Chapter 26: Confused, Curious, And Clueless
Tunog ng cellphone ang nagpagising kay Lisa. Nang makita niyang unknown number iyon ay pinag-isipan niya pa kung sasagutin iyon. Dala ng kuryosidad ay sinagot niya pa rin iyon. “Hello?”
“Lisa?”
“Yes. Who’s this?”
“Si Christian ito.”
“Christian? Christian, ikaw na iyan? Kumusta ka na? Nasaan ka na?”
“Relax. Kararating ko lang sa Santiago. Pupunta dapat ako sa inyo pero hindi ko sigurado kung nandoon ka kaya hiningi ko kay Rex ang number mo. Magkikita kami mamayang hapon. Tara!”
“Go ako diyan!” Saglit pa silang nagkuwentuhan. Nang matapos ang tawag ay nakita niyang gising na si Alessandro. “Good morning, fiance ko,” sabi niya at yumakap dito. Hindi ito sumagot o gumanti man lang ng yakap. Nang tingnan niya ito ay nakita niyang nakakunot ang noo nito at nakasimangot. “Masama ang gising ng pogi,” sabi niya at kiniliti ito pero hindi man lang tuminag. “Ay hindi siya nakikiliti. Subukan ko nga dito,” aniya at pinaglaruan ang ibabang bahagi nito.
“Stop that,” anitong nakasimangot pero halatang naaapekuktuhan. Maya-maya ay umuungol na ito na halatang naaapektuhan.
“I don’t want to stop,” she said and rubbed it faster. She grinned at his swift reaction.
“L-lalabasan na ako, Lisa. P-please tumigil ka na,” sabi nitong habol ang hininga habang nakapikit nang mariin.
“I want you to come.” She kept moving her hand until he spilled his juices. “Malagkit,” nakangisi niyang sabi habang pinagmamasdan ang kamay at ibabang braso niyang natalsikan ng katas nito.
Dumilat na ito at nakangisi na sa kanya. “You tease. You’ll pay for this,” anito at bumangon saka siya binuhat papunta sa banyo. Gumanti nga ito at hindi siya tinigilan hanggang muling mag-isa ang kanilang mga katawan. Karga siya nito habang nakapaikot ang mga binti niya sa katawan nito. “Move, baby,” he said and she did. Seconds later, the bathroom was filled with their loud moans as they did it in total abandon.
NAPAMURA lang si Alessandro nang maramdaman ang tansan ng beer na tumama sa pisngi niya. Hapon pa lang ay nasa The Sanctuary na siya sa Santuario de Santiago. Umalis si Lisa at sinabing makikipagkita kay Christian. Hindi na siya mapakali at gusto niya na itong puntahan. “Ano ba?”
“Bad mood,” sagot ni Donatello at tinapik na lang siya sa balikat.
“Shit!” Tumayo na siya at nagdesisyon na puntahan si Lisa. Nang i-text niya ito ay agad din itong nag-reply kung nasaan ito. Naroon daw ito sa dati nilang paaralan sa likod ng college building at kausap ang kaibigan nito. Akala niya noong una ay si Rex ang kausap nito kaya nakahinga siya nang maluwag pero nang sabihin nitong si Christian ang kasama ay pinalipad na niya ang kotse papuntang paaralan.
Pagdating niya roon ay agad niyang ipinarada sa parking lot ang kotse niya at pumunta sa gate. Inilabas niya ang alumni card niya at agad naman siyang pinapasok ng security guard. Mabilis na siyang naglakad papuntang college building at dumiretso likod niyon. Nakatagilid ang mga ito sa kanya at magkayakap. Narinig niyang nagsalita ang lalaki. Umiiyak na si Christian. “Lisa, hindi ko pala talaga kaya.”
“May pag-asa ka pa. Hindi ko rin kayang nakikita kang umiiyak.”
Nang maghiwalay ang mga ito ay nakatitig pa rin ang mga ito sa isa’t isa. “Thank you very much, Lisa,” sabi nito at hinalikan sa noo ang nobya niya. Muling nagyakapan ang mga ito kaya bago pa siya makita ng mga ito ay mabilis na siyang tumalikod at umalis ng paaralan.
NAGHIWALAY sa pagkakayakap sina Lisa at Christian. “Okay ka na ba?” Nag-aalala siya sa kaibigan. Alam niyang muling nagkita ang kaibigan niya at ang isa pa niyang kaibigan na si Charice. Hindi naman nagkuwento ang lalaki pero may clue siya sa namamagitan sa dalawa.
“Oo, okay na ako. Pasensya na. Napakaiyakin ko pa rin,” natatawang sabi nito.
“Okay lang iyan. Ibig-sabihin mahal na mahal mo si Charice. Ang tagal ka nang hinihintay ng tao akala mo diyan. Dapat lang sigurong umiyak ka diyan dahil lagi mo na lang siyang sinasaktan. Puntahan mo na ngayon na! Ten years na kayong naghahabulan. Huwag mo nang hintaying makarating pa siya sa Japan bago kayo mag-usap dahil baka mas mahirapan ka pang mapabalik siya sa ‘yo.” Tinapik niya muna ito sa balikat. Tumango lang din ito at muling nagpasalamat bago tumakbo palabas ng paaralan.
Nang makarating si Rex ay sinabi nitong nakasalubong ang kaibigan nilang umiiyak at nagmamadaling sumakay ng kotse. Nang magtanong ito ay sinabi na lang niyang bawal munang ikuwento. Wala din siyang karapatang magkuwento kahit bestfriends silang tatlo dahil iginagalang niya ang privacy ng mga ito. Tumango lang din ito at sinabing hihintayin na lang magkuwento si Christian. Nagkayayaan na lang din sila sa The Sanctuary dahil may tugtog ito doon sa gabi. Eksaktong pagdating nila doon ay gabi na kaya nagdesisyon siyang tawagan si Alessandro nang makasakay ng kotse niya.
“Hello, mahal kong fiance,” aniya nang sagutin nito ang tawag.
“Yes?” Walang gana itong magsalita.
“Ang sungit mo pa rin. Pasalamat ka mahal na mahal na mahal kita. Pupunta kami ni Rex ngayon sa Santuario dahil may tugtog sila. Pwede bang sa bahay mo na lang doon muna tayo mag-overnight?”
“Sure. Nandito na naman ako. May kasama ka ba sa kotse?”
“Ako? Wala. Wait lang.” In-off niya ang tawag saka siya tumawag sa messenger nito para mag-video call. “Iyan, nakita ko na ang pogi. Bakit umiinom ka? Ang aga pa ahh!”
“Wala naman. Patingin nga sa kotse mo.”
“Ito oh,” aniya at iginalaw ang cellphone niya pati backseat ay ipinakita niya. Doon nawala ang pagkakakunot ng noo nito at ngumiti. “Hay ngumiti ka ulit mabuti naman at may kiss ka sa akin mamaya.” Ngumiti lang muli ito at sinabing mag-ingat siya sa biyahe. “I love you.”
“I love you, too,” nakangiti pa ring sabi nito.
“Ang pogi,” tumitiling sabi niya na ikinatawa lang nito. Nang makarating siya sa Santuario ay naroon nga ito sa The Sanctuary at nakita niyang marami nang nainom na beer ito. Namumula na ang mukha nito pero halatang kaya pa nito. Mataas ang alcohol tolerance nito pero inawat na niya ito. Tumigil din naman ito at pumunta na sila sa bahay nito. Nang makarating sila ay wala na silang hinintay na sandali. Agad naghinang ang mga labi nila nang makapasok sila sa loob ng bahay nito at ilang beses na nagsanib ang mga katawan nila na parang walang kasawaan hanggang makatulog sila pareho. Nang magising siya ay agad siyang nagluto ng almusal dahil hindi siya nakakain nang nagdaang gabi. Nakangiti niyang pinagsilbihan ito pagkagising nito at pagkatapos ay buong araw na ipinaramdam nila sa isa’t isa ang init na ayaw matupok. Iyon na ang kanilang naging routine hanggang sa magdesisyon na silang bumalik sa Santiago at tumira na sa condo unit nito. Ilang araw na lang at ikakasal na sila.