Chapter 17: Another Kiss
It was a mundane Monday morning. Busy na naman si Belle dahil last day na sa office si Leandro. Next week na ito babalik although magiging on call pa rin ito for urgent concerns. She loved the fact that he really trusted her. And she loved it more because she had a lot of things to be busy with. She was tired of crying all night after strumming her guitar while singing her theme song for him. Her heart was still breaking, and she had no idea when she could start healing and moving on. She wanted to, but her other side was too stubborn to listen to logic. She did not want to move on for she did not want to forget him.
Lalo siyang nagmumukhang pathetic sa ginagawa niya pero nahihirapan siyang kalimutan ito. Paano ba naman niya magagawa iyon? Kahit dalawang buwan lang sila nagsama ay damang-dama niya ang pagpapahalaga nito sa kanya. She had so many memories with him to cherish for the rest of her life. And she knew for sure that even if her hair turned gray, she would go back to the days she was with him. Isaac was her one great love. But he was the love that never was. And for that, she wanted to hate him. In fact, she did, but it did not last long. She could not stay angry with the one her heart had pined for more than a decade. It was just so sad that her love for him has been unrequited after all these years. Because for two months, they have been together. For two months, they were so close. But at the end of it all, they remained poles apart.
Hayun sa pagmumuni-muni niya ay may ilang patak ng pasaway na mga luha ang kumawala sa kanya. Mabilis niyang pinahid iyon at bumalik sa trabaho. Dalawang Linggo na niyang hindi nakikita si Isaac. Kumusta na kaya ito? Nag-aalmusal ba ito? Paano kaya ito kumakain ng tanghalian? She shook her head in irritation. She had to stop because she had tons of things to do. Not a minute later, she was already busy.
"Hi," narinig niyang bati ng isang babae. Nang mag-angat siya ng tingin ay namangha siya rito. Para itong leading lady sa mga James Bond films. Wala siyang masabi rito kaya para siyang fan na na-starstruck. "Miss, are you alright?"
"Ahh y-yes. I'm sorry. It's just that you're so pretty."
Mahinang natawa ito. "You're embarrassing me. But thanks. You're very pretty, too. Ano ka ba?" Nakangiting sabi nito at hindi naman ito tunog nambobola.
"Thanks, I guess," natatawa ring sabi niya. "By the way, do you need anything ma'am?" Sasagot sana ito nang marinig niya ang boses na miss na miss na niyang marinig.
"Frances."
"Oh Isaac, there you are," nakangiting sabi nito at humalik sa pisngi nito saka kumapit sa braso nito. She turned her gaze away because it pained her to see him with someone else. She had a feeling that if she looked at them even for a second, her eyes would give away her true feelings. She went back to the documents she was reading while trying so hard not to cry in front of them.
"We're meeting with the governor," seryosong sabi nito habang nakatitig sa kanya nang mag-angat siyang muli ng tingin. Hindi niya mabasa kung ano ang nilalaman ng mga tinging iyon. Ayaw na muna niyang isipin. Masyado pa siyang lulong sa kalungkutan at ayaw na niyang dagdagan pa iyon.
"Sure, Mayor. Governor Lagdameo is already here," aniya at nagpatiuna nang tumayo at binuksan ang pinto. Nauna nang pumasok ang babae pero si Isaac ay nanatili lang na nakatayo at nakatitig sa kanya. Kung hindi lang ito tinawag ni Leandro, hindi pa ito papasok. Inihatid niya ang mga ito sa loob ng opisina.
Nang maupo ang mga ito ay tinanong niya kung ano ang gustong inumin ng mga ito. "A glass of water will do, if it's not too much to ask," nakangiting sabi ng babae.
"Sure ma'am. How about you, mayor?" She was smiling the whole time and she wanted to give herself a trophy for being such a great actress.
"A cup of coffee."
"Ano pong timpla ang gusto niyo?"
"The one you used to make for me every morning and whenever I got home from work," titig na titig na sabi nito sa kanya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ng katapat na babae. Si Leandro naman ay nanatiling walang reaksiyon.
Ang lungkot at pait ay bahagyang napalitan ng inis. Gusto ba siya nitong hiyain at pagmukhaing isa sa mga babaeng dumaan sa mga palad nito? Totoo naman iyon pero kailangan ba nito iyong ipamukha sa kanya at sa harap pa ng boss niya at ng bagong girlfriend nito.
Tumalikod na siya at pumunta sa pantry. Nang nagbalik ay inilapag niya sa mesa ang mga inumin at mabilis na lumabas ng opisina.
Nagngingitngit ang kalooban niya habang nagtatrabaho. Bakit parang ito pa ang nagmamalaki gayong siya itong sinaktan nito nang sobra-sobra? Damang-dama niya pa rin ang awkwardness kaya gusto niya itong bigyan ng right hook para makabawi.
Maya-maya'y lumabas ito. Tumayo ito sa tapat niya pero wala naman itong ibang sinabi. Nang mailang siya ay siya na ang nagtanong. "What do you need, mayor?"
"Don't mayor me."
"I live in Santiago, therefore you're my mayor."
"One more mayor from you, I'll kiss you and make love to you, and I don’t care if we do it right here or there,” anito pagkatapos ay itinuro ang washroom.
"How vulgar! Ganyan ka ba kabastos ha, Isaac? May kasama kang babae tapos iniwan mo para lang sabihin ang mga iyan sa akin? Is that how low you can get? Ikaw pa talaga ngayon ang parang nagmamalaki ha,” aniya at bumuntong-hininga. Nanginginig ang mga kamay niya sa labis na tampo at pagkabuwisit dito.
"Belle," malumanay na sabi nito.
Tumayo siya at sinenyasan itong lumapit sa kanya bago ito binigwasan. Sapul ito sa kaliwang panga kaya bahagya itong napaatras. Gulat pa itong napatingin sa kanya. "What was that for? Masakit iyon ahh," naiinis nitong sabi habang sapo ang nasaktang panga.
"Sa tingin mo, bakit?"
"Alright, I'm sorry. I’ll go back inside Leandro’s office," mahinang sabi nito habang nakatitig sa kanya bago lumapit sa pinto ng opisina para lamang bumalik at pumuwesto sa gilid ng mesa niya. "But not without this," anitong nakangisi bago siya mabilis na siniil ng halik sa mga labi. Dahil sa pagkabigla ay nanatiling nakaawang ang mga labi niya na sinamantala nito para lalong palalimin ang halik. Ayaw man niya ay tumugon siya nang kusa rito hanggang sa mahina itong umungol. Habol nila pareho ang hininga nang maghiwalay sila. Hinapit siya nito at pinaliguan ng halik ang buong mukha at dinampian ng halik ang mga labi. "Still the best. Taste like honey," nakangiting sabi nito. Doon siya bumalik sa katinuan at ubod lakas na itinulak ito. Sasapakin niya ito pero mabilis itong nakalayo at natatawa pang nagsalita. "I missed kissing you. I missed you," anito at biglang naging seryoso ang tingin sa kanya bago muling pumasok sa opisina.
That felt like deja vu. Ilang beses silang ganoon na nagbabangayan pagkatapos ay maghahalikan bago siya nito aasarin na naman at pagkatapos ay tatalikuran. Ilang beses pa ba siyang dapat masaktan bago niya maintindihan ang kamalian? Isaac would tease her, kiss her, and have sex with her, but not love her. It was only a four letter word that he would never give her.
Mabilis siyang nagsulat ng note na babalik siya after fifteen minutes bago mabilis na naglakad papuntang washroom at doon ay muli na namang nagpakawala ng iyak sa loob ng isa sa mga cubicle.
Paglabas niya, mabilis siyang naghilamos at inayos ang sarili. Nang mapatingin siya sa kanyang wrist watch ay taranta siyang tumakbo papunta sa pinto at binuksan iyon para lang magulat nang mabungaran doon si Isaac. Nakatayo lang ito sa tapat ng pinto at nakasandal sa pader, titig na titig sa kanya."H-hoy! Bakit ka nandito. Pambabae 'to," natatarantang sabi niya kahit nasa labas lang naman ito. Parang biglang sumikip ang pasilyo palabas dahil sa presensiya nito. Pero sa halip na umalis ay nanatili itong nakatitig sa kanya at walang bakas ng pang-aasar.
"I'm not sorry that I kissed you earlier," he said.
"Hindi ko hinihingi ang sorry mo. Sige na kasi, alis na."
"But I have to do this," anito bago siya inisang hakbang at niyakap nang mahigpit. Ilang minuto siyang nakakulong sa mga bisig nito bago siya pinakawalan nito. Ang mukha naman niya ang ikinulong nito sa mga palad nito. "I'm sorry I made you cry again," he softly said. "I know I hurt you no matter how many times you say everything is fine."
"It's okay, Isaac." aniyang nakangiti rito, isa na namang pekeng ngiti. "Hayaan mo na iyon. Halika na, kanina pa tayo rito. Mamaya may makakita sa atin at isipin pang may ginawa tayong milagro rito," natatawang sabi niya at hinila na ito pabalik ng opisina.
Sakto namang palabas din sina Leandro at Frances kaya agad silang nakita ng mga ito. Maganda ang pagkakangiti sa kanila ng babae habang si Leandro naman ay nakangisi bago ito nagsalita. "There's a cctv camera there," turo nito doon. "Obviously, kitang-kita na pumasok kayo sa washroom. Makikita kung gaano kayo katagal na naroon," natatawang sabi nito.
"But, Gov, we did not do anything," defensive na sabi niya habang nakataas ang kanang kamay.
"Whatever," nakangisi pa ring sabi nito.
"Mayor, tell him we did not do anything!"
"I told you to call me Isaac," naiinis na sabi nito na nagpatawa kina Leandro at Frances.
"Hey, I got to go," nakangiti pa ring sabi ni Frances.
"I'll go back to work. Please, no more stunts in this building," naiiling na sabi ni Leandro bago pumasok sa opisina nito.
"Sige na, Isaac," aniya at bumalik na sa mesa. Hindi na ito kumibo.
"Got to go. Bye. Frances, I'm coming with you." Iyon lang at tinalikuran na naman siya nito at hinabol ang girlfriend nito. Naiwan na naman siyang nakatingin sa kawalan bago napabuntung-hininga. Maybe that was how it was supposed to end. It was only then she realized that he has always been an illusion, a dream she could never embrace, the love that vanished into thin air. She had to accept that she could never reach and have him. And she must start now.