CHAPTER 28: LEAVE
Sumapit ang graduation namin. Lahat ng estudyante ay masaya dahil sa wakas tapos na rin ang apat na taon na pag-aaral namin. Buong St. Willford ay nag-didiwang. Maraming estudyante ang nasa hallway habang hinihintay ang mga magulang nila.
Mamayang 2PM ang start ng ceremony. Nakasuot kami ng black toga.
"Snow, nandito na ba ang Daddy at kuya mo?" Tanong sa 'kin ni Mads kasama si Martinez.
"Wala nga, eh. Sabi nila nandito na sila sa Isla." Sagot ko.
I glanced at my wrist watch. It's already 1 o'clock. Kaka-text lang ni kuya, ang sabi niya nakasakay na barko papunta dito.
"Snow, parents ko," Sabi ni Mads kasama ang magulang. "Ma, pa, si Snow. Siya ang matalino ko na best friend." Pag-papakilala niya sa 'kin.
Siniko ko si Mads. "Hindi naman po masyadong matalino. Good afternoon po!"
Ngumiti sa 'kin ang mga magulang ni Mads. "Good afternoon rin, Snow. Nakapa-ganda mong bata." Ani ng Mama niya.
"Ma, parehas kaming maganda." Sabat ni Mads habang nakapulupot ang kamay niya sa braso ko.
Natawa lang ang Mama at Papa niya.
"Hey," Napatingin ako sa bumulong sa kawaliwang tenga ko. "Nandito na sila Tito." Ani Basty.
"Mads, nandito na sila Dad at kuya. Mauna na muna ako." Paalam ko sa kanya.
Tumango siya. "Sige, okay lang."
Hinawakan ni Basty ang kamay ko. Napangiti ako ng makita sila Daddy at kuya.
"Daddy! Kuya!" Sigaw ko habang patakbo pumunta sa kanila.
Mahigpit ko sila niyakap ng makalapit ako. Sobrang saya ko lang na nandito lahat ng mahal ko sa buhay.
"Congratulations, anak. Graduate ka na." Sabi ni Dad habang nakangiti.
"Para po 'to sa inyo." Tugon ko.
"Malaki na talaga ang baby girl namin." Sabi ni kuya habang na ngiti rin.
"Good afternoon po, Tito!" Ani Basty.
"Good afternoon, Basty. Congratulations sa offer mo sa America. It's a good choice." Sambit ni Dad.
"Wala po 'yon," Sagot ni Basty. "Nandito na rin po sila Mama at Papa."
"Maganda na magkita kami ng magulang mo." Ani Dad.
Pumasok kami sa loob ng campus kung saan gaganapin ang graduation. Nagkita ang mga magulang namin ni Basty pero saglit lang sila nag-kausap dahil mag sta-start na ang graduation.
Nagsimula ang ceremony. Lahat ay halo-halo ang emosyon makikita mo sa mukha. May umiiyak, dahil nasa next step na kami ng buhay namin. May masaya, dahil tapos na ang kalbaryo namin bilang estudyante at lahat kami ay nagtapos. Walang naiwan.
Nang matapos ang graduation ay lumapit ako kay Daddy na kasama ang magulang ni Basty. Nauna ng umalis sila Madison at Martinez dahil sa ibang lugar sila mag ce-celebrate ng graduation kasama ang magulang ni Martinez.
"We finally met, Mr. Lopez." Sambit ng Tito kay Dad. Nag-shake hands sila.
Nagkakilala na ang magulang ko at ni Basty kaso through video call lang busy sila Daddy at kuya sa new investors ng company namin.
"Pasensya na ngayon lang nakapunta dito dahil busy sa company." Ani Dad ng nakangiti
"May pinahanda kami maliit na handaan sa bahay namin. Since nandito naman kayo, why not join us?" Sabi ng Tita.
Ngumiti si kuya. "Maganda po 'yon! Parang pamamanhikan lang."
"Kuya!" Pinanlakihan ko lang ng mata.
"Bakit? Doon naman talaga ang punta natin, Crystal." Bulong ni Basty bago niyakap mula sa likod.
Natawa sila Dad sa sinabi ni Basty. Umalis kami ng campus at pumunta na ng bahay nila Basty. Kagaya ng sinabi ni Tita ay may nakahanda ng mga pagkain sa bahay nila.
"Maganda talaga na graduation nila Snow at Basty dahil nagkita rin tayo." Sambit ng Tito.
Tumango si Dad. "Yes," Sagot niya. "I'm really glad to finally meet you. Maganda ang farm niyo dito, Balae."
"Balae? Hmm, I really like that." Masayang tugon ni Tito.
"Para talagang pamamanhikan!" Pang-aasar ni kuya.
Natawa lang kami ni Basty sa sinabi ni kuya.
"Balae, I really like your daughter. Sobrang maganda at mabait pa." Sabi ni Tita maya-maya.
"Nagmana sa Mommy niya." Proud na sabi Dad.
"Tito, pwede po bang maglibot sa farm niyo? Maganda po kasi. Bakit hindi po kayo mag-open ng business sa Manila para mapabilis ang pag e-export niyo." Ani kuya.
"Pinag-uusapan na naman 'yan ni Basty lalo na't mas magiging maganda pa lalo ang farm dahil sa pag-aaral ni Basty sa America. Marami siyang matututunan do'n, kaya kampante ako sa magiging future ng farm." Tugon ni Tito.
"Don't worry, Pa, dahil para rin sa future namin ni Crystal 'tong ginagawa ko." Sagot ni Basty at hinawakan ang kamay ko.
Aalis na si Basty next week para makapag-aral sa America. Parehas na kaming okay sa bahay na 'yon. Masakit man na malayo sa kanya, para naman sa amin ang ginagawa niya.
"I can't wait for the two of you to get married. Nasa tamang edad edad na kayo." Ani Tita.
"Pero, Basty tsaka mo na yayain ang anak ko pag-kasal na itong panganay ko. Ayokong mauna ba ang bunso ko kesa sa kuya niya." Sambit ni Dad.
"Kaya kuya Caleb, mag-propose kana kay Ate Christine para kami na Crystal." Biro ni Basty.
Napangiwi si kuya. "Mukhang matatagalan pa 'yan, dahil strict masyado ang parents ni ChrisDumating Napuno ang masayang usapan ang hapag kainan. After naming kumain ay pinasyal ni Tito sila Daddy at kuya sa farm. Mag-usap rin sila about sa business.
Umakyat kami ni Basty sa kwarto niya para magpahinga. Dito muna kami matutulog sa bahay nila dahil bukas ay aalis na ulit sila Daddy at kuya dahil maraming ginagawa sa company.
"I will miss you." Bulong ni Basty sa 'kin at niyakap ako sa likod.
Binaba ko ang hawak na blower at humarap sa kanya.
"Me too," Ani ko. "I can't believe na next week na ang alis mo. Parang sobrang bilis ng panahon."
"Huwag na kaya akong tumuloy?"
Tiningnan ko siya ng masama. "Hindi pwede."
Ngumisi siya. "Joke lang." Aniya niya bago ako nikayap ng mahigpit.
Mahirap na malayo ka sa taong alam mo, pero titiisin namin 'yon. Natulog kami ng magkayakap ni Basty. Kinabukasan ay hinatid namin sila Daddy at kuya sa airport.
Sinulit namin ni Basty ang natitirang oras na magkasama kami. Sa loob ng 1 week ay iyon ang ginawa namin dahil matagal din kami ng hindi magkakahiwalay.
3 years ang contract niya sa offer sa kanya. Napag-usapan namin na dadalaw ako sa kanya pag may free time ako.
Pumunta kami sa bahay ng Lolo at Lola niya. Pinangkou sa akin na dito kami titira kasama ng mga magiging anak namin. Next year ay ipapa-renovate namin ang lugar para pag-dating niya maayos na.
Dumating ang araw ng alis ni Basty. Nakahanda na ang maleta na dadalhin.
"Ready na lahat ng gamit mo?" Tanong ko sa kanya.
Tumango siya. "Oo," Sagot niya. "Ikaw?"
"Nakahanda na rin." Tugon ko.
Aalis rin si ako. Kagaya ng plano ko dati ay sa company ako namin mag tra-trabaho kaya ngayon rin ang alis ko papuntang Manila.
Sila Mads at Martinez ay noong isang pa umalis. Balak namin na magkita ni Mads once na nakabalik ako Manila.
Dumating sila Tita Grace at Tito Wilson para sumama sa paghatid kay Basty sa airport. Si Basty ang nagbuhat ng maleta namin at sumakay sa kotse.
Nang makarating kami sa airport ay hindi ko mapigilan na yakapin si Basty. Ayokong umaiyak kahit na 'yon ang gusto ko na gawin.
"Hey, I'll be back to you." He whispered.
"Mami-miss kita ng sobra," Ani ko. Pinipigilan na huwag umiyak. "Tawag ka agad pagdating mo do'n, okay?" Humiwalay ako sa pagkakayakap niya.
Tumango siya bago humarap ang sa magulang niya. Si Tita Grace ay umiiyak habang naka-akbay sa kanya si Tito.
"Ma, para namang hindi na ko babalik?" Natatawa na sambit ni Basty.
"Eh, kasi matagal kang mawawala sa amin ng Papa mo." Naiiyak na sambit ni Tita.
Niyakap siya ni Basty. Nang tinawag ang flight ni Basty ay lumapit siya sa 'kin.
"Alis na ako," hinawakan niya ang kamay ko tsaka dinampian ng halik. "Pakabait ka habang wala ako."
Hinampas ko siya sa dibdib ng mahina. "Ikaw ang magpakabit habang nandoon ka."
"Yes, Ma'am?" Nag-salute siya sa akin kaya natawa ako.
"Sige na at baka ma-late ka sa flight mo." Ani ko.
He kissed my forehead before he kissed me on the lips.
"I'll be back," Sabi niya. "Pagbalik ko papakasalan na kita."
Nag-kibit balikat ako. "Save your ass for that." Biro ko.
Kinuha niya ang maleta niya at umalis na. I wave my hand on him. Nang tinawag rin ang flight ko ay nag-paalam na ako kanila Tito at Tita.
"Tito at Tita, mag-ingat po kayo." Sabi ko.
"Mag-ingat ka ri, Snow." Tugon ni Tita.
Hinawakan ko ang maleta ko bago nag-lakad papalayo sa kanila. Nang makasakay ako ng eropano ay napangiti ako habang nakatingin sa labas.
Parang kelan lang ay kararating ko sa Isla na 'to. Ngayon ay aalis ako. Babalik pa kami dito ni Basty dahil dito kami titira once na kasal na kami.