabaho paglaki? " tumingin ako kay Klofie sa bigla niyang tanong. Napa-isip naman ako.

" Gusto kong maging Surgeon Doctor, " magiliw na sagot sa kaniya. " Ikaw? " excited kong hinihintay ang sagot niya.

" Kung ikaw gusto mo maging Surgeon, ako naman gusto kong maging Pediatrician, " mayabang na aniya. Bahagya pa akong napatawa.

Imbes na ituon ang atensyon sa panonood ay nauwi kami sa kwentuhan.

" Pero hindi pa naman sigurado na 'yan talaga kukunin ko. " napakunot naman ang noo niya. " Kasi, hindi magastos ang ganiyang kurso? Tapos matagal kang magtatapos at masiyadong nakakapagod. " napanguso naman siya sa sinabi ko.

" Sigurado naman ako na papayagan at susuportahan ka ni Ninang sa kurso na 'yan. " siguradong sagot niya. Animoy siya ang magdedesisyon. Sus, binobola lang ako nito. Palibhasa inaanak siya ni mama kaya kinakapatid ko siya.

" Alam ko. Kaya nga nagtitipid ako ngayon at nagisisimula ng mag-ipon. " sabay na tumawa kami. Nag-iipon din kasi siya para sa pag-aaral niya.

" Saan ka magka-college niyan? " nagkibit-balikat ako. " Hindi ko pa 'yan iniisip 'no. Pero baka rito lang sa atin. " umasim naman ang mukha niya.

" Tangek ka. Walang med na course rito sa atin. " may punto rin siya. Madalas nasa Lungsod lang 'yan.

" Bahala na. Bakit ba naman kasi 'yan ang pinag-uusapan natin? Matagal pa naman bago tayo mag-college. High school pa lang tayo ngayon. " napahagikgik naman siya at nagkamot sa ulo niya.

" Excited lang akong mag-college 'no. " nagkwentuhan lang kami hanggang sa nagpaalam na.

" Pagabi na pala Klofie. Uuwi na ako at tutulungan ko pa si mama sa paghahanda ng hapunan. " tumayo na ako. Hinatid niya ako hanggang sa gate nila. May kalakihan ang bahay nila at may kaniya-kaniyang kwarto. Pareho kasing professional ang magulang niya.

" Sabay tayong papasok bukas, ha? " tumango ako. Muling nagpaalam at kumaway.

" Nakauwi na po ako. " hinubad ko ang tsinelas at pumasok sa loob. Naabutan ko si mama sa kusina nagsasaing.

" Anong lulutuin mo ma? " umakto siyang parang nag-iisip. " Hmmmmm........ Ampalaya with egg. Di'ba gusto mo 'yon? " malambing na tanong niya. Agaran naman akong tumango.

Isa sa paborito kong ulam ang ampalaya. Kahit na mapait ay masarap at masustansiya pa rin naman. Tinulungan ko siyang maghiwa. Habang pinapainit ang kawali ay hinanda ko naman ang egg na ihahalo. Natapos ang hapunan namin na masaya. Tinatanong lang ako ni mama tungkol sa pag-aaral ko.

" Tapos ka na bang mag-review? " tanong niya ng tumabi na ako sa paghiga. Mahinang tumango naman siya. Niyakap niya ako at pumikit na.

" Good night, anak.."

" Good night, ma. "

" Nasa labas na si Klofie, Amore. Tapos ka na ba riyan? " dali-dali kong sinuot ang sapatos.

" Patapos na ma. " sinuklay ko muna ang buhok bago kinuha ang bag at lumabas.

" Alis na po ako. " hinalikan ko siya sa pisngi. Napatigil naman ng hawakan niya ang kamay ko.

" Ito idagdag mo 'to sa baon mo, " sabay lagay ng pera sa kamay ko. Bago pa man ako maka-protesta ay nagsalita na siya. " Umalis na kayo at baka ma-late pa. " mahinang napabuntong hininga ako at tumango.

" Tara na? " agad na nilagay ni Klofie ang kamay niya sa braso ko. " Himala mas nauna pa ako sa'yo. " mahinang tumawa lang ako.

" Dito na ako. " napanguso naman siya na parang bata. " Dapat talaga sa susunod na pasukan, magkaklase na tayo. " magkaiba kami ng room per magkatabi lang naman. Mas una lang 'yong akin sunod sa kaniya.

Halos kumpleto na sila pagpasok ko. 'Yong iba walang pakealam sa paligid nila. Mapanglait na tingin naman ang ginawad sa akin ng mga kabarkada ni Laila. Hindi ko na sila pinansin pa at umupo na lang.

Mataman na nakikinig ako sa tinuturo ni ma'am ng biglang may nambato ng nilukot na papel sa akin. Binalewala ko no'ng una at nakinig lang. Lumingon ako sa pinaggalingan ng papel ng halos apat na beses na akong binabato. Nakangising Laila lang ang sumalubong sa'kin. Hindi ko na sila pa pinansin at muling itinuon ang atensyon sa harap.

Nagligpit na ako ng gamit ng tumunog ang bell, lunch break. Lalabas na sana ngunit humarang sa daan ko sina Laila. Umiwas na lang at nag-umpisang maglakad papunta sa kabilang pinto pero humarang pa rin sila.

" Ano ba naman 'yan, Laila? Huwag nga kayong humarang diyan. Para naman kayong tanga. " napipikon na reklamo ni Rico, kaklase namin na hindi rin makadaan dahil sa panghaharang nila.

" Sa kabila ka kaya dumaan, Rico. Ikaw 'tong tanga sa ating dalawa. " tumawa naman ang mga kaibigan niya. Napapakamot-ulo na sinunod ni Rico ang sinabi niya. Sumunod din ako kay Rico para makalabas. Pero hindi pa rin natuloy.

" Ano ba, Laila. Kung wala kayong balak na lumabas, huwag kayong haharang sa daanan, " kalmadong aniya ko sa kaniya. Pero pinagtaasan niya lang ako kilay.

" Sabi ni mama, natanggal na naman mama mo sa trabaho, ah. Kawawa naman kayo. Mas lalo kayong maghihirap, " pinatunog na naaawa pa siya. Nakangising tiningnan naman ako ng mga kasamahan niya.

" Hindi ko alam ang sinasabi mo. " sinubukan ko ulit na lumabas ngunit mahinang tinulak ako ni Mabel, isa sa kaibigan niya, dahilan para mapa-atras.

" Sus, feeling walang alam. Kung alam ko lang, nagmamaang-maang ka lang dahil nahihiya ka, " sandaling pumikit at huminga ng malalim. Hangga't maaari ay ayokong mainis sa kaniya.

" Hindi ako nagmamaang-maang. Hindi ko lang talaga 'yang sinasabi ko. Isa pa, hindi ako nahihiya kahit na sabihin nating totoo 'yang sinasabi mo. Wala naman kasing kahiya-hiya sa sinabi mo. " dumaan naman ang inis sa mukha niya. Pinag-krus niya ang braso at mataray na tiningnan ko.

" Huh.. Kung wala na kayong pera, hinding-hindi kayo pauutangin nina mama. " bahagya pang tumaas ang boses niya bago marahas na tumalikod sa akin at nagmartsa paalis. Sumunod naman agad ang mga alipores niya.

" Asa naman siyang lalapit si Ninang sa kanila, " bahagya akong nagulat ng biglang nagsalita si Klofie. Nasa may pinto na siya at masamang tiningnan ang papalayo na Laila.

" Hayaan mo na 'yon. Wala na naman sigurong magawa sa buhay kaya ako na naman ang nakita. " ngumiti ako sa kaniya at inaya. Pumunta kami sa classroom nila at do'n kakain.

Laging nagbabaon kami ng tanghalian at sa room nila lagi kaming kumakain. 'Yong mga kaklase niya ay mababait at hindi mataas ang tingin sa sarili. Kaya minsan ang sarap magpalipat ng room pero hindi naman pwede.

May mangilan-ngilan sa kaklase niya na binabati ako kaya binabati ko rin pabalik.

" Maglalakad na lang dahil hindi afford ang pamasahe. " pagpaparinig ni Laila pagkalabas namin sa gate.

" Huwag mo ng patulan pa. " hinawakan ko ang braso ni Klofie at pinigilan. Sa asim ng mukha niya alam kong susugurin na naman niyan si Laila.

" Alam mo, Elora. Minsan naiisip ko na naiinggit 'yan si Laila sa'yo. Kasi naman, hindi ka matigil-tigilan. Para siyang baliw sa ginagawa niya. Parating naghahanap ng gulo porket hindi mo pinapatulan eii. " pagra-rant niya. Hindi na rin ako magtataka kung bakit siya mag-rant kay Laila. Hindi naman kasi masyadong malayo ang paaralan sa amin kaya madalas na lakarin lang. May mangilan-ngilan nga na nakakasabayan namin sa paglalakad. Pero tanging ako lang 'yong ginaganiyan niya.

" Alam mo ba Elora Amore Villacorta kung bakit lumalala 'yang babaita na 'yan? " huminto siya sa harap ko. " Kasi hindi mo siya pinapatulan. Dapat hindi mo siya hinahayaan na inaaway ka niya. Patulan mo rin minsan para manahimik. " ngumiti ako at nilagay ang kamay sa braso niya. Bahagyang hinila at muling nag-umpisang maglakad.

" Para sa kaalaman mo Klofie Shane Astro, 'yong mga ganiyang klaseng tao hindi na dapat patulan pa. Nagsasayang lang ako ng laway at oras sa kaniya. Hindi niya deserve ang oras ko. "

-