Chapter 28: True Love

Bagong araw, bagong buhay, may bago na namang pag-asa. Iyon ang nasa isip ni Jopay nang maiparada ang kotse sa harap ng rest house ni Dominic sa Santa Clara. Doon muna siya pinatuloy ng mag-asawa. Ayaw man niya ay iniwan niya muna ang kambal sa pamilya niya. Nagiguilty siya pero kailangan niya muna ng kaunting time. Isang linggo na muna nang tumira siya roon pero tuwing gabi ay hindi naman siya nakakalimot na dumalaw sa mga anak. Ibang kotse na muna ang gamit niya para masigurong hindi siya masusundan ni Apollo. Napahawak siya sa tiyan kahit wala pang umbok. Dalawang buwan na buntis na siya sa anak nila ng minamahal na binata.

Inihanda na niya ang mga pinamili. Hindi niya alam, pakiramdam niya bigla ay bagong tao na siya. Nasasaktan pa rin siya pero tanggap na niyang hindi sila nagkatuluyan ni Apollo. Siguro ay may nakatakda pa rin naman sa kanya. Hindi na siya naghahanap dahil thankful naman siya dahil kahit sandali ay naranasan niyang maging masaya sa romantikong paraan. Nagluto siya ng maraming pagkain para dalhin mamaya sa bahay ng pamilya niya. Pagkakain ng tanghalian ay umupo siya sa couch para umidlip pero nagising siya sa pagtawag ng katiwala ng bahay. “Bakit po?”

“May naghahanap sa inyo, ma’am.”

“Sino raw po?”

“Hindi ko po kilala, ma’am. Mga babae po eh,” anito.

“Sige po.” Saglit niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin at nakitang maayos naman siya. Lumabas na siya pero nang buksan niya ang gate ay natulala siya sa nakita. Naroon ang mga asawa ng Santiago Brothers. “P-paanong?”

“Hindi na mahalaga iyon. Nakita ka rin namin,” nakangiting sabi ni Tiffany.

“B-bakit?”

“Alam mo, Jopay, napakabait niyang si Apollo,” sabi naman ni Belle.

“Seryoso siyang tao pero hindi siya masungit katulad ng asawa ko,” sabi ni Charina.

“He may seem uninterested, but he was one of the most selfless people I know,” nakangiting sabi ni Lisa.

“Dahil malayo siya sa kapatid niya sa Italy ay siya na ang tumayong kuya ng mga asawa namin,” sabi naman ni Dorothy.

“Lagi siyang nakasuporta kahit napakalayo niya, kahit napakabusy niya, you can count on him anytime,” sabi naman ni Belle.

“Sabi nina Nanay Vicky at Tatay Tiyago, magaling magtago ng emotions si Apollo. Pero nagtataka ako kasi napaka-transparent niya ngayon,” sabi ni Natalia.

“He looked so depressed. I’ve known him since I was in college. Ngayon ko lang siya nakitang sobrang malungkot at problemado,” sabi naman ni Pamela.

“Please come with us, and make our king smile again,” sabay-sabay na sabi ng mga ito.

“T-teka,” tanging nasabi niya nang sabay-sabay na hilahin siya ng mga ito pasakay sa isang van. Sa pinakaunahang hanay siya pinaupo ng mga ito sa tabi ng isang may edad na babae. Tinabihan siya ni Tiffany para daw hindi siya makatakas.

“Sa wakas, nakilala ko na rin ngayon ang babaeng nagpangiti sa panganay namin ni Tiyago. Ako nga pala si Nanay Vicky,”

“Hello po,” aniya at napangiti nang magsimulang magkuwento ito tungkol sa nag-iisang lalaking minahal niya.

MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Jopay nang maiparada ang van sa tapat ng bahay ni Apollo sa Santuario. “Ayoko muna,” sabi niyang kinakabahan.

“It’s now or never, Jopay,” sabi ni Tiffany.

“Go, get your man,” tili ni Lisa na sinang-ayunan ng lahat.

“I’ll try,” sabi na lang niya. Hinila siya ng mga ito papasok sa gate at umikot sila sa gilid para sa backdoor sila dumaan. Nang naroon na sila ay isa-isang nagbeso-beso ang mga ito sa kanya at umalis na. Hindi niya alam ang gagawin doon pero narinig niya ang tawanan na nanggagaling sa komedor. Sumilip siya sa dirty kitchen at nakita ang isang grupo ng mga lalaking nag-iinuman. Naroon ang may-edad na lalaki na unang beses niyang nakita. Pinakinggan niya ang usapan ng mga lalaki.

“Pero, ‘Tol, aminado ako na ikaw talaga ang pinakahabulin sa amin eh,” sabi ni Alessandro habang pabirong dinuduro si Apollo.

“Biruin mo, iyung niligawan ko, binasted ako dahil gusto raw niya sa mysterious type. Hindi pa ba ako mysterious? Sa gwapo kong ito.”

Tinadtad ito ng mura ng mga kaibigan. “Sa daldal mong iyan, ninja turtle, nagtaka ka pa,” tumatawang sagot ni Lucas.

“Pero seriously bro. Ikaw lang ang walang record ng maraming babae sa atin,” sabi ni Leandro.

“Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinsulto,” sa wakas ay nagsalita si Apollo.

“You were faithful to Gwen, ‘Tol, no question,” sagot ni Isaac.

“We saw how you gave yourself to her. Minsan ka nga lang siguro magmahal pero sobra-sobra,” sabi naman ni Jaime.

“And for that, you gained my respect,” sabi naman ni Vladimir.

“Pero seryoso, ‘Tol, after your relationship with Gwen, you never had a serious one again,” sabing muli ni Alessandro.

“But when you met, Jopay, para ka nang ewan. Para kang naging teenager. Nawala ang Apollo na walang emosyon eh, napalitan ng bago. Ang daming humabol at nagpahabol sa ‘yo pero si Jopay lang ang hinabol mo,” sabi ni Donatello sa tonong nanunukso.

“Yes,” balewalang sagot ni Apollo.

“Mahal mo naman siya, hindi ba, anak?” Narinig niya na ang boses ng may edad na lalaki.

“Mahal na mahal po, tatay,” sagot ni Apollo.

“Pero paano iyan, may anak na si Jopay eh. Handa ka bang marinig ang comments ng ibang tao.”

“I don’t care about them. Si Jopay lang ang mahalaga sa akin. I love her so much.”

“Puntahan mo na ang babaeng mahal na mahal mo at malamang ay humahagulgol na,” sabi ni Leandro.

Doon na nagkantahan ang mga ito. “Jopay, kumusta ka na. Si Mat-Mat kasi nalulungkot, miss na miss ka na.”

Sukat doon ay napahagulgol na si Jopay. Nagkatunog na iyon hanggang sa namalayan niyang basang-basa na ng mga luha ang mukha niya. Naglakad siya papunta sa hammock at umupo doon habang nakatanaw sa buwan at mga bituin. Narinig pa niya ang sinabi ng iba habang papalayo siya.

“Hey,” sabi ni Apollo kaya napalingon siya rito.

“I hate you,” sabi niya sa pagitan ng paghikbi. Nag-alala siya dahil makapal na ang stubbles nito kahit bagay na bagay naman dito. Bahagya ring pumayat ito at mahaba na ang buhok.

“I know and I’m sorry, babe,” sabi nito at umupo sa tabi niya.

“But I love you,” sabi niyang lalong umiyak. “I love you so, so, so much kahit niloloko mo ako.”

“I know,” sabi nito at niyakap siya nang mahigpit.

“Kapal mo! Dahil sa ‘yo naging iyakin ako bigla,” sabi niya at tumitig dito. Wala siyang mabasang emosyon dito.

“I’m sorry, babe. Dahil sa ‘yo nakaramdam ako ng mga emosyong akala ko hindi ko na mararamdaman. I love you, too, babe, so, so, so much. Alam ko, hindi ako gaanong showy pero sana kahit paano naramdaman mong mahal na mahal kita.”

“Damang-dama ko. Feel na feel ko nga kaya nagdadrama ako dito. Ako namang marupok eh hindi matiis na hindi ka yakapin nang ganito at halikan nang halikan,” aniya at niyakap ito nang mahigpit at pinaliguan ng halik sa buong mukha. “Mahal na mahal na mahal kita, Apollo! Kaya lang naman ako laging pumupunta para guluhin ka kasi ayokong magkagusto sa ‘yo. That way, masasanay ako na maging friend ka at automatic na mawala iyung feelings ko. Pero lalo akong na-inlababo eh! Mag-topless ka ba naman at halik-halikan ako, sino ba namang hindi maaakit? Hindi ka makatao eh!”

“Bakit?”

“Ang perfect mo masyado!”

“Silly girl! You always make me laugh. That’s why I love you so much.”

“Ano ako, mukhang clown?” Umiyak na naman siya kaya nainis siya nang umalug-alog ang mga balikat nito. Tinampal niya ito pero nagulat siya nang makitang kahit tumatawa ito ay namamasa ang mga mata nito.

“You are the most beautiful girl I have ever seen. I love you like I have never loved before. This is the second time I fell in love, and it was more than I expected. Let me explain, babe,” anito saka nagpaliwanag at muling inilabas ang mga ebidensiya.

“You’re so stupid, Apollo Matteo!”

“I know, love, I know. I’m a coward,” sabi nito at muli siyang niyakap. “See this,” anito at itinuro ang gilid ng mga labing may maliit pang peklat at marka ng pasa. “Leandro punched me. Groggy pa ako dahil sa epekto ng pampatulog.”

“That bitch!” Gusto niyang sabunutuan ang eksenadorang Imee na iyon.

“Yeah. I know she’s a nuisance so I decided to halt the business deal with her. I promise to be faithful to you and not give you any reason to get jealous. I promise to love you and the twins with all my heart.”

“Pero sino muna pala iyung Gwen, Mat-Mat?”

“My first love, my first girlfriend. Oh huwag kang magselos,” mabilis na sabi nito nang mapansing naging seryoso muli ang hitsura niya. “Matagal nang tapos iyon. She’s happily married. We parted ways amicably, a mutual decision, all is cool.”

“Thank you so much, Apollo! I promise to love you with all my heart, with all my soul, with all my life. Charot! Pero promise love na love na love na love kita. Sa guwapo at macho mong iyan, hindi ka na dapat magtaka,” biro niya na ikinatawa nito saka siya siniil ng halik. Lumalim pa iyon at maya-maya ay nadama niyang nakahiga na siya sa hammock at nakaibabaw ito sa kanya.

“Ay may bold,” tili ng lalaki. Pagtingin nila ay naroon sina Donatello at Alessandro iyun na nasubsob pa mula sa pinagtataguang halaman.

“Putsa ka talaga, Donatello, tsismoso ka talaga,” sabi ni Alessandro.

“Hindi namin nakita ang nangyari,” sabay-sabay na sabi ng mga ito.

“Sige na, ituloy niyo na nga muna ang kissing scene,” nakangising sabi ni Leandro.

“‘Tol, you owe us and our wives,” malakas na sabi ni Jaime.

“Oo na, lumayas na kayo,” sigaw ni Apollo.

“Magluluto na ako ng spaghetti,” sabi ni Jopay kaya naghiyawan ang mga ito na ikinatawa nila.