CHAPTER 22: DENNISE
Time had passed already. The Christmas break is now over. Natapos ang pasko at bagong taon ko na sobrang masaya ko. I've got the chance to celebrate Christmas with my parents in Manila and New Year here in Isla Esme together with Basty's parents, Mads and Martinez.
Nag-tapos ang taon ko na kasama ang mga mahal ko sa buhay. Hindi man maganda ang nangyari sa 'kin last year, at least naka-kilala ako ang mga tunay na kaibigan dito sa Isla Esme. Masaya ako na nakilala ko sila Basty, Martinez at Mads kasi sila ang tunay na dapat kaibiganin. Mababait sila simula noong unang kami ng nakita.
They treat me like a family and I am so happy for that. Nakatagpo ako ng magagandang nangyari sa akin dito sa Isla Esme na akala ko hindi ko matatagpuan.
Christmas break is done so it means back to school na naman. First day of school in January at sana ay matapos na namin ang college para makatulong na ko sa parents ko. Balak ko na tumulong sa company nila Daddy at kuya after graduation.
I want to become a English language teacher in High School, but I think tutulong muna na ako sa company ng Daddy bago ko tuparin ang pangarap na maging teacher. Hindi ko pa kasi alam kung dito ako sa Isla Esme mag a-apply ng pagiging teacher or sa Manila.
Ayoko na iwan ang islang 'to dahil na pa-mahal na sa 'kin ang Isla. Dito ako nakahanap ng mabuting kaibigan. Kaso I have some stuff to do in our company in Manila.
"Kain na tayo, Snow!" Maktol ni Mads sa 'kin habang naka-kalumbaba sa desk namin.
"Tapusin na lang natin 'to, tapos kain na tayo since wala naman si Sir mamaya." Tumingin ako sa kanya.
Boring na boring na siya sa project namin kay Ma'am Alvarez. Mag-partner kasi kami sa project kaya. Kanina na pa kami dito sa room at tinatapos ang project na ipapasa mamaya kay ma'am.
Nakanguso siyang tumango bago ako tinulungan sa ginagawa namin.
"Sama ka mamaya sa amin ni Basty sa farm nila Jade? Pinapasama ako ni Basty, eh." Ani ko.
"Sasama na lang ako sa inyo dahil busy si Martinez ko sa last project nila. Wala naman akong gagawin after nito. Mag-tatagal ba tayo do'n?"
"Hindi naman," Sagot ko. "Ihahatid ko lang si Basty, tapos shopping namang tayo after."
"Alright!"
After class ay sinamahan namin si Basty sa farm nila Jade. Gusto niya lang kasing ipakita sa 'kin ang kagandahan ng farm. Sakto naman na wala na akong gagawin ngayon, dahil mamaya pa ang pasok ko sa trabaho.
"Jade, ang ganda dito sa farm niyo." Ani Mads ng nakapasok kami.
"Hindi naman," Sabi ni Jade. "Kaya nga ito ang napili namin nila Basty, dahil wala pang masyadong halaman."
"Kaunting pag-aalaga lang sa mga halaman niyo maganda ba 'to for sure." Nakangiting sagot ko.
Pumasok kami sa factory nila sa dull ng farm. Doon daw ginagawa ang mga repacking ng mga gulay.
"Oh, nandito na pala kayo!" Nakangiting bungad sa 'min ni Dennise.
She's wearing a black skirt suit and a black blazer. Nakatali ang buhok niya. Dennise is really beautiful. Balingkinitan ang katawan niya at maganda ang kulay ng balat niya.
"Yeah, kasama namin sila Crystal at Mads." Ani Basty habang nakalagay ang kamay niya sa braso ko.
Ngumiti siya sa 'kin. "It's nice to see you again, Snow." Lumapit siya sa 'kin at nakipag-beso. "Hindi kita masyadong makausap nung birthday ni Tita Grace dahil umalis kayo ni Basty ng maaga."
"I'm sorry, I got drunk that night." I said.
"No, it's fine." Hindi nawala ang ngiti niya sa 'kin.
"Ang plastik ng ngiti niya," Bulong ni Mads sa 'kin.
Siniko ko siya sa tagiliran at pinanlakihan ng mata. Nag-kibit balikat lang siya sa 'kin.
"Shall we start?" Timingin siya kay Basty at Jade. "Marami tayong pag-usapan sa field study niyo na 'to."
"Basty, alis na kami ni Mads." Tumingin ako kay Basty.
"Okay, mag-ingat kayo." Aniya.
"Ingat ka rin dito," Sabi ko.
Paalis na dapat nang hawakan niya ang kamay ko.
"Bakit?" Tanong ko.
"Where's my kiss?" Parang batang sambit niya.
Natawa ang taong kasama namin.
"Sebastian, para kang tanga!" Natatawa na sabi ni Mads.
Nahihiya man akong halikan siya dahil maraming tao, ay ginawa ko parin. Tumingkayad ako bago siya dinampian ng halik sa labi niya. Mabilis lang 'yon.
"Tama na ang sweet niyo lovely couple." Hinila ako ni Mads palayo kay Basty.
"Mag-ingat kayo!" Sigaw ni Basty.
"Don't worry, aalagaan ko girlfriend mo!" Aniya mads.
Kagaya ng plano ay pumunta kami ni Mads ng Mall. Bumili muna kami ng mga kailangan namin bago namin pinag-pasyahan na kumain.
"San tayo kakain?" Tanong ko habang hawak ang mga binili ko sa shopping bag.
"Kahit saan," Sagot niya. "Saan mo ba bet?"
Natawa ako. "Ikaw 'tong tinatanong ko, tapos babalik mo sa akin ang tanong."
"Sa restaurant na lang." Aniya at tinuro ang malapit na restaurant sa nilalakadan namin. "Dito na lang,"
Tumango ako at sabay kaming pumasok sa loob ng restaurant. Umorder kami ng pagkain at umupo sa dalawahang upuan sa it a as ng restaurant.
"Snow, salamat sa snowball gift mo noong bagong taon ah?" Aniya habang kumain.
"Walang anuman. Ikaw pa, kaibigan kita kaya nung nakita ko sa Manila yung snowball ay ikaw ang naisip ko dahil nag co-collect ka ng mga ganun." Nakangiting sabi ko.
"Kaya love na love kita, eh!"
"Nga pala, kanina sa farm nila Jade. Paano nasabi na plastik ang ngiti ni Dennise?" Tanong ko.
Uminom muna siyang mango juice niya bago ako sinagot. "Nakita ko yun noong mag-classmates kami nung Grade 11." Sagot niya
"I thought you guys were friends?" Naguguluhan na tanong ko.
Para kasi silang close noong birthday ni Tit Grace.
Napairap siya. "After niyang sabihin na sa mga teacher namin na nangopya ako noong grade 11 kami sa exam ay hindi ko na itinuturing na kaibigan."
"Bakit?" Tanong ko.
"Alam mo, Snow, iyang si Dennise gusto palagi nasa kanya ang atensyon ng lahat lalo na kay Basty. During grade 12 ay mag-classmates kami. Ako laging top students ng class namin tapos ayun siya pala nag-palakat nangongopya raw ako kahit hindi naman. Kung hindi pa sinabi sa 'kin ni Bea na si Dennise ang nag-sabi sa kanya ng ganun ay hindi ko pa nalalaman."
"Eh, diba may gusto sa kanya si Basty dati? Bakit hindi siya niligawan ni Basty?" Tanong ko ulit.
Na curious lang ako.
"Ang arte niya kasi," Simpleng sagot niya. "Alam ng buong campus na may gusto sa kanya si Basty. Kaso ng po-pormahan na siya ni Basty, sinabi niya na may boyfriend na siya kahit wala naman. Gusto lang niya na mag pa-heart-to-get. Akala siguro niya mangungulit sa kanya si Basty, pero hindi yun ginawa ni Basty dahil nirerespeto niya ang desisyon ni Dennise. Diba, tanga?" Napairap na naman siya sa ere.
Tumango ako. Ngayon alam ko na bakit hindi naging sila ni Basty.
"Kaya wag kang papadala sa ngiti nun ni Dennise. Mukha lang inosente yun, pero bruha yun!" Natawa siya sa hiling sinabi.
"Wala naman dapat akong ikatakot sa kanya," Sabi ko at nag-kibit balikat. "Oh, well kung may gagawin siyang hindi maganda sa 'kin, hindi ko siya tatalikuran."
"That's the spirit, girl!" Ngumiti sa 'kin si Mads. "Tsaka, wag kang mag-alala kay Basty. Mahal na mahal ka no'n and I'm sure about that."
"Alam ko yun," Sagot ko.
"Wag ka ring mag-alala kay Dennise. Kung awayin ka nun, kasama mo akong resbakan siya." Natawa siya sa sinabi kaya natawa rin ako.
Masaya ako na dahil nakilala ko si Mads. Talagang masasabi ko na isa siyang tunay na kaibigan. Masungit siya pero mabait sa taong kilala niya.
After naming kumain ni Mads ay balak pa namin na pumunta sa isang ice cream parlor kaso tinawagan siya ni Martinez.
"Sorry talaga, Snow. I need to go na. Hinahanap na ako ni Martinez." Aniya habang palabas kami ng mall.
"Okay lang. Tsaka mukhang miss kana ni Martinez." Nangiting sambit ko.
"Ingat ka sa pag-punta sa store, ah?" Nauna siyang nag-lakad sa 'kin. "Next palang natin ituloy ang girls bonding natin. Ba-bye na!"
I waved my hands at her. Sumakay siya ng tricycle papunta sa bahay nila Martinez habang ako papunta sa store.
Nilagay ko muna ang mga binili ko sa mall sa bahay at naligo na rin bago ako tuluyang pumunta ng store. Masaya ako kasi ngayon ang first pay day ko dahil sa pag tra-trabaho.
Iba pala ang pakiramdam ng mababayaran lahat ng paghihirap mo sa trabaho. Nakakagaan ng pakiramdam.