CHAPTER 21: CHRISTMAS

Mabilis lumipas ang araw. Nakauwi na si kuya mula sa Hospital noong nakaraang araw at okay na rin sila ni Basty. Noong una kasi ay pinahihirapan nila si Basty.

Pinagagawa nila ng gawaing bahay, buti na lang ay marunong sa gawaing bahay si Basty. Basty even cooked in our home. At don ay tuwang-tuwa sila Daddy sa kanya. Magaling daw siya.

Maganda naman ang pag-stay rito ni Basty sa Manila dahil maganda ang pakikitungo sa kanya ng kasama namin sa bahay. Sa una lang siya pinahirapan nila Daddy at kuya, pero okay naman na silang tatlo. Magkasundo na sila dahil pina-kitaan sila ni Basty na totoo ang intensyon niya sa akin.

Three days na lang at Christmas na! Nandito kami ni Basty sa mall para bumili ng gifts at pasalubong rin para pagbalik namin sa Isla Esme.

"Ano bang gusto ng kuya at Daddy mo?" Tanong niya sa 'kin habang nag lalakad-lakad kami sa mall.

"Hindi naman mapili ang Daddy sa regalo," Sagot ko. "Regaluhan mo lang si Daddy ng kahit ano ay okay na siya. Tapos si kuya naman, mahilig siya sa Star Wars collection."

Tumango-tango siya habang hawak ang kamay ko. "Edi, don ang punta natin."

Sinamahan ko siya para bumili ng regalo Kay Daddy at kuya.

"Basty, doon lang ako sa katapat na department store. Bibili lang ako." Tinuro ko kay Basty ang store na katapat namin.

Tumango siya kaya pumunta na ako sa katapat na store. Bumili ako para sa sarili at bumili rin ako ng regalo para sa mga maids namin.

"Snow?"

Napatingin ako sa lalaking tumawag sa pangalan ko. Nasa counter na ako para mag-bayad ng mga binili ko.

"I'm sorry, but who are you?" Tanong ko.

Banayad siyang ngumiti sa 'kin. "Ako 'to, si Nathan!"

Pilit ko na inalala ang kung may kilala ba akong Nathan ang pangalan.

"Chubs remember?" Tawag niya sa 'kin.

Nanlaki ang mata ko ng maalala siya.

"Nathan! Ikaw yung classmates ko na magaling sa math no'ng grade 12 tayo!" Sa wakas maalala ko siya.

"Yes! At lagi kitang pina-pakopya." Tumawa siya ng bahagya.

"Ano ka ba! Wag mo na ako tawagin ng chubs! Hindi na ako chubby tulad ng grade 12 tayo. Pisngi ko na lang ang mataba ngayon." Natatawa na sambit ko.

Natawa rin siya. "I see," Sagot niya. "Pero nakasanayan ko na since grade 12 tayo."

Siya yung transferee students noong grade 12 kami. Naging seatmate kami at lagi niya akong pinapakopya sa math dahil mahina ako sa subject na yun. Mas naging close pa kami dahil may mga pagkakapareho kami ng gusto.

"Kumusta ka na?" Tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat siya. "Ito, okay lang," Sagot niya. "Ikaw? Tagal din natin na hindi nagkita after graduation."

Masaya akong ngumiti. "Okay lang din ako. Oo nga eh, balita ko kasi nasa sa ibang banda ka raw pagpapatuloy ng college."

"Ah, oo. Nandito lang ako para mag pasko dito sa Pinas dahil nandito sila Mommy at Daddy."

"Kelan ka pa dumating?" Tanong ko.

"Kahapon lang," Sagot niya.

"Crystal. . ." Napatingin ako kay Basty na lumapit sa amin ni Nathan.

"Ah, Nathan, si Basty boyfriend ko. Basty, si Nathan, kaibigan ko noong grade 12 kami." Pagpapakilala ko sa dalawa.

Nag-shake hands silang dalawa.

"Nice to meet you," Ani Nathan na nakangiti kay Basty.

"Nice meeting you too." Sagot ni Basty.

"Sige na, Snow. Mauna na ako. Napadaan lang ako dahil tagal ko ring hindi nakapunta ng Pilipinas." Ani Nathan at nag-paalam na.

I wave my hands on him. "Sige, ingat ka!" Masaya akong ngumiti sa kanya. "Halika na?" Hinawakan ko ang kamay ni Basty.

"Chubs talaga tawag niya sayo?" Tanong niya habang palabas kami ng store.

"Oo, kasi noong grade 12 kami mataba ang pisngi ko," Sagot ko "Narinig mo yun?" Nag-taas ako ng tingin sa kanya.

G

"Oo, enjoy kang kausap siya kaya hindi mo napansin na kanina pa ako nandoon."

Oh, bakit parang galit siya?

Huminto ako sa paglalakad kaya huminto rin siya. Humarap ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat. Medyo nakatingkayad pa ako dahil matangkad siya.

"Bakit naka-busangot niyang mukha mo?" Tanong ko.

Ngumimangot siya sa 'kin. "Paano, kanina pa ako nandoon pero hindi mo man lang ako napansin. Kung hindi pa nag-salita, hindi mo pa ako mapapansin."

Mahina akong natawa. "Wag ka ngang magselos kay Nathan, dahil kaibigan ko lang siya." Ngumiti ako ng matamis sa kanya.

Nakabusangot parin ang mukha niya, kaya dinampian ko ng halik ang labi niya bago tumingin sa mga mata niya.

"Wala kang tapat na ikaselos kay Nathan. He's just a friend, you're my boyfriend."

Ngumuso siya bago tumango. Nag papa-baby na naman ang boyfriend ko.

Christmas eve na ngayon at 5 hours na lang ay pasko na. Katatapos ko lang maligo. I'm wearing a grey jeans work with a chunky grey sweater. Nilugay ko ang mahaba kong buhok bago bumaba.

"Si Basty?" Tanong ko kay kuya na kasama si ate Christine sa veranda.

"Umakyat sa kwarto niya, may tumawag eh." Sagot sa 'kin ni kuya.

Bumalik ako sa taas at pumunta ng kwarto ni Basty. Nakabukas ng kaunti ang pinto ng kwarto niya.

"Pagbalik ko, tsaka na natin pag-usapan ang mga yan Dennise."

Napahinto ako sa pag-pasok sa loob ng marinig ang pangalan ni Dennise. Nakatalikod siya sa pinto at hawak ang cellphone niya. Nakasuot siya ng cargo short at white shirt.

"Okay, I'll meet you when I go back there." Aniya bago pinatay ang tawag.

Humarap siya kaya nakita niya ako sa may pinto.

"Mukhang mahalaga ang pinag-usapan niyo," Sabi ko tsaka lumapit sa kanya.

"Diba may project kami? Kailangan naming matapos yun para maka-graduate kami. Kailangan namin na mag-field study at si Dennise ang mag ga-guide sa amin since may alam na siya sa agriculture at doon siya grumaduate."

Tumango ako. "Saan kayo mag fi-field study?" Tanong ko.

"Sa farm nila Jade dahil maganda daw iyon sabi ni Dennise." Sagot niya.

"Tara na sa baba?" Aya ko sa kanya.

Tumango siya bago hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming bumaba. Sumapit ang pasok at nag-bigay kami ng regalo.

"Dad, merry Christmas! Gift ko po sa inyo." Binigay ko kay Daddy regalo ko na necktie.

"Thank you, Snow!"

Nakatanggap ako channel bag kay Daddy at isang hoodie blue couple jackets. Dalawa siya, isa kay Basty at isa sa akin.

"Isa lang din regalo ko sayo," Ani ko at binigay sa kanya yung binili namin ni Basty na Star Wars collection para sa kanya.

"Salamat, kapatid at sayo Basty!" Masaya niyang sambit ng makita ang regalo namin.

"Maya ko na bigay sayo yung sa 'kin," Nag-taas ako ng tingin kay Basty.

"Okay," Sagot ko.

Natapos ang pagbibigay ng regalo kaya sabay-sabay kaming kumain. Pati mga maids ay kasabay namin. Ganun talaga dito every Christmas and New year, dahil kahit maids ay mahalaga sa bahay namin.

After kumain ay magkaroon lang kami ng kaunting pagtitipon. Nagpapasalamat sa lahat dahil matatapos ang taon na buo kami at masaya. Umakyat kami ni Basty sa kwarto niya nang matapos naming i-celebrate ang Christmas.

"Here's my gift." Binigay ko sa kanya ang regalo ko.

Kulay na silver na Rolex watch ang regalo ko sa kanya. Noong isang araw ko binili bang sunduin namin si kuya para makauwi galing Hospital.

Ngumiti siya. "Thank you," Aniya bago binigay sakin ang pa-rectangle na gift niya. "Ito sa 'kin."

Nakangiti ako ng binuksan ko ang kamay ng regalo. Nang mabuksan ko ang regalo ay napatingin ako sa kanya.

"You like it?"

Bumalik ang tingin ko sa necklace na kulay gold. It has a diamond in the middle of it. Masaya akong tumango bago ko siya nikayap.

"Thank you," I whispered.

"Suotin ko sayo." Sabi niya at kinuha ang necklace bago pumunta sa likod.

Ina-angat ko ng kaunti ang buhok ko para masuot niya ang necklace. Humarap ako sa kanya ng matapos niya masuot sa 'kin ang necklace.

"You're so beautiful," He whispered.

I smiled at him. "Thank you." Nakangiting sambit ko.

Bumaba ang mukha niya at dinampian ako ng magaan na halik sa aking mga labi. I smiled between our kisses before I kissed him back.

He pulled away from our kisses. "Merry Christmas," Bulong niya.

"Merry Christmas, Basty." Niyakap ulit siya.

I'm happy that I celebrated my Christmas with him. This is our first Christmas together.

"Dito ako matutulog," Sabi ko.

"Mamaya mahuli tayo ng Daddy mo."

"Tulog na si Daddy, kaya wag kang mag-alala." Ani ko.

Ngumisi siya bago kinurot ng mahina ang pisngi ko. "See? Ikaw talaga ang unang pang gagapang sa ating dalawa."

Inirapan ko siya. "Oh, sige sa kwarto ko ako matutulog ngayong gabi."

Bumitaw ako at nag-lakad paalis ng buhatin niya ako at nilagay sa kama. He went on top of me.

"Nagbibiro lang ako, eh." Malambing niyang sabi ako bago hinalikan sa labi.

I kissed him back and encircled my arms around his neck. Bago pa lumalim ang pag-hahalikan namin ay siya ang unang bumitaw. Pareho kaming hinihingal.

"Matulog na tayo," Bulong niya at humiga sa tabi ko bago ako kinabig papalapit sa kanya.

"I love you," Bulong ko.

"I love you more." He whispered before he kissed my forehead.