CHAPTER 23: TOGETHER
Dumating ang Friday. Masyadong busy dahil sa school. Next week ay quarterly exam na namin at kailangan na mag-review ng maayos. Buti na lang day off ko ngayon sa trabaho kaya makakapag-aral pa ako.
"Snow, pa-send sa 'kin mamaya sa gmail yung gawa natin sa arts." Sabi ni Alex sa akin habang inaayos ang mga gamit niya.
Tumango ako. "Ah, sige. Send ko sayo mamaya after ko na i-last edit yun." Sagot ko sa kanya bago lumabas ng room.
Pumunta ako sa building nila Basty para yayain siyang kumain ng merienda. Mag-kasama kasi sila Mads at Martinez habang ako ay naiwan sa class room dahil tinapos ang dapat tapusin na school works.
"Si Basty?" Tanong ko sa classmates ni ni Basty na nasa labas ng room nila.
"Kanina pa umalis," Sagot nito. "For sure sa farm nila Jade yun pupunta."
Tumango ako bago umalis. Wala kasing sinabi si Basty na pupunta siya ng farm ngayon, dahil sabi niya sabay kaming kakain sa labas. Pumunta ako ng cafeteria at na hanap sila Mads at Martinez na naka-upo.
"Akala ko naka-uwi na kayo." Sabi ko bago umupo sa katapat nilang upuan.
"Akala ko ba kasama mo si Basty ngayon?" Tanong ni Martinez.
"Nasa farm daw," Sagot ko.
"Paalis na kami ni Martinez." Ani Mads. "Ano plano mo ngayon?"
"Pagluluto ko na lang ng pagkain si Basty." Ngumiti ako sa kanila.
"Diba hindi ka naman marunong mag-luto?"
"Edi, mag se-search ako ng recipe na madali lang lutuin sa Google." Sagot ko.
"Good luck sayo, Snow!" Saad ni Mads.
"Mauna na kami, Snow. Sabay ka na lang samin pag-labas ng school." Tumango ako sa sinabi ni Martinez.
Lumabas kaming tatlo ng campus. Sumakay sila sa kotse ni Martinez. Pina-pasabay nila ako sa kanila, kaso iba ang direksyon na pupuntahan nila. Mapa-palayo pa sila kung idadaan nila ako sa palengke.
Sumakay ako ng tricycle at pumunta ng palengke para bumili ng rekados para sa lu-lutuin ko na adobong baboy. Based kasi sa sinabi ni Google ay madali lang lutuin ng adobo.
After ko na mabilis ang lahat ng kailangan ko sa pag-luluto ay umuwi ako bahay para lutuin ang mga ito. Sinunod ko lang lahat ng sinabi sa na-search ko kung paano mag-luto ng adobo.
Nang matapos ako ay mabilis kong nilagay ang adobo sa tupperware na may kanina. Pinaghiwalay ko ang ulam at kanin. Nilagay ko ang tupperware isang lunch bag at umalis na ng bahay.
Sumakay ako ulit ng tricycle papuntang farm nila Jade. Bumaba ako ng tricycle at pumasok sa loob ng farm. Diretso ako sa factory nang hindi sila makita sa labas ng farm.
Nakita ko Jade at ibang kakalse ni Basty na nasa loob ng factory. Nasa lamesa sila at kumakain. Ngumiti sila ng makita ako.
"Si Basty?" Tanong ko.
"Nasa loob ng office," Nakangiting sagot ni Jade at tinuro ang office. "Liko ka lang diyan sa kaliwang hallway."
"Salamat," Ani ko bago pumunta sa office.
"Masarap talaga ang luto ni Dennise."
Narinig ko na sambit ng isang kaklase ni Basty. Hindi ko pinansin yun at tuluyang pumunta ng office. Lumiko ako sa kaliwang hallway at nakita ko doon ang nag-iisang pinto.
"Ito na siguro yun," Bulong ko sa sarili ko.
Saktong pagpasok ko ay tumambad sa akin si Dennise na inaayos ang necktie ni Basty. Masyadong malapit si Dennise kay Basty
Napataas ang kilay ko dahil doon.
Nakita ako ni Basty tsaka ngumiti. "Crystal, " Aniya bago bahagyang tinulak si Dennise kaya napatingin din siya sa 'kin.
Ngumiti sa 'kin si Dennise pero hindi ko siya at lumapit kay Basty bago siya hinalikan sa labi. Sinadya ko talaga yun sa harapan ni Dennise.
"Sorry nga pala hindi tayo nakakain sa labas. May kailangan kasing ayusin dito." Niyakap niya ako.
Ngumiti ako sa kanya. "It's okay. I understand." Tinaas ko ang walang lunch bag. "I brought you something to eat!" Masayang sambit ko.
"Really? Ikaw nagluto nito?" Parang hindi siya makapaniwala na nagluto ako.
"Oo nga," Sagot ko.
"Nagdala rin kasi ng pagkain si Dennise ngayon lang." Aniya bago tumingin kay Dennise.
Narinig ko naman yung sinabi ng kaklase ni Basty na masarap ang luto ni Dennise.
"I'll go ahead na, Basty." Nakangiting sambit ni Dennise bago lumabas ng office.
Nilagay ko ang tupperware sa table. Umupo kami sa upuan bago kumain. Masaya siyang tinikman ang luto ko na adobo.
"Masarap?" Tanong ko.
Ngumiti siya bago tumango. "Oo, masarap!"
Kumuha ako ng kutsara at tinikman ang adobo. Binaba ko ang kutsara tsaka ngumuso.
"Hindi naman, eh." Malungkot na sambit ko. "Maalat!" Kinuha ko ang pagkain sa kanya at binaba iyon.
Natawa siya. "Hindi mo tinikman 'to habang niluluto mo?"
"Eh, sinunod ko naman ng maayos yung sinabi sa Google eh!" Maktol ko.
"Kahit na! Depende kasi yan sa dami ng niluluto mo."
"Wag mo na kainin yan at baka magkasakit ka pa sa bato!" Tinakpan ko ang tupperware.
Sobra-sobrang effort ang binigay ko sa adobo na yan tapos maalat lang pala ang kakalabasan.
"Kain na lang tayo sa labas," Hinawakan niya ang kamay ko bago ako hinila palabas ng office.
Sumakay kami gamit ang motor. Pumunta kami sa isang restaurant at doon kumain. Sa gilid kami ng restaurant umupo.
"Sayang yun adobo na niluto ko," Malungkot na sambit ko habang hinihintay ang order namin.
"Okay lang yun," Sabi ni Basty. "Marami pang panahon para matuto ka na magluto. Take your time."
Ngumuso ako. "Gusto ko lang naman na ipagluto ka, dahil hindi na tayo sabay minsan kung kumain."
Naging busy siya sa field study nila sa farm ni Jade at ako naman sa project namin at trabaho ko. Hindi na kami minsan nag ka-kasalubong sa bahay dahil minsan tulog na siya pag-uwi galing store.
Kinurot niya ang ilong ko. "Pagluluto na lang kita mamaya pag-uwi ko." Aniya.
"Talaga!" Masayang sambit ko. Miss ko na ang luto niya.
Tumango-tango siya. "Mamayang 7PM ang uwi ko, kaya I can cook the dinner for the two of us."
Masaya kaming kumain ni Basty. Masaya ako dahil kahit papaano ay na kasama ko siya ngayong araw. It's just a simple lunch with him, but it makes me happy already. Hinatid niya ako sa bahay after namin na kumain.
"I-lock mo yung gate at pinto," Sabi niya. "May spare keys naman ako kaya hindi mo na kailangan na buksan pag-dumating ako."
Tumango ako. He kissed me on the lips before he left. Sinarado ko gate at pinto kagaya ng sinabi niya.
I spent the time watching movies. Hindi ko na Malayan ang oras. It's already 7:30 PM in the evening but Basty is still not home.
Nag-hintay pa ako ng kaunting oras, pero wala talaga. I tried to call him, but out of coverage ang cellphone niya. 9 o'clock na ako nakakain.
Nag-luto lang ako ng easy to cook. After ko na kumain ay naupo ako sa sofa para hintayin so Basty. Kinuha ko ang laptop para gawin ang mga kailangan na gawin sa school. Pinasa ko na rin kay Alex sa gmail niya ang project namin sa arts na deadline na bukas ng hapon.
Nagising na lang ako na nasa kama na ako ng kwarto ko at mag yumakap sa 'kin mula sa likod.
Humarap ako at nakita ko si Basty na bagong ligo. "Anong oras na?" Tanong ko.
"2:30 AM," Bulong niya. "Sorry. Madami lang talagang ginawa sa farm."
Yumakap ako sa kanya at ginawa ng unan ang braso niya. "It's fine," I whispered and close my eyes again.
I felt him kiss my forehead. "Good night, Crystal."
Nagising ako na wala si Basty sa tabi ko. Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Natagpuan ko si Basty na naghahanda ng almusal namin.
Ngumiti siya ng makita ako. "Good morning!"
Lumapit ako sa kanya. "Anong meron?"
"Wala lang," Aniya. "Hindi ko natupad ang pangako ko kagabi na pag-luluto kita kaya buong araw ay kasama mo ako ngayon."
"Really?"
Kinurot niya ng mahina ang ilong ko. "Yes! Kaya after nito ay may pupuntahan tayo."
"Saan?" Tanong ko.
"You'll see," Kinindatan niya ako.