Chapter 28: Another Betrayal

Dalawang linggo nang kasal sina Lisa at Alessandro at wala naman siyang reklamo dito. Asikasong-asikaso nila ang isa’t isa at mas naging malambing pa siya rito sa hindi niya malamang dahilan. Pagkamulat niya ng mga mata ay nakita niyang may missed calls doon si Christian kaya tinawagan niya ito habang ginagawa niya ang morning rituals niya sa banyo. Iniwan na lang niyang nakaawang iyon para malaman niya kung gising na ang kanyang asawa. Sabado iyon at nagbabawi ito ng tulog kaya aasikasuhin niya ito buong araw. “Hello, bestfriend.”

“Hello, Lisa,” masayang bungad nito.

“Alam ko na kung bakit!” Impit pa siyang tumili nang magkuwento na ito tuwang-tuwa siya sa nalaman. Kasama na raw nito si Charice at nagyaya na magkita sila sa hapon. “Sige! Yayayain ko ang asawa ko para magkita-kita tayo. Na-miss ko na talaga si Charice ha.”

“Sige. Thank you talaga, Lisa. I love you,” anito sa tonong parang nagpapasalamat lang sa isang kaibigan.

“I love you, too, Christian,” sabi niya at tinapos na ang tawag. Paglabas niya ng banyo ay nakita niyang tulog pa rin ang asawa kaya lumabas na siya ng kuwarto at nagluto ng almusal. Nang makaluto siya ay sumilip na siya sa kuwarto at nakitang gising na ang asawa. “Magandang umaga, mahal kong asawa.”

“Morning, misis,” nakangiting sabi nito at hinila siya patabi rito. Agad siya nitong hinalikan nang mariin.

“Ang aga pa ha,” sabi niyang napairap pero pinagbigyan din ang asawa. Nang matapos ang morning session nila ay agad itong bumitaw sa kanya at dumiretso sa banyo. Wala man lang kiss o yakap pagkatapos. Nagtaka na siya pero mukhang nagmamadali lang ito. Nang makalabas ito ng banyo ay nakangisi na ito.

“Isa pa ulit, misis.” Iyon lang at muling naghinang ang mga labi nila at nagsanib ang mga katawan nila hanggang matupok sa init. Nang matapos sila ay nakayakap pa rin siya sa hubad na katawan nito.

“Les?”

“Bakit?”

“Magkikita kami ni Christian kasama ang fiancee niya pati si Rex at iyung girlfriend niya. Punta tayo ha.”

“Naku, misis, may kakausapin akong client mamayang hapon eh. Pasensya ka na ah.”

“Sige. Ako na lang muna ang makikipagkita sa kanila kung okay lang sa ‘yo.”

“Okay na okay lang. May tiwala naman ako sa ‘yo. Dito na lang tayo mag-dinner ha.”

“Oo naman,” aniya at lalo pang sumiksik dito.

NAGDESISYON si Lisa na sa The Sanctuary sa Santiago na lang sila magkita-kita para malapit lang sa condo unit nila ni Alessandro. Pumayag naman ang mga ito. Para lang silang bumalik sa kabataan nila nang magkita-kita. Noon niya pa lang nakilala ang girlfriend ni Rex na agad niyang nakasundo. Dumating na sina Christian at Charice pagkalipas ng ilang minuto. “Hay nagkatuluyan din kayo,” natatawang sabi niya.

“Oo nga eh. Ang hirap habulin nitong Charice ko,” nakangiting sabi ni Christian at umakbay sa nobya. “Pasensya na at hindi kami naka-attend sa kasal niyo ni Alessandro. Alam mo naman itong fiancee ko, nagbabawi eh.”

“Ang kapal!” Nanlalaki pa ang mga matang tiningnan ito ni Charice na ikinatawa nilang lahat.

Ilang oras pa silang nagkuwentuhan hanggang magsabi siya na kailangan na niyang umuwi dahil may usapan silang mag-asawa na sabay maghahapunan. Nag-text muna siya kay Alessandro na pauwi na siya bago sila nag-set magkakaibigan kung kailan pwedeng magkita kasama na ang asawa niya. Excited na excited na siyang makauwi at makita ang asawa. Mas lalo siyang naging clingy sa kanyang asawa. Pero nang maiparada niya ang kotse sa basement ng condominium ay bigla ang pagsalakay ng hindi niya maipaliwanag na kaba. Muling nag-text si Alessandro at tinanong kung nasaan na siya. Sinabi niyang nasa basement na siya at kapaparada pa lang ng kotse. Nang makarating sa tapat ng pinto ng condo unit nito ay parang lalo siyang kinabahan kaya mabagal niya pang inilagay ang password sa biometrics nito at pinihit ang doorknob.

Pagpasok sa loob ay may narinig na siyang kakaiba na nanggagaling sa guestroom. Bahagyang nakaawang ang pinto niyon kaya lumapit siya. Parang bumalik ang pamilyar na kaba sa kanya sampung taon na ang nakakalipas. Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto at para siyang itinulos sa kinatatayuan. Si Alessandro, naka-boxer shorts lang at walang pang-itaas. Hinahalikan ng babae ang leeg nito. Nang mapatingin ito sa gawi niya ay parang sinadya pa nitong lakasan ang pag-ungol. “More baby. Can you suck my cock?”

“With pleasure,” pilyang sabi ng babae.

“Do you want to join, wife?” Nakangisi pa ang asawa niya nang magtanong sa kanya. Pinigilan nito ang babae sa akmang pagbaba ng boxer shorts nito.

“Hindi ka pa pala nagbabago.” Hindi niya na naiwasan ang pagpatak ng mga luha. “Ang tanga ko talaga para maniwala sa mga pangako mo.”

“Get out now,” sabi ng lalaki sa babae at kinuha ang wallet sa pantalon nito at inabutan ng ilang lilibuhin.

“Thank you, sir,” humahagikgik na sabi ng babae na tinanggap iyon at nagmamadaling lumabas ng condo unit nila.

“Why are you crying?” Hindi niya alam kung nag-aalala ba o sarkastiko ang tono.

“S-sana h-hindi k-ka na lang ulit lumapit. H-hindi mo pala ako kayang mahalin. A-akala ko pa naman m-m-mahal mo ako.” Bigla na siyang napahagulgol at napaupo sa sahig.

“My God,” narinig niyang sabi ng asawa niya at binuhat siya papunta sa kama.

“H-hanggang ngayon ba kulang pa rin ako? Bakit ka ganyan? Mahal na mahal kita pero lagi mo akong sinasaktan. Ako kahit ilang beses mong sinaktan, hindi ko kayang saktan ka. Mas mahal pa kita kesa sa sarili ko.”

“Mahal kita. Mahal na mahal kita,” sabi nito habang pinupunasan ang mga luha niya saka siya niyakap nang mahigpit.

“Pero paulit-ulit mong ginagawa ito. Tinanong kita sa rest house mo sa Estrella pero ikaw ang nagpipilit na pakasalan ako at nangako ka pa.”

“I love you. I really do.”

“Pero bakit?” Umiwas ito ng tingin sa kanya at tatayo na sana pero pinigilan niya. “Please answer me.”

“Love and l-lust are m-mutually e-exclusive.”

Ilang minuto niyang pinakatitigan ito. Ito ang unang nagbawi ng tingin. Malaking dagok pala iyon sa pagkababae niya dahil para siyang naging gulong ng kotse nito na pumutok at nangangailangan ng spare tire. “I s-see.”

“B-baby…”

“Dito na lang muna ako matutulog. Maghiwalay na muna tayo ng kuwarto.”

“M-misis ko.”

“Naiintindihan ko na. Thank you for making me feel so small, dirty, and unwanted.” Muli na siyang nagsalita nang hindi nakatingin dito. “Magpasalamat ka at naaawa ako sa ‘yo kung hindi uuwi ako sa amin at ibibigay mo ang natitira mong shares kay daddy.”

“H-he already scrapped the contract. H-he returned my shares last week.”

“Kaya pala,” sabi niyang marahang tumatango.

“I’m sorry,” anito at muling tumabi sa kanya.

“No need,” aniya at hindi pa rin tumitingin dito.

“P-please look at me.”

“Just get out of my sight, Alessandro Borromeo.” Hindi pa rin niya tiningnan ito hanggang lumabas ito ng kuwarto. Hindi na siya naghapunan kahit ilang beses itong sumilip sa kanya. Basang-basa ng mga luha ang mukha niya nang makatulog siya. Nang magising siya ay hatinggabi na. Gutom na gutom na siya kaya nagdesisyon siyang bumangon. Sa tingin niya ay tulog na ang asawa niya. Pero paglabas niya ng kuwarto ay naroon ito at nakaupo sa sala habang nakatingin sa kisame.

Tumayo ito at hinila siya papuntang kusina. Hindi niya na lang pinansin ito. Pinilit pa nitong umupo siya saka ito naghain ng hapunan niya. Hindi na sila nagkibuan hanggang matapos siya at bumalik sa kuwarto nila. Nakita niyang napangiti ito at pumasok na rin sa kuwarto. Dumiretso na siya sa banyo at naligo. Nang lumabas ay dumiretso siya sa cabinet at kumuha ng ilang damit. “M-misis?” Ayaw na niyang makausap ito kaya walang lingon na lumabas siya ng kuwarto at pumasok sa guestroom.